"Class, we arrived." Panimula ng kanilang Adviser. Nakuha niya ang atensyon ng mga estudyante."Dito muna kayo sa labas. Wala munang hihiwalay ha." Isa isang naglabasan ang magkakaklase. Naiwan si Valkyrie at Brielle sa loob. Nakapatong ang ulo ni Brielle sa balikat ni Valkyrie. Makalipas ang ilang segundo napag desisyunan ni Valkyrie na gisingin ang kaniyang kaibigan. " Brielle." Panggigising ni Valkyrie kay Brielle habang niyuyugyog ng kaunti ang kaniyang balikat. Unti unting gumalaw ang dalaga. "Nandito na tayo."
Brielle's POV
Bumaba kami ni Valkyrie ng bus. Timecheck. Hapon na ng makarating kami, tanaw ko na ang asul na dagat na nasisinagan ng kulay kahel na ilaw mula sa araw. Ang sarap ng paghampas ng simoy ng hangin saking mga balat. Pagkababa namin, kita naming naguumbukan silang lahat sa isang sulok kaya nagsenyasanan kami ni Valkyrie na pumunta sa direksyon nila. "Kids, lahat ba nakabunot na?" Tanong ni Adviser namin, napakunot ang noo ko. Anong meron? Napatingin ako sa gilid ko ng tumabi sakin si Liam. "Anong meron?" Bungad ko.
"Pinabubunot kung sino ang magiging magkaroommate. One room is only required for 2 people." Kaniyang paliwanag. Kita kong narinig din ni Valkyrie ang aming usapan kaya itinaaas niya ang kaniyang kamay. "Ma'am, kami pong dalawa ni Brielle! Wala pa po kaming nabubunot." Lumapit samin yung adviser. "Ohh bunot na mga ineng. Pagkatapos nito, dumaretso muna kayo sa kwarto niyo at bukas natin sisimulan ang activities na magaganap." Naunang bumunot si Valkyrie. Kaya ako ang kumuha ng pinakalast na papel na nakatupi sa 1/4.
"Brielle, ano number mo?" Valkyrie. Napatingin ako sa papel ko. "Wait," Binuksan ko ang aking papel. "Room 21" Maikli kong sabi sa kaniya. "Haa??" Disappointed niyang sabi habang nakabusangot. Tiningnan ko yung kaniyang hawak hawak. Room 14 yung kaniya. Mahina akong napatawa. "Okay lang yan. Isang gabi lang naman ehh." Tinapik ko ang balikat niya pero lalo siyang sumimangot sakin. Expected ko na naman na hindi kami roommates mamaya. 40 students kasi kami. Tiningnan ko yung number ko. Sino kayang nakabunot ng isa pang room 21?
***
Nakahiga ako ngayon sa kama. Nasa room na ako, yung room 21 na nabunot ko kanina. Kasama ko namin ang roommate ko para sa ngayong gabi. "Ugh! Why is it so init here?!" Napairap ako sa reklamo ni Daisy. Init init, ang lamig na mga ehh. Arteng arte. Oo, si Daisy. Si Daisy ang roommate ko. Sa dinami dami ng taong pwede kong makasama ito pa talagang babaeng 'to na walang kasing sama ang ugali. "Ang init init na nga tapos makikita ko pa ang panget na 'to." Rinig kong bulong niya pero hindi ko ito pinagtuunan ng pansin.
"Ugly nerd" I didn't bother looking at her. Yung itsura ng room namin. Isang malawak na kwarto, at may dalawang kama tapos may dalawa ring mini table na lagayan ng gamit. May isa ring aircon, naka-16 degrees celsius pa nga kaya hindi ko alam kung bakit banas na banas pa rin 'tong si Daisy. "Ako ang binabanas sa presensya niya ehh." Isip isip ko habang salubong ang kilay habang tutok na tutok pa rin ang aking mata sa cellphone. "Ugly creature! Pansinin mo ko!" Dika kapansin pansin. Napatingin ako sa direksyon ni Daisy ng binato niya ako ng isang unan.
"Ano?!" Inis kong sabi. Nakapamaywang siyang humarap sakin. "I'm going to take a shower. Don't disturb me, okay?" Mataray niyang sabi, napairap ako. Walang nagtanong. Naghairflip siyang umalis sa harapan ko bago nagdaretso sa CR. "Tskk." Tumayo ako sa kama at nagdaretso sa pinto. Pagkabukas ko ng pinto, saktong nakita ko si Liam na papasok sa kwarto nila. Si Vladimir at Liam kasi ang nakabunot sa isa't isa. I know right, ang swerte. Katapat lang namin ang room ng boys. 20 rooms ang meron sa first floor tapos 20 rooms din sa 2nd.
Room 14 ang nabunot ni Valkyrie kaya nasa firstfloor siya, tapos kami nasa 2nd floor. "Pstt." Pagtawag ko kaya napatigil siya sa paglalakad. "Ano ginagawa niyo jan?" Tanong ko paglingon niya. "Walaa. Matulog ka na." Saad ni Liam at astang isasara ang pinto pero iniharang ko ang tsinelas ko. Nakasuot ako ngayon ng pantulog, white oversized t-shirt at blue cotton panjama, at syempre hindi mawawala ang salamin."Ayoko." Itinulak ko papunta sa gilid si Liam, napanganga siya pero hindi ko siya pinansin at isinara ang pinto.
Pagkapasok ko sa kwarto napatingin ako sa isang lalaking nakaupo sa kama habang nagvavape. Napakunot ang noo ko, "Yahhh. Student Council President, nagvavape. Seryoso?" Nilapitan ko si Vladimir. Nakasuot siya ng gray fitted sando at black panjamas. Napatingin siya sakin at tiningnan ako ng seryoso."What are you doing here? This is a boys' zone. You're not allowed here." Tiningnan niya ang direksyon ni Liam, nagkamot lang ito ng ulo. "How about you? Are you allowed to smoke?" Hindi niya ako sinagot.
"Brielle, may point naman kasi si Vladimir. May checking na magaganap mamaya. Baka magkaissue pa kapag nahuli ka rito!" Paliwanag sakin ni Liam habang namamaywang sa harapan ko, tinaasan ko siya ng kilay. "30 minutes pa naman, masyado kang OA." Inirapan ko siya. "Kung hindi ko lang talaga karoommate yung si Daisy. Kanina pa akong tulog, tskkk." Isip isip ko. Napatingin ako kay Vladimir ng bugahan niya ako ng usok. "May bisyo ka din palang lalaki ka ha," Tinanggal ko ang usok sa mukha ko na binuga niya, amoy blueberry flavor.
"This is just a stress reliever." Maikli niyang sabi, kita ng peripheral vision ko na umupo si Liam sa kaniyang kama. "Aba, naiistress ka rin pala?" Matalino kasi 'tong si Vladimir ehh. Tas siya yung taong parang kaya niyang ihandle lahat. Bagay siguro kung maglalaw school siya, pero STEM na kinuha niya ehh, parang pang HUMSS yun. "Of course. I'm a human after all." He answered while inhaling the vape. "Gawa ba yan ng issue nung dalawa?" Si Caspian at Xyvill ang tinutukoy ko. "Dalawa?" React ni Liam, tila naguguluhan.
Napatigil si Vladimir sa paghithit ng vape at tinitigan ako. Pagkatapos niya ako titigan, medyo nagtaka ako ng may weird question siyang tinanong. "Who do you think is more pitiful in their situation, Brielle?" he asked. He's asking kung sino ang mas kawawa. Si caspian ba na naloko ng girlfriend niya at bestfriend niya or si Xyvill na hindi maalam magexpress ng damdamin kaya niya nagawa ang bagay na yun. Medyo naiintindihan ko kasi si Xyvill, oo alam kong mali yung way niya pero iyon ang paraan niya para iexpress ang concern niya kay Caspian... para hindi siya mapapunta sa ganong klase ng babae.
Binasa ko ang aking labi at saglit na nagisip. Umupo ako sa gilid ng kama ni Vladimir bago sumagot. "None." Sabi ko. Napakunot ng noo sakin ni Vladimir. Tiningnan ko si Liam, mukhang curious sa nangyayari pero hininaan ko ang sunod kong sinabi. "No one's pitiful. Caspian is no longer a victim of a player. And Xyvill did what he thought was right." Unti unting napatango si Vladimir sakin. "You have a unique way of thinking, Brielle." Hindi ko alam kung genuine or sarkastik yung sinabi niya kasi naremain expressionless parin ang mukha niya. Isa din 'tong si Vladimir ehhh. Ang hirap din basahin.
"..Ids. Go back to your rooms. Gigising pa kayo ng maaga bukas" Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng Adviser namin sa harap ng pinto nila Liam. Kita kong nataranta rin si Liam pero si Vladimir kalmado lang, aba at nagawa pa niyang itago ang kaniyang vape na hawak hawak sa ilalim ng unan. Agad akong napatayo. "Sh**t!" Mahina kong sigaw. "Akala ko ba 30 minutes pa bago ang checking? Ni wala pa nga sa 10 minutes ohh!" mahina sabi ni Liam habang tumatayo sa pagkakaupo sa kama.
"Aba, kamalayan ko! Parang alam ko naman na mapapaaga ang checking nila ngayon?" Napatingin kami sa pinto ng may kumatok rito. "Mr. Bautista? Mr. Mendoza? Kindly open the door." Adviser. Nataranta na ako. "Magtago ka! Magtago kaa!!" Pabulong na sigaw ni Liam habang tinutulak ako papunta sa pinto. Ipinwesto niya ako sa kanan bago binuksan ang pinto. Sumandal ako sa pader dahil maiipit ako ng pinto. "Hi, Ma'am." Rinig kong masigla niyang bati. "We will just check your room, Hijoh." Pagkapasok ng adviser namin, agad siya nagpunta sa kama. Kaya nakatalikod siya sakin ngayon.
Agad akong nagulat ng hinila ako ni Liam at inilabas ng kwarto nila. "Dahan dahan!" Inis na bulong ko. "Bumalik ka na sa room mo!" Bulong rin niya bago agad na isinarado ang pinto. Napatingin ako sa gilid ng may makita akong ibang tao na nakasuot ng uniporne ng SIS. Mga guards! Agad akong pumunta sa pinto namin, pero bahagya akong nagtaka ng nakalock ito. Mapapatay ko talaga si Daisy! Hindi ko na ito kinalampag dahil maririnig ako ng mga teachers na nagchecheck sa room ng mga lalaki. No choice ako kung hindi magpunta sa tabing kwarto nila Liam. Mukhang tapos na rin ang checking dun ehh.
Napuntahan na kasi ito ng Adviser namin kaya imposibleng icheck ulit ito. Nagdiwang ako kaloob looban dahil bukas yung kwarto. *Creakk* Agad akong pumasok pero patay ang mga ilaw, mukhang tulog na ang mga nasa loob. "... ait, brad. Parang may nakita akong pumasok rito." Guard 1. Nataranta ako ng may boses na papalapit akong narinig. Sa sobrang taranta, pumunta ako sa isang kama at humiga bago nagtaklob ng makapal na kumot. *Creaakk...* Rinig kong unti unting bumukas ang pinto ng kwarto na pinasukan ko. Ipinikit ko ang aking mga mata, teka bakit parang may cologne akong naamoy? Panglalaki, tapos ang familiar. "... Brielle?"
Napatingin ako sa harapan ko ng may marinig akong tumawag sakin. "X-Xy?" Nauutal kong sabi. Mapupungay ang kaniyang mga mata. Sh**t. Ramdam kong unti unti ng nagiging kamatis ang mga pisnge ko. "Wala naman ehh." Guard 2. Rinig kong sabi ng panibagong boses. "Tara na nga. Baka namamalik mata ka lang." Guard 2. Nagtitigan kami ni Xyvill hanggang umalis yung dalawang guard. "Tanginaaa. Ang awkward, anong sasabihin ko?!!" Isip isip ko habang nakatingin parin sa kaniyang mga mata. Nang makaisip ako ng dahilan, astang magsasalita ako pero may narinig akong nagbukas ng pinto."X.. Xy--It's not what you t-"
Galing ata sa CR. Hindi kasi mula sa may pinto ang pinaglikhaan ng ingay. Ramdam kong nagbukas ang ilaw. Kaya lalo kong naaninag ng maayos ang mukha ni Xyvill, halos magkadikit na ang mga balat namin dahil nakikisiksik talaga ako sa kumot. "Xyvill. I'm done. You can take the shower." Halos nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang boses ni Noah. Nanlalaking mga mata kong tiningnan si Xyvill. Nakatingin lang din siya sakin at para bang hindi magproseso sa kaniyang utak kung bakit ako nasa kama niya. Si.. Si Noahh?! Roommate niya?!! Napakagat ako sa aking labi ng mariin. "No, I'm good." Maikli niyang sabi habang nakatingin parin sakin.
Nag-iwas ako ng tingin. "Ok," Pinatay na ni Noah ang ilaw kaya nagdilim ulit ang paligid. Ramdam ko siyang nagtungo sa kama niya at humiga na rin. Napatingin ako kay Xyvill ng inilabas niya ang ulo niya sa kumot, mukhang sinisilip niya si Noah. Ibinalik niya ang tingin sakin bago bumulong. "Let's wait a few minutes until he falls asleep." Bulong niya sa tainga ko. I nodded my head. "Are you saying something?" Medyo nagulat ako roon ng magsalita si Noah. Nakaharap kasi ang pwesto ko sa kama niya, tanging nagsisilbing taklob lang sakin ay kumot.
Ramdam kong agad na iniling ni Xyvill ang ulo niya. "No. None." Ng maramdaman kong nag-iba ng pwesto si Noah. Nakahinga ako ng maluwag. Napatingin ako sa direksyon ni Xyvill ng maramdaman ko siyang nagflich ng kaunti. Nanlaki ang mga mata ko. Ngangayon ko lang narealize... Bakit ngangayon ko lang narealize na topless siya?! Tiningnan ko ang kaniyang katawan, tanging puting panjama lang ang suot niya. At yum... Walong pandesal. Kahit nakita ko na yun dati, mas maganda talaga ang view kapag malapitan. Napasinghap ako ng maramdaman kong lumapit si Xyvill sakin. "Stop staring." Bulong niya ng mahina, ramdam ko ang mainit niyang hininga, namula ako.