"Brielle, tara! Tabi tayo sa bus!" Excited na sabi sakin ni Valkyrie habang hinihila ako papasok ng bus. Ngayon na yung class retreat namin, two days and one night. Pagkapasok namin sa loob, napahawak ako sa braso ni Valkyrie ng may tumabig sa balikat ko. Napatingin ako sa likod, si Daisy. Nakashades habang may nguya nguyang bubble gum. "Move away, Ugly Nerd. You're hurting my eyes." Maarteng sabi niya bago ako inirapan. Dukutin ko yang mga mata mo. Pinanood ko siya hanggang malampasan niya ako. Akala ko magiging masaya na ang class retreat dahil dalawang araw kong hindi makikita si Zayriel---Nakalimutan kong kaklase ko pala din 'tong babaeng 'to.
"Hoyy! Daisy!" Napatingin ako kay Valkyrie ng hinabol niya si Daisy at hinablot ang kaniyang kamay. Medyo nagulat ako run kasi ngangayon ko lang siyang nakitang ganito, yung itsura niya, mukha siyang war freak. Salubong na salubong ang mga kilay habang hinahawakan ang braso ni Daisy. Dahil sa sobrang pagkakashock ko sa ugali ni Valkyrie ngayon, nakinood na lang ako kagaya ng ibang estudyante. "Tsk. What do you want?!" Inis niyang sabi habang inaalis ang mga kamay ni Valkyrie sa kaniya, sarkastik siyang tinawanan ni Valkyrie. "What do I want? Magsorry ka." Seryoso niyang sabi kay Daisy.
Napaawang ang labi ko. She's now fighting back. Unti unting tumaas ang sulok ng labi ko. "Hahaha! Nasuspend lang ako ng ilang araw, nagtatapang tapangan ka na ngayon?" Seryosong tanong ni Daisy habang tinatanggal ang kaniyang shades at nakacross arms na hinarap si Valkyrie. Sinabayan ni Valkyrie ang tawa niya pero ang tawa niya may halos kasarkastikan. "Ehh ikaw? Nawala lang si Zayriel dito. Nagrereyna reynahan ka naman ngayon?" Tumatawang sabi niya, natahimik si Daisy. Unti unting nagsalubong ang kaniyang kilay at kuyom kamaong tiningnan ng masama si Valkyrie.
"Hmpt." Pinigilan ko ang tawa na gustong kumawala sa sistema ko. Ang priceless ng mukha ni Daisy, talagang apektadong apektado. Natahimik pa ehh. Napatingin kami sa unahan ng biglang nagsalita ang adviser namin. Nakasilip siya samin mula sa labas habang nakahawak sa handgrip na nakakabit sa gilid. "Girls? Bakit nakatayo pa kayo? Take your seat aalis na tayo." Saad niya samin. Tiningnan ko ulit ang direksyon nila Valkyrie. Umupo na si Daisy sa sa upuan bago kami lihim na tiningnan at inirapan. Hinila ako ni Valkyrie papaupo sa unahan nila Dash at Caspian, tapos yung nasa likuran namin ay si Vladimir at Xyvill.
Napatingin ako sa gilid ng may marinig akong humihikab. Nasa may bintana kasi si Valkyrie samantalang ako nasa kanan niya. "Ohh. *yawns* Good morning, Brielle." Bati sakin ni Liam habang naguunat. "Morning." Bored kong sabi. Napatingin ako sa gilid niya, katabi niya si Noah. Na nakatingin sakin. Agad akong nag-iwas ng tingin. "Ohh? F*ck. Kala ko pa naman ang ganda ng morning ko. Why did you sit beside me?" Rinig kong reklamo ni Liam kay Noah. Siguro tinabihan siya ni Noah habang natutulog. "We need to talk." Rinig kong seryosong sabi ni Noah. "But I don't want to talk to you!" Kita kong napalingon ang ulo ni Dash at Caspian sa direksyon nila.
Ina netong si Liam. Talagang pinapahalata na magkakilala sila ehh ano?? Minasahe ko na lang ang sentido ko. Kita ng peripheral vision ko na tumayo si Liam sa pagkakaupo bago kinuha ang gamit niya. "Vladimir, let's switch! Mas gusto ko pang tabihan si Xyvill." Sinilip ko si Vladimir, mukhang walang pakialam kay Liam. "Just stay, Liam. We f*cking need to talk." Natigilan si Liam saglit dahil sa kaserysohan boses ni Noah, kita kong napatingin siya sa direksyon ko. Hindi ko sila nilingon. At nagkunwaring walang naririnig. "Dude," Napatingin ako sa una ng tumayo si Dash. "Let's switch." Nakangiti niyang sabi. "Hindi kasi nagana ang air conditioner dito ehh."
Pagdadahilan niya. Wow, nahiya naman ako sa lamig, tapos gusto niya gumagana pati yung air conditioner. Pinanood ko silang magpalit ni Liam ng pwesto. Wala ng nagawa si Noah ng tumabi si Dash sa kaniya. Nagbuntong hininga na lang ako, at kinuha ang aking headphone sa bag, isinuot ko ito. Noah's getting curious. I think Dash is now doubting my identity because I remembered that Noah and Liam called me 'Aza' before. Inang yan, dami daming pasakit sa ulo, napahikab ako ng makaramdam ako ng antok. Ipinikit ko ang aking mga mata. Hinayaan ko ang sarili ko na lamunin ng antok.
Third Person's POV
"Kala ko ba hindi kayo magkakakilala?" Napamulat ang mga mata ni Liam at tiningnan ang kaniyang katabing si Caspian na naglalaro ng COD sa cellphone. Matutulog sana ang binata pero bigla siyang tinanong ni Caspian na nakaupo sa may bintana. "Hindi ba nabanggit ko? Magkababata kami." Maikli niyang sabi habang nakatingin sa unahan. Pinagcross ni Caspian ang kaniyang mga braso bago siya tiningnan. "Kung kababata mo, Bakit mukhang may sama ka ng loob sa kaniya?" Pagtatanong niya ulit.
Pagtukoy niya kay Noah. Nilingon ni Liam si Caspian ng seryoso. "Wag mo ng alamin." Medyo natigilan si Caspian sa kaniyang inasta. "Ehh si Brielle---" Astang siya ay magsasalita pero pinutol siya ni Liam. "Teka, Bakit ka ba curious sa relasyon namin?" Pagbabago niya ng topic. Nagkunwari siyang nanlaki ang mga mata at itinuro turo si Caspian. "Gusto mo'ko noh?!" Gulat niyang sigaw. Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Caspian, napatingin siya sa paligid ng unti unting nagtinginan ang kaniyang mga kaklase. "Sorry dude, ha! Babae lang kasi ang pinapatulan ko ehh." Nakangising sabi sa kaniya ni Liam habang itinataas baba ang kaniyang mga kilay sa direksyon ni Caspian.
"Oh gosh! Did you hear that?"
"Is he kidding?"
"My BL mind is sailing..."
Binato ni Caspian si Liam ng kaniyang leather jacket na black bago sinabing "Siraulo!" Kaniyang nandidiring sigaw bago tinalikuran si Liam at iniharap ang tingin sa bintana. Tinawanan lang siya ng binata. At lihim na nakahinga ng maluwag dahil nailayo niya kay Caspian ang usapan. "Hoooh..." Nagbubuntong hininga siyang sumandal sa upuan bago ipinikit ang kaniyang mga mata. "That was a close one," kaniyang isip isip. Isinalpak niya ang kaniyang headset at nagpanggap na tulog upang hindi na siya muling kausapin pa ni Caspian.
Habang pinapanood ni Noah ang mga sasakyan na nagdadaanan sa pathway. Napatingin siya sa direksyon ni Dash ng kausapin siya nito. "Are you single?" Tanong ng binata. Iniling ni Noah ang kaniyang ulo. "Oh. You have a girlfriend? Ilang taon na kayo?" Muling kaniyang tanong. "Magt-two or three years." tinanguhan ni Dash ang kaniyang sagot. Umayos siya ng upo bago nagtanong ng panibago. "You love her?" Saglit na sumingkit ang mga mata ni Dash ng makita niyang tumingin si Noah sa direksyon ni Brielle na mahimbing ang tulog. "Magiging kami ba ng ganong katagal kung hindi ko siya mahal?"
Kaniyang tanong kay Dash habang siya ay nililingon. "Mukhang mahal mo nga... First love?" Tiningnan saglit ni Noah si Dash bago iniling ang kaniyang ulo. "No." Kaniyang sagot. Umaktong nalaglag ang mga panga ni Dash bago nagkumento. "Hala. Kala ko first love mo. Ang tagal niyo na ehh. 18 years old lang tayo ngayon, iminus mo sa 3, edi 15 years old ka nung naging kayo." hindi siya sinagot ni Noah at tumingin na lang sa una. "Ehh yung first love mo? Naging kayo?" Pagoopen ulit ni Dash ng topic ng nanahimik na ulit si Noah. Natagalan bago sumagot si Noah. "Yeah. 1 year and half."
Tumango si Dash sa sagot niya. "Ba't kayo nagbreak?" Napasulyap ulit si Noah sa direksyon ni Brielle. "I did something I shouldn't have." Kaniyang sagot sa lalaki. "Ahhh." Tanging sagot na lang ni Dash sa kaniya. "Sa LIB ba rin siya dati pumasok?" Pagtatanong ni Dash. Tiningnan siya ni Noah ng seryoso. "Bakit hindi mo na lang ako diretsohin?" Tanong niya kay Dash kaya napakunot ang noo nito. "Ha?" Maang maangan niya. Inulit ni Noah ang kaniyang sinabi. "Bakit hindi mo na lang ako diretsohin to satisfy your curiousity?"
Muling nasalita si Noah. "Ang dali namang itanong ehh. Pinahahaba mo pa..." Tumingin muna sa paligid si Noah bago lumapit kay Dash at bumulong sa kaniyang tainga. "Is Brielle your Ex?" Medyo nanlaki ang mga mata ni Dash dahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit niya nilapitan si Noah. "No, this is not the question that you wanted to ask..." Tumaas ang sulok ng labi ni Noah. "That time at the cafeteria. Why did you call her Azalea?" Bulong ulit niya sa tainga ni Dash, na nakayuko na ang ulo.
Napatunghay ang ulo ni Xyvill ng biglang magsalita si Vladimir. "You like Brielle?" Pagtatanong ni Vladimir sa kaniya habang tumitingin sa paligid at tinitingnan kung may tanong nakarinig. Hindi sinagot ni Xyvill ang tanong niya. "Caspian and Dash also took a liking to her..." Pagsisimula niya sa conversation. Nanatiling nakikinig si Xyvill sa kaniya. "I don't understand the three of you." Tiningnan ni Vladimir si Xyvill na nakatingin lang sa bintana. "To all half women in the population, why love only one?" He asked him. Tiningnan ni Xyvill si Vladimir.
"We both know Caspian doesn't have feelings towards her. He's using her." Sagot ni Xyvill sa kaniya. Vladimir shrugged his shoulders. "If that's what you think. Then it's your karma." Kaniyang dagdag pero hindi naa siya inimikan pa ni Xyvill. "How about Dash? Can you deny his feelings?" Pagsisimula ulit ni Vladimir sa usapan. Hindi umimik si Xyvill. "Why don't you just let her go, Xyvill?" Seryosong pagtatanong ni Vladimir. "Masisira naba ang A4 dahil lang sa nag-iisang babae?" Tiningnan ni Xyvill si Vladimir. "Kaylan man, hindi masisira ang A4." Mahinang tinawanan ni Vladimir si Xyvill bago inalis ang kaniyang salamin.
"Pero kamuntikan ng mabuwag ang pagsasama natin dati, Xyvill." Mariin pero mahina niyang saad. "At dahil yun sa nagiisang babae." Tiningnan ni Vladimir si Xyvill ng mata sa mata. Ang kaniyang tinutukoy ay ang babaeng naging kasintahan ni Caspian na sumira sa pagkakaibigan nilang dalawa ni Xyvill. "Sira na ang pagsasama niyo ni Caspian..." Nagbuntong hininga si Vladimir bago nag patuloy. "Gusto mo bang pati kayo ni Dash, masira rin?" Mahina niyang pagtatanong. Tumingin si Xyvill sa unahan bago nagsalita. "Matagal ng may galit sakin si Dash kaya matagal na rin kaming sira," Binasa ni Xyvill ang kaniyang labi bago nagpatuloy.
"Ehh tayo ba?" Tiningnan ni Xyvill si Vladimir diretso sa mata. "Sira na rin ba ang pagsasama natin?" Kaniyang pagtatanong kay Vladimir. Bahagyang kumunot ang noo ni Vladimir at puno ng pagtataka siyang tiningnan. "I don't understand you, Xy---" napatigil siya sa pagsasalita ng pinigilan siya ni Xyvill. "Enough," Ipinatong ni Xyvill ang kaniyang sketchbook sa mukha at humilata sa malambot na upuan. "I can feel it," Lalong nagsalubong ang kilay ni Vladimir. "What do you mean?" Kunot noo niyang tanong. Natigilan siya sa sunod na sinabi ni Xyvill. "Your jealousy towards me." Saad niya habang nakataklob parin ang kaniyang sketchbook sa mukha.
Unti unting nanlaki ang mga mata ni Vladimir. "...." Ilang minuto silang natahimik. Pero si Vladimir na ang unang nagsalita. "I don't understand you, Xyvill..." Kaniyang panimula habang nakatingin parin sa unahan. "You're much smarter than me. I don't understand why you wouldn't compete with me academically." Nanatiling tahimik si Xyvill. "It's kind of insulting." Kaniyang dagdag habang ginugulo ang kaniyang buhok. "Also, didn't you realize the insecurity I felt when you abandoned the council and left me to handle it? It's as if I were stuck with a secondhand position, Xyvill." Seryoso niyang saad.
Umayos ng upo si Xyvill bago tinanggal ang sketchbook sa kaniyang mukha at siya ay tiningnan. "You have nothing to be insecure about, Vladimir." Seryoso niyang panimula. "About the academics. You have your own dreams and courage, which is why you always come out on top. Don't compare yourself to me. You know I'm lazy and doesn't care about my future." Seryoso pa niyang dagdag. Saglit na napatawa si Vladimir at inilingan siya ng ulo. "And about the council. I didn't mean to make you feel that way. I rejected the offer because I know you can do better than me." Naputol ang kanilang paguusap ng may magsalita sa unahan. Kaya sabay silang napatingin rito.