"Hey, cutie. Hindi pa tayo tapos mag-usap. Wag mo siyang pansinin." Bulong ni Derrick sa tainga ni Brielle habang hinahawakan ang kaniyang baywang. Tinutukan niya ng masamang tingin si Derrick, tinanggal niya ang kanyang kamay at itinulak ito. "Anak ng---Lumayo ka nga!" Brielle. "Don't play hard to get. Alam kong type mo din ako kaya wag ka ng pabebe." sabay ngiti at pilyong sabi ni Derrick. Nang makita ang pag-aasim ng ekspresyon ni Brielle, mas lalo siyang ngumiti na puno ng pagka-akit.
Astang hahawakan na naman ni Derrick si Brielle pero may lalaking biglang sumuntok sa mukha niya.*Thwack!* Gulat na napatingin si Brielle kay Liam ng bigla nitong sinuntok si Derrick. Napaantras ng ilang hakbang si Derrick kay Brielle, bago, hinawakan ang labi, nalalasahan niyang may dugo. "Putangina, anong problema mo ha, gago ka?!" Sigaw ni Derrick habang tumatayo ng tuwid at nanlilisik na tiningnan si Liam. Pinalibutan si Liam ng pitong lalaki,
"Naghahanap ng away, ano sa tingin mo?" Sambit niya ng may mapaglarong ngisi sa labi. Hindi mapakaniwala siyang tiningnan ni Derrick. Lumabas ang ugat sa kanyang leeg na para bang galit na hayop, at handa ng sumabog.
"Naghahanap ng away? *Laughs sarcastically* Sige ba! Ibigay niyo sa kaniya ang gusto niya!" Sinenyasan ni Derrick ang kaniyang mga kasama na atakihin si Liam kaya nilapitan si Liam ng pitong lalaki habang may hawak na pamalo. Bumwelo ng pwesto si Liam at handa ng umatake. Ang ibang mga magaaral ay nanatiling nakamasid bago nagsipuntahan sa sulok ng silid aralan para maiwasan ang gulo na nangyayari.
*Swishhh!* May umatakeng lalaki kay Liam na may hawak na kahoy, ihahampas nasa ito sa katawan niya pero inilagan ito ng binata at sinipa ang lalaki sa likuran. *Swishhh!* *Swishhh!** Swishhh!* May umatake namang lalaki sa kaniya na may hawak na bakal, tatlong beses niya itong iniwasan bago hinablot at pinigilan ang bakal na hawak hawak ng lalaki. "Brad, kumain ka ba? Ang hina ng bato mo ah" Nakangising asar ni Liam sa lalaki. Tinuhod niya ang tiyan ng lalaki kaya agad itong napaluhod sa sakit. "Arghhh!"
Inagaw niya ang bakal na hawak ng lalaki at ginawa itong pang-harang sa isa na namang lalaki na umatake gamit ang baseball bat. "Mga pre, hindi niyo ba alam na delikado 'to? Atsaka, Bawal 'to sa school ah, tsk tsk tsk... MaD-D.O tayo neto ehh." Umiiling iling na saad ni Liam, pwersa niyang itinulak ang lalaking may hawak na baseball bat bago nagsipa ng isang table sa direksyon niya. Habang sila ay nagbubugbugan, palihim na umalis si Brielle sa classroom para mailigtas ang sarili sa gulo.
Dahil sa pagtulak ni Liam sa lalaking may hawak na baseball bat, hindi niya namalayan na nadali ang upuan ng lalaking nakaupo sa sulok ng silid. Nagalaw ang umupan nito. Napatigil sa pags-sketch si Xyvill ng magsala ang kaniyang ginuguhit. Biglang namayani ang katahimikan sa paligid.*Thuuuddd!!* Ang ingay ay nag-echo habang pinaigting niya ang pagtusok ng lapis sa mesa matapos makita ang mahabang guhit na sumira sa larawan ng babae na kaniyang iginuguhit. Napuno ng bulong bulungan ang paligid. Natahimik ang paligid nang gumalaw si Xyvill, tinanggal niya ang kaniyang headset na nakasalpak sa kaniyang magkabilang tainga.
Tiningnan ni Xyvill ang lalaking nakahilata sa kaniyang mesa. Napapalunok itong bumangon bago kinakabahang umantras dahil sa nagliliyab na mga mata ni Xyvill. "Not my f*cking drawing." Mahina niyang sambit gamit ang malamig na boses, tumayo siya sa pagkakaupo bago kumuha ng isang libro sa kaniyang mesa, naglakad siya patungo sa mga lalaking alagad ni Derrick, unti unti silang nagsisiantrasan. Tila nabahag ang kanilang buntot dahil sa madilim na mukha ng lalaki.
Pinanood lang ni Liam ang kilos niya. Inatake ni Xyvill ang lalaking natumba sa mesa. Mabilis niyang hinampas ang ulo, dibdib bago ang likod nito. "Aughhhhhhhhhh!!!" Ang daing ng lalaki ay biglang umalingawngaw bago siya tuluyang napaluhod. Sa sandaling bumagsak ang kanyang mga tuhod sa sahig, hindi nag-atubiling hampasin ni Xyvill ang mukha ng lalaki gamit ang libro. Sa malupit na pag-atake, agad na nawalan ng malay ang lalaki.
"Mukha siyang galit"
"Ang weird. Lagi naman siyang kalma diba?"
"Scary..."
Bulungan ng kababaihan sa sulok. Tiningnan si Xyvill ang iba pang kasamahan ng lalaking pinatulog niya. "Out." Malamig niyang sabi habang tinitingnan sila ng matalim. Dali dali tinulak ni Derrick ang mga kasama niya papalabas dahil sa takot nito kay Xyvill. Kinaladkad din nila ang lalaking nawalan ng malay dahil sa lakas ng pagkakahampas ni Xyvill dito.
"Woahh, what's this???" Napatingin si Xyvill sa direksyon ni Liam ng makitang hawak hawak nito ang sketchbook kung saan nakaguhit ang mga ine-sketch niya. Pandaling kinuha ni Xyvill ang drawing niya sa kamay ni Liam. Agad niyang sinarado ang sketchbook. Malamig na tiningnan ni Xyvill si Liam. Pero nginitian lang siya ng binata.
"The girl you drew..." Liam. Hinawakan niya ang balikat ng lalaki at lumapit, bumulong siya sa tainga niya. "That's Brielle, right?" Nakangisi niyang bulong na tanging silang dalawa lang ang nakakarinig. Hindi sinagot ni Xyvill ang tanong niya kaya iniba niya ang topic. "Tsk. Di bale! Alam mo... Itigil mo yan, baka mahulog ka ng tuluyan."
Tinapik tapik ni Liam ang balikat niya. Astang lulubayan na niya si Xyvill ng nagsalita ang lalaki. "None of your business. Back off." Seryoso at malamig niyang saad habang mahigpit na hinahawakan ang kaniyang sketchbook. Nginisian ni Liam si Xyvill. "It's my business, since I know that her heart belongs to someone else---and that someone else is not you." Malawak na ngisi niyang saad.
"Then, it belongs to you?" Blanko niyang tanong. Pansin niya na iba ang trato ni Brielle kapag si Liam ang kaniyang kasama kaya hindi niya napigilan pang magtanong. Nagtaka siya ng tawanan ni Liam ang tanong niya. "Hahaha, pano mo nalaman? Ganon ba kaobvious?" Nakangisi niyang sagot. Tiim bagang hinawakan ni Xyvill ang sketchbook niya dahil sagot ni Liam. Unti unti nang nagsi-alisan ang ibang mga estudyante sa silid dahil ramdam na naman nila ang namumuong galit sa mukha ni Xyvill.
"Pft---HAHAHAHAAHAHAHAH"
"I'm just joking, bro!" Humahagalpak na tawa na sabi ni Liam. Hinampas ng pabiro ni Liam ang balikat niya. "Don't get so fired up!!" Pakatapos niya tapikin ng ilang beses ang balikat niya, astang aalis na siya pero na kakatatlong hakbang pa lang ay naestatwa siya sa kinatatayuan ng marinig ang malamig na boses ni Xyvill.
"You think it's funny?" Xyvill. Unti unting namuo ang tensyon. "I'm laughing wholeheartedly so, yes? I think it's funny." Nakangiting sabi ni Liam habang tumawa ulit, pero ngayon ang kaniyang mga tawa ay pilit dahil iba na ang tingin sa kaniya ni Xyvill.
Bahagyang napuno ng bulungan ang paligid ng biglang lumapit si Xyvill sa direksyon ni Liam. "Stop it, it's annoying me." Binitawan ni Xyvill ang sketchbook na hawak hawak niya bago walang preno na sinapak`ang mukha ni Liam. *Thwackk!!*
"Oww!"
"Ouchh..."
"Oh..."
***
Brielle's POV
Nakahinga ako ng maluwag ng makatakas ako sa classroom. *growls* Napahawak ako sa tiyan ko. "Bahala na si Liam dun, kakain na lang ako." Bulong ko sa hangin habang naghahairflip. Kaya na nun sarili niya, nag-aral yun ng taekwondo. Di na ako makikigulo. Habang naglalakad ako papunta sa Cafeteria. Napatigil ako ng may marinig akong boses.
"Hey b*tch, nasan na yung pinapakuha ko sayo?" Napatingin ako sa isang silid, yung laboratory room. Ba't parang si Daisy at Valkyrie yun? Curious akong lumapit sa pinto ng laboratory room. "You're going too far, Daisy!" Valkyrie. Sinilip ko sila, confirm nga, si Valkyrie at Daisy ang naguusap. As usual kasama ni Daisy ang mga alipores niya. Kala ko tinigilan na nila si Valkyrie, mukha hindi parin. Kita kong tinaasan ni Daisy si Valkyrie ng kilay.
"I'm not going too far, b***h. Simpleng Exam Questions lang pinapakuha ko sayo, hindi mo pa magawa?" Exam Questions? Kumunot ang noo ko. Sinabunutan niya sa anit si Valkyrie, bago siya hinawakan sa panga.
"Hindi ba sinabi ko sayo... Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko, malalagot ka sakin!" Nanggigigil niyang sigaw. "Ano ako, Tanga?! Bumagsak ka sana!!" Galit na sigaw ni Valkyrie. Sarkastik siyang tinawanan ni Daisy. Diniinan ang pagkakaganot sa kaniyang buhok.
"Abaa! Tumatapang ka ahh, sa tingin mo ba, porket protektado ka ng kuya mo, hindi na kita magagawang saktan?!!" Gigil na sabi ni Daisy. Sumandal ako sa sulok ng pinto, so this is the reason why she's staying quiet. Sa ugali ni Angelo... Mukhang tinreaten niya mga bully ni Valkyrie. "Isusumbong kita kay Kuya! Mananagot ka!!" Galit na bulyaw ni Valkyrie habang sinusubukan tagtagin ang pagkakaganot si Daisy sa kaniya.
"At sa tingin mo ba, hahayaan kita?" Seryosong boses niyang saad. Kita kong sumenyas si Daisy sa kasama niya na para bang may pinakukuha. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makitang Hydrochloric acid ito na nakalagay sa bote. Pagkatapos maibigay ang bote, hinawakan ng dalawang alipoes ni Daisy ang magkabilang braso ng Valkyrie.
Nagmamadali pero tahimik akong nagtungo sa direksyon nila. Nakatalikod sila sakin kaya hindi nila nararamdaman ang presensya ko."Sisirain ko muna yang mukha mo bago yun mangyari!" Saad niya habang binubuksan yung bote. "Crazym psycho." Bulong ko. Itinaas ko ang manggas ng sleeves na suot ko. "D-Daisy. S-Stop , it's not funny anymore..." Nanginginig sa takot na saad ni Valkyrie habang hawak hawak siya ng dalawang alipores ni Daisy.
Sinagot niya lang si Valkyrie ng isang malakas na halakhak. "HAHAHAHAA now you're begging mercy!" Nanlaki ang mga mata ko ng makitang itatapon na ni Daisy yung Hydrochloric acid sa ulo ni Valkyrie. Agad ko siyang hinila sa balikat niya gamit ang isa kong kamay. "U-Ugly Nerd?!" Nanlalaking mga mata niyang sabi.
Habang siya ay distracted sa biglaan kong pagsulpot tinakluban ko ang Hydrochloric acid gamit ang thumb finger ko. "What's up, Daisy?" Nakangisi kong tanong. Hindi na ako nabigla ng tinry niyang ibuhos sakin ang hawak hawak niyang bote. Medyo napangiwi ako sa sakit dahil ramdam kong umiinit at nalalapnos ang balat ng thumb finger ko.
Agad kong inagaw sa kaniya ang bote at hinawakan ito ng mahigpit. Agad siyang napasinghap at sinubukan itong agawin pero agad kong inilayo. Nagpanggap akong curious sa bote bago siya tiningnan. "Ano 'to?" Tanong ko sa kaniya. Nag-iwas siya ng tingin bago inayos ang kaniyang sarili. "Nothing." Inilahad niya ang kamay niya. "Give it to me." Seryoso niyang saad.
Ikinunot ko ang noo ko. "Why would I?" Tanong ko habang kuwaring curious siyang tinitingnan bago ang bote. Tiningnan ko si Valkyrie, kumalma na siya pero nanginginig parin ang mga kamay niya. "You seem trying to pour it to her face..." Inosente kong saad. Tiningnan ko siya. "Is it a toner? or a serum?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang bote gamit ang kamay na hindi nalapnos.
Tiningnan ko siya. Nagliwanag ang mukha niya sa sinabi ko, lihim akong napangisi. Ano kala niya sakin. Tanga? "Yes! It's newly bought toner. Ipinat-try ko lang kay Valkyrie dahil ayaw kong magkabreak out kaya siya muna ang ginawa kong sample." Nakalagay na nga sa bote "Hydrochloric acid" ehh.
"But she doesn't want to try it... How about this---" Lumapit ako sa direksyon niya, agad naman siyang umantras. "I know a face massage that is good for face, it won't cause you to have break outs---" Nakangiti kong sabi habang na astang ibubuhos na sa mukha niya ang bote pero agad siyang namawis at namutla.
"NOOO!" Mabilis niyang sigaw bago ako tinulak papalayo, napangisi ako ng tinabig niya ang balikat ko at patakbo siyang umalis. Tskkk. Tiningnan ko yung dalawang alipores ni Daisy, agad ko silang nginitian. "Ohh, did you stay here to have face massage---" "N-no thanks. /No, I'm good!" Sabay nilang sabi bago kumaripas ng takbo papalayo.
"Brielle---" Valkyrie. "Fix yourself before leaving the room." Saad ko bago tumalikod at siya at iniwan sa silid. "T-Thank you..." Rinig kong saad niya pero hindi na na ganoon binigyan ng pansin. Naglakad ako papunta sa clinic para gamutin yung lapnos na balat ko sa kamay. "Tsk. Ang sakitt." Bulong ko. Daisy's really going too far this time.