Nasa harap na ako ng clinic. Hawak hawak ko na ang doorknob. Pagkabukas ko ng pinto, agad akong pumasok. Walang tao sa loob at tahimik. Malamig din ang kwarto dahil sa andar ng aircon. Inuli ko ang mga mata ko. Mukhang wala yung nurse. Nagkibit balikat nalang ako at naglakad. Naghanap ako ng first aid kit. May nakita ako sa table, agad ko itong kinuha. Naisipan kong umupo sa kama dahil kanina pa akong palakad lakad sa hallway. Kanina pa akong ngalay, ang sakit ng paa ko kalalakad.
Naglakad ako papunta sa isang kwarto na kurtina ang pagitan ng bawat gilid. Naghawi ako ng isang kurtina *Swiiiissshhh!!* at astang maglalakad na'ko papasok pero--- ".................."
(O__o) - My reaction.
(O__O) - Xyvill.
(O v O) - Liam.
Nakaestatwa ngayon ang pwesto ko ng may makita akong dalawang pamilyar na lalaki. Tiningnan ko silang dalawa. Si Liam na nakadagaan kay Xyvill sa kama habang si Xyvill mukhang gulat sa presensya ko. Malapit ang mukha nila sa isa't isa. Na para bang nag-you you know. Infairness, bagay sila ha. Ngayon gets ko na yung sinasabi nilang Ang gwapo ay para lang sa gwapo. I truly agree now. "......." *Swiiiiishhh!!* Agad kong sinarado ulit ang kurtina. So, this is why Liam is single until now. Mukhang hindi babae ang type niya.
"Brielle! Waiittt--!" Rinig kong tawag ni Liam pero nagpanggap lang akong walang narinig.*Sighs*
Third Person's POV (15 minutes before Brielle enters the clinic)
"Tskk! Magdahan dahan ka nga!" Kumento ni Xyvill sa kaibigan. Masama niyang tiningnan si Vladimir. Kumpleto silang magkakabarkada. Sila ngayon ay nasa loob ng clinic habang nilalagyan ni Vladimir ng ice pack ang putok na labi ni Xyvill. "Pft---Puwahahahahahahaahah!!!" Bahagyang nakatingin ang magkakabarkada kay Caspian ng humagalpak ito ng tawa habang hawak hawak ang kaniyang tiyan.
"Ang tanga tanga, May schedule ka ng photoshoot bukas, diba? Sa lahat talaga ng angulo na pwede kang magpasuntok sa mukha pa--PUHAHAHAHAHAAHHAAHA!" Caspian - (˃᷄ꇴ˂᷅๑)༡ "Caspian, enough." Saway ni Dash habang nakacross arms pero hindi siya pinakinggan nito at lalong lumakas ang pagtawa. Hinagisan ni Xyvill si Caspian ng bote na may laman na tubig, natamaan si Caspian sa ulo na kinainis ng binatilyo.
Namuo ang tensyon sa paligid. Nagtapunan ang dalawa ng masamang tingin sa isa't isa. Astang lalapitan ni Caspian si Xyvill ng pigilan siya ni Dash. "Dre, enough." Saad niya habang hinahawakan ang balikat ni Caspian. Sinenyasan ni Vladimir si Caspian na ilayo, kaya tumango si Dash at hinila si Caspian papalabas ng kwarto. Nang makaalis sila, hinarap ni Vladimir si Xyvill. May hawak hawak itong cellphone, at pinagmamasdan ang pasa sa kaniyang labi.
Astang ilalapat na naman ni Vladimir ang ice pack sa mukha ni Xyvill pero kaagad na hinablot ni Xyvill ang ice pack sa kaniyang kamay. "This isn't you, Xyvill." Panimula ni Vladimir. "What do you mean." Malamig yung tugon habang sumasandal sa headboard ng kama, kunot noo niyang nilingon si Vladimir na nakatayo sa gilid niya. "Nothing." Saad niya bago kinuha ang bag sa upuan.
"I just think that you're still holding a grudge against Caspian." Seryoso niyang saad sa kaibigan. Kinuha ni Xyvill ang rubix cube niya sa table sa may kama. "Just leave. I don't indulge in such trivial matters." Malamig niyang saad habang pinaglalaruan ang rubix cube gamit ang isang kamay. Halata sa mukha ni Vladimir na hindi siya naniwala sa sinabi ng kaniyang kababata.
Nagbuntong hininga na lang siya at iniwan ito. Ilang minutong tumambay si Xyvill sa clinic at nagpahinga sa kama.
*Swiiiiishhhh!* Napatingin si Xyvill sa harap ng may magbukas ng kurtina. Nakita niya si Liam na may hawak na dalawang babae sa kaniyang kamay habang tumatawa. Nang magtagpo ang kanilang paningin, parehas silang naestatwa. "Liam~, I'll put bandag in your cheeks!" Saad ng babaeng nasa kanan niya. "No, I will!" Sabat pa ng isang babae. Nilingon sila ni Liam bago tinawanan.
*Chuckles* "Girls, I still have matters to do. I'll meet you two tommorow, okay?" He said in a gentle voice. Astang tututol ang dalawa pero dinala niya ang dalawang babaeng nakakapit sa kaniyang braso papalabas ng clinic bago sinarado ang pinto. Pinuntahan ni Liam ang kwarto kung saan nakahiga si Xyvill. Pagkahawi pa lang niya ng kurtina, agad siyang inatake ng lalaki.
"Why did you follow me. Looking for a fight?" Malamig niyang saad habang mahigpit nakahawak sa kaniyang collar. Isang ngisi ang gumuhit sa labi ni Liam, tinadyakan niya ang tiyan ni Xyvill bago ito isinandal sa kama. "Calm down. I don't want to see your face either. But you have to listen carefully." Nakangising saad ni Liam habang dinadaganan ang lalaki na mukhang gusto na siyang patayin dahil sa sama kung makatingin.
Ng makita niyang hindi parin kumakalma ang sistema ni Xyvill, malalim siyang nagbuntong hininga. "Wala akong gusto kay Brielle, okay? Keep it chill." Kumunot ang noo ni Xyvill sa kaniya. "Did I ask?" Tanong niya ng malamig habang blanko siyang tinitingnan. "No, but it seems to bother you." Liam. "Tskkk!" Xyvill. Astang itutulak niya ito pero---*Swiiissshhh!*
Napatingin silang dalawa sa gilid ng makitang may pigura ng tao na naghawi ng kurtina. Kaagad na nagulat ang mukha ni Xyvill ng makita si Brielle na nakaestatwa habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nakadagan kay Xyvill si Liam habang hawak hawak ang kwelyo nito. "........." Namayani ang awkward na atmospera. Pagkatapos makarecover ni Brielle sa pangyayari, agad niyang sinaraduhan ang kurtina at iniwan sila.
"Brielle, Waittt---" Habol ni Liam pero nakaalis na ang dalaga. Inis na itinulak ni Xyvill si Liam papalayo bago bumangon sa kama. Salubong na mga kilay niyang hinarap si Liam, nagkakamot ito ng ulo habang takang tinitingnan ang direksyon kung saan umalis si Brielle. "Tskk." Xyvill. Astang sya ay aalis ng ng pigilan siya ng Liam.
"Xyvill, wait." Hinawakan niya ang balikat ng binata, binigyan niya ito ng imbitasyon na gawa sa karton. "Make sure to attend this tonight," Kunot noong tiningnan ni Xyvill si Liam. "Why would you think---" Nginitian ni Liam ang lalaki. "Brielle will be there." Singit niya. "So?" Xyvill. Itinapon niya ang imbitasyon sa sahig bago ito tinapakan gamit ang kaniyang itim na sapatos.
"I can't figure out what's up with you all. I'm just treating her indifferently, and suddenly everyone's jumping to conclusions that I like her..." Hinablot niya ang kwelyo ni Liam. Bago inilapit ang kaniyang labi sa tainga niya. "I'll tell you in advance. I.don't.like.her." Malamig at seryoso niyang bulong. Napangisi ang binata bago tinanggal ang pagkakakapit sa kyelyo niya.
"We'll see then." Nakangising sabi niya. Pinanood ni Liam si Xyvill na umalis hanggang nawala ito sa kaniyang paningin. "You will swallow up your own words, Xyvill." Isip-isip ni Liam na nakacross ang dalawang kamay.
Brielle's POV
"Hmmm. What should you wear?" Nakaangel sit ako ngayon sa kama habang pinapanood si Liam na halikwatin ang wardrobe ko. Ngayon kami pupunta dun sa party na sinasabi niya. Nakatayo ngayon si Liam sa harap ko habang malalim na nagiisip. Pumipili siya ng dress na babagay sakin. Ang pakialamera din ng lalaking 'to.
May limang dress na nakalagay sa kama ko, kanina pa siyang pauli uli, nahihilo na nga ako sa kaniya ehh. "Pick, Brielle." Utos niya sakin. Bored akong nagbuntong hininga. Ramdom kong tinuro ang index finger ko sa gitna. "No, you can't wear the black one. It's too showy." Saad niya bago tinanggal yung fitted spaghetti black dress at inilagay sa wardrobe. Napamaang ako. Ako 'tong pinapili niya ayaw rin pala niya, Tsk.
"You know what," Tumayo ako at itinulak siya papalabas ng kwarto ko. "Masyado ka ng pakialamero, magbihis ka na nga! Ako na ang pipili ng akin!" Inis kong saad. Bago kinandato ang pinto ng kwarto ko. "Sige. Mag-ayos ka ha, sunduin kita mamaya!" Sigaw niya sa labas ng kwarto ko. Tsss.
***
Kalalabas ko lang ng kwarto ko. Nakita ko si mama na nanonood ng TV. "Brielle anak, hinihintay ka na ni Liam sa labas, wag magpapalalim ng gabi ha." Saad niya habang nililingon ang direksyon ko. Tiningnan ko siya bago nginitian, "Sige Ma, alis na ako." Nagsuot ako ng sneakers at itinali ang sintas. Astang maglalakad na ako papalabas ng hawakan ni Mama ang balikat ko. Puno ng kuryosidad ko siyang tiningnan.
"Ba't ganan ang suot mo?" Tanong niya habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa. Nakasuot ako ng plain white t-shirt at demi-blue na jeans, at simpleng sneakers. Astang magsasalita ako ng kaladkarin niya ako pabalik sa kwarto ko. "Aishhh! Halika ngaa!" Hindi na ako nakapagreact dahil tinaboy niya ako sa gilid bago hinalikwat ang gamit ko.
"Jusko, Brielle. Masyado mong pinaninindigan pagiging nerd mo, pati ba rin ba taste mo sa damit nag-iiba na rin? Ang pagkakaalam ko, party pupuntahan mo ahh." Saad niya sakin habang ipinipili ako ng damit. "Eto ang isuot mo anak, it's cute!" Excited niyang saad habang ibinababa ang damit na napili niya sa kama ko. Napamaang na lang ako.
***
"Bakit ganan ang suot mo." Bungad sakin ni Liam habang nagtatanggal ng shades. Nakasuot siya ng black suit na may red necktie. Ibang klase din 'tong lalaking 'to. Gabing gabi, nakashades ang loko. Nagcross arms ako. "Sisihin mo Tita mo," Saad ko bago siya hinawi pagilid, at sumakay sa sasakyan niya, ramdam ko siyang tumawa sa sinabi ko. Umupo ako sa tabi ng driver's seat bago sinarado ang pinto.
I ended up wearing a fitted spaghetti black dress, fit na fit yung dress sa katawan ko kaya expose na expose yung curves, tsss. Ang sikip sikip, nangangati ako ehh. Dahil medyo expose yung skin ko, pinatungan ko na lang ito ng black leather jacket. Kulit ni Mama ehh. Pagkapunta ni Liam sa driver's seat, isinarado niya ang pinto bago at nilingon ng may malawak na ngiti.
"Brielle, tanggalin mo salamin mo." Utos niya.
"No," Mabilis kong sagot habang nagko-cross legs. Why would I? Tss.
May kinuha siyang kung ano sa passenger's seat. Nang makita ko ito, dalawang maskara ang hawak niya. Mata lang at ilong ang sakop ng maskara. Ang isa ay kulay black, samantalang ang isa ay kulay silver. "Masquarade Party pupuntahan natin, so you don't need to worry about being recognize by others." Nakangisi niyang saad, naging interesado ko sa sinabi niya. Tiningnan ko siya. Kinuha ko yung black mask at tinanggal ang aking salamin. Itinali ko ang maskara sa likod ng aking ulo, kita kong ganon din ang ginawa ni Liam.
Really? Looks like it's going to be fun.
***
Papunta ngayon kami sa isang ballroom. Bago kami pumasok. May sumalubong na lalaking nakablack suit at gold mask. Malawak itong nakangiti sa mga bisita. Gwapo, matangkad at chinito. "Jerome!" Sigaw ni Liam bago dinambahan ng yakap yung lalaki. "Little Cuz, Buti nakahabol ka! Kala ko hindi ka na dadating." Cousins? Pinsan niya ang may birthday? Kaya naman pala ang exaggerate ng party. Mga Mendoza mga naman.
"Who is she?" Nakangiti niyang sabi kay Liam habang nakatingin sakin. Tiningnan ako ni Liam, agad niya akong inakbayan. "Ohh yeah. Brielle. She's my partner!" Pakilala ni Liam sakin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, medyo nailang ako dun. Nanju-judge siguro 'to. "Liam, hindi ka naman nagsasabing may kakilala kang magandang dalagita." Jerome. Lihim ko siyang inirapan. Mag pinsan nga sila, mahilig mag-sweet talk.
"Jerome!" Napalingon kami sa hadgan ng makitang may taong tumataas. No, actually apat sila. Kagaya nila Liam, nakatuxedo ang mga ito at may iba't ibang suot na maskara. "Dash! Thank you for coming to my party, dude!" Medyo natigilan ako. Dash? Lihim kong pinagmasdan yung apat na lalaki. "Yeahh! Buti nga nayakag ko pa 'tong mga kaibigan ko ehh" Dash.
Yung nakabrown tuxedo na may white mask, kamukha ni Dash. Samantalang yung nakablue tuxedo na may white mask rin, kamukha ni Vladimir. Tapos yung nakagrey tuxedo kamukha ni Caspian. Tiningnan ko ang pinakahuling tao sa kanilang apat, nakawhite mask at black long sleeve, at nakaayos ng pataas ang kaniyang buhok. Nakasampay ang kaniyang coat sa isang braso. Napaiwas ako ng tingin ng lumingon siya sakin.
There's no doubt. That's Xyvill. "Nalintikan na." Rinig kong bulong ni Liam sa gilid ko.