NAPAUPO si Ambirelyn nang malala niya ang hula ng matandang babae sa kanya. Meron kakatok sa buhay niya isang lalaki at mag-iiwan ito ng problema at ngayon ay ng makatotoo na. May lalaki ngang pumasok sa buhay niya at sa palagay niya ang batang dinadala niya ay siyang sabi nitong problema. Ngunit para sa kanya hindi naman problema maituturing ang bata siguro ang biglaang pagbubuntis niya ay pwede pa dahil alam niya 'di magtatagal makakatanggap siya ng husga sa ibang tao. Humiga siya ulit at niyakap ang isa sa mga unan ng lalaki. "Kay bago naman nito, amoy niya talaga," pabulong na komento niya at sininghot pa ang unan. Napabitaw siya sa unan at mabilis na minulat ang mga mata nang biglang bumukas ang pintuan at lumabas doon ang lalaking nakatagpis lang ng tuwalya. "Ohlala!" bulalas niya