NAPAMULAT si Ambirely sa kanyang mga mata ng tumama ang mainit na sinag ng araw sa kanyang mukha, napakurap-kurap siya at napa urog ng tumambad sa kanya ang gwapong mukha ng lalaki. Ilang hiblang na lamang ang layo ng kanilang mga labi ganon'n din ang kanilang mga ilong. Napalunok siya nang napagmasdan niya ng mabuti ang mukha ng lalaki. Ang may kapakalan na mga kilay nito na itim na ittim, ang matangos na ilong nito, ang pilikmata nitong mas mahaba kaysa sa kanya at ang may kalakihan na mga mata nito na ngayon ay nakasara. Hindi niya namalayang hinahaplos na niya pala ang pisngi ng lalaki, pinalandas niya ang kanyang daliri sa ilong nito. Napataas ang kilay niya at napakagat labi siya nang masagi ng kanyang daliri ang pulang-pula na labi ng lalaki. Napatigil siya at mabilis na inalis ang