NAGULAT na lamang si Ambirelyn nang kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at nilagay sa leeg nito at puno ng ingat na kinarga siya. Napatitig siya sa seryosong mukha ng lalaki, ang mga mata nito kay ganda tingnan at ang pilikmata nitong mahaba at makapal. Napakagat labi na lamang siya at kumapit sa leeg ng lalaki nang humakbang na ito pabalik sa kotse na nakaparada sa medyo malayo sa kanila. Dali-daling binuksan ni Rinso ang pintuan ng makitang palapit na sila. Maingat na pinaupo siya ng lalaki sa backseat at sinira nito ang pintuan at doon dumaan sa kabila. "Do you need anything? May masakit ba sa iyo? Gusto mo ba pumunta tayo sa ospital?" sunod-sunod na tanong ng lalaki na ngayon ay nakaupo na sa kanyang tabi. Hindi niya maiwasang mapangiti sapagkat namumula ang pisngi ng lalaki at puno