PAGKALABAS nila sa may public market ay napakadaming tao, kaya't humawak siya sa may kamay ng lalaki kaya't napatingin ito sa kanya. Ngitian niya ito para inisin pero nagkamali siya sa isipang maiinis ang lalaki sa pang-aasar niya dahil ngumiti din ito sa kanya na halos tumigil ang inog ng mundo niya ng masaksihan niya ang ngiti ng binata. "Are you okay?" nakangiting tanong nito na tila ba inaasar siya. Napanguso siya at inirapan ito mahinang natawa ang lalaki at ibinaba ang dala-dalang pinamili nila at kinuha nito ang cellphone at kinulikot iyon habang siya ay tahimik naka masid lang sa lalaki. "f**k it's 10 am already, I think I can't make it!" giit nito. Walang nagdadalawang isip na lumapit siya sa lalaki at pinitik ang labi nito. Napakurap-kurap ito at napatitig ito sa kanya. "Wha