By Michael Juha
getmybox@homail.com
-----
Tila nadismaya naman ako sa sagot niyang iyon. Malakas kasi ang kutob ko na matagal na niyang gustong gawin iyon sa akin. Bigla akong tumayo sabay sabing, “Ok… fine. I heard it.” At tinumbok ang mga damit ko, unang pinulot ko ang brief. Nagparamdam ng pagkadismaya.
Isuot ko na sana ang brief noong, “Ok… aaminin ko tol, matagal ko nang gustong gawin iyon sa iyo.”
Biglang nabitiwan ng aking mga kamay ang aking brief at napako na lang ako sa aking kinatatayuan, hindi nagawang sumagot sa sinabi niya.
Lumapit siya sa kinatatayuan ko at sa ibabaw ng mga bato, yumuko at pinulot din ang damit niya sa ibabaw nito. “Ngayong alam mo na, happy ka na?” ang may halong pagmamaktol na sabi niya habang nakayuko, hindi makatingin-tingin sa akin.
Hinawakan ko ang kanyang kamay. Halos magkadikit ang aming mga katawan habang nakatayo kaming pareho. Tinitigan ko siya. Tinitigan din niya ako. Nagtitigan kami.
“A-ayaw mo ba akong yakapin? Ayaw mo ba akong halikan…? Ayaw mo ba akong angkinin?” sambit ko.
“P-puwede...” sagot niya. Naalimpungatan ko na lang ang unti-unting paglapit ng aming mga labi hanggang sa tuluyang naglapat ang mga ito...
At sa dalampasigang iyon, saksi ang mga bituin sa langit at ang mga alon sa dagat sa lihim naming pagsimsim sa sarap ng pagpapasasa.
Ang dalampasigang iyon ang naging saksi ng aming patagong pagniniig ni Marbin. Kumabaga, iyon ang naging “love” nest namin, kung masasabi ko ngang love ang namagitan sa amin. Kasi, una, wala naman kaming opisyal na usapan o aminan na kami nga; na magkasintahan nga kami. Basta nangyayari lang ang bagay na iyon. Kapag ang isa sa amin ay nagyayaya sa aplaya, alam na… iyon na. Hindi maaaring walang mangyari sa amin sa lugar na iyon. Minsan, nagbabaon kami ng kung anu-anong makakain, o maiinum. Minsan din kapag walang pera, wala kaming dala kundi ang mga damit na suot-suot ng aming katawan. Pero masaya pa rin. Kaya lang, kapag nagpunta kami doon, dapat ay gabing-gabi na upang walang tao sa lugar, at dapat ay low tide upang sa bandang malayong parte ng dalampasigan kami pupuwesto kung saan hindi na naaabot ng liwanag galing sa mga lamp post ng plaza at nagagawa namin ang bagay na tanging kami lang ang nakakaalam.
Masayang-masaya ako sa set-up namin. Bagamat hindi ko alam o sigurado kung ano nga ba ang naramdaman ko para sa aking best friend, wala akong problema kasi siya, sa aking tingin ay ganoon din. Hindi kami, ngunit nandyan lang kami para sa isa’t-isa. At kapag taglibog, malaya naming nagagawa ang mga bagay na nakakapagpalabas ng init ng aming mga katawan. Parang ganoon lang ka-simple ang aming setup. Sweet kami dahil mag-bestfriend. May naramdaman ako dahil best friend ko siya. May ginagawa kami dahil… kapag magbestfriend nga naman, lahat ng kalokohan puwedeng gawin na walang pag-iinarte. Kahit nga ang pagiging malapit niya sa aking pamilya at mga magulang, lalo na sa aking ina, na ang tawag na sa kanya ay anak na rin, para sa akin, ito ay dahil best friend nga kami. Lahat ng dahilan kung bakit namin nagagawa ang mga bagay-bagay ay dahil best friend kami. Kahit nga sa mga kilos namin sa harap ng mga tao, hindi mo iisipin na may nangyayaring kabulastugan sa amin. Nagtatawanan, naghaharutan, nagbibiruan kagaya ng normal na magkaibigan, mag best friend. Sa mga kilos at galaw namin, walang mag-aakalang may kakaibang gawain kami, o may itinatagong katarantaduhan o milagro.
In short, saang anggulo man tingnan, wala kaming emotional attachment. I mean, sa side ng mga tao at sa side ko. Ewan ko lang ang sa side niya…
Isang beses na maulan-ulan, sabay kaming naglakad patungo sa eskuwelahan. Bago kami makarating sa gate, may parte sa kalsadang maputik. Habang nagmamadali kaming naglalakad, biglang dumaan ang isang rumaragasang dump truck at natalsikan ako ng putik. Asintadong natamaan ang aking puting polo shirt. At hindi lang basta-bastang burak. May buo-buong putik pa.
Noong nakita niya ako, “Tanginang driver na iyon…!” sabay dampot ng bato at babatuhin na sana ang dump truck.
“Hayaan mo na tol!” ang sambit ko, bagamat hindi ko rin alam ang aking gagawin gawa nang takot na baka ma-late ako sa klase, may long quiz pa naman kami. Ang ginawa ko na lang ay tinangka kong pahirin ang mga putik na dumikit sa aking polo gamit ang aking kamay at mga scratch na papel.
Ngunit nanatiling nakadikit pa rin ang dumi at lalo pang kumalat. Lalo tuloy akong na-rattle. Iyon bang nagmamadali ka dahil may hinahabol ngunit dahil sa isang hadlang, mukhang madiskaril pa yata ang target mo ng makarating ng nasa tamang oras o kung makarating man, ay mapagtawanan ka dahil sa anyo mong puno ng dumi ang damit.
Ngunit kalmante lang si Marbin. “Hubarin mo na lang iyan tol…” sabay hubad naman niya sa kanyang t-shirt.
“A-anong gagawin mo?”
Inabot niya sa akin ang nahubad niyang t-shirt. “Ito ang isuot mo”
“Ha? P-paano ikaw?”
“Ganito lang. Bakit… ganda naman ng katawan ko eh!”
Bigla tuloy akong napangiti. “Yabang!”
“Di ba sabi mo isang beses na maganda ang katawan ko? E, di panindigan ko na to! Tingnan na lang natin kung walang maglalaway sa akin!”
“Adiiiikkkk!”
“Tara na! Late ka na sa test mo! Baka ako pa ang masisi mo kapag hindi ka nag-top sa test mo.” Sabay kindat. “Akin na iyang polo mo, lalabhan ko sa ultulity room ng school mamaya. Tamang-tama, itutok ko lang ang electric fan d’yan, hindi pa tapos ang umaga tuyo na iyan.” Sambit niya.
Tumalima naman ako. At nagpatuloy na kami sa paglalakad; ako suot-suot ang t-shirt niya samantalang siya, nakahubad ang pag-itaas na katawan, ang aking polo ay nakalaylay sa likurang bulsa ng kanyang pantalon. Astig ang dating.
At habang naglalakad kami, panay naman ang kantyaw ko sa kanya, “Grabe! Parang bold star lang ng unibersidad!”
“Gusto mo hipuin mo pa ang abs ko?”
“Hahahaha! Todo na ang pagka-adikkkk!” ang malakas kong tawa.
At may nangangantyaw din sa kanyang mga kasamahan niyang working student, “Tol… ang macho, macho talaga! Pa-kiss naman d’yan!”
Tawa lang kami ng tawa. Walang paki, dedma lang sa mga kantyaw. Pati ang mga estudyanteng nakasalubong namin ay nagtaka kung bakit siya nakahubad. At lalo na ang mga babae, dahil nakakabighani naman talaga ang kanyang porma sa super mega-hayop na katawan, kitang-kita sa kanilang mga napapakong tingin ang paghanga sa porma ni Marbin.
(Itutuloy)