By Michael Juha
getmybox@hotmail.com
-----
Noong nasa gate guard na kami, sinita siya ng guwardya. “Boss… natalsikan ng putik itong aking damit e. Sa loob ng utility room na lang ako magbihis, may extra kasi akong damit doon,” ang paliwanag niya.
Dahil kilala naman siya ng guwardiya, pinapasok din siya.
Touched ako. Syempre, siya ang savior ko. Ngunit hindi lang ako touched… may gumapang pa na kakaibang init sa nakitang nakahubad na pang-itaas niyang katawan, lalo noong tiningnan ko ang waistline niyang wala na ngang kataba-taba, nakausli pa ang puting garter ng kanyang brief. Parang nag-evaporate ang lahat ang aking na-memorized na pinag-aralan para sa test ko sa araw na iyon at ang aking nasambit na biro na lang ay, “Tol… sarap mag internet at mag-chat! Bigla kong namiss ang ka-chatmate ko! “Internet” kasi o kaya’y “chat” ang gamit naming salita pagtukoy sa ginagawa naming “s*x” o kabulastugan sa aplaya. May salitang “inter” din kasi itong katulad ng (s****l) “inter”-course. At ang ibig namang sabihin namin ng “na-miss” ay “nalibugan” o “nag-iinit” ang katawan. At syempre, sino pa nga ba ang tinutukoy kong “chatmate”?
“’f*******: ba?” sagot niya na ang ibig sbihin din ay… alam niyo na siguro, may kinalaman sa mukha kung saan nandoon ang bibig...
“Laptop tol….” sambit ko rin na ang ibig kong ipahiwatig ay “lap” na kandungan, na puwede ring upuan at ang “top”, na ang ibig sabihin ay ari.
“Mas maganda ang desktop tol…” sagot uli niya na ang ibig ipahiwatig ay pormang mesa na may “top” na naka… alam niyo na siguro. “Maya tol… punta tayo sa ‘Internet Café’…” dugtong ni Marbin.
Iyan ang mga lengguwahe namin. Kami lang ang nakakaalam, kami lang ang nakakaintindi. Parang may sarili kaming bansa na tanging kami lamang ang mamamayan o mundo ba kung saan kami lamang ang namumuhay...
Ngunit may isang insedenteng hindi ko malilimutan kung saan bumilib talaga ako sa kabaitan ni Marbin. At ang ginawa niyang ito ay tumatak hindi lamang sa aking isip kundi pati na rin sa aking puso. At nasabi ko sa aking sarili na talagang isang tunay na kaibigan si Marbin at napaka-swerte ko na nagkaroon ng kaibigang kagaya niya.
Piyesta iyon sa karatig-baranggay kung saan may search for Mr. Body Beautiful. May premyong trip to Boracay, good for two para sa mananalo. At ang dagdag pa-premyo ay ang pagiging modelo nito sa isang na fashion designer.
Hinikayat ko si Marbin na sumali. “Sayang din iyan tol, pag nagkataon, makapunta ka na ng Boracay, at libre! At hindi lang iyan, magiging modelo ka pa! Imbes na magtutulak ka ng whip mop gabi-gabi sa mga hallways at silid ng unibersidad, rarampa ka na lang sa harap ng mga magtitiliang tao. At malaki pa ang kita mo, sisikat ka pa!” Ang sabi ko.
“Ayoko ah! Hindi naman ako ganyan ka-macho para magpakita ng katawan. At isa pa, hinid ko kayang humarap sa mga tao. Ok lang s akin ang maglinis, kahit buong unibersidad pa ang linisin ko, huwag lang ang humarap sa mga tao. Atsaka… hindi naman ako guwapo tol. Hindi kagaya mo.”
“Anong hindi ka guwapo? Ang lakas kaya ng appeal mo. Ang galing ng tindig mo, ang galing ng porma mo, ang galing mong maglakad, ang galing mong ngumiti... Titig mo pa nga lang eh, nakakalusaw na.”
“Tado!”
“Ayaw maniwala o!”
“Hindi naman talaga totoo eh.”
“Asowwwwsss! Pakipot pa to. Ako nga nababakla sa iyo eh.” Biro ko. “Kung naging babae ka nga lang sana liligawan na kita eh.”
“Talaga?” ang sagot niya, binitiwan ang nakakalokong ngiti.
“Talaga lang! Bakit ganyan ka kung makatignin?”
“Anong balak mo ngayon?”
“Wala! Tange. May klase tayong pareho!”
“Gusto mo, i-hug mo ako?”
“Hindi lang hug. Kahit laptop o desktop pa, basta nasa loob ng internet cafe tayo, nagcha-chat”
Tumawa lang siya. Alam ko ang nasa isip niya. Malaswa.
“O ano, sasali ka ba? Ikaw na lang. Susuportahan kita. Sige na tol.” Ang paggiit ko sa tanong.
“Hindi a! Finals kaya. Ayokong isugal ang aking pag-aaral sa wala namang kasiguruhang patimpalak. Kung matalo ako, doble talo kasi, hindi ko na nga nasungkit ang premyo, baka ibagsak pa ako ng mga professor ko. Mabuti kung tatanggapin nila ang paliwanag na gusto kong maging isang modelo. Di kaya ako pagtatawanan ng mga iyon, sasabihing wow, may ambisyong maging modelo ang ating janitor?”
“Sobra naman sila kung ganyan ang sagot nila. At hinid ka janitor, working student ka. Ibig sabihin, hindi ka tatagal sa pagiging ganyan. At bakit naman kung janitor, anong masama? Wala bang karapatan ang mga ito na mangarap?”
“HIndi naman sa ganyan. Ang ibig kong sabihin, hinid nila maimagine na ako, isang low-profile, mahiyain… sasali sa isang patimpalak na tanging mga sociable na tao lamang ang gustong sumali. Hindi ko gusto iyan, hindi ko kaya, at wala akong ambisyon maging ganyan. Higit sa lahat, ayokong sirain o problemahin ang nakatakdang schedule ko sa pagsusulit.”
“Sabagay, may tama ka…” ang sagot ko. “Pero para sa akin tol... qualified ka talaga. Kahit sa paglalakad mo pa lang, ang ganda mong tingnan, para kang isang modelo. Proportioned kasi ang katawan mo, at ang ganda mong magdala. Kahit nga mga luma ang sinusuot mo, o kahit tagpi-tagpi pa o butas-butas, kapag ikaw ang nagsuot, parang gusto ko na ring magsuot ng butas-butas o tagpi-tagping damit. Nagiging attractive kasing tingnan ang mga ito kapag ikaw ang nagsuot. Dagdagan pa sa sunugin ngunit makinis mong balat. Hanep...” Totoo naman kasi. Ang lakas ng appeal ni Marbin at kahit sabihing wala siyang ka-artehan sa katawan o mga nilalagay sa mukha o balat, makinis ito. At kahit ano ang isusuot, lutang na lutang pa rin ang pagkahayup ng appeal niya.
“Hindi pa nga ako nakaranas na sumali sa mga ganyan eh.”
“Oo nga... pero para sa akin tol, sayang din. Baka lang naman…”
(Itutuloy)