Para Sa Mahal Na Kaibigan

1111 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com   ------   “Ayoko talaga. Hayaan na lang natin sa kanila iyan. Hindi ko pa rin ipagpalit ang finals ko. Mabababa na nga mga grado ko, sisirain ko pa ito sa isang patimpalak na walang kasiguraduhan.” Napahinto siya ng sandali noong may naisip. “I-ikaw na lang kaya ang sumali? Mas guwapo ka kaya. Andami ngang nagka-crush sa iyo dito sa campus. Para ka ngang freezer eh. Ngiti mo pa lang, nagyeyelo na ako.” Napangiti naman ako. “Ang ganda naman ng pick-up line mo. Nakakakilig!” sambit ko. Na sinagot naman niya ng, “Wala bang hug d’yan?” “Gusto mo ng desktop?” Pumutok ang isang malakas na halakhak. “Mamaya, mag-internet tayo, makatikim ka sa akin.” Ang pagbabanta niya. “Ano... sasali ka na?” paggiit niya rin sa tanong para sa akin. “Ano ka? Academic scholar ako. Kapag bumagsak ako sa subjects, katapusan na ng pag-aaral ko. Walang pera kaya ang mga magulang ko.” “E di, mag-working student ka na rin?” “Pwede. Pero bakit ako mag-working student kung kaya ko namang maging academic scholar?” “Sabagay…” So iyon. Naka-set na talaga ang mga utak namin na hindi siya sasali, at lalo nang hindi rin ako. Tatlong araw bago ang patimpalak, nagkasakit ang aking inay. Dinala namin siya sa ospital at doon napag-alaman sa ultra-sound at x-ray na may mga bato ang kanyang apdo at dapat itong tanggalin sa pamamagitan ng operasyon sa lalong madaling panahon. Para namang mawalan na sa tamang pag-iisip ang aking itay sa paghahanap ng makukuhanan ng pera. Nasa tatlumpong libo raw ang gagastusin sa operasyon. Pati ako ay hindi makapag-concentrate sa aking nalalapit na finals dahil dito. Sinabi ko ito kay Marbin. At awang-awa siya sa kalagayan namin. Ngunit wala siyang maitutulong kasi, wala nga rin siyang pera. Nakahanap naman ang aking itay ng mauutangan, subalit hanggang sampung libo lang, at sa isang pautangang 5-6. Napakalaki na nga ng tubo, kulang pa. Itinuloy pa rin naman ang opersyon. Ang problema lang namin ay kung saan maghanap ng pandagdag na bayaran sa ospital. Araw ng finals, hinahanap ko si Marbin. Hindi ko siya mahagilap. Pati sa kanyang classroom ay wala siya. Tuliro ang aking isip sa araw na iyon. May test ako subalit maraming bumabagabag sa aking isip; kalagayan ng aking inay, awa sa aking itay, at si Marbin na hindi ko mahagilap. Binilisan ko ang pagsagot sa pinakahuli kong pasulit sa araw na iyon. Noong natapos ko na ito, nagtatakbo kong tinungo ang lugar kung saan ginanap ang patimpalak. Kahit hindi ako naniwalang sasali si Marbin, nagbakasakali lang akong nandoon siya. At hindi ako nagkamali. Timing na tinawag ang kahuli-hulihang contestant. “And now… the last but certainly not the least, the candidate we dubbed as the black horse… please welcome,  Mr. Mabin Daria!!!” sigaw na emcee na halos sinabayan ng nakakabiging hiyawan at palakpakan na halos babagsak na ang buong stadium sa ingay ng audience. At nakita ko na lang si Marbin na lumabas sa entablado, ang tanging saplot ay isang trunk na sa palagay ko ay libreng bigay na uniporme para sa mga kalahok. Kitang-kita ang ganda ng hugis ng kanyang katawan; ang matipunong dibdib, ang pormadong mga biceps, ang six-pack niyang abs, at ang mga malalaking hita. Na-mesmerize ako sa tindi ng appeal niya! At bagamat huli na akong nakarating, pakiramdam ko ay siya ang paborito ng mga tao sa sobrang ingay ng hiyawan at palakpakan nila. At lalo na noong pinakawalan pa ni Marbin ang isang ngiting nambibitin, ang tingin ay tila nanunukso. Ang galing! Sobrang nakakabighani! Halos mapatid ang aking vocal chord sa kasisigaw ng “Tolll! Tollll!!!” habang hindi naman ako magkamayaw sa pagtatalon at pagpapalakpak. At noong nilingon niya ang aknig kinaroroonan, tila lumulundag-lundag naman ang aking puso noong binitiwan niya ang isang mapanuksong kindat. Pakiramdam ko tuloy ay himatayin ako sa sobrang pagka-excite sa kanyang ginawa. At marahil dahil alam niyang nandoon ako, at aliw na aliw na nagchi-cheer sa kanya, ramdam kong lalo pa siyang ginanahan. Ngunit doon ako naantig at lalong humanga sa best friend ko, noong tinawag na ang mga contestants para sa question and answer portion at ito ang isinagot niya sa tanong kung ano para sa kanya ang kahulugan ng buhay. “Makatulong sa kapwa sa kahit maliit na paraan. Ito ang susi ng tunay na kaligayahan. Walang kasing sarap ang maramdaman ng isang tao kapag nakatulong ka na nga, nakita mo pang masaya din sila dahil sa maliit na tulong mo.” Ang binitiwan niyang sagot. Malakas na palakpakan ang ibinigay ng mga tao sa kanyang sagot. Narinig ko na iyon sa kanya at alam ko, iyan ang kanyang paninindigan sa buhay. Ngunit may karugtong pa pala ang kanyang sagot. “Ngayon, nasa isang critical na kalagayan ang ina ng aking matalik na kaibigan. Sumali ako sa patimpalak na ito hindi lang dahil nais kong manalo kundi upang ipakita rin sa kanya, sa pamilya niya na kaya kong gawin ang lahat upang makatulong. Kahit mag-aabsent pa ako sa finals, kahit manginginig pa ako sa kaba sa pagharap ng maraming tao dahil hindi ko kailan man pinangarap ito, kahit babagyo pa, lilindol, babaha… walang makakahadlang sa pagtulong ko para sa isang mahal na kaibigan. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ng magulang dahil minsan ay nawalan na rin ako. Kaya ayaw kong danasin din niya, at ng mga kapatid niya, ang sakit na naranasan ko sa buhay... kung manalo man ako dito, masaya na ako na sa aking munting paraan, ay natulungan ko siya. Ngunit kung matalo man, at least naipakita ko sa kanya na lahat ay tatahakin ko para sa kanya… Maraming salamat po!” At… nanalo nga si Marbin. At dahil sa emosyonal niyang sagot sa patimpalak, mismong ang mayor na isa sa mga judges ang nag-offer na siyang gagastos sa pagpapa-opera sa aking inay. At hindi lang iyan, may kontrata pa siya na magmo-model para sa isang fashion designer kung saan ang boutique ay nasa karatig na syudad. “Tol… ang galing-galing mo sa pagrarampa, promise.” Ang sabi ko noong nag-usap kami sa likurang lawn ng ospital kung saan may mga kahoy at magkatabi kaming naupo. “Ikaw kasi ang inspirasyon ko eh. Sobrang kaba ko sa una… natapilok pa ako noong rumarampa akong naka suit… Ngunit noong naka trunks na at nakita na kita, doon na ako nag-init, lumakas ang loob.”  Para sa iyo naman kasi ang lahat ng iyon…” at naramdaman ko na lang ang kamay niya na humawak sa kamay ko.   (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD