One Friend

921 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com   ------   “Dear Tol… Hindi ko alam kung paano kita pasalamatan sa mga nagawa mong kabutihan sa akin. Hindi sapat ang mga salita upang matumbasan ko ang lahat ng mga ibinigay mo sa akin at sa aking pamilya. Maraming salamat sa kabaitan mo. Maraming salamat sa gma pagtulong mo. Maraming salamat sa mga magagandang alala-alang iniwan. At higit sa lahat, maraming salamat sa pagbuhis mo ng buhay para sa akin. Ikaw ang aking hero tol… Ikaw ang dahilan kung bakit nandito pa ako, buhay. Kaya pahalagahan ko rin ang buhay ko tol, para sa iyo. Habang buhay ako tol, palagi kang nandito sa puso ko. At ipangako ko rin sa iyo na palagi kong isusuot ang kwintas na ibinigay mo. Tol, hindi mo man ako binigyan ng pagkakataong sabihin ito sa iyo… MAHAL NA MAHAL din kita. Kung sinabi mo lang sana kaagad, hindi na sana hahantong pa ang lahat sa ganito. Pero wala na akong magagawa… kundi ang mangarap na sana papayagan ka ni San Pedro na maging guardian angel ko. Alam ko naman, gagawin mo ang lahat para sa akin. Paalam Tol. Rest in peace… --Benedict--“   Tinupi ko muli muli ang aking sulat atsaka ipinatong ito sa ibabaw ng kanyang nitso sa gilid ng nakahigang Krus. At bago ako tuluyang lumisan, pinatugtog ko ang kantang narinig namin sa ospital habang inoperahan doon ang aking inay sa kanyang pagtulong. Ito ang naging theme song namin. “Tol, para sa iyo…”   I always thought you were the best I guess I always will. I always felt that we were blessed, And I feel that way, still. Sometimes we took the hard road, But we always saw it through. If I had only one friend left, I’d want it to be you. Sometimes the world was on our side; Sometimes it wasn’t fair. Sometimes it gave a helping hand; Sometimes we didn’t care. ‘Cause when we were together, It made the dream come true. If I had only one friend left, I’d want it to be you. Someone who understands me, And knows me inside out. And helps keep me together, And believes without a doubt, That I could move a mountain: Someone to tell it to. If I had only one friend left, I’d want it to be you. Instrumental Break. ‘Cause when we were together, It made the dream come true. If I had only one friend left, I’d want it to be you. Someone who understands me, And knows me inside out. And helps keep me together, And believes without a doubt, That I could move a mountain: Someone to tell it to. If I had only one friend left, I’d want it to be you.   “If I had only one friend left, I want it to be you… Paano na iyan? Wala na ang one friend na pipiliin kong sana ay maiwan para sa akin. Sayang.... Pero, huwag kang mag-alala tol; lagi kitang dadalawin dito. Rest in peace ka lang tol.” Ang huli kong sinabi bago ko tuluyang nilisan ang kanyang puntod.   MALAPIT NA namang magsimula ang pasukan. Dahil lumipat ako ng eskuwelahan, hindi ko na naman kabisado ang pasikot-sikot sa enrolment. At kagaya noong una kong pag enrol sa eskuwelahan kung saan kami nagkita ni Marbin, naligaw na naman ako. Napunta ako sa isang building na walang tao, na akala ko ay Guidance Office. Bigla kong naalala si Marbin. At dahil kusang pumatak na lang ang aking mga luha sa tindi ng lungkot sa pagpasok ng ala-ala na iyon, naupo muna ako sa isang gilid ng hallway upang doon panandaliang ipinalabas ang aking dinadalang sama ng loob. Nasa ganoon akong paghagulgol noong biglang sumulpot ang isang janitor na tulak-tulak ang isang mop. Napatingin ako sa kanya. Dahil sa hiya, pinigilan ko ang sarili at hindi nagpahalatang umiyak. Palihim ko ring pinahid ang mga luha sa aking pisngi at mga mata. Ngunit mas lalo ko pang naalala si Marbin sa janitor. Sa kulay kasi ng kanyang balat, sa hugis ng kanyang matipunong katawan, sa taglay nitong tangkad, kahawig na kahawig niya si Marbin. At nakahubad din ang pang-itaas niyang katawan habang nagma-mop sa sahig na iyon. Ang kaibahan nga lamang ay imbis na ilaylay niya sa kanyang bulsa ang hinubad na t-shirt, itinakip niya ito sa kanyang mukha, proteksyon marahil sa maalikabok na paligid. Hindi ko tuloy maiwasan ang hindi mag-flashback sa isip ko ang eksena kung saan una kaming nagtagpo ni Marbin. Naligaw rin ako noon, hindi mahanap ang Guidance Office at napunta sa isang building na nilinis niya. At bagamat abala siya sa kanyang pagma-mop, bumaba pa talaga siya upang ituro sa akin ang pathwalk na siya kong tahakin patungo sa guidance Office. Tila napaka-sariwa pa sa akin ang lahat. Binitiwan ko ang isang malalim na buntong-hinigna. “Parang kailan lang nangyari ang lahat…” Hindi ko na naman natigilan ang kusang pagdaloy ng aking mga luha. Naisipan kong umalis na lang sa lugar upang maiwaglit sa isip ang mga ala-alang kusa na lang pumapasok sa aking isip. Tumayo ako at tinumbok ang hagdanan pababa sa building. Nakailang baiting na ako sa hagdanan noong bigla namang sumigaw ang Janitor ng, “Boss, nalaglag ang kwintas mo!” Napalingon ako at tiningnan ang itinurong kwintas ng Janitor. Nakalatag ito sa sahig na dinaanan ko. “Ang kwintas ni Marbin!” Sigaw ng isip ko.   (Ituutloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD