Iba Kaysa Dati (Last Part)

736 Words
By Michael Juha getmybox@h*********m   -----   Ngunit laking pagkagulat ko noong kinapa ko sa aking leeg ang aking kwintas, nandoon pa rin ito. At upang makasiguro na iyon nga iyon sa aking leeg, inilabas ko ito mula sa ilalim ng aking t-shirt. At nasa leeg ko nga siya! Natulala ako at hindi makapaniwalang may isang kwintas na sumulpot at kahawig na kahawig pa ito sa kwintas na suot-suot ko! Napako ako sa aking kinatatayuan, hindi malaman kung angkinin iyon o sasabihing hindi iyon sa akin. Ngunit ang ikinamangha ko sa lahat ay bakit parehong-pareho? Nasa ganoon akong kalituhan noong tinanggal ng janitor ang nakatakip na t-shirt sa kanyang mukha. At lalo pa akong natulala at nanginig ang buong kalamnan noong nakita ang mukha niya. At doon hindi ko na napigilan ang sariling hindi mapasigaw ng, “Marbinnnnnnnn??? Ikaw ba iyan???” Ngumiti lamang siya sabay takbo palapit sa aking kinaroroonan atsaka niyakap ako. “Oo… ako. Gusto mong magpaturo kung saan ang Guidance Office?” ang biro niya sa akin. Ngunit hindi na ako nakasagot. Tuluyan ko nang pinakawalan ang mga luhang aking pinigilan. Humagulgol ako sa sobrang kaligayahan, naglupasay, at nanginginig ang aking buong kalamnan. Noong nahimasmasan na, doon ko na siya inulan ng mga tanong. “Paano ka nabuhay? Paano ka nakarating dito? Ano ang nangyari?” At kinuwento niya na pinatakas siya sa lider ng fraternity gawa ng naawa ito sa kabaitan ni Marbin at sa isang kundisyon na huwag nang magpakita sa mismong unibersidad. At dahil inihinto ko na rin ang panliligaw ko kay Emily, kung kaya lalo pang napadali ang pagpakawala sa kanya ng grupo. “Sino pala iyong inilibing namin na itinapon sa ilog?” “Ah… hindi ko na masasagot iyan. Marami naman kasing salvage victim ang itinatapon sa ilog na iyon, di ba?” “Sabagay…” sagot ko. “Parang ayaw mo yatang mabuhay pa ako eh…” biro niya. Na sinagot ko rin ng pang-aasar na biro. “Oo naman. Akala ko pa naman magkakaroon na ako ng guardian angel. Sayang lang ang mga luha ko.” Tinitigan na lang niya ako. “G-gusto mo mag-chat tayo…” ang mahinang sambit niya, ang mga mata ay tila nakikiusap. “Weeee. Wala kayang internet café dito.” “Anong wala? May sarili na kaya akong kuwarto. Noong nakatakas na ako at binalaan na huwag nang bumalik sa lugar na iyon, nilapitan ko ang fashion designer na nag-alok sa akin ng part-time modelling na trabaho. Nalala mo ang pagkapanalo ko sa pa-contest? Iyon... At naawa siya sa akin kung kaya binigyan niya ako ng advanced p*****t para pambayad sa aking flat. At may trabaho na rin ako, para s aking mga pang-araw-araw na pangangailangan. Kaya… libre na tayong mag-internet sa bagong internet café natin – sa kuwarto ko!” ang masaya niyang sabi, bakas sa kanyang mukha ang matinding kaligayahan. “Talaga?” Ang sagot ko. “E… bakit ka pa nag-working student? May modelling work ka naman pala?” “Bakit ko iiwanan ito? Kung hindi dahil dito, hindi kita makilala. Lucky charm sa akin ang trabahong ito tol… At isa pa, gusto kong palaging naaalala ang aking pinagmulan. Ayokong lumaki ang aking ulo. Gusto kong ipakita sa ibang mga estudyante na ang ganitong trabaho ay marangal at puwedeng maipagmamalaki.” Hindi na ako nakasagot. Sa isip ko, walang duda na siya nga si Marbin. At ganoon pa rin siya, hindi nagbabago, nandoon pa rin ang nakaka-inspire niyang paniniwala at paninidigan sa buhay. “Mamaya, pagkatapos mong magpa-enroll, punta tayo sa internet café ko. Mag-chat tayo. Miss na miss ko na kaya ang chatmate ko. Sobra…” Tinitigan ko siya. Tinitigan din niya ako. Nakabibighani ang kanyang ngiti, dagdagan pa sa kanyang mga dimples at mapuputing mga nginpin. Binitiwan ko ang isang nakakalokong ngiti sabay abot ko sa aking kamay. “Benedict!” Tinaggap niya ang aking pakikipagkamay sabay sabi ring, “Marbin”. “Nasaan na nga pala ang daan patungong Guidance Office bro? Bago lang ako rito eh!” “E ‘di hanapin mo? Mahirap bang gawin iyan? Anong paki ko sa iyo?” ang biro niyang pagtataray. “Hindi iyan ang sagot mo dati eh! Ba’t iba ang sagot mo kaysa dati?” ang pagtutol ko pa. “Ay hindi ba? Ano nga pala uli iyon?” Sabay kaming nagtawanan…   WAKAS.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD