Sadista

866 Words
By Michael Juha getmybox@hotamil.com   ------   Pinisil ko ang kamay niya. “S-salamat tol… hindi ka lang hero ko. Hero ka rin ng pamilya ko.” Saka naman may biglang nagpatugtog. Sa Lawn kasi na iyon ay may mga speakers na nakakabit sa kahoy. Parang ginawang lugar iyon kung saan maaaring magpalipas ng oras, magmumuni-muni, lumanghap ng preskong hangin ang mga tao at pasyente. At ewan ko rin kung sinadya ba ang kantang iyon. Natahimik kami at pinakinggan ang bawat kataga ng kanta –   I always thought you were the best I guess I always will. I always felt that we were blessed, And I feel that way, still. Sometimes we took the hard road, But we always saw it through. If I had only one friend left, I’d want it to be you. Sometimes the world was on our side; Sometimes it wasn’t fair. Sometimes it gave a helping hand; Sometimes we didn’t care. ‘Cause when we were together, It made the dream come true. If I had only one friend left, I’d want it to be you. Someone who understands me, And knows me inside out. And helps keep me together, And believes without a doubt, That I could move a mountain: Someone to tell it to. If I had only one friend left, I’d want it to be you. Instrumental Break. ‘Cause when we were together, It made the dream come true. If I had only one friend left, I’d want it to be you. Someone who understands me, And knows me inside out. And helps keep me together, And believes without a doubt, That I could move a mountain: Someone to tell it to. If I had only one friend left, I’d want it to be you.   At habang patuloy na tumugtong ang kanta, namalayan ko na lang na tumulo ang aking mga luha. Isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat. Hinayaan lang niya ako. Noong natapos na ang kanta, pinahid ko na rin ang aking mga luha. Noon gnapansin niya ito, siya na ang nagpatuloy sa pagpahid gamit ang kanyang palad. “P-aano iyan… may trip to Boracay ka na. Makakarating ka na rin sa Boracay. Buti ka pa…” “Oo nga… At kasama ko pa ang pinaka-inspirasyon ko sa pagsali ng patimpalak na iyon.” “Sino?” Tinitigan lang niya ako. “Gusto mo… mag chat tayo?” “Tado, sarado pa ang internet café!” “Sabagay… pero sa Boracay, sigurado akong sa hotel nila, wifi na ang gamit. Kahit sa loob ng kuwarto, basta may laptop, may desktop… pwede tayong mag-internet.” Sabay kaming nagtawanan.   NATULOY KAMI sa Boracay. Walang mapagsidlan ang saya na aking nadarama sa unang experience namin na makapunta sa ganoon kagandang lugar, at sa hotel na tinirhan namin. Dalawang gabi at 3 araw kami roon. Para kaming tunay na magsing-irog. Ang kulang na lang sa amin ay ang mga salitang “I love you” Balik na naman ang pagiging close namin. Parang kumpleto na ba sana ang lahat? Masaya ako na nagkaroon ng isang tunay na kaibigan kay Marbin, Masaya kami sa aming samahan… pakiwari ko ay wala akong takot sa buhay kapag kapiling ko siya. Ang kaso… ganyan talaga marahil ang buhay. Puno ng hiwaga, puno ng pagsubok. At ang kahit gaano kalalaim na pagmamahalan o pag-iibigan ay minsan bumibigay din kapag dumanas ito ng matinding pagsubok. Patuloy pa rin kasi ang panliligaw ko kay Emily. Dahil hindi pa naman niya ako sinagot, at ang sabi pa sa akin ay matatagalan pa, patuloy pa rin akong umaakyat ng ligaw. At sa bawat dalaw ko kay Emily, nandoon pa rin palagi sa aking tabi si Marbin. Kagaya ng mga nakagawian, habang mag-uusap kami niyan ni Emily sa labas ng kanilang bahay, sa isang sulok na med’yo madilim-dilim, si Marbin naman ay nag-iisa sa isang parte rin ng lugar, nag-iisa, naghihintay kung kailan kami matatapos sa aming pag-uusap ni Emily. At kahit na abutin pa kami ng magdamag, nandoon pa rin si Marbin, walang reklamong naghihintay sa akin. Para siyang isang asong nagbabantay sa kanyang amo, na kung saan ay hindi kayang sukatin ang kanyang loyalty para rito. Siguro masasabing akoy isang manhid ba o sadista. Ngunit sinabi ko na ito kay Marbin na hindi na niya ako kailangang samahan sa panliligaw ko kay Emily. Subalit siya mismo ang nag-insist na sasama. Ayaw daw niyang mapahamak ako… “Mahal mo ba talaga si Emily?” Nakailang tanong na rin si Marbin sa akin. At ang sukli ko sa tanong niyang iyan ay either katahimikan o tango lang. Mahal ko naman talaga si Emily. Bagamat mahal ko rin si Marbin ngunit gustong i-justify ng isip ko na ang pagmamahal ko sa kanya ay bilang isang best friend lang, at walang ibang explanations sa aming mga ginagawa. Alam ko naman kasing bawal ang isang relasyong lalaki sa lalaki. At alam din niya ito. Ang pag-ibig ay para lamang sa lalaki at babae. Hindi ito applicable sa kapwa lalaki. Iyon ang parehong nakatatak sa aming isip.   (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD