Umikot ang paningin ko sa paligid.
Ipinatawag ako ng President kaya inihatid ako ng sasakyan ng company. Kanina ay nagtataka na ‘ko bakit kailangan naming lumabas iyon pala ay dadalhin ako sa isang expensive restaurant.
Iyong kaba ko ay triple dahil mas malamig ang private room na ito at mahaba rin ang mesa pero mayroon lamang iyong upuan na kinauupuan ko at nasa kabilang dulo ang isa.
“Miss,” tawag ko sa babaeng palabas na siyang naghatid sa ‘kin sa private area.
“Yes, sir?” Nakangiti siya sa ‘kin na lumapit.
“Ahm, tama ba ito? I’m Aryan Fernandez Castillo, baka nagkamali ka lang na dito ako dalhin?” Baka pagbayarin ako bigla at wala akong ibabayad dahil pamasahe lamang ang dala ko.
“Yes, ang nakasulat po sa reservation ay Aryan Fernandez?” Hindi nawawala ang magiliw niyang ngiti. Iyon ang pangalan na inilista ko no’ng nasa venue ako for audition. Nasanay akong walang middle name noon kaya minsan ay naisusulat ko talaga ang pangalan ko sa dati. Two years ago lang no’ng magpakasal ang magulang ko at mapalitan ang apelyido ko na dating sa nanay ko lang ang gamit ko. “Ang reservation ay mula kay Mr. Alejandro Vasquez.”
Napatango ako at ngumiti, iyon nga ang pangalan ng President.
“Thank you, pasensiya na sa istorbo.”
“It’s okay, sir, tumawag lang kayo kapag kailangan ninyo.” Itinuro niya ang gold bell malapit sa ‘king harapan. “Nasa ibang area lang si Mr. Vasquez dahil sa isang meeting iyon ang pinasasabi niya kaya baka ma-late siya ng ilang minuto.”
Sino naman ako para magreklamo sa pagpapahintay ng President?
Kahit abutin pa ‘ko nang kinabukasan dito ay ayos lang basta huwag niya lang bawiin ang scholarship ko.
Lumabas ang babae nang bumukas ang pintuan.
Pakiramdam ko’y mas kabado pa ‘ko rito kaysa sa magiging field demonstration ko bago ang graduation.
Tumayo ako at tumungo sa kanya. “Good Evening, sir.”
Inialok niyang maupo ako kaya sumunod naman ako.
Naaamoy ko ang mamahalin niyang cologne na hindi naman matapang pero parang bumabara sa ‘king ilong at hindi maalis.
Maganda ang kanyang tindig kaninang nakatayo ako ay halos lagpas balikat niya lamang ako kahit nasa five feet seven inches na ‘ko.
Hindi niya pa rin sinasabi ang pakay niya at para namang nauurong ang dila kong magtanong dahil titig na titig siya sa ‘kin. Matalim ang hugis ng mata niya at masyado ring matiim tumitig ang abuhin niyang mga mata. Hindi ako eksperto sa mga features ng ibang lahi, pero sa tingin ko’y mukha siyang hudyo? Turko? Hindi ko alam! Bakit kailangan ko pang problemahin iyon!
Dumating ang pagkain at talagang nalulula ako sa dami niyon lalo at mamahalin ang mga iyon. Paano kung pabayaran niya ito bigla sa ‘kin? Tumatanggap kaya sila ng mag-uurong? Maglilinis?
Madalas akong mapagkamalang mayaman dahil makinis at maputi raw ako at napakalinis tingnan baka akala niya’y anak mayaman ako kaya umorder siya nang ganito karami at kamahal?
Pasimple kong pinunasan ng panyo ang noo ko na nagbubutil ang pawis kahit malamig.
“Sir, hindi naman siguro ako ang magbabayad nito?”
Siya na bago lang nag-angat ng kubyertos ay napatitig sa ‘kin at biglang ngumiti o ngumisi?
Ngumiti naman akong pilit.
“It’s on me, kumain ka lang bago tayo pumunta sa topic.”
Nakahinga ako nang maluwag at napangiti na rin kahit mayroon pa rin akong damdaming parang gusto ko na siyang alisan.
Hindi ko alam kung tama ba ang pag-angat ko ng kubyertos, maging makagawa kahit maliit na ingay ay hindi ko gustong magawa. Hindi ko magawang kainin ang mga iniaalok niya dahil punong-puno kaagad ang pakiramdam ko. Ganito siguro ang pakiramdam ng binubusog muna bago bitayin.
Nakailang set kami ng pagkain.
Siguro’y may date siya pero hindi natuloy at dahil sayang ay ako na lamang ang pinakain niya total ay magkikita rin naman kami? Ganoon na nga siguro. Wala talagang dahilan para pakainin niya ako rito na baka tuition ko na sa buong apat na taong pag-aaral ko ang lahat ng kinain namin.
Nang matapos kaming kumain at matira na lamang ang inumin ay nagsimula na naman akong kabahan. Ano bang problema ng lalaking ito at titig nang titig sa ‘kin? Wala siguro siyang makitang star factor sa ‘kin.
“I have an offer for you, Aryan, right?”
“Yes, Mr. President.” Huminga ako nang malalim at marahang bumuga. Nginitian ko siya para hindi niya maramdamang abot-abot na ang kaba ko. Walang terror professor ang nakapagparamdam sa ‘kin nang ganito katinding tensiyon.
“I like you, and I’m willing to be your principal sponsor in anything. I can buy you a car, unit, land, house or a business in exchange of you, being my lover.”
Walang gatol niyang sabi. Hindi man lamang siya kakikitaan ng ibang emosyon at straightforward niyang sinabi ‘yon.
“Sir, is it some kind of joke?” Pilit akong ngumiti.
“No, tell me how much do I need to prepare for you to accept my offer?”
Katulad kanina’y diretso pa rin niya iyong sinabi.
“Sir, high school ako no’ng makita ko sa newspaper na ikinasal ka, a couple of years ago ay may nabasa akong article na mayroon ka ring anak,” paglilinaw ko.
“Yes, I’m a family man.”
Seryoso ba ang lalaking ito?
“I’m sorry, sir, hindi ko kailangan ng sponsor at mas malabong pumayag ako lalo at may pamilya ka. I hope na hindi ito ang maging dahilan para mawalan ako ng scholarship sa ACE Entertainment, pero kung ang pagiging artist sa ACE at pagpayag sa gusto mo ang kapalit, I will consider dropping out.”
Hindi ako nagkagusto sa lalaki noon, kahit crush. Pero ganoon din sa babae, iniisip ko nga kung mayroon ba ‘kong kakayahang makaramdam? O manhid lang ako? Ngayon na inaalok ako ng isang lalaki na maging lover niya, hindi man lang ako nakaramdam nang labis na pandidiri o pagkabigla, para lamang nagsabi siya ng isang pangkaraniwang bagay at ang dahilan nang pagtanggi ko ay pamilyado siya at hindi ko gustong magbigay ng katawan katulad ng magulang ko para sa salapi.
Tumayo ako at tumungo sa harapan niya.
“I’m sorry, sir, hindi ko matatanggap kung seryoso ang alok mo.”
“It’s okay, kung magbabago ang isipan mo ay alam mo naman kung saan ako pupuntahan.”
Magkasalikop ang palad niya sa mesa habang titig na titig sa ‘king mga mata.
“Sir, bakit mo kailangan ng lover kung may pamilya ka na?”
“Do I need to tell you?”
Napahiya naman ako at umiling. “Thank you for the meal, sir.”
Nasa pintuan na ‘ko nang magsalita siya.
“Five million?” As if, nakikipagtawaran siya.
Hindi na ‘ko sumagot at umalis na.
Para akong kinapos nang hangin at mabilis na hiningal sa paglalakad.
Sa titig pa lamang niya’y dama ko ng totoo ang alok niya.
Para siyang mabangis na hayop na territorial at hindi ako pakakawalan.
Wala siyang sinabi tungkol sa ACE na aalisin ako. Pero kaya ba ako nakapasok dahil ay pinili niya ako para lamang maging kalaguyo niya?
Nasa parking lot na ‘ko nang kumalma ako.
“Tama si tatay at nanay, ang mga mayayaman ay walang pakialam sa sinasayang nilang pera. Tatlong milyon? Ganoon ang itatapon niya para lamang sa ‘kin? Malaking pera iyon at aaminin kong kung wala akong paninindigan ay tatanggapin ko iyon dahil sigurado na ang magandang buhay ko. Pero hinding-hindi ako tutulad sa magulang ko na ibebenta ang sarili ko. Ipinagpapasalamat ko na wala akong responsibilidad katulad nila noon na naging dahilan para maaga silang pumasok sa masamang kalakaran ng pagbebenta ng katawan.
Umuwi ako at nanalangin na hindi ako maalis sa ACE scholarship.
Wala pa naman akong message na natatanggap na inaalis na nila ako sa utos ni Mr. Vasquez.
Hindi ako halos nakatulog no’n kaya nang ipatawag kami para sa meeting ng Manager namin ay abot-abot ang kaba ko pa rin dahil nga maaaring ngayon nila iyon sabihin sa ‘kin.
“Aryan, maiwanan ka muna at may sasabihin ako sa ‘yo.”
Nagtaka rin sila Paulo at Kevin na maiiwanan ako.
“Jane, Kylie, dalhin ninyo na muna sa photoshoot iyang dalawa,” utos ni Manager sa dalawa niyang staff.
Sa tingin ko ay ito na nga iyon.
Nag-iinit na kaagad ang mga mata ko dahil nasayang ang oportunidad ko.
“Aryan,” tawag ni Manager na nagbukas ng folder. Marahil ay contract ko iyon na ipawawalang-bisa.
“Yes, ma’am?” Nagpapakatatag ako.
Tiningnan niya ‘ko na parang disappointment. Alam kong mayroon talang mga artist ang may sponsor, pero hindi ko gustong ipalit ang lahat-lahat sa ‘kin, baka talagang magiging Teacher ako at hindi isang artist.
“Kanin aka pa mukhang inaantok, mayroon ka ring eye bag, sinabi ko na sa inyo na alagaan ninyo ang sarili at matulog ng maaga. Ngayon, may photoshoot pero hindi ka mukhang ready.” Pinapagalitan niya ‘ko pero wala akong pakialam doon dahil mukhang hindi ito tungkol sa iniisip kong dahilan.
“Im sorry, Manager,” seryosong sabi ko kasabay ng pagtungo.
“Magpahinga ka na ngayong araw at bukas na kita i-schedule sa ‘yong photoshoot.”
Tumango naman ako at nagpasalamat.
Lumipas ang ilang linggo na hindi naman naungkat ang tungkol sa alok sa ‘kin ni Mr. Vasquez, hindi rin naman niya ako ipinatawag na. Nagsisimula na ring mawala ‘yon sa sistema ko dahil nagiging abala ako sa mga schedule at kung may extra na time ay inilalaan ko naman ‘yon para sa mga kailangan ko sa pag-aaral. Pareho kong priority ang pag-aartista at pag-aaral. Dito ay scholarship pa lamang ang sigurado sa ‘kin, maaari pa itong maagaw ng iba, pero ang pag-aaral ko ay makakasama ko palagi kaya hindi ako maaaring magpabaya.
Pagod na pagod ako nang dumating isang gabi sa ‘min.
Nagtaka ako dahil late na ‘ko nakauwi pero sarado pa rin ang bahay.
“Aryan! Aryan!”
Napalingon ako kay Ninang Julie.
“Ninang? Kasama po ba ninyo sila nanay?”
“Nasa hospital sila at naaksidente!”