Chapter 5
Hindi magkandaugaga si Nicolette sa pagpasok ng mga pinamili niya sa grocery store. Bago siya umuwi ay dumaan na siya roon para makapamili ng isang buwan niyang makakain. Kapag naubos na naman ang mga iyon ay uuwi na naman siya sa bahay nila para makitulog at maglagi roon ng dalawang araw. Ganoon na ang naging gawi niya simula nang magdesisyon siyang tumira sa mansyon. Hindi nga alam ng Mommy Valentines niya na nakatira na siya roon dahil nang umalis iyon kasama si Quinn ay nasa bahay pa nila siya nakatira. Sabi niya, ayaw niyang tumira sa mansyon dahil baka malungkot lang siya araw-araw pero nagbago rin ang isip niya nang sabihin ng Mama niya na bakit hindi niya subukan na tumira roon dahil sayang naman daw at baka tirhan lang ng maligno.
Psh! Noong una natakot siya dahil pakiramdam niya ay parating may nakatingin sa kanya. Natutulog siya na bukas ang lahat ng ilaw sa sampung kwarto at sa kabuuan ng mansyon, pati na mga ilaw sa bakuran. Buti na lang dahil solar naman ang mga iyon.
“Makisama ka!” pilit na hinila ni Nicolette ang sampung kilo ng bigas niya.
Baka makarating man lang siya sa kusina ay lawit na ang matris niya dahil sa paghila ng limang maliliit na sako ng bigas.
Napaka-ungentleman naman kasi ng kuya niya na hindi siya inihatid sa loob ng bahay ay ang bilin ng Papa niya, ihatid siya at huwag pagbubuhatin ng mabibigat.
Isusumbong niya iyon dahil nilayasan siya porke at tinawagan ni Jessica na naghihintay daw sa isang inn.
Anong inn? Anong gagawin doon? Siya ni minsan ay hindi naman dinala ni Ziggy sa isang inn. Baka naman magbibilangan ng pubic hair ang kuya niya at ang malanding si Jessica.
“Hi Love! Miss me much?” ngumiti siya nang makita ang litrato ni Ziggy na nakapaskil sa ref niya.
Dahil lang sa mga litrato nito na nagkakalat kung saan-saan kaya nawala ang takot niya sa maligno hanggang sa nasanay siya na matulog at tumira roon na mag-isa.
“Wait lang. Kukunin ko lang ung ibang paper bags.” Paalam ni Nicolette saka siya bumalik sa may pintuan at kinuha ang iba pa niyang pinamili.
Isinara niya ang pinto at ini-lock pa saka siya bumalik sa kusina.
“Doon ako natulog kina Mama. Katabi ko sila ni Papa tapos si kuya naman na lasing ay nakitabi rin. Gosh! Ang bantot niya. Amoy siyang tuta tapos ang lakas pang humilik. Masaya naman ako. Ikaw, kumusta ang dalawang araw na wala ako? Di ka ba natakot dito?” daldal niya habang nagsasalansan ng kanyang mga de lata sa shelf.
Of course walang sagot.
Sasagot ba naman ang patay?
“Wala naman multo rito kaya for sure hindi ka naman natakot. Pero alam ko na-miss mo ako ano? Na-miss din kita. Alam mo naman na bawal na akong tumunganga sa picture mo kapag nasa bahay ako kasi sabi nila hindi ako makakapag-move on. Huwag kang magagalit kina mama ha—”
Ting!
Napatigil siya at napakurap. Guni-guni ba na tumunog ang lift?
Wala sa hinagap na mapapatingin siya sa litrato ni Ziggy. Galit ba ang mister niya at umalis siya?
Hindi.
Hindi naman marunong magalit si Ziggy. Si Ziggy ang pinakamabait na lalaking nakilala niya bukod sa kuya at Papa niya.
Guni-guni lang ‘yon.
Ipinagpatuloy niya ang pagsalansan at hindi pinansin ang narinig niya. Hindi nga niya alam kung talagang tumunog ang lift. Baka lift iyon ng kapitbahay niya.
“Alam mo hindi mo naman kailangan na magparamdam. Hindi naman ako nagpaligaw kay Xavier. Hindi ko naman siya pinansin. Alam mo naman na ikaw lang ang super love ko sa lahat kahit nga para na akong baliw na nagsasalita parati na mag-isa. Malamang kung hindi ko nakayanan ang pag-iwan mo sa akin, nasa mental na rin ako. Ay sandali, di pa kita niki-kiss.” Ngisi niya saka siya humakbang papalapit sa fridge at pinatulis ang mga labi.
Pumikit siya para halikan ang litrato ni Ziggy pero bigla siyang natigilan nang maramdaman niya na parang may nakatingin sa kanya.
Agad na nagsipagtayuan ang mga balahibo ni Nicolette kaya naman mabilis din niyang binuksan ang mga mata habang nakatulis pa rin ang labi.
She abruptly titled her head and to her shock, a half naked man is staring at her!
“H-Hoy!” lunok niya saka niya mabilis na binuksan ang drawer ng island counter at kumuha ng kutsilyo. “S-Sino ka? Magnanakaw ka!” hindi siya halos kumurap kahit na binabayo ang dibdib niya sa kaba.
Dinampot niya ang telepono para tumawag sa security pero hindi pala iyon nakasaksak.
Tulala rin ang lalaki at parang gulat din sa kanya pero hindi tulad ng gulat na nararamdaman niya.
Halos manlamig ang mga palad niya at talampakan at nangangatog ang mga tuhod.
“Sino ka?!” singhal niya, kapa ang cellphone sa bulsa ng short niya at tatlong beses niyang pinindot ang on/off button para sa emergency call na kuya niya ang makakatanggap.
Bumuka ang labi ng lalaki at noon niya napansin na hindi ito mukhang kawatan.
The man looks…foreign except for those light brown eyes.
Makapal ang itim na itim nitong buhok at pati na ang mga kilay na makakapal ay parang nakita na niya. Hindi niya alam kung sinong nilalang may mga kilay na ganoon pero alam niyang meron.
The man is a…man and not a boy. Mukhang may edad na ito kumpara sa kanya at hindi na ito ‘totoy’.
And why the hell is he staring at her like that? Para itong nanuno sa punso sa pagkakatitig sa kanya at nahuli niya ito kanina na nakatingin sa pwet niya habang nakatalikod pa siya.
“Who are you?!” she snapped and pointed the knife at the man.
Baka hindi ito nakakaintindi ng Tagalog dahil mukha naman itong yayamanin.
Kahit na mga balahibo nito sa dibdib ay yayamanin din. Peste, may hikaw ito sa isang n****e kaya napatanga siya.
Tumaas ang isang sulok ng labi ng lalaki at kaswal na tumingin sa litrato ni Ziggy.
“Don’t look at my husband! Get out!” Nicolette snarled but she stopped when she saw resemblance of Ziggy’s face on the stranger’s face.
Diyos ko…hindi kaya…?
“Drop the knife, sweetheart.” Ngiti nito sa kanya at humakbang papalapit sa island counter kaya naman napaatras siya.
Lihim siyang napapikit nang tumama ang gulugod niya sa granite pero hindi niya magawang itikal ang paningin sa lalaki. Baka totoong kawatan ito.
Kinalkal nito ang paper bag niya na may lamang mga prutas at sa pagkadismaya niya ay kumuha ito ng mansanas.
“Can I have one?” he smiled again, a killer one.
Englisero ang palaka.
“W-Who are you?” sa puntong iyon ay bumaba ang tono niya dahil mukhang hindi talaga masamang tao ang lalaki.
“And you?” his pair of brown orbs scanned her body.
A very light smile flashed across his handsome face and it’s kinda enigmatic. May aura itong si Ziggy pero masama man na sabihin ay mas gwapo ito sa asawa niya. Si Ziggy ay plain ang hitsura, simple at mukhang anghel kahit na ang paraan ng pangiti. This man is a bit tricky, playful when he smiles. He looks like a playboy.
Kung hindi ba ay bakit ito may hikaw sa s**o? Si Ziggy ay wala man lang kahit sa tainga. Wala rin iyong tattoo at ang isang ito ay may tattoo na nakatago sa may garter ng suot na itim na pajama.
Teka…
Naka-pajama ito, ibig sabihin ay bagong gising ang lalaki. Kaya pala wala sa direksyon ang ayos ng makapal na buhok.
“I-Ikaw…sino ka muna? B-Bakit ka nandito sa bahay ng asawa ko? P-Paano ka nakapasok? M-Magnanakaw ka?” kandautal-utal siya at habol ang hininga.
Ninenerbyos pa rin siya at kapagkuwan ay natilihan siya nang makarinig siya ng alingawngaw ng sirena ng mobile ng pulis.
Ngi! Nandyan na yata ang isang batalyon ng kampon ng kuya niya.
The man just chuckled and bowed down a bit, smiling at the apple.
Ang swerte ng mansanas, nangitian ng gwapong nilalang.
Nalula bigla si Nicolette nang ibalik ng lalaki ang tingin sa mukha niya pero mainit na ang titig na ‘yon, tulad ng titig nito kanina habang pinagmamasdan ata siya.
“Are you Nicolette?” anito sa pinakamagandang tinig.
Hindi niya nasagot iyon dahil bumukas ang pintuan at kitang-kita niya mula sa kinatatayuan niya ang kapatid niya na pumasok, bitbit ang baril.
“Freeze! Huwag kang kikilos ng masama kung hindi ay pasasabugin ko ang bao ng ulo mo!” sigaw ng kuya niya at kasusunod no’n na pumasok ang ilan pang kapupulisan.
Umarko lang ang mga kilay ng lalaki at pumihit ito habang tuwid na tuwid pa rin ang likod, at laking panghihilakbot ni Nicolette nang makita niya na may baril din ito na nakasukbit sa puwit!
Jusmi!
“May baril siya kuya! May baril siya!” tili niya at saka siya napatalon-talon sa kinatatayuan, hindi malaman ang gagawin dahil kanya-kanyang posisyon naman ang mga pulis.
“Take it easy, cops. I’m nota culprit.” Itinaas ng lalaki ang mga kamay, hawak pa rin ang mansanas.
Nakita rin niya ang pagkagimbal sa mukha ng kuya niya nang makita ang mukha ng lalaki.
“I have gun but I won’t use it.”
“Sino ka? Bakit ka nandito sa bahay ng kapatid ko?! If you’re not a culprit then why trespassed?” maangas na tanong ni Hunter at siya naman ay nakasiksik sa may ref.
Lumingon saglit ang lalaki at bahagyang ngumiti.
“I’m Lorenzo de Ayala, father of Hayden Alonzo de Ayala, deceased husband of that apple.” Anito kaya tigalgal siya.
Daddy ito ni Ziggy?! How come?!
Apple?
Ako? Kukurap-kurap siya na parang tanga.
Hindi naman Apple ang pangalan niya.
“Proof!” anang kuya niya at unti-unti iyong pumasok para lapitan siya habang nakatutok pa rin ang baril sa lalaki na nakataas pa rin naman ang mga kamay sa ere.
“Upstairs.” Ani Lorenzo habang nakatingin sa kanya.
Mabilis na yumakap si Nicolette sa nakatatandang kapatid para itago ang sarili. Bigla ang paghinga niya nang maluwag dahil hindi na siya nag-iisa kasama ang isang lalaking hindi niya kilala.
Mabuti na lang at siya ang priority nito kahit na nakabuyangyang na yata si Jessica sa kama.
“I can get it if you want. I’ll withdraw my gun.” Kalmado pa rin na sagot ng lalaki at kinapa ang likuran, inilapag ang baril sa island counter.
“Dito ka lang, Nikulit. Sasamahan ko siya sa pagkuha ng mga sinasabi niyang proof. Kapag beyanan mo siya, nakakahiya kang bata ka.” Sisi pa ni Hunter sa kanya kaya naman sinapak niya kaagad ang kapatid.
“It’s natural to panic!” singhal niya rito at hindi nakaligtas sa mga mata niya nang bahagyang mangiti si Lorenzo.
Malay ba niya kung beyanan niya ito. Ngayon lang naman niya ito nakita sa tanan ng maganda niyang buhay.
“Papa mo siya, Love?” kausap niya sa litrato ni Ziggy.
“Oo.” Sagot ng lalaki kaya parang namula pa siya dahil tumalikod na iyon at iiling-iling na naglakad papalabas ng kusina.
Tinabig ni Lorenzo ang kwarenta y singko ni Xavier at maangas na nilgpasan ang pulis.
Ibang-iba si Ziggy kung totoo man na mag-ama ang dalawa. Ziggy became a frat member but he never acted superior to anyone. This man is no wonder mighty despite his simple gestures. Kahit na simpleng kumpas nito ng mga kamay ay may awtoridad.
Para siyang pusa na sumunod sa mga iyon nang lumabas ng kusina.
Patago-tago siya sa pader nang umakyat sa hagdan ang lalaki at sumunod naman ang kuya niya at ilan pang pulis.
“Dito ka lang, Kulit.” Anang kuya-kuyahan niyang pulis din pero sinimangutan niya iyon.
Tumingin siya sa hagdan at pumapanhik doon ang beyanan ‘daw’ niya.
“Let her come. I won’t hurt her.” Aniyon habang nakatalikod kaya sumunod pa rin siya sa mga iyon.
There’s something in this man’s attitude. He doesn’t act bossy but every inch of him is bossy, except for those lovely smiles.
Mangha siya nang basta na lang ito pumasok sa isang kwarto kaya sumilip din siya sa pinto. Kinalkal nito ang isang maleta at doon ay may inilabas itong isang pitaka.
Nahantad ang kabit-kabit na credit at debit cards nito at may inilabas itong identification cards, iniabot kay Hunter.
Isa-isa naman iyon na tiningnan ng kapatid niya at kahit na ang keycard na tulad ng sa kanya ay sinuri rin ng kuya niya.
“God, Kulit. Magmano ka sa beyanan mo.” Lukot ang noo na utos sa kanya ng kapatid niya kaya ngumuso naman siya.
Papadyak siyang humakbang papasok sa kwarto at tumayo sa harap ng lalaki na beyanan nga ‘raw’ niya.
Magkakrus na ang mga braso nito sa dibdib at nakataas ang isang sulok ng pink na labi.
His eyes are on her face, not blinking anyway.
“Sorry po. I thought you’re a stranger.” Hingi niya ng paumanhin at tumingin pa siya sa kuya niya dahil naalangan siyang magmano.
Hindi naman ito ganoon katanda at parang dekada nga ang tanda rito ng Papa niya. Ubanin na ang Papa niya niya pero ito ay itim na itim naman ang buhok.
Tinanguan siya ni Hunter kaya tumingkayad siya.
“Indeed I’m a stranger but now I’m not.” Kusang yumuko si Lorenzo para ilapit ang mukha sa kanya pero hindi pa rin niya maabot.
Bakit ang tangkad nito na sobra?
“A bit pa po.” Aniya pa sabay kagat sa labi dahil lumaki ang ngisi nito pero sumunod naman sa request niya.
She kissed Lorenzo’s jaw and looked up at him. Tumango ito sa kanya at pinisil ang pisngi niya.
“Like father like son.” Anito na hindi niya naintindihan.
Hindi na rin naman niya iyon pinansin dahil dinampot nito ang isang t-shirt at isinuot iyon.
“I’m SPO1 Hunter Gonzales, Nicolette’s brother.” Hunter offered a hand and Lorenzo got it immediately.
He shared a warm smile to her brother. “Lorenzo.”
“Pasensya na Sir Lorenzo. Overprotective lang ako sa kapatid ko. Natural naman siguro na ganoon ang reaksyon ko bilang isang pulis lalo na at nagsend ng emergency alert ang bunso ko.” Inakbayan siya ng kuya niya at ginulo pa ang tuktok ng ulo niya.
Her father-in-law glanced at her and nodded. “I understand. No harm done.”
“Iwanan na kita bunso, ha para naman mas makilala mo pa ang Daddy ng asawa mo. This is a previledge. You’ve been wishing for this day to come, right? Here it is now.” Kinurot ni Hunter ang pisngi ni Nicolette kaya naman napalabi siya.
Totoo naman iyon kaya kang mailap ang tadhana. Ngayon na dumating na ang pagkakataon na makilala niya ang lalaking naging instrumento ng Diyos para magkaroon ng Ziggy sa mundo, hindi niya iyon sasayangin.
“O-Okay, kuya. Byee!” she tiptoed and kissed Hunter’s cheek.
Iiling – iling itong tumalikod pero sununod siya sa pwetan ng kapatid, yakap ito sa braso.
“Looks like your father-in-law has been staying here for days. Ikaw, kung gusto mo munang umuwi sa bahay, welcome ka. But be cautious. Baka naman ma-misinterpret niya kung lalayasan mo siya rito.”
“I know.” She answered quickly.
Wala naman sigurong masama na doon na muna siya sa mansyon kasama ang tatay ng asawa niya. Isa pa, wala naman siguro iyong gagawin na hindi maganda sa kanya. Kahit na pinagbintangan niya iyon na magnanakaw, wala pa rin sa hitsura no’n ang magkakainteres sa kung sino-sino lang. Saka bakit niya pag-iisipan ng masama ang tatay ng asawa niya? If Ziggy is a good person, perhaps his father is also a good man.
Good man nga ba kung batay sa kwento ng Mommy Valentines niya ay tinalikuran niyon ang pagiging isang ama?
Take note. He’s just fifteen that time. Ano namang malay ng kinse anyos na binatilyo tungkol sa pagiging isang padre de pamilya. Baka marunong lang iyong humulma ng bata pero hindi pa alam ang responsibilidad na nakaatang sa balikat.
Nakatanaw pa rin si Nicolette sa papaalis na mobile ng pulisya habang nakatayo siya sa pintuan nang maramdaman na naman niya na may nakatingin sa kanya.
Agad siyang lumingon at hindi nga siya nagkakamali. Nakatayo sa may paanan ng hagdan si Lorenzo, nakamasid sa kanya.
She can’t believe her eyes. How come such man exists in this world made of plastics nowadays? Retokado ba ito kaya sobrang gwapo? Kaya naman pala gwapo ang asawa niya dahil may pinagmanahan.
“You fear me, don’t you?” anito saka humakbang na parang wala lang. Tinutumbok ng mga paa nito ang direksyon papunta sa kusina kaya naman huminga siya nang malalim at pilit na inalis ang kaba.
Sinong hindi kakabahan? Hindi pa niya ito nakita sa tanan ng buhay niya. Naging mag-boyfriend sila ni Ziggy hanggang sa ikasal at sa namatay na lang nga ang kawawa niyang mister ay puro sa kwento lang niya ito naririnig, bihira pa.
Sumunod siya sa kusina at naroon na ito bumibusiklat ng mga dala niya.
“Ahm, Tito…D-Daddy…” napangiwi siya. Ano ba ang itatawag niya rito?
Gumalaw ang mga mata nito at sinulyapan siya. He never smiled.
“Mister de Ayala?” she bit her forefinger when he furrowed.
“You’re also Mrs. de Ayala.” Anito kaya naman napaisip siya.
Oo nga naman. Ang sagwa naman na tawagin niya itong Mister de Ayala.
“Call me Enzo.” Anito pa saka inilabas ang lahat ng prutas sa paper bag.
Nganga siyang napatulala.
Parang mas lalong ang pangit no’n pakinggan.
“It doesn’t matter. I will not mind at all. I grew up and my friends used to call their stepdads in their first name.”
“But it matters to me po. I guess I better call you, Daddy Enzo.” Nilangkapan niya ng isang ngiti ang sinabi niya at saglit lang itong tumingin sa kanya, tapos ay tumango.
Hindi mapuknat ang titig niya sa mukha ng lalaking kaharap. Habang tumatagal ay parang nakikita niya sa mukha nito ang mukha ng namatay niyang asawa at natutuwa siya na parang nabuhay iyon sa hitsura nito, tumanda nga lang ng ilang dekada.
“Finally, I came to meet my daughter-in-law. You owe me stories, apple.” A smirk lit his face and he looked more appealing with that kind of smug smile.
Apple na naman daw.
“Nicolette po ang pangalan ko, D-Daddy Enzo.” Paalala niya kung sakaling may memory gap na ito.
Lorenzo chuckled. “I know.” Tumalikod ito kaya siya ay napatingin naman sa picture ni Ziggy at bigla na lang siyang parang naluluha.
Kung sana ay buhay ito, naroon na ang pagkakataon na matagal ng pinangarap nito na makilala at makasama ang sariling ama. Too bad. She’s the one who’s only given the precious moment to personally meet Lorenzo.