Lira: NAPADAPA AKO AT kinapa ang katabi kahit inaantok pa ako. Nangunot ang noo kong hindi ko makapa ang asawa ko. Napasilip ako ng isang mata at napabalikwas ng mabungarang nasa silid ako na.... unfamiliar!! Napasapo ako sa ulo sa pagkirot nito at pilit inaalala ang mga nangyari kagabi! "Sh*t!!" napabangon na ako at tumakbo sa banyo para makapaghilamos! Mangiyak-ngiyak akong pinakiramdaman ang sarili kung may gumalaw ba sa akin at nakahinga ng maluwag na maayos naman ako, tanging ulo ko lang ang kumikirot dala ng hangover ko. Paglabas ko ng silid ay napatalon ako sa baritonong boses na nagsalita sa likuran kong ikinanigas ko. "Good morning Mariah, breakfast is ready" hindi ako makakilos sa pagkakatulos ko sa kinatatayuan. Kahit hindi ko ito lingunin ay kabisadong-kabisado ko ang b