Adrian: KABADO AKO HABANG hinihintay ang asawa kong makauwi. Kahit inaasahan ko ng aabutin na naman siya ng madaling araw at paniguradong lasing na naman ito ay 'di ko pa rin maiwasang mag-alala sa kanya. Lalo na at galit na naman ito sa akin. Inaantok na ako sa paghihintay ng pagdating nito lalo na't mag-uumaga na pero....pero wala pa rin ito. Pinili ko na lamang maligo na para magising ang diwa ko at nagbihis papasok ng trabaho. Mapait akong napangiti at pilit pinatatag ang sariling umakto ng normal na natiis niyang hindi umuwi ngayon sa akin. Marahil gano'n katindi ang galit niya na hindi na ako masikmurang makita. Hindi ko naman siya masisisi kung iba ang iniisip sa akin. Sino ba naman ako para umangal o ipagtanggol ang sarili sa mga panghuhusga niya? Walang saysay na magpaliwanag