Lira: PANAY ANG HALIK ko sa asawa kong nahihimbing dala ng gamot na itinurok dito. Mabuti na lang at hindi masyadong malalim ang tinamo sa pagsaksak sa kanya ng lalakeng kumaladkad sa kanya kanina sa resto at walang na-damage sa organs nito. Hindi ko pa alam kung paano ito haharapin bukas kapag tatanungin ako kung pinatay ko ba 'yong taong sumaksak sa kanya o pumapatay ba ako? Ayo'kong magbago ang pagtingin sa akin ni Adrian, ayo'kong kasuklaman niya ako kapag nalaman na niya ang mga nagawa at kaya kong gawin. Kung noon nga sa huling pag-uusap namin sa rooftop ng restaurant ni Liezel ay natakot ko ito ng sinabihan kong mapapatay ko ito, how much more pa kaya ngayon na nakapatay ako sa harap nito? Iisipin ko pa lang na lalayuan na ako nito at katatakutan ay parang pinipiga na ang puso ko