Lira: NAGPUPUYOS AKO sa inis at hindi masikmurang makaharap si Adrian lalo na't nandidito ang babaeng tarsier na higad. Panay ang hithit ko sa yosi ko habang nakatanaw sa kapaligiran dito sa rooftop ng restaurant ni Liezel. Kanina ko pa kinakalma ang sarili pero hindi ko magawa-gawa! Gustong-gusto ko nang mangbali ng braso ng higad sa paligid ng 'di na mahawakan ang asawa ko! Damn! Bakit ba kasi napakahirap sa kanyang magbago?! Hindi ba siya mabubuhay ng nag-iisa lang ang babae sa buhay niya?! Ang sarap basagan ng itlog o putulan ng ari nang wala ng makinabang sa kanya! "Honey" natigilan ako sa akmang paghithit ko sa yosi sa nagsalita sa likuran ko. Hindi ko ito sinagot at ipinagpatuloy ang pagyoyosi habang nakadungaw sa baba. "Masama 'yan sa kalusugan mo honey" mahinang saad nitong