CHAPTER 5

3356 Words
Chapter 5 LOREBEL 'LORRIE' "Parang palasyo ho itong bahay ninyo, Lola Honorata. Ang yaman-yaman n'yo pala talaga." Hindi yata matatapos ang aking pagkamangha buhat nang dinala ako ni Lola Honorata rito sa bahay n'ya. Kahit 'yong yarda nila sa labas, ang lawak atsaka may swan fountain pa tapos tunay na umaandar ang tubig nito. Ang higit sa lahat ng kinahumalingan ng mga mata ko ay iyong hardin na natanawan ko kanina. Ang daming tanim at bulaklak sa paligid kaya na-love at first sight ako sa lugar na ito. Nasasabik akong puntahan iyon mamaya. Magpapaalam lang ako kay Lola Honorata. "This is now your home, hija. I'm happy you like the house." Magiliw ang ngiti sa akin ni Lola. “Sobra-sobra po.” Ilang oras pa lang kaming nagkakausap ngunit palagay na ang loob ko sa kanya. Ang dami na naming napagkuwentuhan. Sabi ko nga sa sarili ko na parang mas magkalapit ang ugali namin ni Lola Honorata kaysa sa Lola Agapita. Ang Lola Agapita kasi ay ito ang tipong nangingibabaw ang otoridad at kaistriktuhan pagdating sa pagdidisiplina. Mabunganga siya at pinapairal ang pagiging dragona n'ya ngunit habang nagkakaisip ako ay natutunan kong unawain at sanayin ang sarili ko sa gano'n parenting style ni Lola Agapita. Maraming beses man niya ako pinagalitan at sinisermunan pero pagdating ng gabi, bago kami matulog ay niyayakap n'ya ako tapos malumanay niyang pinapaintindi sa akin kung bakit kailangan niyang gawin iyon. Natatakot lang daw siya na lumaki akong matigas ang ulo at lalo nang mawalan ako ng takot sa nasa Itaas. "Cristy?" "Senyora." Isa sa limang babaeng nakasuot ng kulay itim na uniporme ang lumapit sa amin. Nakahilera sila at pormal ang mga tindig. Sila ang mga kasambahay ni Lola Honorata rito sa mala-palasyo niyang tirahan. Nasa treinta yata ang gulang ng mga kasambahay at itong si Ate Cristy lang ang sa tingin kong medyo may edad. "Ihatid mo ang Senyorita Lorrie ninyo sa silid na nasa tabing kaliwa ng silid ni Hector. She'll have that bedroom." "Ho? 'Yong dating silid ho ni Senyorita Luna? S—senyora, sigurado ho ba kayo?" Natigilan ako sa paglilibot ng aking tingin sa kabahayan dahil sa narinig na reaksyon mula kay Ate Cristy. Bakas sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa iniuutos ni Lola Honorata. Sinilip ko ang reaksyon ng iba pang kasambahay at napupuna kong hindi rin sila masaya. Unti-unting napawi ang aking ngiti at pati na siguro ang aliwalas sa aking mukha. Ayaw ba nila ako sa mansion na ito? "Pinalinisan ko na sa inyo iyon kahapon at ipinalipat sa bodega ang karamihan sa mga dating kagamitang naroon, hindi ba?" Sandaling yumuko si Ate Cristy bilang sagot. "Iniutos ko iyon sa inyo sa kadahilanang mula sa araw na ito ay si Lorrie na ang uukupa sa silid na iyon. She has to have the bedroom next to Hector's for she is going to be my grandson's wife." Bumaling sa akin ang Lola Honorata. "Bueno, pansamantala lamang iyon dahil pagkatapos ng kasal ninyo ni Hector, hija ay hahayaan ko kayong dalawa na magdesisyon kung bubukod kayo o mananatili rito sa bahay na ito." Ngumiti ako kay Lola Honorata samantalang nagsinghapan naman ang mga kasambahay. Halos magkakapareho ang mga nagiging reaksiyon nila. "Senyora, totoo ba ang narinig namin? Siya'y magiging asawa ni Senyorito Hector? Hindi ho namin alam na may kasintahan pala ang Senyorito." Sadyang hindi makapaniwala si Ate Cristy. “Atsaka mo na alamin ang lahat, Cristy. Unahin mo na muna ang trabaho mo.” “Pasensiya na po, Senyora.” Gusto ko nang magdamdam dahil dama ko talaga ang hindi nila pagpabor sa ideyang ako ang magiging asawa ng apo ni Lola Honorata. "Mawalang galang na ho, Ate Cristy," ani ko nang hindi ko na mapigilang manahimik pa. Tumikhim muna ako bago nagpatuloy. "Alam ko naman hong ngayon n'yo lang ako nakita at nakilala pero mabuting tao naman po ako. Madasalin din ho ako at pinalaki akong maayos ng Lola Agapita ko. Sabi ni Lola Honorata ay cute din daw ako kaya sa palagay ko ay hindi naman dehado ang apo ni Lola Honarata sa akin. Kung tutuusin parang ako pa yata iyong magiging lugi kasi ako batang-bata pa tapos si Hector, treinta y sinko na ayon kay Lola Honorata. Baka kulubot na ang itlog no'n kasi gurang na." Hayag ko sa nasa isip ko. Iyon lang ang paraang naisip ko para kahit papaano ay masagip ko ang sarili ko sa posibleng maagang panghuhusga nila sa akin. Napakurap si Ate Cristy sa sinabi ko at napaawang ang bibig. Si Lola Honorata naman ay narinig kong marahang napahagikhik. "O siya at ihatid n'yo na muna si Lorrie sa tinukoy kong silid para makaligo na siya't makapagpahinga." "Masusunod po, Senyora." Pomormal si Ate Cristy nang bumaling sa akin. "Sumunod na lang kayo sa akin, Senyorita Lorrie." Ipinagkibit ko na lang ng balikat ang nahimigan kong pait sa pagtawag sa akin na Senyorita. Umpisa pa lamang ito kaya sandamakmak na kapal na mukha ang kinakailangan kong ipunin mula ngayon. Ayos na sa akin kung hindi boto sa akin para sa Senyorito Hector nila ang mga kasama ni Lola Honorata rito sa bahay. At least nandiyan naman si Lola Honorata at batid kong kakampi ko siya. Pagtitiisan ko ang naghihintay sa aking kapalaran sa mundo ng mga Griego kaysa bumalik ako sa puder ni Tiyang Mona. Mula sa araw na ito ay ia-unfried ko na sila ni Madi. Ia-unauntie at uncousin pala. Ha! Persona-non-grata na sila ngayon sa buhay ko. "Ate Cristy, puwede hong magtanong kahit hindi pa tayo close?" Kuha ko sa atensiyon ni Ate Cristy ng nakangiti habang umaakyat kami sa en grandeng hagdan patungo sa ikalawang palapag ng mansion. "Ano iyon?" Walang siglang anito. Lumunok ako. "Sino ho iyong Senyorita Luna na nabanggit mo kanina? Iyong dating may-ari ng kuwartong uukupahan ko sabi mo. Buhay pa po ba siya o patay na? Kasi kung patay na siya ay baka nandoon sa kuwarto ang multo niya. Takot kasi ako sa multo. Sasabihin ko na lang kay Lola Honorata na sa sala nalang ako matutulog kaysa roon." "Hesusmaryahosep! Buhay si Senyorita Luna." Ang dagling wika nito at napahawak pa sa dibdib. "Buhay na buhay s'ya." Nag-peace sign ako. "Kaya nga ho ako nagtatanong. Sorry ho." Nakasampa na kami sa ikalawang palapag. Kahit saan ko ibaling ang aking tingin ay walang nahahagip ang aking mga mata kundi mararangyang bagay, mga palamuti, muwebles at mga kasangkapan. Pati sahig ay tunay na makintab, iyong tipong maiilang kang tapakan at baka magasgas. Tapos iyong kisame, ang taas. Paano kaya nila nalilinisan 'yon? Parang panaginip pa rin na sa marangyang bahay na ito na ako titira. Parang ayaw ko nang magising kung panaginip man ito. "Pero matanong ko lang ho ulit. Nasaan na iyong si Senyorita Luna? At kaanu-ano ho siya ni Lola Honorata?" Kung hindi ako nagkakamali ay tatlong apo lang ang naikuwento ni Lola Honorata sa akin kanina. Si Helena, Hera atsaka iyong mapapangasawa ko. Wala itong nabanggit na Luna ang pangalan. "Si Senyora Honorata ang kumupkop kay Senyorita Luna. Anak ito ng noo'y mayordoma sa mansion na ito. Naulila nang mamatay ang mayordoma dahil sa panganganak kay Senyorita Luna. At nasa kumbento siya. Isa na siya ngayong madre at nagsisilbi sa Diyos at sa simbahang katoliko." Shocks! Huminto si Ate Cristy nang nasa pasilyo na kami. Hinarap niya ako. Seryoso ang ekspresiyong nasa mukha nito. "Mahalaga kay Senyorita Luna ang silid na ngayon ay saiyo na. Kung maaari lang ay alagaan at pahalagahan mo rin sana ito." "Naku, huwag ho kayong mag-alaala dahil hindi naman ho ako dugyot. Kahit araw-araw akong maglinis doon at maglampaso ay walang kaso sa akin. Makakaasa ho kayo." Masiglang saad ko. Malungkot na napabuntong-hininga si Ate Cristy. "Nakakalungkot isipin na umabot na ang pasya ni Senyora Honorata sa punto na ito na tila binura na ang mga alaala ni Senyorita Luna sa mansion na ito." "Hindi na ho ba umuuwi rito si Senyorita Luna?" Mahinang umiling ang kausap ko. "Isang dekada na. Sampung taon na mula nang umalis siya sa bahay na ito. Ni isang beses ay hindi ito dumalaw." Napakagat labi ako. Dama ko iyong lungkot at pangungulila ni ate Cristy sa tinatawag nilang Senyorita Luna. "Kung hindi lang sana pinili ni Senyorita Luna ang tawag ng Diyos, matagal na siguro silang kasal ni Senyorito Hector at mayroon na sana silang magagandang mga supling." "A—ano hong sabi n'yo?" Nag-iwas ng tingin si Ate Cristy at muli itong humakbang para mauna na sa akin. Umiwas sa huli kong tanong. Tama ba ang narinig ko? Na ikakasal dapat ang apo ni Lola Honorata kay Senyorita Luna? May gano'ng kuwento pala sa bahay na ito? Inihatid na ako ni Ate Cristy sa silid na para sa akin. Napaawang ang bibig ko sa bumungad sa akin na ganda ng silid. Ang luwag nito. Parang kasing-laki na ang silid na ito sa isang tipikal na bahay sa baryo na kinalakhan ko. Medyo maaliwalas kumpara sa kulay na purple ang pintura ng dingding at blush pink naman ang kisame. Puti ang karamihan sa mga kasangkapan. Puti ang kurtina. Ang aliwalas nito sa matang tignan. May sariling telebisyon na nakadikit sa dingding. May aircon pa! Dati bentilador lang ang pinangarap ko dahil panlaban sana sa init at lamok sa makipot na kuwartong tinutulugan ko sa bahay nina Tiyang Mona. Ngayon ay daig ko pa ang nasa isang hotel sa silid na uukupahan ko. "Ah may isa pa pala akong tanong, Ate Cristy." Awat ko sa kasambahay nang magpaalam na itong iiwan na ako. "Itanong mo na at para makababa na ako. May gawain pa ako sa ibaba." Muntik na akong mapangiwi dahil sa biglang pagsusungit ni Ate Cristy. "Itatanong ko lang ho sana kasi kung ano ba'ng hitsura ni Hector, Ate Cristy? Curious lang ho talaga ako. H—hindi naman ho siguro chaka ang mukha niya? Iyong height niya po, hindi ho ba siya bansot? Kompleto ho ba ang ngipin n'ya? O kaya ay baka may bengot siya, wala naman ho siguro ano?" "Hindi mo pa pala siya nakikita ngunit pumayag ka nang maikasal sa kanya." Naroon ang disappointment sa boses nito. Malungkot akong ngumiti. "Wala ho sa isip ko ang pabanguhin ang sarili ko sa inyo pero maniwala kayo't sa hindi ay hindi rin ho madali para sa akin ang maikasal sa lalaking hindi ko pa nakikita at nakikilala. Nag-aalala rin ho ako para sa sarili ko pero mas pinili kong magtiwala kay Lola Honorata dahil siya na lang ang natitirang pamilya ko." "At dahil sa pera at maalwang buhay marahil pero huwag kang pakakampante kung ako saiyo, Senyorita. Hindi sa nais kong siraan saiyo si Senyorito Hector pero para lamang sa kaalaman mo'y may itinatagong halimaw na pag-uugali ang lalaking pakakasalan mo. Masahol pa siya sa demonyo oras na may bagay o tao siyang hindi gusto kaya pagsikapan mong magustuhan ka niya." Napalunok ako sa narinig. "At tungkol sa kanyang hitsura, halika at ipapakita ako saiyo." Kusang humakbang ang aking mga paa para sumunod kay Ate Cristy. Tumapat siya sa pinto katabi ng magiging kuwarto ko. Binuksan niya ang pinto at tahimik na pumasok. Sumunod din ako. "Siya. Siya si Senyorito Hector." Hindi na ako nagkaroon ng tsansa na igala ang aking tingin sa kabuuan ng silid na pinasukan ko dahil automatikong sumunod ang mga mata ko sa itinurong portrait ni Ate Cristy na nasa dingding. Biglang nanlambot ang aking mga tuhod sa mukhang nakita ko. Literal akong napaluhod. "Siya... Siya ang lalaking papakasalan ko?" Napapiyok ako at pakiramdam ko ay may lumalamong halimaw sa sistema ko habang nakatitig ako sa mga mata ng lalaking nasa portrait. “Siya na nga si Senyorito Hector Evandre Griego, ang nag-iisang apong lalaki ni Senyora Honorata at ang magmamana ng mga negosyo ng pamilya Griego.” HECTOR EVANDRE "Remove all your damn piercings, Hera!" It was not my intention to raise a voice to my sister but my anger surged the moment I noticed inappropriate numbers of piercings in her ears after she entered my car. This stubborn little girl has always been up to something. "What? I can't, Kuya. They're not yet healed. Two days ago palang nang nagpalagay ako." Hera, my eighteen-year-old sister stubbornly responded. Her mouth is pouting. "Damn it! Does your school allow that? Because I don't think so. Remind me to visit your department first thing on Monday morning." "No!” Naaaligaga nitong kontra. “Don't go to school. Oh please." From the rear view mirror of my car, I caught how my baby sister's face contorted in anxiousness. With that reaction, I immediately understood that Hera is, again, up to something that will surely upset the hell out of me. "What trouble did you drag this time, Hera?" My voice turns stern. Kung hindi lang ako nagmamadali ay nasa isip ko ngayon ang kaladkarin pababa ng sasakyan ko ang kapatid ko para masinsinan itong kusapin hanggang sa mapiga ko itong umamin sa kung ano na namang gulo ang kinasangkutan o ginawa nito. "Wala, Kuya." "Hera Evanthe!" Pinatay ko ang makina ng kotse at nagbabantang tinitigan sa rear view mirror ang kapatid ko. She got herself a new haircut and hair color again, for I have noticed. We've met last week because I always take my three girls, Hera, Helena and my dearest nonna, on a special dinner date at least once a week despite my usual hectic schedules. I remembered it clearly that my sister's hair style now is different from last week. But what angered me are those ear piercings she has that really looked unseemly for a young student like her. "Kasi, Kuya," she pauses and seems indecisive for what reason she is about to tell me. "Fire on. I am listening." I urge her. "I... I don't go to school na e." She confesses in an almost whispering tone. I swear, I feel like my blood rushed up to my brain and I feel like it was going to explode. "Goddammit! Since when, Hera?" "Two, three... Almost three weeks now." Huminga ako ng malalim para kontrolin ang pagsabog ng galit ko. "Why?" Gusto kong manghina sa inamin ng kapatid ko. I do not have any hunch that Hera's no longer attending her class for that long. I was out of the country twice this month and I admit that I failed to call my two sisters to ask how they were doing. Multifold of workloads are occupying my mind and demanding for all my time. I have to jungle myself from Manila to Greece at least once a month. Our fragrance company is expanding all across Europe. Nagkasakit ang pinagkakatiwalaan kong tao sa Athens kaya nagdesisyon akong personal na asikasuhin ang mga trabahong nabinbin doon para maiwasan ang pagkakaroon ng problema. "E kasi naumay ako sa mga lesson. I realize that my heart is not totally into criminal justice. Ayaw ko na palang mag-law." Dahilan niya. "But that's your own choice and no one forced you to get that program." "Alam ko naman iyon pero nakakawala ng gana. I want to shift, Kuya. Parang mas magandang mag-doctor na lang ako like Nonno Hermez and Uncle Kon." I tightly clutched at the steering wheel. "We'll tackle about that later this evening. Remove that damn piercings first unless you're intended to piss Nonna. She's sick, may I remind you." Pinasibad ko na ang kotse kahit na narinig ko ang pag-aalburuto ni Hera mula sa backseat. We're heading to Nonna's house tonight. My office got a call from home, informing me about Nonna that she's sick kaya walang pagdadalawang isip na nagpasya akong umuwi kasama ang mga kapatid ko. After fetching Hera outside her dormitory building, tinungo ko naman ang daan patungo sa apartment ni Helena. My sisters are staying in different places for their studies. Magkaiba ang kanilang mga unibersidad. They're both in first year. Hera and Helena are in the same age but they're not twins. Magkaiba ang kanilang mga ina na sabay nabuntis ni Dad. With Nonna's power, she took all her grandchildren with her. While Dad's living la vida loca and always acted that he has no obligations to his own children. Kaya mula nang magkaroon ako ng mga kapatid ay inobliga ko na ang aking sarili na tutulungan ko si Nonna sa paggabay kay Hera at Helena. And I am trying all my best para kahit papaano ay mapunan ko ang ano mang pagkukulang ng mga magulang nila. We arrived in front of Helena's apartment after more than fifteen minutes. "Hey, sibs." Helena greets us and slides inside the backseat. She sits beside her sister. "Seatbelt." I reminded them before I maneuvered the car again. "What's wrong? What's with the frown?" Narinig kong pag-uusisa ni Helena kay Hera. "Wait, I'll take a good guess. Lowest ka na naman sa exam mo 'no kaya parang kuwaresma ang mukha mo?" "Ano'ng lowest ka r'yan. Of course not." I have to butt in. "Paanong malo-lowest 'yan e hindi naman na pumapasok iyang kapatid mo." Hera snorted her frustration. "What? Are you serious, Hera?" "Yeah. Nakakatamad doon sa school ko lalo na sa department ko. I am surrounded by ugly, geek guys. Mukhang mas bagay ka roon dahil geek ka rin at maraming kang kauri roon. Mga baduy at OA sa talino." "Stop being mean to your sister, Hera." Mariing suway ko. I used to this, Hera being grumpy towards Helena. Hindi magkasundo ang dalawa kahit pa noong mga bata palang sila. Hera's a bully while Helena's the sweet girl but as much as I can, I don't let any of them feel like I have unequal affection for them. "Paano 'yan? E 'di uuwi ka na kay nonna kasi ayaw mo nang mag-school. Mas nakakabagot kaya doon sa bahay." Helena to Hera but the latter just answered a snorting huff. "Nonna doesn't need to know, Helena. She's sick and we don't want her to get worried. Do you both understand?" "I think Hera's just stress, Kuya. Why don't you let her have a vacation to get herself relaxed? Nakaka-pressure din kasi ang kurso n'ya." Helena softly suggests. Nakita ko sa salamin sa uluhan ko ang pagngisi ni Hera. "Perfect suggestion. Kung ganiyan ka ba naman palagi, 'di sana'y magkakasundo tayo." "Sweet. Do you really like to go on a vacation? Kasi may alam ako tapos ang catch pa ay wala kang magagastos ni piso. How's that?" "Are you kidding me? What is that, a resort? Where? Kuya, I need it." "It's around Mandaluyong lang. It's a new establishment and you can stay there as long as you want." "Gosh! I'm excited. A diamond hotel, isn't it?" "No. A mental facility. They're open for baliw people like you. Bagay ka roon." "Fu—" "No oath, Hera or I'll throw you in that bridge." I hastily said. "Urgh!" Kalahating oras din ang biniyahe namin bago nakarating sa bahay ni Nonna. Pinauna kong pinababa ang dalawa para iparada sa garahe ang dala kong kotse. My sisters and I are staying in this house for tonight at bukas na kami babalik sa kanya-kanya naming temporary places. After settling my car in the garage, I climbed off of it. By the moment I am about to walk to the portico, something in the garden caught my attention. It's someone rather. A person. My brows furrowed and I feel my heartbeat suddenly changed upon noticing the long skirt and cardigan that the person's wearing. "Luna?" Sambit ko sa aking isip. Those are Luna's favorite clothes. Fúck! She's here? My Luna's home! Sunud-sunod na ang malakas na tíbok ng puso ko. Tila may sariling isip ang mga paa ko at dahan-dahan akong dinala patungo sa hardin. She seems oblivious about my presence and all her attention is on the plants. She's really my Luna. It's been a decade but this garden is still her most favorite spot in here. "Luna, baby, you're back home. You came back." Luna froze the moment I hugged her from behind. ***** Maraming salamat po sa mga nag-iiwan ng comment sa previous chapters. Nakakagana pong mag-update kapag ramdam ko ang presence ninyo sa comment section. Lovelots po. Salamat po sa suporta ninyo sa story ni Hector at Lorebel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD