CHAPTER 4

2311 Words
Chapter 4 DONYA HONORATA GRIEGO "Theía, lumabas na ang resulta ng MIR at ibang laboratory test ng pasiyente." It is the first thing that Konstantin, my physician nephew, told me after he met me here at the lobby of this private hospital. Ito ang sadya ko rito sa ospital, ang malaman ang lagay ng dalagang nabangga namin no'ng kamakalawa. Bibisitahin ko ito ngayon at para na rin sunduin ito. Iyon ay kung makukumbensi ko itong sumama sa akin. "Is everything good, hijo?" "We see no any internal damage from her, Theía. No concussion, no fractures. She's already insisting on leaving this hospital since yesterday. She's impossibly stubborn. In fact, she almost made an escape plan last night." Napapailing na balita ng pamangkin ko. I grin. "She's cute, isn't she, hijo?" Hindi sumagot ang aking pamangkin at nagkibit lang ng balikat. "Let me see my apo's soon-to-be bride." "What? What do you mean, Theía?" "That sweet girl, she's the answer to my prayer, Konstantin. Siya ang napili kong mapapangasawa ni Hector." Natigilan ang pamangkin ko sa sinabi ko. "Theía, are you serious? You're going to arrange a marriage for Hector? Theía, Hector won't agree with it. Sasama ang loob no'n kapag ipagpipilitan mo ang isang bagay na hindi pabor sa kanya. Alam naman natin kung paano magalit 'yon." Bumuntong hininga ako. "Gagawa ako ng paraan para mapapayag siya, Konstantin. He's already thirty-five for Christ's sake and he's single for like how long? A decade? My goodness! Gusto ko nang tuldukan ang akusasyon ng mga tao na bakla ang nag-iisa kong apong lalaki kaya gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maikasal na siya sa lalong madaling panahon." Mariing litanya ko. Matagal na rin akong desidido sa balak kong ito. "Theía, Hector is not gay." Natatawang umiling ang aking pamangkin. "Not being in a relationship does not always means a man is gay and does not want a woman. Sa kaso ni Hector, Theía alam naman nating hirap lang siyang umibig ulit matapos siyang hiwalayan ng babaeng mahal niya at piniling pumasok sa kumbento." "Oh please, Kon. Huwag mo nang ipaalala sa akin iyan. Sumasakit lamang ang dibdib ko kapag naaalala ko ang pinagdaanan ni Hector noong mga panahon na 'yon." I dismissed the topic. Lulan ng pribadong elevator ay nakarating kami sa ikaapat na palapag ng ospital. This private medical hospital was found by my late husband who was a doctor by profession when he's still alive. Ang nakababatang kapatid ng yumao kong asawa ang pinili kong mamahala ng ospital na ito buhat nang mabiyuda ako. At iyon nga ay ang ama nitong pamangkin kong si Konstantin. I am too old to manage alone every single business we owned. Sa edad kong ito, dapat ay wala na akong inaalalang trabaho at obligasyon sa mga kompanyang saklaw ng pamilya Griego ngunit dahil mas pinili ng aking unico hijo na si Hendrik ang maglagalag sa iba't ibang bahagi ng mundo kasama ang bago niyang asawa na bukod sa sosyalera ay gastadura pa kaya heto ako't patuloy na tumutulong sa pagpapatakbo ng mga negosyo. Nagpapasalamat na lamang ako na hindi tumulad ang apo kong si Hector sa kanyang ama. Ang apo ko lang na si Hector ang tanging maaasahan ko sa lahat ng bagay. Napupunan niya ang lahat pati na ang sana'y mga responsibilidad ng kanyang ama sa pamilya. I have three grandchildren from my son Hendrik. Iba-iba ang ina ng aking mga apo. My beloved Hector is the eldest grandchild and my only grandson. Hera and Helena, my granddaughters we're still both teens. Mga kolehiyala pa at umaasa rin sa kuya nila na tumatayong magulang ng mga ito. My grandson has a plenty of obligations loaded in his shoulder. It broke my heart every time he ardently refuse the idea of getting himself a wife. Nababahala ako sa nakikita ko sa apo kong si Hector na tila ba ibig nitong tumandang binata which I am totally against of. May haka-haka at tsismisan na rin akong naririnig tungkol sa nag-iisa kong apo na lalaki at sabi nila ay baka lalaki rin daw ang tipo ng aking si Hector. Hind ko iyon mapapayagan! Kumukulo ang dugo ko sa bagay na iyon. Desperada akong tuldukan ang haka-haka na iyon at ako na mismo ang gumagawa ng paraan para maikasal ang aking apo. At ang matagal kong paghahanap sa magiging asawa ni Hector sa wakas ay natapos na. Pagbukas ni Konstantin sa hospital suite ng pasiyenteng pakay ko ay kaagad kong nakita ang sagot sa plano ko. "Hija." Masiglang bati ko sa magandang dalagang nadatnan naming lumalantak ng pagkain habang nanonood. Malakas ang volume ng telebisyon. LOREBEL 'LORRIE' Nagambala ang matiwasay kong tanghalian dahil sa pagdating ng doktor na umaasikaso sa akin. May kasama siyang matandang babae na masigla akong binati. Bumagal ang aking pagnguya sa masarap na lutong karne na nasa aking bibig at tahimik kong tinitigan ang matanda sa mabilis na paraan. Nagsalubong ang aking mga kilay nang mapagtanto na parang pamilyar siya sa akin. "I—ikaw... Kayo ho ang nakabundol sa 'kin, hindi ba?" Nasabi ko kahit na may pagkain pa sa bibig ko. Dali-dali ko iyong nginuya at nilunok. Dinampot ko ang remote ng telebisyon para patayin ang pinapanood kong travel vlog sa Antarctica na paborito kong panoorin noong may sarili pa akong anroid phone hanggang sa umabot na akong mangarap na makapunta roon. Marami akong panagarap na alam kong suntok sa buwan namang makakamtan ko lalo na ngayon at puro kamalasan na lamang ang nangyayari sa buhay ko. Napawi ang ngiti ng matandang babae. Lumapit ito sa akin. Maayos pa ang kanyang paglakad. Walang palatandaan doon ng rayuma 'tulad ng matagal na iniinda ni Lola Agapita ko noon. Katunayan niyan ay nananatiling maganda ang matandang narito. Mukhang mayaman. Halatang alaga pa rin ng sensiya ang balat nito bagaman at hindi maitago ang mga wrinkles. "Hija, kumusta ang iyong pakiramdam? May masakit pa ba sa'yo?" Sa palagay ko ay sincere naman ang pag-aalala sa akin ng matandang babae. Nakokonsensiya yata siya sa nangyari sa akin. "Wala naman hong masakit sa akin e puwera rito sa ilang gasgas ko sa paa at sa tagiliran pero ayos na ayos ho ako. Kung may masakit man ho sa akin, iyon ho ay ang loob ko. Kung sana ay hindi ho ako naaksidente, nahabol ko ho sana iyong humablot sa bag ko. Nandoon ho kasi ang pera ko. Malaking pera ho ang nanakaw sa akin, Ma'am. Iyon ho sana ang sasalba sa impyerno kong buhay dito sa Maynila. Kung nabawi ko lang sana iyon, nakabalik na sana ako sa 'min sa Benguet." Naiiyak na naman ako habang sinsariwa ang kamalasan nangyari sa buhay ko dalawang araw na ang nakararaan. "Kung gano'n ay kumpirmadong taga-Benguet ka nga, hija." Uminom ako mula sa isang litrong bottled water bago sumagot. "Doon ho ako ipinanganak at lumaki. Sa Itogon ho." Matamis itong ngumiti. Ewan ko ba pero parang naiilang ako sa masuyong titig sa akin ng matanda. "Hija, alam mo ba'ng sa Benguet din ako lumaki?" "Talaga ho, Ma'am?" Natuwa ako sa nalaman. Wala naman akong sama ng loob sa matanda at sa kasama niya noong nabundol ako ng kanilang sasakyan. Alam ko naman kasi na may mali rin ako roon dahil sa walang pag-iingat kong pagtawid sa kalsada at aksidente lang din ang nangyari. Ayaw ko silang sisihin sa kamalasan ko. Baka kapalaran ko na talaga ang manatili sa magulong mundo rito sa Maynila. Hindi nga ako nagtataka kung biglang dumating si T'yang Mona at kaladkarin ako pauwi sa mala-impyernong bahay nila. "Oo, hija. Sa Itogon din, medyo may kalayuan sa Poblacion ang naging tahanan ko roon. Pagtatanim ng gulay ang ibinuhay sa akin at sa isa kong kapatid ng mag-asawang umampon sa amin." Napuna ko ang lungkot sa mga mata ng matanda habang nagkukuwento ito. "Hindi kami magkakadugo sa tahanan namin noon ngunit tunay na pagmamahal ang ibinigay sa amin ng mga umampon sa amin. Pero nang magdalaga kami ng kapatid ko ay sabay na nawala ang mga magulang ko. Natabunan ng landslide ang delivery truck na sinasakyan nila dahilan ng kanilang pagkasawi. Hindi man ako tunay na anak ni Mamang Agueda at Tatang Casan ngunit habambuhay ko silang itinururing mga magulang ko." Bahagyang namilog ang bibig ko sa mga pangalan na kanyang nabanggit. "Hala, Ma'am. 'Yon ba ang pangalan ng mga magulang ninyo? Ang galing ho ng pagkakataon. 'Yong parents ho kasi ng Lola Agapita ko ay kapareho ho ang pangalan sa binanggit ninyo." Sandaling nawaglit ang isip ko mula sa mga problema ko. Gumaan ang loob ko habang nakikipagkuwentuhan dito sa matandang babae. Si Dok ay tahimik lang na nakikinig habang nakahalukipkip malapit sa nakasaradong pinto. "Hija, hindi lang isang pagkakataon na magkapareho ang pangalan ng mga magulang ko at ng Lola Agapita mo. Hija, ang tinutukoy kong kapatid ay walang iba kundi ang Lola mo." Natutop ko ang aking bibig. Sing-laki yata ng platito ang pamimilog ng mga mata ko dulot ng gulat. Ilang segundo rin akong napatda bago nakuhang makapagsalita ulit. "Ang ibig ho ninyong sabihin, kayo po si Lola Honorata?" "Ako nga, hija. Ako si Honorata, ang nag-iisang kapatid ng Lola Agapita mo at labis kong ikinalungkot nang malamang wala na siya." May lumandas na luha sa pisngi nito. Bakas ang pighati at pagsisisi sa magandang mga mata nito. Naalala ko base sa kuwento ng Lola Agapita ko ay hindi sila tunay na magkapatid o magkadugo ni Lola Honorata. Pareho lang silang inampon, eksakto sa kuwento ni Lola Honorata ngayon. "Hala. Kaya pala." Nausal ko. "Anong kaya pala, hija?" Litong tanong nito. "Kaya ho pala umatras ang mayamang crush ni Lola Agapita noon na ligawan ang Lola dahil sa inyo nagkagusto. Ang ganda-ganda n'yo ho, Ma'am at mukha rin kayong mabait. Si Lola Agapita mabait din naman pero madalas masungit. Mahal ko ho ang Lola Agapita ko pero mas boto ho ako sa ganda ninyo." Marahan siyang natawa bagaman at parang naiiyak pa rin. "Si Hermez Griego ang tinutukoy mo, hija. Napangasawa ko siya." "Naikuwento nga ho ni Lola sa akin. Tinanan nga raw ho kayo. Dead na dead nga si Lola sa Hermez na iyon noon pero ikaw daw ang pinili. Masama ho ang loob ng Lola Agapita sa'yo. Hindi ka ho ba niya minumulto?" Namula ang pisngi ng matanda sa hindi sinasadyang isinaad ko. Awkward akong natawa. "Joke lang ho." "No, it's okay, darling. Totoo naman at hindi naman lingid sa kaalaman kong galit sa akin si Ate Agapita dahil sa nagawa namin ni Hermez sa kanya. Katunayan niyan ay parati niyang tinatanggihan ang ano mang tulong na iaabot ko sa kanya sapagkat kahit ilang dekada na ang lumipas ay hindi pa rin nawawala ang galit niya sa aming mag-asawa." "Ho? Totoo ho nag-aabot kayo ng tulong? Pera ho?" Tumango ito. Nasapo ko ang aking noo. "Minsan talaga ang hirap spelling-in ng Lola Agapita. Ang hirap ho ng buhay namin sa Itogon lalo na ho noong nagkasakit siya. Hay, ang Lola Agapita talaga. Ang daming jackpot na pinalampas." "Pasensiya ka na, hija. Patawad sa nagawa ko kay Ate Agapita. Patawad at dahil na naman sa akin ay naaksidente ka." "Naku! Huwag ho kayong mag-sorry. Sabi n'yo nga ay aksidente ang nangyari. Atsaka, ang galing ng kapalaran 'no? Iyong nakabundol sa 'kin ay kapatid pala ng Lola Agapita ko." Ngumisi ako. Ngayon ko napagtanto kung kaya't special ang pag-aasikaso sa akin sa ospital na ito kahit na wala namang malalang nangyari sa akin. Para akong guest sa isang hotel dito kung ituring. "Hija, listen." Umupo sa tabi ko si Lola Honorata. "Bakit ho?" Seryoso ang tingin nito sa akin. "May tauhan akong naghahanap saiyo sa Itogon matapos dumating sa kaalaman ko ang pagkamatay ni Ate Agapita pero mag-iisang buwan nang naghahanap ang tauhan ko ngunit hindi niya matukoy ang kinaroroonan mo." "Wala na ho ako roon. 'Yong bahay namin ni Lola ay naisanla noong namatay siya. Dinala ako rito sa Maynila ni T'yang Mona pero pauwi na nga ho sana ako sa Benguet noong naaksidente ako." Doon lang ang ibinahagi kong kuwento at wala na akong balak pang ungkatin kung paano ako itrato ng sarili kong kamag-anak. "Uuwi kang Itogon? Ngunit wala ka nang kamag-anak doon, hija." Kinagat ko ang loob ng labi ko upang pigilan ang pangangatal ng mga labi ko dahil sa nagbabadyang pag-iyak. Nagiging emosyonal ako kapag sinasampal ako ng katotohanang mag-isa na lamang ako sa buhay. Nagbaba na lamang ako ng tingin at pinaglaruan ang mga daliri ko. "Hija, makinig ka. Gusto sana kitang kunin." Mabilis akong nag-angat ng mukha at hindi makapaniwalang napatanga kay Lola Honorata. "T—totoo ho? Oho. Sige ho, isama n'yo na ako. Isama n'yo ho ako. Sa inyo na lang ako. Ipasok n'yo na lang ho akong katulong sa bahay ninyo. Hindi ho kayo magsisisi sa 'kin. Masipag ho ako at mabait. Hindi ho ako magiging pabigat. Kahit hindi n'yo na ho ako suwelduhan basta pakainin at patirahin n'yo lang ho ako sa bahay ninyo. Sige na ho, isama n'yo na ako. Huwag n'yo ho akong ibabalik sa T'yang Mona. Hindi ko ho kasi maramdaman na tao ang turing nila sa akin doon." Napahikbi na ako habang nagmamakaawa. Kulang na lang ay lumuhod ako ngunit hindi ko na nagawang bumaba sa higaan dito sa ospital dahil yumakap na sa akin si Lola Honorata. "Tahan na, apo ko. Tahan na. Nasa mabuting kamay ka na, pangako ko iyan saiyo." Lumayo ito at kinuha ang aking mga kamay. Malumanay nitong pinisil ang mga ito. "Hindi ka mamamasukang katulong o trabahador sa akin. Isasama kita dahil gusto kong maging opisyal kang parte ng aming pamilya. Hija, huwag ka sanang mabibigla pero sana tanggapin mo ang pakiusap ko saiyo. Hija, gusto kong hilingin saiyo na pakasalan mo ang nag-iisang lalaki kong apo." "Ho? Kasal?!" ***** Note: Theía (Greek word) means aunt. Anyway, taas ang kamay ng excited sa surprise engagement ni Lorrie at Sir Hector. Lol
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD