CHAPTER 6

1930 Words
Chapter 6 HECTOR EVANDRE For the first time after a long time I feel my heart lead up for this kind of joy again. Tuwang naririto pa rin sa dibdib ko kahit sampung taon na ang lumipas. Itong uri ng ligaya na alam kong ang tanging kayang magdulot sa akin ay ang nag-iisang babaeng minahal ko at alam kong minamahal ko pa rin hanggang sa kasalukuyan kahit madalas ko pa man itanggi iyon sa sarili ko at sa mga taong malapit sa akin. With Luna Evangelie's presence in this house, with her in my arms again, I feel like there's an extinct part of me that has been resurrected. I hug her but before I could even make my embrace tighter around her, my brain gets startle by a scream. "Luna?" I hurriedly unclogged my arms from the woman whom I'm longing for. Did I scare her? Why she's screaming? "Luna, hey. It's me, baby. It's me." "Maligno! Maligno! Multo! Waahhhh... Totoo ang maligno!" Sunud-sunod na tili pa ng babaeng niyakap ko. Nakakarindi ng tainga ang lakas ng kanyang tili. She's screaming in fear and she's foolishly blabbering out of this craps. That's when a realization hit me hard. This noisy woman is not Luna Evangelie! "Wait!" I alertly grabbed the stranger woman's arm before she could have been able to run away from this garden. "Multo! Maligno!" She continued screaming in fear. Napakurap ako at hinigpitan ang hawak sa braso niya. Nagpupumiglas siya sa hawak ko. She keeps making frisky movements and it's starting to piss me off. Sa ingay niya ay tiyak nabubulabog ang buong teritoryo namin at siguro ay maging sa kapitbahay. "Stop struggling goddammit! Who the hell are you and why you're goddamn wearing that clothes? Tell me and stop screaming. Fúck!" I sternly asked the woman. With my curiosity and deep intention to see this woman's face, wala akong sinayang pa na segundo at hinawakan ko ang dalawang balikat niya para puwersahan siyang pihitin paharap sa akin. Her messy hair is covering her face, making it unable for me to take a damn look at this woman's face. "Maligno! Lubayan mo 'ko! Our Father, Who art in heaven, hallowed be Thy name; Thy kingdom come; Thy will be done...” "Tumahimik ka!" Hindi ko na mapigilan na suminghal. "Hindi ako maligno o multo kaya itigil mo 'yang kakasigaw mo at nakakabulahaw ka na. Para kang siraulo ha." I scolded her and she suddenly stopped struggling from my hold. "Ah okay. Akala ko maligno na iyong yumakap sa akin, ikaw lang pala." Mabilis niyang pagkalma na nagpamaang sa akin. Takas ba sa mental ang baabeng ito? Who's she and what the hell she's doing here in our property? Dito pa sa hardin gayong gabi na. With my hands remain clutching at her shoulders, she managed to blow her messy hair that's covering her face. "Bloody Mary!" I exclaimed in too much shock the moment I have taken a glance at the woman's face. Her! What the... "Oy, Sir Hector, ikaw pala. Kumusta, holy father?" A foolish grin formed on her lips. Dala ng matinding gulat ay naitulak ko siya. "Hoy! Gago!" Bulalas niya. She fell on the plants. Napaupo ito. "Natinik ang puwit ko! Aray ko po!" I gawked at her in disbelief. Ilang segundo rin akong napipilan. It seems like my brain fails to function for a few seconds. Bakit narito ang babaeng ito? LOREBEL 'LORRIE' Hindi ko lubos akalain na magagawa akong itulak ni Hector. At kahit wala akong balat sa puwit pero palaging may kamalasan talagang nakabuntot sa akin. Nariyan naman ang lupa pero bakit sa matinik na halaman pa ako bumagsak? "Aray!" Naiiyak na daing ko na parang batang pinapalo. Mabuti na lang at mahaba ang manggas ng suot kong pang-itaas dahil kung hindi ay kawawa rin sa tinik ng mga halaman ang mga braso ko. Hinila ako patayo ni Hector pero hindi para sagipin sa mga tinik ng halaman kundi para pandilatan at usigin. "What the hell are you doing here, you whóre?" Napatingala ako sa mukha niya para lamang mapangiwi sa kung paano niya ako tinawag. Hindi gaanong maliwanag ang bahaging ito ng hardin ngunit mayroon namang mga ilaw-ilaw sa paligid na tila mga modernong lampara na pinapagana ng solar energy. Sapat na ang liwanag na ibinibigay niyon para maklaro ko kung gaano ka-intensidad ang galit na naroon sa mga mata ni Hector. "Holy father, kalma." "Fúck you!" Asik niya na ikinaatras ng ulo ko. Parang nagimbal ang buong pagkatao ko sa asik niyang iyon. "E sa mukha kayong pastor sa suot ninyo. Kailangan talaga nakasara lahat ng butones? Hindi ba kayo nasasakal? Akin na nga at tatanggalin ko—Aray!" Hinagpis ko nang hulihin niya ang kamay ko at mariing hinawakan. "Don't you dare fúcking hold me!" Banta niya at lalong nanlisik ang kanyang mga mata sa labis na galit. Natutupok na ako sa maniapoy niyang titig sa akin. Umigting ang kanyang panga. "Magsalita ka! Paano ka napunta rito sa bahay? And for devil's sake, why are you wearing Luna's clothes?" Sinisikap ko na hindi magpalupig sa galit ni Hector. Mas kailangan naming mag-usap ng kalmante. "Kasi, ganito 'yan—" "Ha! Sinasabi ko na nga ba na pain ka ng ilegal na grupong may hawak sa'yo." Nadidisgustong putol nito sa sana'y sasabihin ko. Nagdikit naman ang mga kilay ko sa sinabi niya. "You're a trafficked person and you are trained to extort money from your clients. Front n'yo lang ang maging entertainer but as cunning as you are, you'll secretly tape out intimate moments like what we've done that night and used it as a threat to extort more damn money just like exactly what your co-slut's doing to one of my friend!” Hindi ko siya maintindihan. "Ang haba namang aligasyon n'yan, Sir Hector. Wala naman akong ginagawang ganoon atsaka kung alam n'yo lang ay wala akong nakuha ni isang papel doon sa perang ibinayad ninyo sa akin dahil nahablutan ako ng bag noong araw pagkatapos akong ihatid ng paminta mong executive assistant sa estasyon ng bus. Natangay lahat ng pera ng magnanakaw." Mas sumama ang tingin nito sa akin. Bakas sa mukha nito na hindi ito kumbensido sa ano mang sinasabi ko. "As if I am going to believe you. I know you're a puppet of a syndicate. I should have known better. Damn it! Before that night, were you already stalking me? Kaya ba alam mo itong residence na ito? Parte ba ng madilim ninyong plano na manggulo at idamay ang pamilya namin oras na hindi ninyo makuha ang halagang ide-demand ninyo? Did you fool my grandmother that's why you're here? Ano ang mga sinabi mo sa kanya? Katulad din ba ng kasinungalingan ng kasama mo hanggang sa magpapanggap kayong nabuntis namin? Damn it! These are all despicable búllshits!" Napapangiwi na talaga ako ng husto sa sakit dahil sa mahigpit niyang hawak sa braso ko, puwera pa sa mga paratang niyang wala namang katuturan at hindi ko alam kung saan galing. "Wala kayong natamaan kahit isa sa mga akusasyon ninyo sa akin. Wala akong kinalaman kung ano man ang panlolokong ginagawa ng mga naging kasama ko nang gabing iyon sa mga kaibigan ninyo. Hindi ho ako puppet ng sindikato at wala akong ilegal na motibo kahit kanino. Hindi ho ako uma-attend ng limang oras sa Siete Palabras tuwing kuaresma kung mandadaya lang ako ng kapwa." Depensa ko. "Sa maniwala kayo't sa hindi, hindi ako slút, whóre at lalong hindi ako prostitute. Labag sa loob ko ang sumama sa grupong nag-entertain sa inyo ng mga kaibigan mo nang gabing iyon. Pinilit lang akong sumama sa kanila." Pagtatapat ko. Maligasgas niyang pinakawalan ang braso ko pati na ang kamay ko. “Labag sa loob mo pero kung isuko mo sa akin ang sarili mo sa gabing iyon ay halos magmakaawa ka nang lumpuhin kita sa pamamagitan ng séx." Umismid ako. "Ito naman, parang hindi mo rin na-enjoy 'yon." Tudyo ko. "Fúck!" IIngasing niya para patahimikin ako. "Leave! You will leave this house now dahil kung hindi ay pulis ang kakaladkad sa'yo palabas ng teritoryo ko!" Sapilitan niya akong hinila sa braso. "Hector... Aray! Nasasaktan ako." Reklamo ko. "Talagang masasaktan ka. I never show any mercy to a filthy and deceitful person like you!" "Aray kasi! Huwag mo akong kakaladkarin, maawa ka naman sa akin. Kagagaling ko lang sa aksidente." Pagmamakaawa ko. Dama ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. "Ang hapdi ng puwit ko e tapos kakaladkarin mo pa ako. Hindi ako narito para huthutan ka ng pera. Si Lola Honorata ang nagdala sa akin dito. Makinig ka naman sa akin oh." “Liar! That's one thing close to impossible.” Nakarating kami sa garahe. Tumutulo na ang luha ko habang patuloy na nagmamakaawa subalit bingi siya sa ano mang samo ko. Tumigil siya sa isang kotseng narito sa malawak na garahe. Binuksan niya ang isang pinto at tinutulak ako papasok subalit nagpoprotesta ako. “Huwag! Maawa ka, huwag mo akong palayasin. Wala akong mapupuntahan.” "Shut up! Get inside so I can get rid of you as soon as now." Nagmatigas ako. Humihikbi na ako dahil naaawa ako sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay para akong hayop na may dalang virus at pilit itinataboy. Ngayon ay napagtanto ko na tama ang sinabi at babala sa akin ni Ate Cristy. May sa demonyo nga ang ugali ng nag-iisang apong lalaki ni Lola Honorata. Na tunay na may tinatago itong malupit na halimaw sa likod ng pormal at maayos na hitsura nito. "Hector! Diyos ko, Hector! Bakit mo sinasaktan si Lorrie?" "Nonna." Sa pagdating ni Lola Honorata ay niyon lang ako binitawan ni Hector. May mga nakasunod kay Lola Honorata na mga babae ngunit dahil pinapalabo ng luha ko ang aking paningin kung kaya't hindi ko matukoy o makita kung sinu-sino sila. Nagmamadali at takot akong tumakbo at yumakap kay Lola Honorata na para bang isa akong paslit na nakawala mula sa pandudusta at pang-aapi na nakahanap ng kakamping masusumbungan. "Oh, apo ko. What's wrong? Tell me. Ano ang ginawa saiyo ni Hector at umiiyak ka?" Alalang-alala si Lola Honorata habang yakap ako at hinahagod ang likuran ko. Hindi ako makapagsalita. Panay iyak at hikbi lang ako. Nakasubsob ang mukha ko sa balikat ni Lola Honorata. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nangyayari. "Nonna, what's happening here?" Si Hector na tila nalilito. "How did you get to know that swindler woman? Why you even let her inside our house? She's a pest, Nonna! Hindi mo lubusang kilala ang babaeng iyan para papasukin sa pamamahay natin." "Hector Evandre, iyang bunganga mo! What attitude is that? Tatamaan ka sa akin." Angil ni Lola Honorata at ngayon ko lang siya narinig na gumamit ng gano'ng tono. Puno ng otoridad at may dalang bagsik. "Nonna, you have to listen to me. That woman is a prost—" "Manahimik ka at unahin mo ngayon din ang humingi ng tawad kay Lorrie. I will never tolerate your harsh way of talking to any person lalong-lalo na rito sa mapapangasawa mo." At biglang natahimik ang paligid ko. Parang wala akong ibang narinig sa loob ng ilang sandali maliban sa hikbi ko. ***** A/N: Yesterday, the fifth day of July ay nakapasok po sa daily Nova ranking ng Stary ang story na ito. Top #10 po kaya taos puso po talaga akong nagpapasalamat sa inyong lahat na nag-aabang at sumusuporta sa story ni Hector at Lorrie. Sobrang laking tulong po ng reads ninyo pati na ang interaction ninyo sa comment section. God bless you all po. Sana huwag kayong bumitaw hanggang dulo.🥹🙏🏻
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD