Chapter four

1562 Words
MALAKAS na tunog ng alarm ang nagpagising kay Belinda. Isa namang araw ang lumipas, ngunit sariwa pa rin sa kanyang isipan at laman pa rin ng kanyang mga panaginip ang nangyari na bangungot sa kanyang buhay. Ngunit kailangan niyang magpakatatag. Bumaba na siya sa kanyang silid at nakasalubong niya si Matthew na nakapambahay lang, tumingin siya sa relong pambisig at nalaman niyang mag -aalas nuwebe na pala ng umaga. Nakapambahay lamang ang lalaki kaya nagtaka siya kung bakit hindi pa ito umaalis gayong araw pa lang naman ng huwebes. Wala ba itong pasok? Naghahanda lang ito ng pagkain, kaya nagtataka siyang bumati dito. “Good morning,” bati nito at saka siya pinanghila ng upuan, umupo naman siya sa tapat nito at saka niya ito tinitigan. Ilang araw na siyang nakatira dito, ngunit hindi pa niya alam ang trabaho nito. “May sasabihin ako sa'yo.” Sabi nito at nilagyan nito ng pagkain ang kanyang pinggan. “Ano iyon?” tanong niya. “Maghanda ka mamaya, may pupuntahan tayo ngayon, kaya humanda ka mamaya.” Sabi nito kaya napakunot ang noo niya. “Hindi ka ba aalis para pumunta sa trabaho mo?” tanong niya. His cleared his throats at saka nagsalita, “Ang totoo ay wala naman talaga akong trabaho, pero may pinagkakaabalahan ako at iyon ang pupuntahan natin.” Sabi lang nito kaya napatango na lamang siya. NAKATINGIN si Matthew, habang naglalakad palabas at nakangiti sa kanya kaya naninibago siya dito. Noong una naman ay lagi naman itong seryoso. Pero ngayon ay may nagbago rito. Sumakay sila ngayon ng sasakyan ni Matthew at tinahak ang isang lugar na may iba't ibang mga punong kahoy na may mga bunga, may santol, dalanghita at bunga ng mangga ang nadadaan nila. Meron pa nga na purong niyog lang ang nakatanim doon. Namamangha siya sa ganda ng tanawin na nakikita niya sa paligid. First time niyang makalabas sa bahay nito at ngayon lang niya nakita kung gaano kalawak at kaganda ang lupain na kinatitirikan ng bahay nito. Hindi niya alam kung saang lugar sila naroon, dahil hindi naman sinasabi ni Matthew at hindi naman niya iyon tinatanong dito Lalo siyang namangha ng humimpil ang kanilang sinasakyan sa lugar na maraming kabayo. Bumaba na sila at naglakad patungo sa mga kwadra. Nakita niya ang iba't ibang kabayo. Kaya lalo siyang namangha. “Sa iyo ba ang rancho na ito?” namamanghang tanong niya at tumango ito. “Paano ka nagkaroon ng ganitong kagandang rancho?” muling tanong niya at isa-isa niyang hinawakan ang mga kabayo, pero ang kumuha ng atensyon niya ang isang puting puting kabayo. “It's Tala ang pinakabatang kabayo dito.” Sabi naman ni Matthew at naaaliw siya sa pagkamangha ng dalaga. “Ang ganda niya, at ang bait pa.” Sabi niya. “Sa'yo ba talaga itong rancho, akala ko, may kaya ka lang hindi ko alam na sobrang yaman mo pala.” “Actually, hindi naman ako ang mayaman, my mom, pero dahil sa lihim na iniwan niya ito sa akin. At sa akin na rin nakapangalan, parang sa akin na rin ito.” Wala siyang nakapang pagmamayabang sa tono ng pananalita nito. Parang nahimigan pa nga niya ang lungkot sa boses nito. “Asan na pala ang mga magulang mo?” malungkot niyang tanong dito. “My Mom, left me when I was in highschool, at hindi alam ni Dad na mayaman ang napangasawa nito. Dahil nakilala lang ni daddy ang mommy doon sa casa, biktima rin kasi ito ng pandudukot sa mga babae na ginagawang p********e doon.” Walang sayang mababakas sa mga mata nito sa pagkukwento kundi purong kalungkutan at galit ang nakita niya sa mga iyon. “Sorry kung natanong ko pa sa'yo. Pero paano mo pala nalaman na mayaman ang mommy mo.” Pero hindi pa rin niya maiwasang itanong iyon dito. Napabuntonghinga ito ngunit nagpatuloy pa rin ito sa pagkukwento. “Nang magustuhan siya ni Daddy ay itinakas din niya si mommy tulad ng ginawa ko sa'yo. Ngunit sa takot ni mommy na baka madamay ang kanyang mga magulang, dahil sa mga sindikatong dumukot sa kanya ay tuluyan na lang itong sumama sa ama ko, nagpakasal at nagsama. Ngunit ng mabalitaan ni mommy na mamatay na ang mga magulang nito ay nagpaalam ito kay dad na uuwi at isama sana ako. Ngunit ayaw ni Dad payagan ito, kaya tumakas si mommy dahil gustong gusto na nitong makita ang lolo at lola ko. Pero dahil malaki na ako at may sariling isip na kaya bago umalis si mommy ay may sinabi itong sikreto sa akin at 'wag ko raw iyon sasabihin kay Daddy.” Pagpuputol nito sa pagkukwento at na upo sa mahabang bangko na naroon sa may kwadra. Bago nito itinuloy ang pagkukwento, mataman din siyang nakinig dito. “Sinabi ni mommy sa akin na mayaman siya at balang araw ay hanapin ko raw siya, kapag kaya ko na ang sarili ko at huwag na huwag ko raw mababanggit iyon kay daddy sa hindi ko alam na dahilan at sinabi rin niya sa akin kung taga-saan ito. Kaya mula noon ay sinubukan kong alamin kung bakit ganoon na lang ang nais ni mommy na ilihim ito sa aking ama. Nang malaman ko ang dahilan ay nagalit ako kaya lihim kung hinanap ang lugar kung saan isinilang at lumaki si Mommy at dito ko siya nahanap sa Cebu.” Pagkukwento nito kaya napanganga ako. “N-Nasa Cebu na tayo?” gulat niyang tanong kaya tumango ito. “Bakit hindi mo sinabing ang layo na pala natin sa Maynila?” “Akala ko kasi hindi na mahalagang malaman mo kung nasaan tayo, pero ito ang rason ko kung bakit dito kita dinala.” “Anong ibig mong sabihin,” Naguguluhan niyang saad. “Dinala kita rito at isinama, para na rin makapagtago ako sa aking ama, hindi rin naman kasi kita pwedeng iwanan na lang kung saan o kaya sa mga pulis. Dahil may koneksyon ang mga taga Casa sa pulisya, kaya wala ka na rin mahihingian ng tulong doon kaya no choice ako kundi isama kita kahit walang pahintulot mo.” Seryoso sagot nito. “Pero kung ayaw mo naman mag stay sa akin dito ay ererespito ko ang desisyon mo, pero kapag umalis ka na dito ay hindi na kita pwedeng samahan. Dahil ayaw kong tumuntong pa sa Maynila at makita pa ang aking ama. Pero kapag nahuli ka nila ulit at tinanong kung saan ka nag stay, please lang Belinda, huwag na huwag mo itong mababangit sa mga tauhan ng nasa Casa, dahil isa sa mga tauhan doon ay ang ama ko, dahil pagmaynakaalam nito at malaman kung ikaw ang nagsabi, isa na rin ako sa mga taong tutugis sa'yo.” Saad nito kaya na pamaang siya sa sinabi nito. Bigla kasing bumalik sa mga mata nito ang nakakatakot na tingin. Pero sa pagkakataon na ito ay hindi na siya nakakaramdam ng takot dito. Ang nararamdaman na lang niya ay kaguluhan sa kanyang sarili kung ano ang magiging desisyon niya. Pinagmasdan niya ang lalaki na naghihintay ng isasagot niya. Mananatili ba ako dito or aalis na lang na walang kasiguraduhan kung may matutuluyan pa ba siya sa Maynila. Pero paano kung matunton siya ng pumatay sa kanyang ama, makakaya kaya niyang ipagtanggol ang kanyang sarili, pero paano siya makaganti sa mga taong pumatay sa mga magulang niya kung tatakasan na lang niya ito? Yumuko siya rito at hinawakan ang kamay nito, nakaupo kasi ito habang siya ay nakatayo kaya siya yumuko. Nakapag-desisyon na rin siya, tumingin siya rito at pinatigas ang kanyang pananalita. “Mananatili ako rito, pero sa isang kondisyon, turuan mo akong maging matapang at makipaglaban. Turuan mo akong hindi na maging duwag upang sa gayon, kapag matapang na ako ay saka ako aalis dito. Upang kahit mahuli nila ako ay hindi na ako matatakot na ipaglaban ang sarili ko.” Seryoso saad niya dito, kaya tumingin ito ng diretso sa kanyang mga mata. “Para saan ang tapang na gusto mong makamit?” tanong nito. “Tapang upang alamin kung sino ang dumukot sa akin at pumatay sa mga magulang ko, tapang para malampasan ko ang bangungot na ibinigay nila sa akin. . .Tumigil siya sa pagsasalita at inalis niya ang bara sa kanyang lalamunan. “Ngunit hindi ko magagawa iyon kung wala sa akin tutulong at alam kung kaya mo iyong ibigay sa akin.” Dugtong pa niya rito. Ilang saglit itong walang sinabi sa mga sinabi niya. Akala niya ay hindi ito pumapayag ngunit natuwa siya ng marinig niya ang sagot nito sa kanya. “Sige, ibibigay ko iyon sa'yo at lahat gagawin natin para maging matapang ka. Ngunit kailangan mong sabihin sa akin ang buong kwento at kung sino ang nagpapatay sa mga magulang mo at kung bakit sila pinatay.” “Salamat, maraming salamat talaga, hulog ka ng langit sa akin, at balang araw ay masuklian ko ang mga tulong na ibinigay mo. Makaasa ka kapag kaya ko na at kung sakaling mahuli nila ako, hinding hindi kita ilalaglag sa mga demonyong iyon, laban ko ito at wala akong idadamay kung saka-sakaling magkahulihan man.” Matapat na saad niya at itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay. Ngunit hinawakan niya ang kamay kung nakataas at nakipagkamay siya sa akin na ikinangiti niya. Sa wakas maisasakatuparan ko na rin ang pangako kung ipaghiganti ang aking mga magulang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD