Chapter three

1611 Words
BUMALIK si Belinda sa taas matapos niyang hugasan ang pinagkainan nila ni Matthew. Nauna na itong umakyat dahil may pupuntahan pa raw ito. Titig na titig siya sa dalawang kwarto na naroon, hindi niya alam kung saan ang kwarto kung saan siya pinaukupa ni Matthew. “Saan kaya rito ang silid na tinulugan ko?” bumuntong-hininga siya at pumunta sa unang kwarto, binuksan niya ang pinto at pumasok. Agad na bumuka ang bibig ni Belinda sa kung sino ang nakatayo sa kanyang harapan, si Matthew na nakatapis lang tuwalya. “Sorry, namali ako ng pasok.” Hindi makatingin saad niya rito. At dali-dali siyang lumabas ng silid na puno ng kaba ang kanyang dibdib. “Damn! Kakahiya kay Matthew.” bulong niya at nagmamadaling pumasok siya sa ikalawang silid pagkatapos, at ito pala ang silid niya. Umupo siya sa kama at ginulo ang buhok, grabi ang ganda ng katawan niya at mas gwapo ito kung wala pa lang bigote. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at bumungad sa utak niya ang matipunong katawan nito. “Tumigil ka sa kakaisip sa katawan niya.” Kastigo niya sa sarili at padapa siyang nahiga sa kama. Natahimik naman siya sa pag-iisip ng sumagi sa isip niya ang kanyang mga magulang, ni hindi man lang niya na ilibing ang mga ito. Natatakot naman siyang bumalik doon at baka balikan siya ng mga lalaking pumatay sa kanyang mga magulang lalo na ngayong tumakas siya, sana ay mahanap ito ng kanilang mga kapitbahay at maawa na ilibing sila, sana. “‘Wag kang mag-alala tay, nay, babalikan ko kayo at isinusumpa kong magbabayad ang pumatay sa inyo. ISANG linggo na siyang nandoon sa poder ni Matthew, nakiusap kasi siya kung pwede sanang doon muna siya sa bahay nito. Ayaw sanang pumayag ng nanay Salud nito, pero pumayag naman si Matthew na doon muna ako kaya wala itong nagawa kundi sang-ayunan ang pasya ng alaga nito. Ngayon ay nasa garden siya habang nagdidilig ng halaman ng makita niya sa salaming dingding sa loob ng bahay na iyon na pababa ng hagdan ang amo na niyang si Matthew. “Morning,” bati niya rito dahil nasa malapit lang naman siya, nagdidilig ng mga halaman. Kaya maririnig nito ang pagbati niya dito, kaya tumango ito at saka pumasok ito sa kusina. Tapos na rin siyang magdilig ng mga halaman kaya pumasok na rin siya sa kusina para mag-agahan. “Good morning sir Matthew!” bati ko pa rin dito kahit binati ko na ito kanina. Binati naman siya nito pabalik at inanyayahan siyang maupo at kumain. “Morning Bell, kumusta na pakiramdam mo?” tanong ni Matthew, dahil nilagnat siya noong isang araw. “Okay na po ako, salamat po.” Sabi niya at bumaling ang tingin nito kay nanay Salud. “Nay, patimpla naman ako ng kape. Salamat.” utos nito sa nanay Salud nito. At saka sabay na silang kumain. Ilang minuto pa ay tapos na silang dalawa sa pagkain at tumayo na si Matthew bitbit ang kanyang bag. “Aalis na ako, mamaya pa ang balik ko kaya kayo muna ni Nanay Salud ang bahala dito sa bahay.” Saad nito kaya tumango ako rito at ngumiti. “I have to go.” Sabi nito at nagmanu ito kay Nanay Salud. “Kaawaan ka ng Diyos. Iho, mag-iingat ka!” Sabi naman ng matanda. “Sige po, nanay, Belinda,” paalam ni Matthew at tumalikod na ito para umalis. KINAGABIHAN, “Good evening, bati ni Belinda habang naglalakad siya patungo sa sala. Seryoso namang sumabay sa kanya si Matthew papasok sa kusina, kadarating lang nito kani-kanina lang. “Evening, binilihan pala kita ng mga damit at sapin sa paa mo, para may magamit ka sa pag-stay mo dito.” Dugtong nito at ibinigay sa kanya ang mga paper bag. “Salamat nakakahiya naman,” “No, obligasyon kita ngayon, kaya need kong bigyan ka ng mga gamit mo, dahil wala ka namang dalang gamit. Lalong lalo na ang mga damit.” Sabi ni Matthew at inaya na siya nitong kumain. Inilapag naman niya ang mga paper bag sa sopa, mamaya na lang niya iyon titingnan. Kumuha siya ng plato at kutsara at ibinigay niya ito sa lalaki. Bigla na lang nagkadikit ang kanilang mga daliri, kaya nakaramdam siya ng parang may dumaloy na kuryente sa kanyang buong sistema ng magdikit ang kanilang mga balat, ngumiti siya at nahihiyang inilayo niya ang kanyang kamay. Wala naman siyang nakitang reaksyon dito at nagpatuloy lang ito sa paglagay ng kakainin nito sa pinggan at nagsimula na itong kumain. Maya-maya ay nakarinig sila ng mga yabag kaya patingin sila sa pumasok. Nakita nila si Manang Salud, kaya ngumiti sila dito at niyaya nila itong kumain, pero tumangi ang matanda. Alam naman niyang hindi siya gusto ng matanda at napipilitan lang siya nitong pakisamahan. Wala naman siyang naririnig dito, pero bihira lang siyang kausapin nito. PAGKATAPOS ng hapunan ay umupo ang dalawa sa sala at nanood ng pelikula. Maya-maya ay may lumabas na balita. Ipinaalam ng mga weather forecaster na magkakaroon ng bagyo, ngayong gabi at pinakiki-usapang manatili sa loob ng bahay at delikado raw sa labas, dahil signal number three na ang lugar ng kanilang kinaroroonan. Agad tumingin sa labas ng bintana si Belinda at nakita niyang nag-uumpisa na ngang lumakas ang ulan na may kasama pang-kidlat. “Gusto mo ba ng kape para mainitan ang katawan natin, medyo lumalamig na?” tanong ni Matthew sa kanya. Ngumiti naman siya dito at saka tumango. Tumayo ito at pumasok sa kusina at maya lang ay lumabas na ito at may dala na ng tray na may lamang umuusok ng tasa ng kape. “Salamat,” nahihiyang pasalamat niya rito. Umupo na ito at humigop na ng kape, habang siya naman ay iniinom na rin ang kanya. “‘Di ba nasabi mo, may nanloob sa inyo? Nakilala mo ba kung sinu-sino ang mga iyon?” tanong nito kaya natigilan siya sa itinanong nito. “Hey, Don't worry kung hindi mo pa kayang maikwento sa akin ang buong detalye, ay na iintindihan ko, alam ko naman na may truma ka pa.” Nakangiting sabi nito sa kanya at first time niya itong nakitang ngumiti kaya nawala ang malalim na tingin nito sa kanya. “Salamat, balang araw ay maiku-kwento ko sa'yo ang lahat. Pero kapag kaya ko ng alalahanin ang lahat na hindi na ako nauunahan ng iyak ay masasabi ko rin ito sa'yo.” Sambit naman niya rito. NAPABUNTONG-HININGA naman si Matthew at humarap sa TV, hindi niya talaga alam kung bakit na itanong pa niya iyon. Alam naman niyang hindi biro ang pinagdaanan nito. Pinagmasdan niya itong muli, tahimik lamang itong umiinom ng kape habang nanonood ng TV. Ang ganda nito ay hindi nakakasawang tingnan, unang kita pa lang niya rito ay nabighani na siya sa kagandahan nito. Nang ipasok ito ng mga tauhan ng Casa ay nabighani na siya sa kagandahan nito, kahit pa gulong gulo ang itsura nito, kaya mula noong araw na iyon ay inaabangan na niya ito, kung anong gagawin ng mga tauhan sa babaeng ito. Kaya ng ilabas nila ito sa silid na pinagdalhan sa dito ay sinubaybayan na niya ito para mailigtas niya kung sakaling may gawing hindi maganda ang mga tauhan ng mamasang na namamahala sa Casa si Moona. Napakuyom ang mga kamay niya ng makita niya kung paanong ipahiya at hinubaran ng mga kalalakihan ang babae, gusto man niyang tumulong ay tiyak na ikakapahamak niya iyon kaya humanap siya ng tiyempo para maitakas ito sa kinalalagyan nitong kahihiyan. Kaya nang makawala ito ay sinundan niya agad ito para maitakas sa mga humahabol na mga tauhan sa Casa. CASA ESTAREAL “ANONG ibig mong sabihin nawawala ang anak ko?” galit ang matandang Don, habang nakayuko ang kanyang tauhan. “Opo sir, kahapon pa po siya nawawala,” sabi ni Lendon ang tauhan niya sa Casa. “Napansin kong nawawala siya sa silid nito ng mawala din ang bihag natin na anak ni Ramirez, kaya hinanap ko siya at nalaman kong nakatakas siya sa lihim na daanan, na tayo lang ang nakakaalam. Pero hindi ko po sure kung magkasama silang tumakas,” sabi ni Lendon na hindi makatingin sa kanyang amo. Tumayo ang lalaki sa kinauupuan niya at hinawakan ang t-shirt ng tauhan. “Hanapin n'yo ang anak ko sa lalong madaling panahon, ilang buwan na lang ay siya na ang papalit sa akin dito. Kaya galugadin n'yo ang buong Maynila, maliwanag!” Galit na utos ng don sa kanyang kanang kamay na si Lendon na tumango naman agad. “Mateo,” bati naman ng isa panglalaking may katandaan na rin na kakapasok pa lang. Pumunta iyon doon para sa mga babaeng ibibigay sa kanya, kapalit ng malaking halaga, dahil kailangan na naman nila ng mga bagong recruit, dahil ang mga datihan na kasi na mga babae sa casa ay kulang na kulang na. Kaya humihiling na naman ang iba pa nilang mga customer ng bago at sariwang mga p********e. Habang si Lendon naman ay napangisi, pero nagkunwari itong natatakot pa rin, bago ito lumabas ng silid na iyon nang senyasan ito ng Don na umalis na sa harapan nito. Inilabas naman ng matandang Don ang phone at hindi na muna kinausap ang kanyang bisita. At naglakad papunta sa isang discreet area sa Casang iyon ng may tumawag sa kanya, kaya sinagot nito ang tumatawag. Matapos makipag-usap nito sa telepono ay tumikhim ang Don, at inayos ang kanyang salamin sa mata, bago naglakad pabalik sa kinaroroonan ng kanyang kasosyo sa negosyo sa Casa. “I heard about what happened to your son, Mateo, natagpuan mo na ba siya?” tanong naman ng bisita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD