Chapter two

1602 Words
“BELINDA!” tawag ng lalaki sa kanya at tinapik siya ng mahina. Nakatulog siya dahil sa pagod at takot. “Belinda, wake up,” muling niyugyog nito ang kanyang katawan. Binuksan niya ang kanyang mga mata na may konti pang luha. “B-bakit?” sagot niya naman habang pupungas pungas. “Kailangan na nating umalis.” Sabi naman nito kaya napabalikwas siya nang bangon. Bumangon siya mula sa kama at sinuot ang kanyang tsinelas na ibinigay din nito, nakaroba pa rin siya, dahil wala itong damit na mapapahiram sa kanya. Nakilala na rin niya ito at ganoon din siya rito, sinabi na rin niya ang tunay na dahilan kung bakit siya napadpad dito. Awa ang naramdaman nito sa kanya. Tinanong rin niya ito, kung anong ginagawa nito roon at kung anong klaseng lugar ang pinagdalhan sa kanya ng mga dumukot sa kanya. Sinabi nitong anak siya ng isang tauhan sa lugar na iyon, at first time nitong pumasok doon. Hindi naman daw nito alam na sapilitan lang ang pagkuha ng mga babae rito. Kaya ng makita raw siya nitong tumatakas ay hindi ito nagdalawang isip natulungan siya. Lumakad siya papunta sa pinto at siya ay napaatras dahil nakalimutan niyang nandoon parin pala sila sa casa na sabi ni Matthew ay kuta ng mga babaeng bayaran at exclusive lang daw ang lugar na iyon, dahil tanging mga matataas lang daw sa lipunan ang mga dumarayo doon. “Paano pala tayo makakatakas dito kung mga armado ang mga tauhan dito?” nahintakutang tanong niya sa lalaking tumulong sa kanya para hindi siya tuluyang marape. “May sikretong daan dito, at doon tayo dadaan. But don't worry, akong bahala sa iyo. Hindi tayo mahuhuli dahil walang bantay doon kasi wala namang ibang nakakaalam doon. Tumango naman siya rito ang tangi niyang magagawa ay sumunod at magtiwala rito na makakaalis sila sa impyernong lugar na iyon. Pinasuot siya nito ng isang damit na may hoodie at jogging pants at pinasuot din siya ng mask. Habang ito naman ay ganoon din ang naging ayos. “Handa ka na bang sumama sa akin?” tanong nito kaya napatango siya. “Handa na ako, maraming salamat sa tulong mo!” Sagot naman niya rito. Inilahad naman nito ang kamay nito kaya iniabot naman niya ang kamay dito at hawak-kamay silang lumabas. Luminga linga sila ng makita nilang walang tao sa paligid ay agad silang tumakbo pababa sa isang bulwagan. Pero dahil mag-aalas tres pa lang ng madaling araw ay walang taong mga nakakalat sa paligid. Hinila siya nito sa isang madilim na pasilyo at pumasok sila isang silid din. Tama naman ito, walang bantay sa lihim na daan na pinuntahan nila, kaya nakahinga siya ng maluwag. Inilibot niya ang paningin sa kinaroroonan nila. May mga nakita siyang mga tambak na mga gamit na hindi na mapapakinabangan pa. Sigurado siyang isa iyong malaking bodega. May kinapa ang lalaking kasama niya sa may pader na kinalalagyan ng mga sirang higaan at mga maletang luma na at pagkatapos ay hinawi ng lalaking nangangalang Matthew ang mga iyon at may pinindot doon na isang button na bakal, at bigla na lang may bumukas na pader na ginawa pa lang pintuan. Namangha siya dahil sa nakita niyang liwanag na nagmumula sa buwan, sa wakas ay makakatakas na siya at magagawa na niyang magbagong buhay. Ngunit, hindi niya kakalimutang hanapin ang dahilan kung bakit pinatay ang mga magulang niya ng lalaking nakamaskara. Ngunit ang inaalala niya paano siya makakapagsimula kung wala na siyang mauuwian? Nawala ang malalim niyang pag-isip ng hilahin siya ng lalaking nagligtas at tumulong sa kanya. “Halika na alis, natayo. Wala ng oras!” Sabi naman nito kaya naluluha siyang tumango dito. “Salamat sa tulong mo, at pagliligtas mo sa akin. Paano kita masuklian?” hinihingal na tanong niya habang sila ay tumakbo sa gitna ng kagubatan ngunit bigla na lamang siyang nawalan ng malay SAMANTALA, “Bakit ninyo hinayaang makatakas ang babaeng iyon, mga inutil,” sigaw ng isang may katandaan ng lalaki sa kanyang mga tauhan sa Casa Elastrial. “Sorry boss, may tumulong siguro sa kanya kasi nakita naming nakabukas ang sekretong daan sa may bodega. Pero pinapangako ko pong hahanapin na lang namin ito. At sisiguraduhin kong this time ay hindi na ito makakatakas pa.” Sagot naman ng kanyang assistant na si Moona. “Siguraguhin mo lang kundi ikaw ang makakatikim sa akin ng hagupit kapag hindi mo nahanap ang babaeng iyon.” Galit na sabi ng matandang lalaki sa kanyang tauhan. “Opo, boss makakaasa ka po.” Bago ito nagpaalam sa kanya sa kabilang linya. ‘Hindi pwedeng makatakas ang anak mo sa akin, Vergil. Sisiguraduhin kong siya ang kabayaran sa pagtangka mong tumiwalag sa ating grupo. Kahit patay ka na ay abot hanggang langit ang galit ko sa'yo. At malas lang ng anak mo at siya ang sasalo sa kataksilan mo.’ Nagbabaga ang mga matang bulong nito sa kanyang sarili na punong puno ng galit. Matagal na panahong nagtago ito sa kanya at ang malala ay itinanan pa nito si Lira at inilayo sa kanya. Pero hindi na lang ang pang-aagaw nito sa minamahal niya ang rason. Kundi ang pagtataksil nito sa grupo na binuo nila at pagkuha ng malaking parti ng kayamanan na dapat ay sa kanya lang. PINANDILATAN ni Aling Salud si Matthew habang inilalagay ang malamig at basang towel sa noo ng babaeng dala-dala nito. “Paano ka nagdala ng estranghera sa bahay mo? Baka kapag nalaman ito ng ama mo ay magalit iyon?” tanong ng mayordoma kay Matthew. “Iniligtas ko siya sa casa, nanay Salud, kailangan niya ng tulong ko.” Seryosong saad nito sa kanyang kinikilalang ina-inahan. “At doon pa talaga sa casa.” “Hindi ko siya kayang hayaan na mababoy siya doon, nanay Salud.” galit na turan ni Matthew. “Paano kapag nalaman iyan ng ama mo.” nag-aalalang tanong ng matanda sa kanya. “Walang malalaman, dahil hindi mo naman po ako isusumbog 'di ba nanay Salud.” Malambing ng saad niya sa kanyang tagapag-alaga. “Oo naman, kaya lang ikaw ang inaalala ko. Kaya mo ba siyang protektahan sa galit ng ama mo?” Sasagutin na sana ni Matthew ang kanyang nanay Salud ng mangring 'yong phone niya kaya pinatahimik nito ang kanyang nanay Salud at ibinigay dito ang bimpo para ito na ang magpatuloy sa pagpunas nito sa babaeng iniligtas niya. Natawag kasi ang kanyang ama, kaya umalis muna siya sa silid na ipinaukupa niya sa babaeng iniligtas. “Matthew, why are you ignoring my message to you?” tanong ng ama niya kaya napabuntong-hininga siya. “Sorry Dad, gusto ko munang mapag-isa kaya hindi na muna ako diyan babalik sa atin. At 'wag mo ng balakin na hanapin ako, bigyan mo muna ako ng katahimikan.” His said and he ended the calls. UMUNGOL si Belinda ng bahagya at iminulat niya ang kanyang mga mata, ngunit agad niyang ipinikit ulit ang kanyang mga mata ng makaramdam siya ng p*******t ng kanyang ulo. Binuksan niya ulit iyon, ng maalala niya ang nangyari, kaya napabalikwas siya ng bangon. Napansin niyang iba ang kinaroroonan niya, wala na sila sa gubat. Dahan-dahan siyang umupo, pero napangiwi siya habang hawak-hawak ang tiyan niyang sumasakit at kumulo iyon dahil sa gutom. “Mabuti at gising ka na, okay ka na ba?” tanong ng isang baritonong boses at nakita niya ang lalaking tumulong sa kanya na nakaupo sa silyang nasa harapan ng kinahihigaan niya. Biglang nag flashback agad sa isip niya ang pagtakas nila sa casa. “I am sorry, kung nawalan ka ng malay. Kailangan kong gawin iyon para madala kita dito sa aking bahay.” Hinging paumanhin ng lalaking tumulong sa kanya. “Bakit?” tanong ni Belinda sa lalaki. “Dahil hindi mo kakayanin ang mga panganib na kahaharapin natin kung gising ka kaya ko ginawa iyon.” Paliwanag naman nito. “So, ikaw pala ang dahilan kung bakit ako nawalan ng malay?” “Yes, sorry ulit!” “Okay lang ang importante ay itinakas mo ako, maraming salamat.” Naluluhang hinging pasasalamat niya sa lalaki. “Walang anuman iyon. Ano pala balak mo ngayong nakatakas ka na? May matutuluyan ka ba?” Umiling naman siya dito, dahil sa totoo lang ay wala na siyang babalikan pa. “'Wag mo muna isipin iyon, halika, sumama ka sa akin sa baba, para makakain ka na!” Tumango naman siya at sumama siya palabas sa silid na iyon. Bumaba sila sa hagdan, maganda ang bahay nito kahit medyo luma na pero nasa ayos pa rin iyon. Nang makababa ay pumasok sila sa isang silid. Iyon ang kusina at nakita niyang may nakahain na mga pagkain sa mesa. Napalunok siya dahil lalo siyang nagutom ng makita niyang masasarap na pagkain ang nakahain sa hapag. “Kumain ka na, alam kung gutom ka na dahil hindi tayo nakakain ng tumakas tayo kahapon.” Sabi nito at binigyan siya ng pinggan. Wala na siyang hiya-hiya dahil nagugutom na talaga siya, dahil dalawang araw na siyang hindi pa kumakain. Pinagmasdan niya ang gwapong mukha ng lalaking nangangalang Matthew. Kahit sunod-sunod ang kanyang pagsubo. Naisip ni Belinda na kahit na napakamisteryoso ng mga tingin nito ay makikita mong mabuti itong tao, dahil na rin sa pagtulong nito sa kanya. “Sige, kumain ka lang ng kumain at pwede ka na ulit magpahinga kailangan mong magkaroon ng lakas para may lakas ka, kapag uuwi ka na sa inyo.” Sabi nito kaya nalungkot siya sa sinabi nito. “Salamat talaga, utang ko sa'yo ang buhay ko.” sabi niya at ngumiti rito. “Walang anuman.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD