Chapter One

1563 Words
ITINUTULAK ng mga lalaki si Belinda, sa bawat segundo dahil mabagal ang paglalakad nito. Patuloy siyang lumilingon sa paligid at nagtataka kung ano ang ginagawa niya sa ganitong lugar. Napakalaki niyon na parang isang palasyo sa sobrang laki. Nakakita siya ng maraming lalaki at babae na naglalakad, at nakatitig sa kanya. May mga nakaturo pa sa kanya at bumubulong pero maririnig naman niya ang mga binubulong ng mga ito. Balita ko anak siya ni Mr. Ramirez? Anak ng isang taksil. Hindi yata siya makakatagal ng isang linggo dito. Siguradong papatayin siya ng amo natin kaya siya dinala rito? Tingnan natin kung bubuhayin pa siya sa ginawa ng ama nito. Mga bulungan sa paligid niya na nakapapadagdag sa kaba niya. Tahimik siyang umiyak habang umaagos ang luha sa kanyang mukha, she was looking so unkepted already, her long hair all over her face, pero hindi niya mahawakan dahil nakatali ang mga kamay niya, wala siyang isang sapatos, dahil naiwan niya iyon ng magtangkang kumawala siya sa hawak ng kalalakihan. Dumudugo na rin ang kanyang talampakan sa paa na walang sapin. She was feeling total pains all over her body but the pains in her heart is worst. Ano ang nagawang kasalanan ng kanyang ama para siya ang magbayad at magdusa sa ganitong sitwasyon? Anong naririnig niya na ang kanyang ama ay isang taksil? At sino ang lalaking kumuha sa kanya at pumatay sa kanyang mga magulang? Pero hindi siya naniniwalang masamang tao ang kanyang ama, hangga't hindi niya nalalaman ang totoong nangyari. Nawala siya sa malalim niyang pag-iisip nang buksan ng isa sa mga lalaki ang isang silid at itulak siya papasok doon, kaya napahiga siya sa sahig. Sobrang dilim ng silid na iyon, sapat lang ang liwanag sa siwang ng bintana ng sikat ng araw na pumapasok doon, para makita niya ang kabuuan ng kinaroroonan niya. Ang pintuan ay sinarado na ng mga lalaking naghatid sa kanya doon, hindi na siya nagpumilit na makatakas dahil wala namang saysay kung gagawin niya iyon. Ang tanging nagawa niya lang ngayon ay umiyak dahil sa pagdadalamhati niya sa namayapa na niyang mga magulang. Ang kanyang puso ay nag-aapoy sa galit sa tuwing lumilitaw sa kanyang balintataw ang mga mata ng taong pumatay sa kanyang mga magulang, iba't ibang mga iniisip ang pumupuno sa kanyang isipan, ngunit mas nakapanlulumo, dahil alam niyang wala na siyang magagawa tungkol doon. Ipinulupot niya ang kanyang mga kamay na nakatali sa kanyang mga binti at nagsimula siyang manginig dahil sa lamig ng silid na iyon. Nakabukas kasi ang aircon, hindi na niya inabala pang buksan ang ilaw, dahil pagod na siyang gumalaw at nanghihina na siya sa sobrang pagod, emotionaly at mentally, ang kadiliman ay nagpapalala sa kanyang malungkot na kapalaran. Ngunit kailangan niyang magpakatatag, dahil walang tutulong sa kanya, kundi ang kanyang sarili lamang. Kailangan niyang kayanin ito at magpakatatag. ‘You can't die this way Bell, you have to be strong,’ sabi niya sa kanya sarili. ANG tunog ng pagbukas ng pinto ang gumising kay Belinda, mula sa kanyang pagtulog, dalawang lalaki ang pumasok sa kwarto at kinaladkad siya palabas. “Saan ninyo ako dadalhin?” nagawa niyang magtanong pero hindi siya pinansin ng mga ito. Papatayin na ba ako? Papatayin na ba ako ng amo nila ngayon? Tanong niya sa kanyang isipan habang kinakaladkad siya palabas. “Sumunod ka na lang sa amin, at huwag ka nang magsalita pa!” sabi ng isa sa mga lalaki kaya hindi na siya nagbalak pang magtanong. Nagpatuloy sila sa paglalakad at hindi niya maiwasang humanga sa dinadaan nila, kahit nasa hindi siya maayos na sitwasyon mas maganda at kamangha-mangha ang hitsura nito sa gabi, ang magagandang ilaw sa buong lugar na nagbibigay ng pinakamagandang tanawin para sa kanya. Maya-maya lang ay nagsimulang makarinig ng boses si Belinda at sa wakas ay pumasok na sila sa lugar na parang clubroom. “Here she comes.” Nakangiting sabi ng babaeng maiksi ang buhok na may edad na. Agad na napunta kay Belinda ang lahat ng matang naroon. Itinulak siya ng mga lalaki sa gitna kaya muntik na siyang matumba mabuti na lang ay may humawak sa kanya, kapagkuwan ay tinanggal nito ang tali sa kanyang mga kamay. Napalunok siya habang pinipilit na huwag tumingin sa kahit kaninong tao sa malaking silid na iyon, habang nanginginig ang katawan niya sa takot. Nakikita niya ang mapanganib sa mga titig na nagmula sa iba't ibang mga matang puno ng poot at galit. Lumapit ang babaeng maiksi ang buhok kay Belinda kaya napaatras ito ng kaunti. “Maganda naman pala siya guys, but yuck ang baho niya.” Nangdidiring saad ng babae at lumayo ito sa kanya, kaya nagtawanan ang mga taong nakapaligid sa kanila. “Who's ready for the show? I always give the best.” Ngumisi ang babae at lahat na nandoon ay nag-cheer dito. “Ang magandang balita ay birhin pa yata siya.” Anonsyo ng babaeng maiksi ang buhok kaya nagsimulang tumawa naman ang mga naroon. Habang si Belinda ay hindi niya maiwasang magalit sa babae, dahil sa pamamahiya nito sa kanya sa mga taong naroon. “Don't worry, madali lang itong gagawin mo,” sabi nito at hinawakan ang baba niya at pinisil iyon ng madiin. “Strip, b***h!” Sabi nito kaya nanlaki ang mata ni Belinda. “Ano?” tanong niya na napasigaw dahil sa gulat at isang malakas na sampal ang pinakawalan ng babae sa mukha niya. “How dare you to yell me, the daughter of a betrayer, now strip!” Sigaw nito kaya lalo siyang napaiyak, gusto na lang niyang mamatay kaysa maghubad sa karamihan. “Boys!” Binigyan ng babae ng sign ang ilang mga lalaking nakatayo sa paligid nila ng hindi siya sumunod sa iniutos nito. Kaya agad silang lumipat kay Belinda at sinimulang punitin ang damit nito. Nagsisigaw naman siya sa takot habang humahagulgol at hindi niya alam kung anong uunahin niyang takpan. “Anong ginagawa ninyo?! Tumigil kayo!" Please!” Napasigaw si Belinda nang makuha na nilang mahubad ang damit niya at ang tanging natira na lamang ay ang kanyang panloob na kasuotan. Pilit na rin siyang binuhat ng mga lalaki at inilapag sa mesa sa gitna ng silid na iyon. Lahat ng mga mata ay nasa kanya nakatingin, kaya lalo siyang natakot at umiyak na may kasamang hagulhol. Naghahalo na rin ang kanyang sipon sa luhang hindi tumigil sa pag-agos sa kanyang mga mata. “You all, can start!” ngumisi ang babaeng demonyita at kumuha ng alak sa isa sa mga maid at umupo na ulit sa kanyang pwesto, habang tuwang-tuwang sumimsim ng alak. Napuno ng hiyaw ni Belinda ang kwarto pero hindi siya makagalaw, nakahawak kasi ang mga ito sa magkabilaan niyang mga kamay, ang iba ay nakahawak sa kanyang mga binti. Pero nagpupumilit pa ring makawala siya sa mahigpit na pagkakahawak sa kanya habang nagmamakaawa. “Bitawan ninyo ako, parang awa na ninyo, wala naman akong kasalanan sa inyo, Please!!” Nagpupumiglas si Belinda at buong lakas siyang nagpupumiglas, kaya nakawala ito sa pagkakahawak ng mga lalaki. Tumakbo siya papalabas sa silid na iyon. Hindi na siya nag-abala pang pulutin ang kanyang mga damit. Kahit na nararamdaman pa rin niya ang sakit sa kanyang likod, hindi pa rin siya tumigil sa katatakbo, dahil hinababol na siya ng mga tauhan ng babae. “Habulin n'yo siya at huwag hayaang makatakas.” Galit na galit na saad ng babaeng maiksi ang buhok na kaninang sumapal sa kanya. Isang kamay ang bigla na lamang humila sa kanya at tinakpan ang kanyang bibig para hindi siya makasigaw. Tumingala si Belinda at nahagip ng kanyang mga mata ang isang lalaki, kaya nanlaki ang kanyang mga mata. Ngunit naging mas malala ang takot niya ng matuklasan niya na nabangga niya ang isang lalaking may nakakatakot na mga mata, inakala niya ang lalaking ito ay iyon ang kumuha sa kanya at pumatay sa kanyang mga magulang. Ngunit hindi iyon ang lalaking pumatay sa kanyang ama, dahil bata pa ito. Pero ang mata nito ay kapareho sa mga mata ng matandang lalaking pumatay sa kanyang mga magulang. Ngunit kahit ibang lalaki iyon ay para pa ring umalis ang kanyang kaluluwa sa kanyang katawan dahil sa takot. At baka kasabwat ito ng mga taong nasa loob ng malaking silid na iyon. Ngunit dumaan ang mga lalaking naghahanap sa kanya, ay wala naman itong ginagawang hakbang para siya ay ituro nito. Nang wala ang mga iyon ay hinawakan siya ng lalaki at inalis siya doon sa pasilyo at pumasok sila sa isa pang silid. Pinaupo siya nito sa kama at may kinuha itong roba at ibinigay sa kanya, nagtataka naman siyang tumingin dito at pinagmasdan ang estrangherong tumulong sa kanya. “Sino ka at bakit mo ako tinulungan?” lakas loob niyang tanong sa lalaki at hinintay niyang magpaliwanag ito sa kanya. “‘Wag ka ng maraming tanong isuot mo na iyang ibinigay ko sa'yo. Pero kung gusto mo maligo ka muna bago ka magbihis.” Tipid na saad ng lalaki kay Belinda. Walang nagawa si Belinda kundi ang magtiwala sa lalaki at sinunod nito ang sinabi ng lalaki. Kahit kinabahan ay wala siyang choice kundi ang magtiwala na lang dito, dahil hindi niya alam kung makakalabas siya sa lugar na ito na walang tulong nito. Dahil tiyak na mahahanap at mahuhuli siya ng mga lalaking iyon, para ibalik sa silid kung saan siya nakaranas ng ikalawang bangungot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD