PROLOGUE

578 Words
This story is not suitable for young ages 18 and below or sensitive minds. Contain s*x scenes, adult language and situation intended for mature readers only. Spg R-18 Plagiarism is a crime! Read for your own risk! NATATAKOT itong napatingin sa walang pusong taong tumutok ng baril sa ulo ng kanyang ama. Pinasok kasi sila sa kanilang tahanan ng mga armadong lalaki at bigla na lamang nilang pinagbabaril ang kanyang mga magulang. Sinubukang lumaban ng kanyang ama, ngunit malakas ang mga taong nanloob sa kanila. Wala itong magawa kundi ang umiyak na lang, dahil kahit gusto niyang tulungan ito ay wala siyang magawa. At ang tanging nagagawa niya lang ay umiyak ng walang tigil, ano kayang nagawa ng mga magulang niya, para maging ganito ang uri ng kamatayan nila? Una binaril ng lalaki ang kanyang ina at ito ay bumagsak sa kanyang harapan na wala ng buhay. Sunod naman ngayon ay ang kanyang ama ang binaril nito. “Don't worry about your daughter, I will take care of her,” malamig na sabi ng may katandaang lalaki, bago nito pinatay ng tuluyan ang kanyang ama. “Hindi!!” Napasigaw siya nang malakas habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak ng mga kalalakihan. Habang tinititigan niya ang wala ng buhay niyang mga magulang sa sahig at naliligo sa sarili nilang dugo. Ang mainit na luha ay umaagos sa kanyang mga mata ng masaksihan niya ang pagpaslang sa kaawa-awa niyang mga magulang. “Nanay! Tatay!!” Tumayo ang dimonyong iyon ng masigurado nitong wala na talang hininga ang mga magulang niya. Hindi niya makita ang mukha nito, dahil natatakpan ito ng maskara, pero kitang kita niya sa mga mata ng lalaki ang nakakatakot nitong tingin. Sino sila? Anong nagawang kasalanan ng mga magulang niya rito? Tao pa ba ito? O isang halimaw na? Naglakad ito papalapit sa kanya, kaya bumibilis ang t***k ng puso niya. Sinabi niyang aalagaan siya nito, ngunit nagdududa siya. Baka kabaligtaran ang ibig niyang sabihin, dahil puro dilim at poot ang nakikita niya sa mga mata nito. Habang nakatitig ito sa kanya, kahit nakamaskara ay kita niyang may edad na ang lalaki, dahil sa may puti na ang buhok nito. Wala siyang nagawa kundi ang lumuha at hindi na siya lumaban pa. Dahil ayaw pa niyang mamatay. Kahit wala na siyang pamilya ay ayaw pa niyang mamatay. Gusto pa niyang malaman kung bakit nito pinatay ang kanyang mga magulang ng walang awa? Kaya kailangan niyang magpakatatag, alang-alang sa kanyang mga magulang, upang pagbayarin ang lalaking itong nasa kanyang harapan. “Bring her out!” utos nito at umalis na ito matapos nitong bigyan siya ng ngiting nagpatindig ng kanyang mga balahibo sa katawan. “Ang sama mo, pagbabayaran mo ang ginawa mong ito sa mga magulang ko, isinumpa ko.” Saad niya rito at saka niya ito dinuran sa mukha. Akala niya ay sasampalin siya nito, ngunit ngumisi lamang ito sa kanya at sininyasan na nito ang mga tauhan na dalhin na siya. “Pakawalan mo ako! Pakawalan ninyo ako.” Sigaw niya, ngunit parang walang narinig ang mga ito. Nagpumilit pa rin siyang makawala ng muli siyang hawakan at kaladkarin palabas ng bahay nila. “Bitiwan n'yo sabi ako, mga demonyo kayo!” Sigaw niya sa mga ito, at sinubukan niyang kumawala sa pagkakahawak nila sa kanya. Ngunit bigla na lang nagdilim ang kanyang paningin dahil hinampas siya sa batok para mawalan siya ng malay at iyon na lang ang kantang natatandaan, bago siya panawan ng ulirat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD