Chapter 32

2399 Words

Napalunok ako doon ng aking sariling laway. Kulang na lang ay lumuwa ang aking dalawang mga mata sa oras na kanyang binigkas. Hindi ako makapaniwalang ganun na ang oras gayong parang kanina lang ay gabi pa, kung kaya naman mabilis na iyong lumipad sa screen ng kanyang cellphone na nakalagak sa ibabaw ng kama. Nakita ko doon na tama ang oras na sinabi niya. Marahang pumulupot pa ang kanyang isang braso sa aking tiyan, ngunit hindi ko iyon pinansin. Naglalakbay pa rin ang aking isipan sa oras na mabilis na lumipas at hindi ko na namalayan ang pagdaan. Alas-kwatro na? Paniguradong hinahanap na ako ngayon ni Mama sa bahay! Lagot na naman ako sa kanya nito, paniguradong aabutin na naman ako ng mga sermon. “Sorry!” nagmamadali at mabilis kong baba ng kama na ikinagulantang ng kanyang mga mata

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD