Chapter 11

2399 Words
Malungkot akong ngumiti habang nakatingin sa kanyang mukha. Maya-maya pa ay napipilitan na ako sa kanyang umiling. Si Mama ang isa sa mga salarin doon, paano pa ako tatanggi ngayon? Kahit na tumanggi ako ay hindi pa rin iyon mahahadlangan. Gagawan na nga lang namin ng paraan iyon ni Tita Roxa para malihim sa kanya ang tunay na halaga. Isang bagay na hinihiling ko na sana ay hindi na malaman pa ni Mama, tiyak kukunin niya ang lahat ng magiging parte ko. At sa bagay na iyon ay hindi ako papayag. Hindi ko na lang iyon isinatinig pa, ayoko namang maging masama ang aking ina sa kanilang paningin at sirain pa ang image nito. Muli akong tumungga sa basong hawak, halos sairin na ang laman noon hanggang sa pinakahuling patak nito. Pagkatapos noon ay muli ko siyang binalingan. Bagama't nakangiti ang aking labi ay hindi ko rin masasabi na masaya akong nakangiti ngayon sa kanya. “Sa trabaho kong ito, sa tingin mo ay hindi pa ba sira ang buhay ko?” tunog prangkang tanong ko sa kanya na may mapakla ng tono. Gusto kong makuha niya ang nais kong iparating sa kanya nang hindi ko ipinapaliwanag kung ano ang mga ibig kong sabihin dito. Isa ito sa bagay na pinaka-ayaw ko sa lahat, ang magpaliwanag nang paulit-ulit kahit na naghuhumiyaw na ang katotohanan sa harap niya. At hindi ako nagpunta sa club ng gabing iyon upang magpaliwanag lang ng mga bagay sa kanya na hindi niya maintindihan. Oo, magkakilala nga kami pero hindi naman kami nito magkaibigan at labis na magka-close. Ganunpaman ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalabas doon ng aking saloobin kahit hindi naman dapat. Aning din ako eh, patuloy na kinakausap pa rin siya.“Alam mo ba na magmula nang pumasok ako dito ay nasira na ang buhay ko. Sino bang hangal na lalaki ang tatanggap sa akin kung alam nilang—” “Ako Senda, noon pa man ay nakahanda akong tanggapin ka kung ano ka.” mabilis na pagputol niya sa aking mga sasabihin pa sana. Nilakipan niya iyon ng pagak na pagtawa pero alam ko sa kanyang sarili na sensero ang pagsasabi niya sa akin at hindi ko gusto ito. “Alam mo na ang bagay na iyon noon pa, hindi ba?” dagdag nito na lalo pa sa aking nagpaawang ng bibig habang nakatingin dito. Ilang minutong naghinang ang aming mga mata. At kahit na ilang beses kong subukan na hanapin ang connection namin ay hindi ko iyon matagpuan. Ako na ang kusang nagbawi ng mga tingin ko sa kanya lalo na malapit na siyang umiyak doon. Bata siya sa akin ng halos ilang taon. At nakikita ko naman sa kanyang paningin ang pagiging sensero niya. Ngunit hindi, kapatid lang ang turing ko dito. Marahan ko na siyang tinapik sa kanyang isang balikat sabay tayo sa aking pagkakaupo. Pilit ko siyang nginitian ng tunay na ngiti. Ayaw ko naman iparamdam sa kanya na malaki ang ayaw ko sa kanya, gusto ko siya ngunit bilang kapatid lang talaga at hindi na ito lalagpas pa doon. Naniniwala akong may ibang babae na mas deserve ang genuine na pagmamahal niya kung ikukumpara sa akin. “Huwag na ako Antonio, maghanap ka na lang ng ibang babae na mas nararapat sa pagmamahal mo. Higit na mas deserve mo ang pagmamahal noon keysa sa akin. Ganunpaman ay mananatili mo pa rin naman akong kaibigan hanggang dulo. Salamat sa tequila.” Hindi ko na hinintay pa na makasagot siya at tinalikuran ko na siya doon. Kitang-kit ko kung ilang beses siyang napalunok ng kanyang sariling laway na naging dahilan upang gumalaw ang kanyang adams apple. Hindi lang siya ang na-reject ko magmula nang magtrabaho ako doon. May mga bouncer, staff at waiters na hindi ko tinanggap ang ino-offer nilang pagmamahal kuno. At alam ko naman sa aking sarili kung ano ang tunay na pakay nila. Katawan ko lang iyon. At baka hinahangaan lang nila ako nang dahil sa marahil ay nakita na nila ang hubad kong katawan. Ngunit nasisiguro ko naman kay Antonio na tunay siyang pagtingin sa akin. Siguro ay sadyang naging attached lang siya sa akin dahil sa kung minsan ay madalas din kaming mag-usap nito backstage. Minsan kasi ay nagiging guard siya doon kapag mayroong absent habang may nagpe-perform na babae sa stage. Kaso wala talaga eh. Kahit na anong kapa ang gawin ko sa aking sarili kung may katiting ba akong pagtingin ng paghanga sa kanya, wala pa rin akong makapa. “Wala talaga, hindi ko naman pwedeng pilitin ang aking sarili sa bagay na hindi ko naman talaga nararamdaman. Masaklap iyon.” Sa mga staff ng club ay libre lang ang alak ng bar, pwede silang uminom doon kung kailn nila gustuhin at lalo na kung naka-off ka at nagtungo ka doon kagaya ko ngayon. Pero syempre tama na sa akin ang isang shot na parang sasayaw lang ako sa entablado ng club. Hindi ako pwedeng malasing, kahit na ibenenta ko ang aking sarili nais kong maalala ang unang beses na may mangyayari sa amin. Gusto kong i-tressure ang mga sandaling iyon kahit na alam kong sa bandang huli ay patuloy iyong dudurog sa buong pagkatao ko. Ang mahalaga ay matandaan ko kahit na nakakakaba ang bagay na iyon. Aaminin kong sa kabila ng pagiging virgin ko ngayon ay mulat na rin ang aking isipan sa bagay na iyon. Nasubukan ko nang manood noon at hindi ko ito kayang masikmura. Marami ang nagsasabi sa mga ka-trabaho ko na hindi raw iyon masakit at masarap gawin kung puno iyon ng pagmamahal at pag-ibig. Ibang-iba raw ang magiging dating noon sa iyong pagkatao kapag mahal mo ang makakuha noon. Sa kaso ko ay hindi ko naman ito mahal. Baka iyong pera niya pa ang magawa kong mahalin, pero iyong lalake mismo ay napakaimposibleng mangyari sa totoo. Napakalabo. “Hi Lady Rosa, hintayin mo na lang ako doon sa loob ng dressing room mo. May kukunin lang ako sa office ni Boss at ipapasa sa kanya.” malayo pa lang ako sa backstage ay naulinigan ko ng turan ni Tita Roxa, natanaw niya na ako na marahil ay kilalang-kilala niya na sa paraan ng lakad ko. Nagmamadali ang mga hakbang nito at hindi na hinintay pa ang magiging sagot ko doon sa kanya. “Ngunit pwede kang mag-order ng alak habang hinihintay mo ako.” hindi nakatiis ay lingon niya sa aking banda, matamis ang ngiti. Ngunit hindi ako nagpadaig at nagpauto sa mabulaklak niyang mga salita ngayon. Kung magtutungo siya ng office ay paniguradong nariyan ang boss namin ngayon. Saka lang naman siya nagtutungo doon kapag narito ito, at memoryado ko na ang galaw niya dito. “Tita Roxa, nandiyan si Boss? Kailan pa siya dumating?” tanong kong nagawa pang isangat ang ilang hibla ng aking buhok sa gilid ng aking tainga habang ilang beses na mariing kinakagat ang aking pang-ibabang labi, excited ng makita ito after ng ilang buwan. Ang boss namin na bagama't sa aking pananaw ay mahirap abutin ay nahuhulaan kong may kakaibang pagtingin sa akin. Paano ko iyon nasabi? Sa lahat ng kanyang staff dito ay sa akin lang siya mayroong special treatment. Anytime na hilingin ko na hindi ako papasok o kung hindi naman ay mag-aadvance ako ng sahod, hindi n kailangan ng mga paliwanag at ibibigay na niya iyon kaagad. Ilan kaming dancer at sa akin lang siya ganun. Minsan nga naririnig ko na tsinitsismis ako ng ilan sa aking mga kasaman na ito raw ay aking kinakalantari kung kaya naman ay palaging pabor ang aking nakukuha o mabilis akong makakuha ng pabor sa kanya. Kibit na lang ako ng aking balikat. At sa halip na patulan sila ay minamabuti ko na lang na huwag na lang silang paglaanan pa ng pansin. Alam ko naman sa aking sarili na hindi niya ako kabit. Wala akong masamang ginagawa. At kahit na iba siya kung tumingin sa akin ay hindi ko lang ito binibigyan ng kulay bilang respeto sa kanya na amo namin. Ngunit aaminin ko na attracted ako sa kanya, sa anyo niyang panlabas. Maganda ang katawan niya, malakas ang charisma niya at saka gwapo siya at halos limang taon ang tanda sa akin. Ngunit alam ko naman ang limitasyon ko doon. Kung iintindihin ko ang mga galaw niya, lalo lang akong mahuhulog na sa bandang dulo ay alam ko naman sa aking sarili na hindi niya ako kayang suklian. Kung kaya naman habang maaga pa ay kailangan ko nang supilin kung anumang kalandian sa kanya ang nararamdaman ng aking katawan. Ako rin ang kawawa at mapapahamak sa dulo nito. Madalas rin na nasa out of town siya, mayroon na siyang pamilya ngunit halata namang hindi siya masaya sa kanyang napangasawa. Ganunpaman ay hindi ko pa rin kinuhang pagkakataon iyon. May natitira pa naman akong respeto sa aking katawan at sa kanya eh. “Oo nandiyan. Kanina lang umaga.” tugon ni Tita Roxa na mabilis na natigilan sa kanyang paghakbang, ang buong akala ko rin ay hindi niya ako narinig sa aking katanungan ngunit mali pala ako. “Sasama ka sa akin sa office niya?” may banta ang mga tingin niya. Hindi ko pinansin ang paninitig niya sa akin. Nagkunwari na lang ako na hindi ko iyon nakita. Marahan na akong tumango sa kanya. “Oo sana, Tita Roxa.” hawak ko na sa kanyang isang braso nang makarating na ako sa kinaroroonan niya, mabilis pa siyang natigilan doon at lalo pa akong binigyan ng kakaibang tingin na alam na alam ko na ang kahulugan. Kung siya ang masusunod ay mas pipiliin niya na huwag na akong sumama. Kaso, sa aming dalawa ay hindi niy ako mapipigilan n gawin ang bagay na ito ngayon. Lalo pa at nalaman kong narito nga ang boss namin. “Gusto ko lang magpakita sa kanya, Tita Roxa. Huwag ka ngang malisyosa diyan. Don't worry din at wala akong planong isumbong kayo ni Mama sa ginawa niyo sa akin habang wala siya.” nilakipan ko pa iyon ng kakaibang tawa upang kumbinsihin siya, alam ni Tita Roxa na kapag nagsumbong ako dito ay bulilyaso ang plano nilang dalawa ni Mama. At ang mas masaklap doon ay maaaring mapagalitan pa siya. Ngunit bilang respeto ko sa kanya at pumayag na rin ako ay hindi ko na iyon palalakihin pa ngayon. Sa bandang huli ay mangyayari pa rin ang bagay na ito kaya marapat lang na tanggapin na. “Sigurado ka na hindi mo ako isusumbong?” may halik ng pagdududa ang tinig niya maging ang kanyang mga tingin sa akin. “Opo, Tita Roxa, hidni ako magsusumbong kay boss na ipina-bidding mo ako at—” “Oh, akala ko ba ay hindi mo ako isusumbong? Bakit parang tunong sinusumbatan mo ako ngayon, Lady Rosa ha?” Mabilis kong itinikom na doon ang aking bibig. Maraming tainga ang sa amin ay nakkarinig. Baka mamaya sila ang magsabi kay Boss at isipin ng aming manager na ako ang siyang salarin. Ayaw ko namang magkasira kami nito nang dahil sa bagay na iyon. “Promise Tita Roxa, hinding-hindi ako magsusumbong kay Boss. Maliban na lang kung sa iba niya iyon maririnig at hindi sa akin.” taas ko pa doon ng aking isang kamay sabay lapit sa aking dibdib upang silyuhan ang aking ipinangako sa kanya, “Ayan na oh, Tita.” “Walang ibang magsusumbong maliban sa'yo, Lady Rosa, kayong dalawa lang naman ang close kumpara sa mga ibang dancer.” Mabilis na ako doong napakurap-kurap. Natatawa na sa reaction ni Tita Roxa ngayon na hindi ko alam kung namimilosopo lang o hindi naman ay prina-prangka lang ako. Hindi naman talaga ako magsusumbong, kagaya ng sinabi ko ay pumayag na rin ako doon. “Kaya oras na malaman niya iyon, ikaw lang ang magiging salarin ko Senda.” Hindi ko na napigilan ang aking sarili na mapabungisngis doon. Kilalang-kilala niya na ngang talaga ako. Dinaig niya pa si Mama. “Oo na po.” Ilang linggong nasa business meeting niya ito kung kaya naman wala siyang balita sa kung ano ang nangyayari sa club. Ngayon pa lang magre-report si Tita Roxa ng mga kaganapan sa club na iyon habang wala siya. At gusto ko lang makitsismis kung isasama niya sa kanyang babanggitin ang nangyaring bidding sa akin noon. Sure naman akong hindi niya iyon gagawin, takot na lang niya dito. “Siguraduhin mong ititikom mo iyang bibig mo Senda, paniguradong mawawalan ako ng trabaho kapag nalaman niya iyon.” Pagak na akong tumawa doon na marahang tumango. Oo, attarcted ako sa appearance ng boss namin. Sino ba namang hindi kung ang hitsura nito ay artistahin? Kaya lang, kagaya ng sabi ko ay may pamilya na ako. May bait pa namang natitira sa katawan ko. Oo, ganito ang trabaho ko, ngunit hindi ko naman ugaling mang-agaw ng pag-aari na ng iba. May respeto pa ako sa aking sarili ngayon. “Oo naman Tita Roxa, kilala mo ako na marunong tumupad sa kasunduan at pangakong binitawan ko.” Mabilis na napatayo sa kanyang inuupuang swivel chair ang boss namin nang makita ang pagpasok ko sa office kasunod ni Tita Roxa na abot-tainga na ang mga ngiti. Umitim siya kumpara sa dati niyang kulay at nagbigay iyon ng mas malakas na appeal. Hindi ko tuloy maiwasang humanga pa dito ngayon. Kung wala lang itong asawa, malamang ay pinikot na siya noon pa! “Oh? Rosenda? Wala kang performance tonight?” tanong nitong ibinukas ang kanyang mga bisig para sa mahigpit na yakap. Hindi maikubli ng kanyang matingkad na mga ngiti ang kakaibang kislap ng kanyang mga mata nang makita niya akong naroon ngayon. Noong una ay medyo hindi ko iyon nagustuhan dahil nababastusan ako sa kanya. Ngunit nang tumagal na ako sa trabaho ay nalaman ko na sa akin lang pala siya may paganun. Nang tanungin ko ang tanging sagot niya ay nakikita niya ang bunsong kapatid niya sa akin. Mula noon ay hindi ko na iyon binigyan pa ng kulay, kahit na minsan ay kakaiba na ang dating noon sa tahimik at natitigilan na sa loob ng office na si Tita Roxa. Walang pag-aalinlangan kong inihagis sa kanya ang aking sarili. Ibinigay ko ang gusto niya at saka ginantihan ko rin ng yakap ang ginagawa niya. Hindi ko man aminin sa aking sarili ay mas sumidhi pa ang appeal niya sa akin dito. Ewan ko ba, parang may nakikita akong kahawig niya sa nakaraan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD