Chapter 18

2399 Words

Marahang itinipa-tipa ko sa sementadong sahig ang aking mga paa na nakasuot ng mamahaling pares ng sneakers. Palinga-linga ang aking mga mata sa buong paligid. Nakailang sulyap na ako sa pintuan ng hotel na paulit-ulit na binubuksan ng guard kada may mga papasok doong customer at lalabas. Namamayani na ang pagdadalawang isip sa aking sistema. Hindi ko na maintindihan ang aking sarili kung itutuloy ko pa ba ang aking plano o abort na. Ngunit paniguradong malilintikan ako kay Tita Roxa, lalo pa at na-deposit na ngayon ang payment sa akin ng client hindi pa man namin napagsasaluhan ang mainit na gabi. Nauna na siyang magbayad at hindi ko alam ang kanyang tunay na dahilan. Siguro ay naninigurado lang din siya na pupunta ako at magpapakita sa lugar na iyon. O marahil ay pain niya iyon upang hin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD