Chapter 30

2399 Words

Bahagya siyang natigilan sa kanyang ginagawa nang dahil sa aking tinuran. Dahan-dahang napa-angat na ang kanyang mga mata sa aking mukha na ngayon ay alam kong labis na ang pag-iinit at pula. Umangat pa ang gilid ng kanyang labi na lumikha ng isang kakaibang naunuksong mga ngisi. Nakalarawan sa kanyang mga mata na hindi siya makapaniwala sa aking isinagot na kailangan ko sa kanya. Ilang segundo pang naghinang doon ang aming mga mata na kapwa lumamlam na para bang kapag aming ginawa iyon ay magkakaunawaan na kami. Nagsusukatan ng tingin na mayroong ipinapahiwatig. Maya-maya pa ay muli niyang siniil ang aking labi para sa isang mapusok at naglalagablab na mga halik. Palalim iyon nang palalim na para bang hinihigop nito ang lakas ng aking katawan na dinadala sa malayong sukdulan ng kawalan at

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD