Chapter 34

2399 Words

Sinundan ng aking mga mata ang mga sumunod na ginawa niya. Tinungo niya ang sulok na bahagi ng silid at dinampot niya mula sa sahig ang kanyang leather bag na nasa may gilid ng malaking kama. Hindi ko napansin na may dala siya noon kagabi. Masyado akong nalunod sa pinagsaluhan naming mainit na mga sandali nang nagdaang gabi. Napuno ng labis na pagtataka ang aking mga mata. Nais ko sanang magtanong sa kanya ngunit sa bandang huli ay hindi ko na lang iyon ginawa. Marahil ay masyadong abala ang aking isipan kagabi upang pag-ukulan pa iyon ng pansin. Matapos tahimik na sakbatin iyon sa kanyang isang balikat ay lumingon na siya sa akin gamit ang seryoso niyang mga mata. Napamulagat ako nang bahagya nang makitang namumula ang kanyang leeg, idagdag pa dito ang dalawa niyang tainga na tila napapas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD