Chapter 46

2599 Words

Patuloy pang sumipa ang mga oras at hindi ko na lang namalayan na Lunes na kaagad. Pero joke lang iyon, kahapon pa lang ay aligaga na ako sa aking mga gagawin. Sinubukan kong mag-relax, ngunit hindi kinaya iyon ng aking katawan na may mga munting mga paru-paro sa aking kalamnan na isang araw na lang, kaunting panahon n alang ay muli na kaming magkikita ni Vins. Ang isipin na uuwi na siya dito sa bayan ay nagbigay pa sa akin ng kakaibang excitement. Para akong kinikiliti na hindi ko mawari, hindi sa sensual na bagay ngunit hindi maitago ng aking mga mata ang pangungulila sa kanya. Sabi ko nga, ang pagkagusto ko sa kanya noon ay hindi naman nawala. Nagtago lang iyon at ngayon ay lakas loob na sa madlang nagpapakita. At saka pinili kong ipahayag na iyon, susugal ako, kahit na hindi ko naman a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD