Chapter 5

2399 Words
Hindi ako nagsalita, wala akong maapuhap na mga salita doon para sa aking pinsan na alam kong masamang-masama ang loob ngayon. Makikita iyon sa kanyang pag-iyak at mga luha. Magiging ipokrita ako kung hindi ako makakaramdam ng konsensya. Naisin ko 'mang mahigpit siyang yakapin dahil iyon lang ang tanging magagawa ko ay hindi ko magawa. Nag-aalangan ako dito. “Saan ko hahanapin ngayon si Kuya Geron? Sabihin mo sa akin kung saan banda Senda!” sigaw niyang muli doon na halos mamaos na ang tinig, hindi ko man alam ang tunay na nangyari ay alam kong may mga nangyari sa kanilang kakaiba magmula ng iwanan namin sila. At kahit na hindi ko iyon itanong, alam kong mabigat na mabigat iyon para kay Miura. Muli ay tila na-blangko ang aking isipan, hindi ko pa rin alam ang aking isasagot sa kanyang mga katanungan. Hindi ko rin naman alam ang buong kwento kung bakit nagkahiwalay silang dalawa ngayon ni Geronimo. Ngunit ang nasisiguro ko ay nang dahil iyon sa kagagawan namin ni Mama noon. Mabilis niyang sininop ang kanyang mga gamit, nagmamadaling tinalikuran na ako upang umalis na sa lugar na iyon. Mababanaag pa rin sa kanyang mga mata ang labis na pagkairita at mga hinanakit niya. Hindi ko na alam ang aking nararapat na reaction doon. Lunod na lunod pa rin ako sa aking mga luhang walang humpay sa paglabas at pagpapakita na tila walang kapaguran sa pagbaba. “Patawad Miura, hindi ko rin matanggap na nagawa ito sa iyo ni Mama. Kung nagkaroon lang ako ng lakas ng loob na hadlangan iyon, hindi niyo sana sasapitin ang kinahahantungan niyo ngayon. Pasensiya na Miura, sinubukan ko naman eh. Sinubukan ko na sabihin kay Mama na huwag naming ibenta ang mga ari-arian niyo, ngunit wala. Hindi niya ako pinakinggan. Ang katwiran niya sa akin ay gagamitin namin iyon sa aking pag-aaral.” patuloy kong iyak doon, umaasa akong bibigyan niya pa ako ng panahong magpaliwanag sa kanya. Kahit na alam kong parang sirang plaka ang dating noon sa kanya ay sinubukan ko pa 'ring gawin iyon. “Hindi niya rin naman ako pinag-aral kagaya ng pangako niya sa akin kapag nabenta na ang inyong ari-arian at bahay. Nilustay niya lang ang napagbentahan nito sa sugal, Miurasel. Nilustay niya sa pansarili niyang kapakanan.” sumbong ko na lalong nagpabangon ng galit sa kanyang mga mata, wala na akong choice kung hindi ang sabihin iyon sa kanya para maunawaan niya ako ngayon. Kahit na nakakahiya ay sinabi ko ito, gusto kong once in for all ay maging tapat sa kanya at maging tunay na pinsan niya. Ipinapangako ko na magmula sa araw na ito ay magiging matapat na ako sa kanya, hindi na ako magsisinungaling dahil tanging siya na lang naman ang makakaunawa sa akin pagdating sa ganitong sitwasyon. “Tapos...tapos pinagtrabaho niya ako sa isang bar bilang mananayaw sa gabi. At ngayon ay nais niya akong ibenta...nais niyang ibenta ang katawan ko at puri Miura, at maging isa na akong ganap na bayaran at maruming babae sa paningin ng lahat.” patuloy kong iyak doon na hindi nagtagal ay humantong sa malakas na hagulhol. Agad siyang natigilan sa paghakbang papalayo nang dahil sa aking mga sinabi sa kanya. Alam kong malinaw niyang narinig ang aking mga hinaing, alam kong hindi niya pa rin ako kayang tiisin dahil pareho pa rin ang dugong nananalaytay sa aming mga ugat sa kabila ng mga nangyari sa aming pagitan. Nananahan pa rin sa kanyang puso ang Miurasel noon na nakilala ko mula pa pagkabata. “Pinagsasayaw niya ako ng hubad Miura, kapalit ng perang lulustayin niya sa kanyang sariling kapakanan at sa mga pasugalan na halos ay gabi-gabi niyang pinupuntahan.” patuloy kong sumbong, nais kong maunawaan niya ako kung bakit ako umiiyak ngayon. Nais kong yakapin niya ako at sabihin na ang lahat ng ito ay malalagpasan ko rin kahit na ang bigat-bigat nito sa aking puso. Hindi ko lang lubos maisip na gagawin iyon sa akin ng aking sariling ina. “Pera na siyang kapalit ng aking pagkataong pinaparumi niya.” Automatikong humakbang ito pabalik patungo sa akin, nabitawan niya pa ang kanyang gamit na mga dala. Walang imik na mahigpit niya na akong niyakap na lalo pa sa akin doong nagpaiyak. Nakikita ko na ngayon sa kanya ang imahe ng aking pinsan na taon kong hindi nakita. Ang aking pinsan na sa kabila ng pangit na ugali kong ipinakita ay mahal pa rin ako at patuloy niyang pinapahalagahan. Wala akong nagawa doon kung hindi ang yumakap na rin sa kanya. Bagama't hindi na gaanong pamilyar ang bulto ng katawan niyang nagbago na, alam ko sa aking sarili na siya pa rin naman ang aking pinsan. Hinubog lang siya ng panahong mapang-alila. “T-Tulungan mo ako Miura, ayokong tuluyang masira ang aking kinabukasan nang dahil dito.” pakiusap ko kahit na hindi ko alam kung sa anong paraan niya ako matutulungan, para akong isang batang humihingi ng lingap sa kanya ng mga sandaling iyon. Dumidepende sa kanya kahit pa alam ko sa aking sarili ang nararapat ko namang gawin nang mga sandaling iyon. “Tulungan mo ako Miura...tulungan mo akong makaahon doon. Tulungan mo akong makatakas kay Mama.” patuloy kong samo sa kanya gamit ang tinig na namamalat na. “T-Tulungan mo ako Miurasel, tulungan mo akkong makawala sa lugar na iyon na nakakasakal na sa akin.” Lalo pang humigpit sa akin ang kanyang mga yakap, bagama’t hindi siya nagsasalita ay alam ko na nauunawaan niya ang mga bagay na nais kong iparating sa kanya. Wala akong nagawa kung hindi ang gantihan na siya ng yakap. Lumakas pa ang aking pag-iyak nang marahan nang humaplos ang kanyang isang palad sa aking likod. Hindi ko maiwasang magkaroon ng munting pag-asa sa katauhan niya. Humawak pa sa katiting na pag-asawa na sa dako pa roon ay matutulungan niya akong tuluyang makaahon sa putik na aking kinasasadlakan. Sa putik na pinagbagsakan ko nang dahil lang sa napakatayog naming mga pangarap noon gamit ang pera ng ibang tao. Patunay iyon na sa lahat ng aming kasalanan, palaging may kaakibat iyong karma. Karma na panghabangbuhay namin. “Babayaran kita buwan-buwan ng limang libo, o sampung libo Miurasel hanggang sa makuha mong muli at tuluyang mabawi ang inyong bahay.” mungkahi ko sa kanya, nais kong ipabatid sa kanya na seryoso ako sa pagsisisi na aking ipinapakita at paghingi ng tawad. Kailangan kong itama kung anuman ang pagkakamali ng aking ina noon, hindi pa naman huli ang lahat dito sa amin ngayon. Seryoso ako. Babayaran ko siya, at may naiisip na akong paraan kung saan ako kukuha ng gagamitin kong pera dito. Hindi ito sumagot, nanatili itong tahimik na tila ba mayroong malalim pang iniisip. Mabilis ko namang tinuyo ang aking mga luha, ayoko ng umiyak sa harapan niya lalo pa at nakikita ko na ang labis niyang pag-aalala sa kanyang mga tingin sa akin ngayon. “Bakit ka pumapayag na ganyanin ka ni Tita Belith? Matapang ka Senda hindi ba? Bakit hindi ka lumaban sa kanya? Bakit hinahayaan mo siyang e-manipula ang iyong buhay ngayon? Bakit hindi ka lumaban sa kanya?” mga salitang lalong nagpabalong ng aking mga luhang ang buong akala ko ay tuluyang naampat na kanina, “Bakit hinahayaan mo ang iyong ina na gawin ito sa'yo? Ang dalhin ka sa maling landas? Bakit hinayaan mong itulak ka niya sa lusak na hindi mo dapat kinasasadlakan ngayon? Magiging masaya pa ako kung nalaman ko na ginamit mo ngang talaga sa pag-aaral iyong perang napagbentahan ng aming mga ari-arian.” “Miura...” patuloy kong hikbi na may namumula ng mga mata at ilong, masasabi ko na napakabait niya pa 'ring talaga ngayon. Nagbago man ang kanyang appearance, hindi pa rin nawala doon ang pagkakaroon niya ng kanyang busilak na puso. “Higit na matapang ka sa akin noon pa man, pero bakit ka nagpatalo sa iyong sariling ina, Senda? Hindi ka ba naaawa sa iyong katawan? Bilang kanyang ina ay hindi ka niya dapat ginaganyan.” muli niyang tanong na hindi ko magawang sagutin nang deretso. Marahil kaya hindi ako lumaban sa kanya noon ay dahil mahal ko siya, at naniniwala rin ako na balang-araw ay magbabago siya. At ang isa pa doong dahilan ay ang ipinangako niya sa akin. Ang pangako nitong maayos na bukas, at pagtatapusin niya rin ako sa aking pag-aaral. Iyon ang patuloy kong pinaghawakan sa kanya noon na binali niya rin mismo sa aking harapan hanggang sa ngayon. “Babayaran kita buwan-buwan ng limang libo, o sampung libo Miurasel hanggang sa makuha mong muli at tuluyan ang inyong bahay.” ulit ko sa litanyang hindi niya pinansin kanina, “Sana ay tanggapin mo iyon, Miurasel...huwag mo ng tanggihan pa.” Nasa kainan na kami, magkaharap na umiinom ng kape bilang pampakalma ng aming mga sarili at nang mahimasmasan na rin doon. Kung malaki ang ipinagbago ng aking appearance, sa kanya ay kakaunti lang iyon. Mababakas pa rin ang mukha niya ng kabataan. Naroon pa rin ang pagiging inosente ng kanyang mukha at maging ang kanyang mga galaw ay nananatiling pino na kagaya ng dati. “Ikaw ang bahala kung sakaling may pera ka na,” tugon niyang ikinagaan ng aking pakiramdam na doon. “Kakausapin ko si Eriza at baka pumayag siya na sa apartment ka niya muna pansamantala tumira, kasama sa aking silid. Doon ako nanirahan sa kanya magmula ng mangyari ang bagay na iyon. Doon din ako iniwanan ni Geron kung kaya naman doon ako maghihintay sa kanya.” bukas-palad na niyang pagtanggap sa akin sa kabila ng mga nangyari, hindi rin nagbago ang pagiging mabuti niyang tao ngayon. Maliit at nahihiya akong ngumiti sa kanya. Hindi ko alam kung paano ako magsisimula oras na umalis ako sa poder ni Mama. Ngunit kagaya niya ay sigurado akong makakaya ko rin ang maging independent na kagaya ng aking pinsan. Ang nararapat ko lang na planuhin ay kung kailan at ang perang aking gagamitin sa aking pagbabagong buhay doonb. At ang mahalaga rin ay ayos na kaming dalawa ngayon ni Miura, may dadamay na sa aking muli sa katauhan niya sa mga panahong kailangan ko ng makakausap. “Huwag mo na 'ring isipin pa ang nakaraan sa atin. Ibaon na lang natin iyon sa limot. Ang mahalaga ay muli na tayong nagkita.” “M-Maraming salamat, Miura...” nahihikbi ko na namang turan doon, hidni pa rin makapaniwalang mapapatawad niya ako kaagad. “Huwag mo ng isipin iyon, Senda, naniniwala akong malaki pa rin ang pagkakaiba mo kay Tita Belith. At saka alam ko naman na ginawa mo lang ang bagay na iyon nang dahil sa nais mong maging mabuting anak sa kanya na inabuso naman niya. Kalimutan mo na lang ang mga nangyari para patuloy pa tayong makausad sa araw-araw nating buhay. Hindi ko alam na mas malungkot pala ang sinapit mo sa akin dahil napilitan kang gawin ang mga bagay na labag sa loob.” ginagap niya ang aking dalawang kamay, “Hindi ko lubos maisip n amapipilitan kang gawin ang mga bagay na iyon. Hayaan mo, tutulungan kitang makawala sa iyong pagkakasadlak.” Marahan akong tumango. Nagiging emosyonal na naman sa kanyang mga tinuran. Ganunpaman ay willing pa rin akong pagbayaran ang lahat, mapa-financial man iyon dahil iyon ang ipinangako ko sa kanya. Tutuparin ko iyon bilang pagsisimula ng panibagong yugto namin. Nais kong mabawi niya ang tahanan nila na minsang naging tahanan ko rin kahit na sa maikling panahon lang iyon. Alam kong marami siyang alaala ng mga namayapa nilang mga magulang ang matatagpuan doon. Iyon na lang ang tanging magagawa ko, ang subukang ibalik sa kanya ang mga ari-ariang ninakaw sa kaniya ni Mama. Babawi ako sa aking pinsang si Miura. “Ito ang number ko Miura, tawagan mo ako sa number na iyan kung gusto mo akong makausap.” abot ko ng papel ng aking numero sa kanya, ako na ang nagbigay nito dahil sigurado naman akong tatawag nga siya. Hindi ko na kailangang magduda pa. “Magkita tayong muli kapag may pagkakataon ka. Anytime ay available naman ako. Nakahanda akong lumiban sa aking trabaho para sa'yo.” “Sige, e-save ko na lang ang number mo.” tanggap niya dito na binigyan na ako ng payak niyang mga ngiti, mga ngiti niyang na-miss ko at hindi inaasahang muli ko pang makikita nang ganito katingkad. Umayos na ako ng aking upo, nais ko na sanang usisain siya nang tungkol kay Geron kung nasaan ito ngunit mas pinili ko na lang na manahimik. Sasabihin naman niya iyon sa akin kung pakiramdam niya ay kinakailangan. “Baka naman hindi mo sagutin ang magiging tawag ko ha?” pagbuibiro niyang natatawa na. Hindi na namin binalikan pa ang nakaraan na dalawa, tumutok kami sa kasalukuyang pangyayari ngayon. Bagay na labis-labis na ipinagpapasalamat ko dahil mukhang naging mature na rin ang isipan niya. Kung anuman ang naging kasalanan namin sa kanya ay hindi niya na paulit-ulit na isinampal sa aking harapan. Pinalagpas niya na iyon na hindi ko na rin tinangkang muli pa itong buksan. “Maraming salamat ulit, Miurasel.” sambit kong nakatitig na sa kanyang mukha, binabasa ang emosyon niyang nararamdaman. Ngumiti lang ito bilang pagtanggap at sagot niya sa mga sinabi ko. Isang mahigpit na yakap pa ang ibinigay ko sa kanya bago kami tuluyang maghiwalay na dalawa. Hindi ko sigurado kung muli pa kaming magkikitang sa paglipas ng mga araw, ngunit umaasa akong mauulit at mauulit pa rin ito. Muli kaming makakahanap ng oras at pagkakataon na muling magkita lalo na kung bibigyan ko siya ng maraming oras at pagkakataon. At ipinapangako ko iyon sa aking sarili ngayon, masaya akong naayos ko ang gusot namin. “Tatawagan kita, mamaya.” pangako niya sa akin na agad ko lang ikinatango, muli pang umaasa doon. “Ingat ka.” “Mag-iingat ka rin, Miura.” Sa aking pagtalikod sa kanya ay baon ko ang pag-asang aking natagpuan sa aking pinsan. Panghahawakan ko na hindi magtatagal ay lalaya rin ako sa pagkakahawak ng aking ina. Lalaya akong muli at may magbubukas na panibagong pinto ng landas na tatahakin ko. “Thank you, Tadhana, muli mo kaming pinagtagpong dalawa ng aking pinsang si Miura.” usal ko pa doon na hindi na mawala ang matingkad na mga ngiti sa aking labi. “Sana ay tuloy-tuloy na ang lahat ng ito. Wala na sanang maging hadlang pa sa lahat ng plano. Wala sana kahit si Mama pa.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD