Jelsea's POV
Blaaggggggg!!!
Nasa kalahati na kami ng hagdan ni Sir Wallace nang makarinig kami ng malakas na lagabog at muling pagkabasag ng isang bagay mula sa itaas. Pareho tuloy kaming natigilan ni Sir Wallace sa paghakbang at saka nagkatinginan.
Malamang mamahaling vase iyon. Oh baka naman telebisyon na ang binalibag, laptop, o kaya ay lamesitang salamin.
Sayang naman ang gamit.
Kahit hindi ako ang bumili, sayang kasi binasag lang. Tsaka ang alam ko, malas kapag nagbabasag ng gamit. Hindi raw maganda lalo na kapag pinaghirapan ang pagbili ng mga iyon.
Sabagay, hindi naman ako iyon. Hindi naman ako ang mamalasin. Pero mukhang mamalasin ako sa mga kamay ng amo ko kapag ako ay hindi nag-ingat.
“I’m sorry for that, Jelsea. Naabutan mo pa siya ng ganiyan. Wrong timing yata na ngayon kita tinanggap para ma-interview. ‘Di bale, sanayan lang ‘yan. Masasanay ka rin," hinging-paumanhin ni Sir Wallace na hindi alam kung tutuloy ba siya paakyat o baba na kami.
Napangiti ako ng alanganin sa sinabi ni Sir Wallace. Sanayan lang talaga at tibay ng loob na rin. Kapag mahina ang loob mo ay walang mangyayari.
“Don't worry he's harmless. Hindi siya basta mananakit kung wala kang ginagawang mali. Kaya payo ko lang sa iyo, kapag nakita mo ng wala siya sa mood at nagsisimula ng uminit ang ulo niya. Kusa ka ng umiwas at gumawa ng paraan para makalayo sa kaniya,” dagdag ni Sir Wallace sa kaniyang sinasabi at saka ngumiti ng matamis sa akin.
Napalunok ako ng palihim dahil ang gwapo lang ng lalaking ‘to. Gusto kong magpantasya sa kaniyang harapan ngunit hindi ito ang oras para gawin ko ‘to. I am here for work. Hindi para lumandi sa lalaking mukhang nasa kwarenta na ang edad.
Halata ko na nasa fourties na siya dahil masyado siyang matured umakto at magsalita. Halata naman sa bawat salitang kaniyang sasabihin na pinag-iisipan niya itong mabuti bago i-voice out. Hindi rin siya nagpapa-cute na kadalasan mangyari sa mga lalaking nasa eighteen pataas kapag nakakakita ng magandang babae. Kaya naman halatado na may edad na si Sir Wallace dahil hindi ko siya nakitaan ng pagpapa-cute.
"Baka may asawa na kasi?" ani ng isip ko.
Well, maybe. Loyal siguro sa asawa na ang kahit tumingin sa iba ay hindi niya ginagawa.
I preferred older men like him sa totoo lang. But not as clean looking as him. Ang puti kasi ni Sir Wallace, nakakailang tumabi dahil feeling ko mas maputi pa siya sa akin. Dahil na rin siguro sa Koreano niyang lahi kaya heto siya at ang puti.
Mas gusto ko kasi sa lalaki ay iyong moreno. Iyong medyo haggard and rugged looking. But not dugyot, ha? Ibang usapan na iyon. Nakakadiri naman kapag ganoon.
Tapos, gusto ko ng maginoo na medyo bastos, hahaha. Natutop ko ang bibig ko para hindi matawa ng malakas. Baka isipin pa ni Sir Wallace na may pagkasinto-sinto ako kapag tumawa ako ng walang dahilan.
Lahat naman halos ng babae ay ganito klase ng lalaki ang hanap. Boring naman kung hindi ma-el ang jowa mo. Walang excitement, walang thrill. Though sa edad ko ay hindi ko pa iniisip ang ganito. Saka na kapag handa na ako at nakita ko na si Mister Right. Ako mismo ang mag-o-offer ng sarili ko kahit hindi niya hilingin.
Charot!
Eme lang!
Makukurot ako ni Mommy sa singit kapag nangyari iyon. Tingin pa naman niya sa akin hanggang ngayon ay batang may gatas pa sa labi na need laging i-monitor lalo na kapag hindi niya nakikita.
Hay naku!
Kailan kaya ako makakatakas sa anino ng Mommy ko? Kapag siguro nagkaroon na ako ng sarili kong pamilya.
At pang-finale, siyempre dapat ay marunong siya sa buhay, sanay magbanat ng buto at hindi umaasa na lang sa kayamanan na kaniyang mamanahin pagdating ng panahon. Iyon bang may paninindigan siya at kaya niyang bumuhay ng pamilya hindi iyong naasa lang sa manana mamanahin at bigay ng mga magulang.
May kilala akong mga ganito. Ang dami actually.
Pero teka, bago pa lumipad sa kung saan-saan ang utak ko. Kailangan ko ng maalala kung ano na nga ang pinag-uusapan namin rito ni Sir Wallace.
Ano na nga ulit iyon?
Harmless...hmn...harmless daw ang pinsan niya.
Sure siya?
Harmless ba ang ganoon? Nambabato ng gamit at sumisigaw na parang may sira ang tuktok.
Paano kung tamaan ako? Eh ‘di rest in peace ang bagsak ko nito lalo na kung mabigat iyong hinagis niya sa akin at nabagok ang ulo ko.
Nakakatakot naman kapag ganito ang nangyari. Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na nakabulagta at wala ng malay.
Gusto ko sana itong klaruhin sa kaniya. Harmless ba talaga ang pinsan niya? Eh makapagbato ng gamit at makasigaw ay parang pasyente sa mental.
“It's your fault, Jelsea…in case you forgot…” usig sa akin ng aking konsensya dahilan para malungkot at maawa ako para sa kaniya.
I know. It's my fault.
Naiintindihan ko siya.
Gaya ng sabi ni Sir Wallace kanina, mabait naman daw talaga si Master Walden. Binago lang ng aksidente ang ugali niya dahil nga nawalan siya ng paningin.
Isa pa, kung may tao mang dapat unang umunawa sa kaniya ay ako iyon. Pagtitiisan ko ang ugali niya hanggang sa masanay na ako at makaalis din agad sa poder niya after two months of working for him. Mahirap ng tumagal at baka mabuko ako ay ako pa ang kaniyang ibalibag.
Blaaaaagggg!!!
"Ay! Kabayong bundat!" tili ko. Natigil na naman tuloy kami sa paglalakad nang makarinig na naman ng mga pagbasag. Ano ba naman 'tong lalaking 'to! Porke bilyonaryo siya at nahihiga sa pera ay maninira na siya ng gamit?
Bogggshhhhhh!!!
"Ayyyyy! Prinitong isda sa kumukulong ?mantika!" Hiyaw ko na ikinakunot ni Sir Wallace. Napa-peace sign ako sa kaniya dahil sa hiya. Kung ano-ano ang sinasabi ko.
Blaaggggggg!
“f**k!” Hindi na napigilan na mapamura ni Sir Wallace nang makarinig muli kami ng mga pagkabasag muli ng mga gamit mula sa taas. Mas malakas na ngayon at klaro ang mga tunog dahil medyo malapit na kami sa kinaroroonan ni Master Walden.
Ako naman ay napa-sign of the cross ng palihim at taimtim na nanalangin na sana kayanin ko ang pagsubok na 'to.
"Mga putang-ina ninyo! Mamatay na ang mga walang kwentang tao sa mundo! Gago! Mga bobo!" sigaw ni Master Walden na nagsilbing kulog sa aking pandinig.
Natutop ko ang aking bibig at pinigilan ang aking sarili na sumigaw dahil sa takot at kaba ko sa sinabi niya.
Sa totoo lang ay sobrang nangangatog ang mga tuhod ko sa takot. Ayaw ko lang makita ‘to sa akin ni Sir Wallace kaya naman pinipilit ko kunwari na huwag magpaapekto sa aking naririnig dahil baka isipin niya na hindi rin ako magtatagal gaya ng naunang naging kasama nila rito.
Hindi talaga ako makakatagal kapag palaging ganito na nagwawala ang lalaki kapag sinumpong ng topak sa kaniyang ulo. Kahit sino naman. Hindi makakatiis sa ugali niya na sumisigaw at nagbabasag ng gamit kapag galit siya at wala sa mood.
Sadyang pinipilit ko na lang na kinukumbinsi ang aking sarili na kaya ko. Kakayanin ko para malinis kahit papaano ang utak ko at makabawi man lang kahit papaano sa kaniya kahit hindi niya alam. Narito na ako, tanggap na ako. Saka pa ako uurong kung kailan ayos na ang lahat?
No way!
Paninindigan ko na 'to!
Bahala na basta magawa ko ang aking misyon dito.
“Sorry for cursing, Jelsea. Natakot ba kita?"
I shook my head. Hindi ako sa kaniya takot, pinsan niya.
"I think this is not the right time to introduce you to him. Baka matamaan ka pa ng lumilipad na bagay at makatapak ka pa ng bubog sa loob ng kwarto niya,” wika ni Sir Wallace na tila nahihiya sa ginagawi ng kaniyang pinsan. Hawak ni Sir Wallace ang kaniyang sentido at minamasahe ito. Siguro masakit na naman ang kaniyang ulo. Stress na siya sa pag-uugali ng kaniyang pinsan.
“Ayos lang, Sir. Nauunawaan ko po naman. Pwede naman po akong bumalik bukas or kung kailan na lang po ako magsisimula," wika na kiming ngumingiti. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi pa kami magkikita ngayon. Pero sa susunod wala na akong kawala. Hindi bale na, hindi naman niya ako makikita.
Pero sana sa Lunes na ako magsimula. Ang dami ko pang kailangan gawin this week. Hindi ko iyon magagawa kapag bukas na ang balik ko rito sa palasyo ni Master Walden at hindi man lang nakakagawa ng alibi kung paano makakalusot kina Daddy at Mommy.
“Sa Lunes ka na bumalik. Ipapasundo kita sa mga bodyguard ko kung saan ka nila pwedeng daanan.”
"Alright, Sir. Thank you."
Agad na nakadama ako ng relief nang marinig ito kay Sir Wallace. Binigyan niya ako ng oras para i-settle ang lahat ng mga dapat kong ayusin. Si Lola ang una kong tatawagan pag-uwi ko mamaya. Magiging kasabwat ko siya sa mga gagawin ko at sana lang ay matulungan niya ako.
Wala naman akong dadalhin masyado na mga gamit ko. Siguro iyong mga luma ko lang na mga damit para hindi halata na galing ako sa isang mayaman na pamilya at mga kung ano-anong abubot gaya ng tooth brush, shampoo, conditioner at kung ano-ano pa na madali lang bitbitin.
Isang maleta lang na maliit ang dadalhin ko. Para kapag nagkabukuhan man ng 'di inaasahan ay madali lang bitbitin para tumakas.
Sana huwag umabot sa ganito. Sana kapag nakaalis na ako ay saka pa lamang may malalaman siya. Pero sana hindi rin. Ipapahnap niya ako malamang at baka ipapatay kapag natagpuan niya.
"Kayo po ang bahala, Sir. Ayos lang po sa akin kung ano man ang maging desisyon mo. I'm always available anytime. I will just wait for your call na lang po," wika ko na hindi ko napigilana ng mag-English. Patay! Sana hindi niya napansin!
Mukhang hindi naman dahil nagpatuloy siya sa pagsasalita nang matapos kong ipahayag ang saloobin ko.
"Hayun na nga, sa Lunes ka na start. Sa Lunes ko na rin ituturo ang lahat ng mga dapat mong matutunan habang nasa poder ka namin. Mga rules and regulations sa bahay na 'to na mahigpit na pinapatupad. At siyempre dapat may tiyaga ka sa pag-aalaga sa magiging amo. Honest ka rin dapat dahil maraming pwedeng mawala rito at sana hindi ka kagaya ng iniisip ko."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sir Wallace.
Do I look like a thief?
Sa ganda kong 'to? Sa kinis ng balat at postura ay pagkakamalan niya na pwedeng magnanakaw?
"Grabe ka naman, Sir. Mukha ba akong magnanakaw?" Hindi ko pa rin napigilan na i-voice out.
"Oo," walang gatol na sagot ng lalaki.
Nanlumo ako at napasimangot. Grabe naman, ganito pala ang tingin niya sa akin.
"Magnanakaw ng puso..." dugtong ni Sir Wallace na naging dahilan para matulala ako at mapanganga.
Magnanakaw ng puso?
Ibig sabihin, naakit siya sa ganda ko? Hindi lang ako ang nagpapantasya kanina? Malamang pati pala siya dahil hindi siya magsasabi ng ganito kung hindi.
Hmn...
Ay! hindi pala ako pwedeng lumandi! Trabaho! Trabaho ang dahilan kung bakit ako naririto!
"Paano mo nasabi, Sir?"
"Well, you're very beautiful. Kahit sino maaakit sa taglay mong ganda."
"Bolero ka rin pala, Sir." Sabi ko na kunwari hindi nagpaapekto sa sinabi niya.
"Hindi kita binobola. Nagsasabi lang ako ng totoo. Sayang, hindi makikita ni Walden ang itsura mo. Baka imbes na ikaw ang mag-alaga sa kaniya ay ikaw pa mismo ang alagaan niya," natatawang sabi ni Sir Wallace dahilan para maging curious na naman ako.
"Mahilig din siya sa babae, Sir?"
"Lahat naman ng lalaki, Jelsea. Hindi siya exception."
Aba'y malay ko ba. May lalaki naman kasi na ang hanap ay lalaki rin.
"Hindi lang iyon...mahilig din siya sa bata..."
Kinilabutan ako sa sinabi ni Sir Wallace lalo na nang hagurin niya ng tingin ang katawan ko.
Pedo lang ang peg ng lalaking 'yon? Pati kaya rin 'tong si Sir Wallace.
"Ikaw, Sir? Mahilig ka rin sa bata?" Hindi ko napigilan ang aking bibig.
Tumawa lang ang lalaki.
"Pwede siguro... para gawin baby ko."
"Aw! Sana all!" react ko.
Pwede ako?
Swerte naman ng babaeng magugustuhan niya.
"Anyway, baba na tayo. Ipapahatid na kita sa bodyguard ko bago pa tayo matulig dito.. See you on Monday na lang."
"Okay, Sir. See you."