Jelsea's POV
“La, please…pumayag ka na…” pakiusap ko kay Lola Jina mula sa kabilang linya. Pang-limang pakiusap ko na ‘to sa kaniya simula pa noong magkausap kami noong Wednesday pa ng gabi.
Pag-uwi namin Mang Larry mula sa manor ng mga Richards, tinawagan ko agad si Lola Jina just go tell her about my plans. But sadly she didn't agree with my plans. She told me that it's very dangerous. Wala ring kasiguraduhan kung magiging maayos daw ba ako roon at itatrato ako ng mabuti ng mga taong nakatira roon. Lalo na at tagapangalaga ang trabaho ko. Na wala na raw pagkakaiba sa pagiging muchacha o katulong.
“No, I can't allow you to do that, apo. You're the princess of our family, tapos namasukan kang katulong just to clean your conscience! No! I won't allow you! I don't like to be your apprentice too just to clean your conscience! Mapapahamak ka sa sinusuong mo! Delikado ang gusto mong mangyari at alam mong ako ang mananagot sa Mommy at Daddy mo oras na nalaman nila na hinayaan kitang gawin ang gusto mo ng walang pahintulot sa kanila, lalo na siguro kapag napahamak ka na ng hindi nila alam. Ako ang bagsak ng sisi at dapat alam mo iyan lalo na kapag nalaman nilang wala ka rito at hinayaan kitang gawin ang nais mo,” mahabang pahayag ni Lola Jina na halos hingalin na sa haba ng sinabi niya.
“La, leave it to me. Ako na po ang bahala sa lahat. Trust me, hindi po ako mapapahamak. Kaya ko pong alagaan at ipagtanggol ang aking sarili,” wika na may determinasyon sa aking tono.
“How would you do that? Ni hindi ka nga makakilos ng mag-isa kapag wala sa tabi mo ang Mommy. Paano mo aalagaan ang sarili mo kung wala kang muwang para ipagtanggol ito sa mga taong gustong manakit sa iyo?” painsultong sabi ni Lola na parang naiisip ko na napapailing siya dahil sa mga katwiran kong hindi niya nagustuhan.
“Noon po, aaminin ko madalas akong nakadepende sa kanila dahil sinanay ako ni Mommy. Pero habang nagkakaisip po ako, naisip ko na mas mabuting huwag kong sanayin ang sarili ko na nakadepende sa kanila. Kaya naman po natuto akong kumilos ng mag-isa. Hindi iyong pati paghugas sa pwet ko ay sa kaniya ko iiasa.” Tumigil ako saglit para huminga .
Hindi ako nagagalit sa pagiging judgemental ni Lola sa akin. Si Mommy ang dapat sisihin dahil akala siguro ni Lola ay bine-baby pa rin ako ni Mommy hanggang ngayon. Oo, ganoon pa rin ang ginagawa niy pero at least hindi na masyado.
“Malaki po ang pinagbago ko simula ng maging teenager ako, Lola. Please don't judge me dahil lang sa mga kwento si Mommy. Wala po kayo rito para magsalita kayo ng ganiyan. Hindi niyo po alam ang mga kaya kong gawin ng wala ng patnubay nina Daddy at Mommy,” nagtatampo ko ng sabi ko.
Masyadong judgemental si Lola. Ano'ng tingin niya sa akin? Batang paslit na wala pa rin muwang sa buhay?
“Kahit na, hindi pa rin ako pumapayag sa gusto mo Jelsea. Kaka-disiotso mo lang. Huwag mong gamitin na dahilan ang pagiging legal mo para magdesisyon ka sa para sa sarili mo. Kailangan mo pa rin sundin ang desisyon ng mga magulang mo at sumunod sa kanila kapag may sinasabi sila. Para sa kapakanan mo rin iyon, Jelsea. Sana ay huwag kang magpadalos-dalos din sa mga desisyon mo dahil pwede mo iyang ikapahamak. Lalo na at mapusok na ang mga kabataan sa panahon ngayon.”
Nanlumo ako sa aking narinig. Pero hindi ako nagpatalo sa mga sinasabi niya.
“Mag-iingat naman po ako, Lola. Kaya kahit hindi po kayo pumayag. Gagawin ko pa rin po ang gusto ko,” may pinalidad sa boses na sabi ko.
Napatingin ako sa aking relo para tingnan ang oras. Akinse pala ngayon. Sabado na ngayon, dapat mapilit ko na siya dahil ilang araw na lang ay Lunes na. Magsisimula na ako sa pagsisilbi kay Master Walden. Pero tingin ko, hindi ko pa rin siya mapipilit.
“Sige na po, Lola…” muli kong ungot.
“My answer is still no, Jelsea. Walang lola na hahayaan ang apo niya na sumuong sa kapahamakan,” matigas na sabi ni Lola na alam kong hindi mababali ang kaniyang sinabi kahit anong pilit ko.
Paano na kaya ito?
Tutuloy ba ako kahit mabuko ako nina Daddy at Mommy na wala sa Davao? Oh, hindi na lang at hayaan na lang ang konsensya ko na kainin ako nito at usigin habangbuhay.
“Sige po…pasensiya na po sa abala, Lola,” laglag ang balikat na sabi ko. a
Akala ko ay matutulungan niya ako, hindi pala.
Hindi umimik si Lola Jina sa kabilang linya. Wala naman akong choice kundi tuluyang ibaba ang tawag.
“Ibaba ko na po. Bye.”
Humugot ako ng malalim na paghinga nang matapos kong ibaba ang tawag. Nahiga ako sa aking kama at tumutok sa kisame ang aking paningin. Hindi ko alam ang susunod na gagawin ko. Nakahanda na ang lahat, actually. Desisyon na lang ni Lola ang kulang at ready to go na sana ako sa Lunes. Pero ayaw niya, ayaw niyang isa siya sa sisihin ng mga magulang ko oras na may nangyaring masama sa akin dahil sa pagpupumilit ko na itama kahit papaano ang pagkakamali ko.
"Mag-iingat kayo ni Larry sa biyahe, hija. Pasensiya na kung may biglaan kaming lakad ng Daddy mo. Kami sana ang maghahatid sa iyo sa Clark Pampanga pero hindi naman namin pwedeng hindi siputin ang bumili ng alahas sa atin ng worth fifty million. Sayang din kasi iyon lalo na at kalahati no'n ay pwede ng maging puhunan ulit..." paliwanag ni Mommy.
Hindi niya alam na pabor sa akin ang pag-alis nila ni Daddy. Akala ko nga ay ihahatid nila ako sa Clark, pero heto at mukhang hindi na kami aabot doon ni Mang Larry dahil wala naman sa kanila ni Daddy ang sasama sa akin.
Dito lang naman sa La Union ang lugar na pupuntahan ko. Na kunwari ay nagbakasyon ako sa Davao pero ang totoo ay hindi naman ako umalis.
Mabuti na lang at nag-last minute ng text si Lola kanina. Kaya naman heto at tuloy na tuloy na ako dahil wala na akong alalahanin sa pagpasok ko sa poder ng mga Richards. Si Lola na ang bahalang magtakip sa akin kapag tumawag sina Daddy at Mommy sa kaniya kapag kinamusta nila ako sa kaniya.
"Mag-iingat ka, Ma'am Jelsea. Tawagan mo agad ako kapag nagkaroon ng problema sa pupuntahan mo," wika ni Mang Larry nang makaalis na kami ng bahay namin.
"Opo, ikaw po ang una kong tatawagan talaga dahil alam mo ang way papunta rito."
"Lagi kang magdasal sa gabi, Ma'am. Hindi ka naman siguro hahayaan ng Diyos na mapahamak lalo na at gusto mo lang naman makabawi sa taong iyon."
"Alam ko naman po iyon. Mag-iingat po ako."
Tinulungan ako ni Mang Larry na ilabas sa sasakyan ang mga gamit ko. Nang makita niyang ayos na ako ay saka niya ako iniwan at pinaarangkada ang sasakyan palayo.
Ako naman ay huminga ng malalim habang nakatingin sa matayog at kalawanging gate na nasa malayo.
"This is it, Jelsea. Welcome to hell!" bulong ko sa aking sarili bago ako tuluyang naglakad patungo sa gate at binati ang guard na una kong nakilala sa lugar na 'to.
"Magandang umaga, Miss Jelsea. Pasok ka na sa loob, naroon na si Sir Wallace at Master Walden sa salas at hinihintay ang iyong pagdating," wika nito at saka sinenyasan ang kasama niyang guard na kunin ang mga gamit ko at dalhin sa golf cart na kanina pa nakahanda sa malayo para aming sakyan.
"Magandang umaga rin po. Ganoon po ba?"
"Oo, Miss Jelsea. Gusto ka ng makilala ni Master para siguro makilatis ka."
"Makilatis? Paano po iyon? Bulag siya?" Nagtatakang tanong ko sa sinabi ng guard.
"Hindi ibig sabihin na nawala ang paningin niya ay hindi ka na niya pwedeng kilatisin. Hindi mo ba alam na mas malakas ang ibang senses ng mga bulag kahit nawala ang kanilang paningin?"
"Ah...opo...sorry sa pagiging slow ko," napapahiyang sabi ko.
Akala ko kasi ay nagkamali lang siya sa sinabi niya.
"Naku! Kinakabahan ka yata? Huwag, Miss Jelsea. Mawawala ka sa focus niyan sa interview ni Master kapag pinangunahan ka ng kaba."
"Hindi po maiiwasan, Manong. First time ko po ito sa trabaho."
"Ah, kaya pala. Sige, umalis na kayo bago pa mainip ang leon."
"Leon?"
"Leon ang tawag namin sa kanya simula ng magbago ang ugali ni Master."
Mas lalo naman akong kinabahan.
Lagottttttt!
Naging mabilis lang ang biyahe namin. Pagkababa ko ay agad na akong sinalubong ng katulong at hinatid sa salas.
Agad na tumayo si Sir Wallace at nilapitan ako. Binati niya ako at kinumusta ang aking naging biyahe.
"M-maayos naman po," mahina kong sabi habang tinatanaw ko sa kaniyang likuran ang lalaking prenteng nakaupo sa sofa at tila hari na dapat ay luhuran.
"Nice. Come on, I'll introduce you to your boss."
Iginiya ako palapit ni Sir Wallace kay Master Walden.
Halos higitin ko naman ang aking paghinga nang bigla siyang tumindig at mayabang na pinagsalikop ang kaniyang mamasel na braso sa kaniyang matitipunong dibdib at saka lumingon sa akin as if makikita niya ako eh may benda ang kaniyang mga mata.
"Siya na ba ang dumating, Wallace?" maawtoridad na tanong niya.
"Yeah."
Napalunok ako nang mapagmasdan ko ang kaniyang kabuuan. He looks like a God. Kahit hindi ko pa nakikita ang kabuuan ng kaniyang mukha, alam ko mas gwapo siya may Sir Wallace.
Shit!
He looks dangerous too lalo na nang ngumisi siya sa akin at nagsalita.
"Welcome to hell, little kitty..."
Patay!