Chapter 6. Lagot!

2109 Words
Pinapasok ako ng guard sa gate at halos malula ako nang makita ang nasa loob ng matayog na gate na tinitingala ko lang kanina habang magkausap kami sa labas. Hindi ko akalain na sa kalawangin at nababakbak na pintura ng gate na ito ay may nakatagong napakalaki at napakalawak na mansion na alam kong ginawa pa sa panahon ng mga Kastila. Ancestral house ito malamang na pinagpasa-pasahan na sa bawat henerasyon ng mga taong nakatira rito. Pina-modern style na lang nila at prineserba para tumibay at tumagal. Ang gara! Iilan na lang ang mga ganitong bahay na makikita sa Pilipinas sa panahon ngayon. Kadalasan ang iba ay kung hindi niluma na ng panahon, kinain na lang ito ng anay dahil napabayaan. Ang iba naman ay niyanig na lang ng lindol, nasira at hindi na nag-abala pang ipaayos ng may ari dahil sa kakulangan ng budget o kaya naman ay dahil nag-migrate na lang sa ibang bansa ang may-ari kaya wala ng nag-asikaso hanggang sa magiba na lang ang bubong at magkandabutas-butas ang mga dingding. “Napakaganda!” hindi ko mapigilan na ibulalas nang pagmasdan ko ang kabuuan ng mansion—I mean palasyo rito sa kinatatayuan ko. Palasyo ang tamang tawag dito dahil napakalaki at napakalawak ng bahay. Parang sampung pamilya ang pwedeng tumira roon na may tig limang anak. Nakakalula naman ang pagiging maharlika si Master Walden. Parang umuurong na ang pwet ko na mag-apply bilang caregiver niya dahil baka bigla akong mabuko at malaman niya na ako ang dahilan kung bakit nawala ang kaniyang paningin. Hindi ko alam kung paano ko siya tatakasan kung ganitong hindi ko rin alam kung makakatakas ba ako rito kapag nakatakas ako sa mga palad niya. Ang lawak ng lupain na tatakbuhin ko bago ako makalabas dito. Kaya iniisip ko pa lang na mabubuko niya ako, napapagod na ako sa mga posibleng mangyari na habulan. Tingin ko pa naman ay malawak na hacienda ang nasa likuran ng palasyo na ito. Tapos sa pinakadulo ay isang masukal na gubat na maraming maiilap na hayop na pwedeng lumapa sa akin at pumatay. Pagkatapos no’n, kapag nalampasan ko ang gubat ay makikita ko naman ang mga bundok na tinatanaw ko mula rito. Hindi ako maaaring magkamali sa aking sapantaha. Ganitong-ganito ang mga hacienda ng Cojuangco sa may Tarlac City na nadadaanan namin sa Tiplex bago kami makarating ng Pampanga. Kung saan ay madalas kaming dumalaw tuwing Pasko o Bagong Taon. Doon ang hometown ng Daddy ko sa father side, tapos sa mother side ay La Union. Samantalang si Mommy naman ay both parents ay from Davao. “Mas maganda ka, hija.” Biro ng guard dahilan para muli kong ituon sa kaniya ang aking atensyon. “Bolero ka, Manong.” Tawa ko habang kimi na inaayos ang buhok ko. “Likas na sa aming mga lalaki iyan, hija. Pero ibahin mo ako. Nagsasabi lang ako ng totoo dahil napakaganda mo talaga. Parang bagay na bagay kayo ni—” natigil sa kaniyang sinasabi ang matanda nang tumunog ang radio nito. “Excuse lang, ha? May tawag na mula sa loob. Baka ihahatid na kita roon para ma-interview ng assistant ni Master,” dagdag pa ng matanda at saka hinugot sa kaniyang bulsa ang maingay na radyo. “Sige lang po. Take your time po,” kinakabahan na turan ko. This is it. Ito na ang simula ng matinding kaba sa dibdib ko. Sana lang ay patnubayan ako ng Diyos kahit na kasalanan ko naman kung paano naaksidente ang lalaki. Babawi naman ako. Heto nga at narito ako. Hindi naman ako katulad ng iba na parang babalewalahin na lang ang nangyari at mabubuhay pa rin ng normal kahit may taong nag-suffer. May utak akong umuusig sa akin kaya heto, na kahit delikado ay gusto kong sumubok makabawi man lang kahit papaano. Lumayo si Manong guard sa akin at pagkatapos ay nag-radyo siya pabalik sa hawak niyang walkie talkie. Nakikinig lang ako sa pakikipag-usap niya sa kabila. Tapos mga ilang minuto lang ay tapos na siyang makipag-usap. Hinintay ko siyang lumapit sa akin at maghintay ng kaniyang sasabihin. “Ah, hija…” simula niya habang malawak ang ngiti sa kaniyang mga labi. “Uh, ano po ‘yon?” Kinakabahan na tanong ko habang nag-uunahan sa pagrigodon ang puso ko. “Dahil walang sumagot isa man sa tinawagan na numero…” ani ng guard na halatang binibitin ako. “Ihahatid na kita roon sa mansion para ma-interview ka ni Sir Wallace at kapag pumasa ka mamaya, makakapagsimula ka na agad bukas,” pagbabalita ng guard na parang siya pa ang excited na ma-interview ako sa lawak ng ngiti niya sa akin. “Iyon ay kung makakapasa ka sa kaniyang interview kaya galingan mo.” Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig at napangiti na lang ng maluwag pagkatapos. Tuloy na tuloy na talaga ito. Wala ng atrasan dahil nasa final step na ako. Hatol na lang ng interviewer ang poproblemahin ko and after that I passed the interview, I’m sure…ora-orada rin akong magsisimula sa aking trabaho. Pero sana sa Lunes na ako magsimula. Hindi ko pa nagagawa ang mga dapat kong gawin. Kailangan ko ng makausap sina Lolo at Lola, then after that at saka ako magpapaalam kay Mommy na magbakasyon sa Davao na kahit ang totoo naman ay hindi naman doon ang tungo ko. Sana lang ay magawa kong pakiusapan sina Lolo at Lola. Kapag hindi sila pumayag, bulilyaso ang mga plinano ko. Wala akong magagawa kundi itigil ito at habang-buhay na lang na uusigin ng aking konsensiya. “Gagalingan ko po.” “Good luck na lang sa iyo, hija.” “Salamat po.” “Walang ano man. Tara na, ihahatid na kita sa mansion.” Iginiya ako ni Manong Guard sa sasakyan na nasa lilim ng mga puno. Hindi ko alam ang tawag sa ganitong uri ng sasakyan ngunit nakikita ko itong ginagamit sa pinag-go-golf-anni Daddy nang minsan ay isama niya kami ng Mommy doon para turuan mag-golf. Golf cart kaya ang tawag, not sure pero parang ganito nga. Inalalayan ako ni Manong guard na makasakay ako sa likod nang makasakay na siya sa driver's seat ay saka niya ito pinaandar at swabeng pinabilis para makarating kami agad sa aming pakay. Bawat daanan namin ay namamangha ako. Puro bago sa paningin ko ang mga nakikita ko. Kung namamangha na ako sa kayamanan ng angkan namin, mas ngayon ang nadarama ko habang nakatingin ako sa kayamanan ng pamilyang may-ari ng lupang kinaroroonan ko. Tama ako sa hinala ko. Hacienda na napakalawak ang nasa likurang bahagi ng mansion. Tama rin ako sa sapantaha ko na gubat din ang makikita sa pinakabandang dulo na bahagi ng hacienda. Katulad na katulad ito ng mga lupain ng mga Cojuangco. Hindi masukat at hindi kayang tanawin ng mga mata ko ang malawak na sakop ng kanilang kayamanan. “Narito na tayo,” anunsiyo ng guard nang tumigil kami sa harapan ng mansion. “Wow!” Bulalas ko naman habang nakatingin ako sa fountain na nasa gitna ng napakagandang landscape na malamang ay mahusay na arkitekto ang nagdisenyo dahil kuhang-kuha nito ang atensyon ng taong titingin dito. Parang may maze pa nga akong nasulyapan sa may bandang kaliwa nito na mukhang ito ang pinaka-garden dahil sa dami ng bulaklak at halaman na narito. Pero tingin ko hindi ito garden, view lang ito para sa mga mata ng bisita para siguro ma-amaze sila at maging background para sa isang masayang litrato. Iginiya ako ni Manong Guard papunta sa main gate. Nang mabuksan ang punta ay may sumalubong agad sa akin na unipormadong katulong. Binati ko ito na sinagot naman niya ng isang masayang ngiti. “Dito tayo, Miss…” turo ng babae patungo sa isang daan na malamang ay patungo sa living room. Ang lamig ng buong paligid. Centralized aircon marahil ang ginagamit o baka naman iyong mga split type na nauuso ngayon. Kung namangha ako sa labas kanina, mas lalo na ngayon dito sa loob na halos puro antigo ang mga kagamitan na makikita ko. Nakakalula talaga ang kayamanan ng mga Richards, nakakainggit pero nakakatakot din. Parang hindi rin masayang maging ganito kayaman. Mahal na ang singil sa tax, parang nasa panganib pa palagi ang iyong buhay dahil hindi mo alam kung sino ang pwedeng magtraydor sa iyo at manaksak na lang patalikod. “You must be, Jelsea?” wika ng lalaki na naabutan naming naghihintay na sa sofa habang may kinakalikot sa laptop nito. Ito siguro ang assistant ni Master Walden. Bata pa pala, akala ko matanda na. At napansin ko, ang gwapo. Parang may lahing Koreano base sa singkit niyang mga mata at kulay ng balat. “O-opo…” “Bring me your credentials and have a seat.” Wika niya sa akin at saka niya sinenyasan ang katulong na iwan kami. “Yes, Sir.” Agad kong inabot ang hawak kong folder. Tapos ay kinakabahan na naupo ako nang magsimula nitong basahina ng nilalaman ng resume ko. “You're very young to apply for a job, Jelsea. Kaka-eighteen mo lang tapos wala ka pang working experience,” komento ng lalaki habang binabasa ang mga datos sa resume ko. Patay! Napakagat-labi na lang ako at hindi alam ang aking sasabihin. “Uhmn…o-opo, Sir. Nagbabakasakali lang po ako at baka palarin,” kiming saad ko na malungkot. Sabi ko na nga ba, ito ang unang mapupuna ng interviewer. “It's okay. Hindi naman bata ang aalagaan mo,” tawa ng lalaki at saka na tiniklop ang hawak niyang folder at inilapag ito sa ibabaw ng lamesa. Nagbigay naman oto ng matinding lungkot sa akin. Mukhang ligwak ako. Hindi man lang tinapos ng lalaki ang pagbabasa sa resume ko. Hindi rin niya tiningnan ang lahat ng records ko. Sabagay, wala nga akong experience, bata pa gaya ng sabi ng lalaki. “H-hindi po ba ako tanggap?” lakas loob na tanong ko nang hindi na ako makatiis na magtanong. Wala na siyang ibang sinabi at naging abala na sa pagtipa sa kaniyang laptop. “Sino ang nagsabi na hindi ka tanggap?” Balik tanong niya sa akin na labis na nagbigay ng gulat sa akin. “Ahm, wala na po kasi kayong sinabi sa akin. I thought, ligwak po ako…” “Sa totoo lang, hindi ka qualified. Bata ka pa at walang working experience.” Napatungo ako sa sinabi ng lalaki. “Pero dahil urgent need ito, I will give you the chance to work here. Sana magtagal ka, baka kasi hindi ka rin umabot ng one week gaya nong isang caregiver na kaka-hire lang last-last week,” ani ng lalaki sabay sulyap sa taas ng hagdan at pagkatapos ay hinilot ang noo niya. Na-curious naman akong magtanong kung bakit. Baka ito iyong kinukwento ng guard sa akin kanina. “Bakit po, Sir?” “Masungit ang magiging amo mo. Sana mapagtiyagaan mo siyang alagaan. Mabait naman ang pinsan kong iyon, nagbago lang ang ugali noong mabulag siya gawa ng nangyaring aksidente sa kaniya. Wala siyang masisi dahil hindi matukoy kung sino ang salarin.” Nanlamig ako at pinagpawisan ng matindi ang aking noo. Hindi alam ng lalaki na ako ang salarin at may malaking pananagutan sa nangyari sa pinsan niya. Kamag-anak pala niya si Master Walden, ibig sabihin…may tinataglay na kagwapuhan din ang lalaking iyon. “Kaya ko pong tiisin iyon, Sir. Wala naman pong madaling trabaho ngayon,” katwiran ko. But deep inside of me, kinakabahan na ako sa paghaharap naming dalawa ng pinsan niya. “Good reasoning, Jelsea. Sana nga matagalan mo—-” natigil sa sinasabi ang lalaki nang makarinig kami ng lagabog at pagkabasag ng mga gamit mula sa taas. Pareho kaming napanganga at nagkatinginan. Tapos… “Ahhhhhhhh!” Isang malakas sa sigaw ang pumailanlang sa paligid dahilan para mapapitlag ako at muntik ng mahulog sa aking kinauupuan. What was that? Parang may nag-aaway yata sa taas? “A-ano po ‘yon? May nag-aaway po yata,” sabi ko habang pilit kong pinapatatag ang aking boses. Ayaw kong kakitaan niya ako ng takot dahil baka maligawak ako. “Walang nag-aaway. It's him. Sinumpong na naman ng mood swings niya,” wika ni Sir Wallace na mukhang naging mas problematic ngayon at mas sumakit ang kaniyang ulo. "Ano? Makakatiis ka ba sa pag-uugali niya? Tell me, habang maaga pa ay magdesisyon ka na. Hindi iyong nakaisang araw ka pa lang ay back out ka na." Napalunok ako at napatingin sa taas. "Hindi po ako mag-ba-back out. Kakayanin ko po." Napangiti ang lalaki sa sinabi ko. "Come on...I will introduce you to him." Napalunok ako ng laway ng wala sa oras dahil sa kaniyang sinabi. Heto na talaga, wala ng atrasan. Magkikita na kami!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD