Jelsea's POV
Walang nag-reply sa text ko sa number na naka-post sa flyers na hawak ko hanggang sa makauwi kami ng bahay ni Mang Larry. Naghintay ako hanggang gumabi na. I even tried calling it just to know if it was the right number. It rings. Walang sumasagot. Maybe they are so busy that no one has the time to pick up the phone and answer it. Marami sigurong nag-a-apply or maybe hindi sila nag-e-entertain ng text or tawag. Baka gusto nila personal akong pumunta roon at mag-apply. Para nga naman makita nila ng personal at makilatis ang aking kara.
Tsaka naisip ko, hindi sila basta-basta tatanggap ng aplikante through text or call. Kikilatisin nila ito ng maigi at kung fit ba para mag-alaga ng isang may sakit. Bilyonaryo ang amo at alam kong hindi sila basta-basta kukuha ng tagapangalaga o caregiver na lang basta-basta. Baka hanapan pa nila ito ng resume, NBI records, ID’s at kung ano-ano pa na kadalasan ay hinahanap sa nag-a-apply ng trabaho sa panahon ngayon. Sana tama ako na si Master Walden ang bilyonaryong bulag na ‘to na nagpakalat ng flyers. Malakas ang kutob ko na siya ito. Wala na rin kasi akong naiisip na iba lalo na at nagkataon pa na bulag ang lalaking naghahanap ng tagapangalaga.
Kung sa ID mayroon akong dalawa na hawak. Sa NBI records at kung ano-ano pa ay pwede akong kumuha through online. Tapos gagawa na lang ako ng updated resume ko. Mayroon ako nito sa laptop ko, i-copy ko na lang tapos i-update ko na lang iyong mga nakasulat na datos doon. And about sa caregiving experience, sapat na sigurong experience na nag-alaga ako ng isang barbie. Naging barbie-ng ina ako. Sapat na kaya iyon? Nakakatawa pero iyon lang ang alam ko. Magpalit ng damit, magsuklay ng buhok, at magpaligo gamit ang maliit na batya.
Napa-face palm ako sa kalokohan ko. Tingin ko hindi ako matatanggap. Iniisip ko pa lang na wala akong experience sa pag-aalaga ay nanlulumo na ako.
Paano kaya ito?
Nakahanap ako ng way para makapasok sa buhay niya ngunit paano ako makakapasa kung ganitong wala akong muwang?
Kasalanan ito nina Daddy at Mommy!
Pinalaki nila akong walang alam sa mga gawaing bahay!
Nanisi ako ng wala sa oras. Pero totoo naman. Iba pa rin iyong may alam ka sa buhay kahit sa mayaman na pamilya ka pa galing.
Hindi bale na. Magpapaturo na lang ako kay Yaya Medring. May time pa ako para mag-training. Kikilatisin pa naman siguro nila ang mga aplikante. Hindi naman sila basta-basta kukuha na lang kaya may oras pa ako para maghanda.
Ang una ko munang dapat gawin ay gumawa ng resume at hanapin kung saan nakatirik ang bahay ni Master Walden.
Malalaman ko na siya ito kapag gumamit ako ng google map. May address doon sa flyer na kinuha ko.
Dali-dali akong tumayo at dinukot sa bulsa ng uniporme ko iyong flyers tapos lumapit ako sa computer ko, binuhay ko ito at excited na nagpindot sa keyboard.
Tapos hayun!
“It's him!” bulalas ko na pumapalakpak sa tuwa.
Walden Richards pala ang pangalan niya. Ano kaya ang itsura niya?
Agad kong in-search ang pangalan niya sa internet. Kaya lang, walang lumalabas. Even sa social media sinubukan ko, wala. Maybe naka-private ang account niya at piling tao lang ang pwedeng mag-add sa kaniya.
“Walden Richards…” Parang may katunog ang pangalan niya. Inisip ko kung sinong sikat na personality ito. And then, I remembered, si Alden Richards, ang pambansang bae na tinatawag nila. Kasing gwapo kaya niya si Master Walden? Oh baka higit pa?
Wala talaga akong makitang info nang subukan kong hanapin ang pangalan niya kung saan-saan. Baka wala talaga siyang account. May mga ganito naman talagang tao lalo na iyong gusto ng katahimikan at umiwas sa issue.
What does he look like?
Matandang bilyonaryo kaya siya?
Malamang!
Iilan lang naman iyong bata at bilyonaryo. Pwera na lang kung ipinanganak na talagang anak ng bilyonaryo.
“Saan ang punta mo, hija?” Tanong ni Mommy nang madaanan ko siya sa may sala. She is watching her favorite melodrama na nakakaumay na sa paningin. Paulit-ulit na kabitan na ewan ko ba kung bakit gustong-gusto niya na panoorin.
Does she want to cheat on Dad?
Hindi naman siguro. My Mom loves my Dad so much. Childhood sweetheart sila at hanggang ngayon ay sobrang in love pa rin sa isa’y isa kahit senior na sila.
“Kina Analyn lang po, Mommy. May gagawin lang po kaming proyekto,” sagot ko.
Ang totoong lakad ko naman ay pupunta sa barangay para kumuha ng clearance. After that sa police station and lastly sa NBI. Then if may time pa ako, kukuha ako ng postal ID para pandagdag sa hawak kong ID dahil baka hindi tanggapin ang school ID ko. Isa pa, ayaw ko rin na malaman nila na galing ako sa mayamang pamilya kapag nalaman nila na sa HNU ako nag-aaral. Exclusibong paaralan lang kasi iyon para sa mayayaman at mga swerte na ini-sponsor-an ng scholarship.
“Anong oras ang uwi mo?”
Nag-isip ako saglit. Kinwenta ko iyong oras na kailangan ko para magawa ang mga dapat kong gawin.
“Five thirty narito na po ako, Mommy.”
“Oh, okay. Akala ko ay gagabihin ka.”
“Hindi po. Isa po kasama ko naman po si Mang Larry so you don't have to worry about me.” Ngumiti ako ng matamis kay Mommy at naupo sa tabi niya at naglambing.
Umaandar na naman ang pagiging clingy niya at over-protective.
Ilang linggo na akong eighteen, hindi pa siya nasanay na hindi na niya ako baby?
“Alright, hija. Just take your time and take care.”
“Yes, Mommy. Thank you.”
Tumayo na ako at bumeso ako sa kaniya. Sayang ang oras at baka wala na akong abutan at pagsarhan na ako ng pinto. Tamang-tama ang timing na wala kaming pasok, makukuha ko ang mga kailangan kong dokumento na ipapasa ko agad para mag-apply na caregiver.
Sana lang talaga matanggap ako kahit wala akong experience. Mata lang naman ang nawala sa aalagaan ko. Aalayan ko lang naman siguro siya sa kaniyang mga dapat gawin lalo na at ako ang kaniyang magiging paningin.
Nakuha ko naman ang mga dapat kong makuha. Iyong ID ang ang hindi dahil inabutan na ako ng oras. Papadaanan ko na lang ito kay Mang Larry kapag pumasok ako bukas. Ibibigay ko na lang sa kaniya ang resibo para magsilbing proof.
“You don't have to do that, Jel! It's risky and dangerous! Hindi mo kilala ang ugali ng taong iyon! What if malaman niya na ikaw ang dahilan ng pagkawala ng kaniyang paningin? Sa tingin mo ganoon kadali na umalis sa poder niya para takasan siya kapag nagkabukingan na? Makapangyarihang tao ang lalaking iyon, bilyonaryo kamo kaya malamang maraming koneksyon iyan. I’m sure pinaiimbestigahan niya ang nangyaring aksidente sa kaniya,” histerikal sa lintanya ni Analyn nang sabihin ko sa kaniya ang plano ko.
Alam kong siya ang unang tutol. Takot siya na madawit dahil talagang madadawit ang pangalan nila nina Patricia at Letty kapag nagkaroon ng imbestigasyon. Pero kailangan niyang malaman ang gagawin ko. Hindi na ako nakatiis. I need some advice. Kung tama bang tumuloy ako o hindi.
“I know…pero hindi ako matahimik. Lagi pa akong binabangungot lately. Kaya masisi mo ba ako kung gusto kong kahit papaano ay makabawi sa lalaking iyon?” Malungkot kong sabi. Gusto kong umiyak ngunit pinigilan ko dahil mapapansin ni Mommy kapag umuwi ako mamaya.
“I understand you, Jel. Pero kasi, natatakot ako para sa iyo…”
“Natatakot din naman ako, sis. Pero ito lang naiisip kong paraan para gumaan ang bigat na dinadala ko rito sa dibdib ko. Isa pa, nalaman ko na nahihirapan silang imbestigahan ang nangyaring aksidente sa kaniya. There are no CCTV records. Iyong dashboard camera ay nasira rin kaya walang record na nakuha para malaman kung ano ang dahilan kung bakit siya naaksidente,” kwento ko nang maalala ang sinabi ng nurse.
Dito pa lang ay parang panatag na ako kahit papaano na pumasok bilang tagapangalaga.
Dalawang buwan lang naman, bakasyon na sa susunod na linggo. Sasamantalahin ko itong pagkakataon para linisin ang konsensiya ko. Magpapaalam ako kina Mommy at Daddy na magbabakasyon ako sa Davao. Every year ko iyong ginagawa kaya hindi sila maghihinala na wala ako sa Davao kung magpaalam man ako sa kanila. Pero ang totoo, dito lang ako sa La Union at magiging caregiver ng isang bilyonaryo.
Panalangin ko na maging successful ang pinaplano ko. Patay na kapag nabuko ako na wala ako ng Davao. Di bale, kakauspain ko ang Lola ko. Alam kong maiintindihan niya ako kapag sa kaniya ako nagsabi. Mas malawak ang pang-unawa niya kaysa kay Mommy. Alam kong itatago niya ang sikretong ito.
“Kanino mo nalaman ang mga iyan?” Nanlalaki ang mga mata ni Analyn na nagtanong. “Huwag mong sabihin…Oh my gosh! N-nag-imbestiga ka ba?” Napapalunok na saad niya habang nanlalaki pa ang kaniyang mga mata.
“Y-yes, I did.”
“Gosh, Jelsea! Paano kung nahuli ka?!” Halos gusto na akong sabunutan ni Analyn sa klase ng tingin na binabato niya sa akin nang marinig ang sinabi ko. Larawan din ng takot ang makikita ko sa kaniyang mukha. Na parang bang between life and death ang ginawa kong pag-iimbestiga.
“Swerte na hindi. Na-timing-an ko na wala ang mga bantay ng lalaking iyon. Iyong nurse lang ang naroon. Titingnan ko lang sana kung siya iyong naaksidente. Sakto naman na may nurse at hayun…nagpanggap ako na kamag-anak na bibisita para mangalap ng impormasyon kahit kaunti…”
Napalatak si Analyn. Kita ko sa reaksyon niya na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
“Sinuwerte ka lang talaga. Pero sana next time, think before you move. Hindi iyang naswertehan mo lang ay uulit ka pa. Kaya iyang sinasabi mo na papasok ka na caregiver, pakiusap lang…huwag na. Ako ang natatakot para sa iyo…” buong pag-aalalang sabi ni Analyn na mangiyak-ngiyak na rin.
“Dalawang buwan lang naman, sis. Pangako, hindi ako papalpak.” naluluhang sabi ko. Natatakot ako para sa buhay ko. Pero wala akong maisip na paraan para gumaan ang nararamdaman ko.
Umiling-iling si Analyn sa akin at saka niya tuluyang pinakawalan ang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.
“D-dont…please…”
Umiiyak na niyakap ko siya.
“Magiging maayos ako roon. Trust me. Hindi ako mapapahamak.”
Sabado, saka pa lamang ako nagkaroon ng oras para magpasa ng resume. Sinubukan kong isingit sa oras na may pasok ako ngunit hindi ko magawang isingit dahil nagkataon na kailangan kong mag-review dahil sa two days exam. Pagkatapos no’n pwede na akong magbakasyon.
Kaya heto, kinakabahan ako na baka wala ng silbi ang ipinunta ko rito. Pero sana naman ay wala pa silang nakuha. Sana on going pa rin ang pagre-review nila sa mga resume ng mga applicants.
“Ma'am Jelsea, hanggang dito na lang po tayo. Hindi na ako allowed na pumasok pa hanggang doon,” wika ni Mang Larry nang itigil niya ang sasakyan sa may bandang gilid.
Napatingi tuloy ako sa harapan at nakita kong bawal nga, may barikada na harang kaya hindi makakadaan ang sasakyan.
“It's okay po, lalakarin ko na lang po.”
“Sige, Ma'am. Ingat po at goodluck na rin.”
“Thank you po. Sige po, tutuloy na ako.”
Konti na lang naman ang lalakarin ko bago ako makarating sa main gate ng palasyo ng taong pakay ko.
Kinakabahan man ay pilit kong pinatatag ang loob ko. Walang mangyayari kung takot at kaba sa dibdib ang paiiralin ko. Buo ang loob ko na nagplano kaya dapat buo rin ang loob ko na magpatuloy.
“Ano'ng sadya mo, Miss?” Friendly na tanong ng security guard nang makalapit na ako sa main gate. Medyo nawala ang kaba ko dahil sa maayos na pag-approach niya sa akin.
“M-mag-a-apply po sana akong caregiver, boss. Iyon ay kung available pa po ang slot na ina-apply-an ko.”
“Naku! Tamang-tama ang dating mo, hija. Magpapamudmod sana muli sila ng flyers kung wala ng darating na mag-a-apply ngayon sa dami ng tinawagan nila. Malay mo, baka swertehen ka at ikaw ang mapili,” ani ng guard na labis na nagbigay ng tuwa sa akin.
“Bakit po? Hindi po ba nila nagustuhan ang performance ng nakuha nila?” masayang tanong ko dahil may chance pa pala ako na makapasok. Pero paano kung alisin din ako dahil hindi maganda ang performance ko? Alam kong hindi pa sapat ang mga tinuro ni Yaya Medring para ma-hire ako.
“Dahil umalis iyong nakuha nila..."
"B-bakit po?" kinakabahan na tanong ko.
"Dahil hindi kinaya ang attitude ni Master Walden. Natakot yata kaya hayun, nag-alsa-balutan at nag-resign. Baka ganoon ka rin, hija. Kaya kung ako ikaw, huwag ka na lang mag-apply kung hindi mo matagalan ang magaspang na ugali ng amo namin."
Napaawang ang mga labi ko.
Lagot! Ma-attitude ang aalagaan ko!
Paano na 'to?
Tutuloy ba ako o hindi?
Kakayanin ko ba ang ugali niya o iintindihin ko na lang dahil kasalanan ko naman. Marahil, galit siya sa mundo dahil nawalan siya ng paningin.
"Hindi sanay iyon sa mga pasyenteng mainitin ang ulo, boss. Ako po, sanay na," sagot ko na sarili ko lang ang aking kinukumbinsi.
Bahala na!
Bahala na talaga si Robin kapag na-hire ako.