Nakailang tipa na ako sa computer ko sa paghahanap ng records ni Master Walden sa internet. Pero hindi ko mahanap kung sino siya sa lupon ng mga taong narito sa screen ng computer ko. Hindi ko alam kung ano ang kaniyang itsura. Walang isa man sa mga ito ang pwede na tumugma sa kaniya dahil tingin ko, wala siya sa mga taong ito.
Pag-uwi ko galing ng ospital ay ito agad ang inatupag ko sa kwarto ko. Hindi ako mapakali hanggang hindi ko nalalaman ang pagkatao ng taong nakabangga ko. Kung isa ba siyang celebrity, anak ng makapangyarihang pulitiko o isang mayamang businessman na hindi gaanong kilala sa business world dahil sa pagiging low profile nito.
Alin man sa tatlong nabanggit ko sa taas kung saan siya kabilang, I’m sure galing siya sa buena pamilya na hindi basta-basta binabangga dahil makapangyarihan. Kilala siya ng nurse, master ang tawag niya sa lalaki. Ibig sabihin, kilala siyang tao.
Patay na ako kung ganoon!
Ito ang nakakatakot na katotohanan kaya dapat mag-ingat ako na walang makaalam ng nangyari ng gabing iyon. Nanganganib ang buhay namin ng pamilya ko lalo na at isang malaking dagok ang pagkawala ng paningin ng Master Walden na tinutukoy nila.
Malamang paggising ng lalaki ay magwala ito at ipapahanap agad ang taong sanhi kung bakit ito nabulag. Kinilabutan ako sa aking naisip. What if mahanap nila ako? Ano'ng gagawin nila sa akin? Papatayin ba nila ako o baka bubulagin katulad ng nangyari sa kaniya.
Nanlumo ako sa tumatakbong ito sa isipan ko. I cannot imagine myself in his shoes. I know it's my fault but it's not good if you take revenge for the person who cause you pain. Pwede naman sigurong makuha ito sa mabuting usapan if not, magbabayad na lang ako ng danyos kung pwede. Hahanapan ko siya ng eye donor. But I know it's not that easy. Marami pang magiging proseso.
Alam kong hindi sila makikipag-areglo kung pera lang ang pag-uusapan marami silang ganoon. Paano kung gusto nilang daanin sa dahas o kaya naman ay pagdusahan ko na lang sa loob ng kulungan ang kasalanan ko?
No. Ayaw ko ng ganoon. Magiging malaking disappointment ako kina Daddy at Mommy. Iningatan nila ako ng halos labing-walong taon, tapos ang ending magiging kriminal lang pala ako.
Ito ngayon ang magiging malaking problema kaya dapat talaga na mag-ingat ako na walang makabuko sa akin.
Hindi ko pa naman mailalarawan sa isip ko ang galit na kaniyang nadarama once na magising siya. Malamang isusumpa niya ako at paulit-ulit na papatayin sa kaniyang isipan.
Hindi kasi ako pwedeng magtanong ng kung ano-ano sa nurse kaya sa internet at social media ako dumedepende sa paghahanap. Mabubuko ako ng nars na nagsisinungaling at baka mabulilyaso pa ang mga plano ko at baka isipin pa niya na isa akong spy at ipinadala para magmanman sa pasyente.
Sa pangatlong tipa ko ay sumuko na ako. Hindi ko siya matukoy sa dami ng may pangalan na Walden sa mundo.
I decided to take a nap. Pabalik na sina Daddy at Mommy ayon sa katulong na napagtanungan kaninang pauwi ako.
Mga ilang oras din iyon kaya babawi muna ako sa puyat ko kagabi.
Hindi ko namalayan na mabilis akong nakaidlip. Siguro dahil sa pagod ko sa paghahanap kanina at stress na rin.
Nasa kasarapan na ako ng tulog ko nang bigla akong bangungutin ng masama. Hindi ko alam kung paano ako nagising ngunit namalayan ko na lang na umiiyak ako habang todo ako sa panlalaban sa taong wala naman sa aking harapan.
“T-thank God…i-it's only a dream,” I said while weeping. Dinama ko pa ang leeg kong sinasakal ng taong laman ng isipan ko bago ako natulog.
Marahil iyon ang dahilan kung bakit hanggang sa panaginip ko ay dala ko ito.
Napakasama ng panaginip ko. Sinasakal daw ako ni Walden habang nakapatong siya sa akin at ginagahasa ako.
Parang ayaw ko ng ituloy ang binabalak kong gawin.
I know it's dangerous and risky.
But what about my conscience?
Bahala na si Robinhood!
Lunes, balik-eskwela na naman ako. Hindi na ako hinatid nina Daddy at Mommy. Tanging si Mang Larry na lang ang kasama ko at hindi na sila sumasabay sa akin sa pagpasok.
Tinupad nila ang hiling ko na maging malaya sa lahat. Free but still it's limited.
Ang nakakainis lang, hindi maalis ni Mommy ang habit niya na magte-text para alamin kung safe ba kaming nakarating ng school ni Mang Larry. Hindi ko siya ni-reply-an. Pwede namang si Mang Larry na lang ang i-text o tawagan niya.
“Jel!”tili ni Analyn nang bumungad ako sa classroom namin.
Sumimangot lang ako sa kaniya habang madrama siyang naglalakad papunta sa akin para ako ay kaniyang salubungin.
Ang OA talaga ng isang ‘to kahit kailan. Parang taon na ang lumipas kung makapag-react siya na parang ngayon lang ulit niya ako nakita.
“Bakit ngayon ka lang? Ten minutes ka ng late,” nakatawa na sabi ni Analyn at saka umabrisiyete sa akin at sinabayan ang lakad ko.
“As usual traffic,” maikli kong sagot at patamad na naupo sa assigned seat ko pagkatapos. Ganoon din ang ginawa ni Analyn ngunit naupo siya ng paharap kina Letty at Patricia na ngumiti lang sa akin ng tipid pagkatapos akong batiin ng magandang umaga.
“So, kumusta ang pagiging eighteen?” naulinigan kong tanong ni Patricia.
“It's not good,” maikling kong sabi habang patamlay na sumandal sa aking inuupuan. Inaatake na naman ako ng konsensya ko lalo na at narito ang mga taong dahilan kung bakit ako nalasing at naging mapusok ng araw na iyon.
“Why?” tanong ni Analyn na napansin ang aking pananamlay.
“Alam ninyo ang sagot sa tanong ko, mga sis…”
Hindi nakaimik ang tatlo. I’m sure, alam nila agad kung ano ang tinutukoy ko.
“Don't think about it anymore, Jelsea. Walang may alam sa nangyaring iyon nang gabing iyon. We can keep it a secret forever. Trust us, we will never let you down,” bulong ni Analyn at hinagod ang likuran ko para siguro palakasin ang loob ko. Alam kong alam nila na mahirap ito para sa akin. Hindi birong problema iyon kung sakali lalo na at walang alam ang mga magulang ko.
Hindi kakanta si Mang Larry sa kanila kahit nasa kanila ang loyalty niya. Mawawalan siya ng trabaho ora mismo kapag nagsabi siya.
“Tama si Analyn, Jel. Kalimutan mo na ‘yon. Kung may ibang nakaalam sa nangyari ‘di sana ay wala ka rito ngayon,” alo naman ni Patricia sa akin.
“Kaya cheer up! Move on!” wika naman ni Letty dahilan para sumigla ang nararamdaman ko.
“Thank you. Sige, susubukan ko.” Ngumiti ako ng matamis sa kanila.
But deep inside of me, itutuloy ko pa rin ang plano ko. Nakapagpasya na ako na babawi ako sa lalaki sa kahit ano'ng paraan.
Sinubukan kong maging normal ulit. Nakikitawa ako kapag may nakakatawang sinasabi ang mga kaibigan ko at sumasakay sa mga trip nila na minsan ay hindi ko maintindihan.
Gaya ngayon, narito kami sa labas para kumain daw ng masarap na pagkain na ngayonko lang matitikman. Ako naman si curious, sumama. Mahilig akong kumain kahit hindi halata sa katawan ko na matakas ako.
Pagdating naman namin sa labas ng school, wala naman akong makitang kainan na masarap. Tanging narito ay ang mga nagtitinda ng kung ano-anong klase ng street foods na buong buhay ko ay hindi ko sinubukan tikman. Health conscious ang Mommy ko kaya madalas na sandwich na gawa niya o kaya salad ang baon kong meryenda. Sa tanghalian naman, sa canteen na ako kumakain at katakot-takot na paalala niya na huwag ako masyado sa mga oily foods at meat, dapat balance lang daw ang gulay at karne sa diet ko.
“Saan tayo kakain?” hindi nakatiis na tanong ko. Wala talaga akong makita na kainan malapit sa kinatatayuan namin kundi ang mga nagbebenta ng street foods.
“Diyan sa mga ‘yan.” Turo ni Analyn sabay samyo sa hangin at sininghot ito. “Tara na. Nagugutom na ako.” Yakag niya dahilan para sumunod sa kaniya sina Patricia at Letty. Naiwan naman akong nakanganga habang nakatingin sa mga stall na nagbebenta ng kung ano-ano. Fishball, kikiam, squid ball, chicken ball, hotdog, kwek-kwek, hotcake, corn dog, waffle, at kung ano-ano pa na never ko pang natikman.
“Jelsea, ano pang ginagawa mo riyan? Halika, tusok na!” ani ni Letty nang mapansin niya na naiwan nila ako at nakatunganga sa menu ng mga nagtitinda ng mga street foods.
Sabay-sabay na nilingon ako nina Patricia at Analyn at kumunot ang noo nila nang makita nila akong hindi pa sumusunod sa kanila.
Natigil tuloy sila sa pagtusok ng kung ano-ano sa kumukulong mantika ng kawali.
Umiling ako. “K-kayo na lang. Hihintayin ko kayo rito,” sabi ko na napapalunok. Parang masarap sa pang-amoy ang mga pagkain ngunit ayaw ko namang makakuha ng sakit mula sa mga ito.
“Ang KJ mo! Halika na! Tikman mo ang mga ito! Sinasabi namin sa iyo, you missed the half of your life kapag hindi ka nakatikim ng mga ganito,” ani ni Analyn na hindi na nakatiis at nilapitan ako.
“It's dirty. Baka magkasakit tayo,” sabi ko na pabulong.
Tumawa lang si Analyn. “Hindi totoo ‘yan. Paano iyong mga namamasura na sa tira-tirang pagkain lang sa restaurant ang tanging kinakain nila sa araw-araw. Eh, di sana namatay na sana ang mga iyon sa bacteria. Pero kita mo naman siguro, Jelsea na malakas sila at malusog pa. Huwag ka kasing nagpapaniwala masyado sa Mommy mo, nag-iinarte lang iyon. Halika, patitikimin kita ng masarap.”
Wala akong nagawa kundi ang magpatianod sa sinabi ni Analyn. Tinuruan niya ako kung paano tumusok ng kung ano-ano sa piniprito sa kawali. At first I didn't know. Pero nang masanay na ako ay nag-enjoy na ako sa pagtusok.
“Now, add some sauce or vinegar. Pumili ka na lang kung ano ang mas preferred mo, maanghang or hindi.”
Pinili ko iyong maanghang dahil mahilig ako sa spicy foods.
“Now taste it, sis. Sabi ko sa iyo, makakalimutan mo ang pangalan ng Mommy mo,” pabirong sabi ni Analyn at hinigop ang suka sa hawak niyang paper cups na ikinamulagat ng mga mata ko.
“What?” Natatawa na tanong ng aking kaibigan.
“Why did you swallow the vinegar?”
“Ah, ‘yon ba?” Tumatawa na sabi niya. “Gusto ko lang, bakit? Gusto mo rin subukan?”
“Hindi,” sabi ko at umiling. Tapos sinubukan kong tikman ang kwek-kwek na sabi niya ay masarap.
Sa una ay atubili pa akong magsubo. Pero nang makita ko sina Patricia at Letty na sunod-sunod na sumusubo. Napasubo na lang din ko.
“How does it taste?” Analyn asked excitedly.
“Hmn…good…delicious. It tates like an egg.”
Tumawa ang tatlo kong kaibigan. “Natural, itlog naman talaga ang laman ng kinain mo kaya malamang itlog ang lasa.
Ah, so itlog pala ang laman ng kwek-kwek?
Kinabukasan, kumain ulit ako ng street foods. Himala na hindi sumakit ang tiyan ko. Tama nga sina Analyn, Patricia at Letty. Mas masarap ito kaysa sa mga meryenda na mabibili sa fast foods.
Walang binabanggit ang mga kaibigan ko tungkol sa nangyari nang nakaraan. Siguro ayaw lang nila akong maging malungkot at nag-iisip kaya wala isa man sa kanila ang nagbabanggit.
Ako naman, nanatili ‘to sa isip ko dahil kahit pumikit ako o ano man ang gawin ko, hindi maalis sa utak ko ang nakakaawang itsura ng lalaki habang nakabenda ang buong mukha nito.
Nakokonsensiya pa rin ako at umiisip ng paraan until now para makabawi.
Parang dininig ng Diyos ang panalangin ko na sagot sa problema ko. Habang pauwi kami ng driver kong si Mang Larry, naging curious ako sa mga lalaking nakaitim na namimigay ng flyers sa daan.
Inutusan ko si Mang Larry na kumuha ng isa.
Halos mapamaang ako nang mabasa ang nilalaman nito. Isang bulag na bilyonaryo ang naghahanap ng matiyagang mag-aalaga sa kaniya at sasahod ng malaki.
Alam kong si Master Walden ito, hindi ako maaaring magkamali. Malakas ang kutob ko na siya kaya naman dali-dali akong nag-text sa numerong nasa papel at sinabing interesado ako.
Bahala na kung ito ang simula ng kalbaryo ko sa buhay. Makabawi lang ako, aalis din agad ako at hindi na magpapakitang muli. Bilyonaryo naman siya, afford niya ang maghanap ng eye donor kung gugustuhin niya.
Sa ngayon, iisipin ko kung paano ko siya aalagaan. Wala akong alam sa ganoon lalo na at lumaki ako na may gintong kutsara sa aking bibig.