Chapter 9. She can't take care of me.

2045 Words
Jelsea's POV Inabot ni Master Walden ang palad niya sa akin. Kaya lang ay nakaturo naman ito sa direksyon ni Sir Wallace kaya hindi ko naabot agad. “Here…wrong way” sabi ni Sir Wallace. “Opppps!” Tumawa naman si Master Walden dahilan para matulala na naman ako sa kaniya. Ang hot niyang tumawa! Ang macho ng dating niya! Ayyy! Bakit ba pinupuri ko siya? Gusto kong batukan ang sarili ko. I am not here to praise him. Gusto kong paalalahanan ang aking sarili na trabaho ang ipinunta ko rito at hindi para sa kung ano-ano! Mawawala ako sa focus nito lalo na at hindi ko pa alam kung paano ako magsisimula sa pag-aalaga sa dambuhalang ito. Parang hindi naman niya kailangan ng caregiver. Mas malakas pa siya sa kalabaw at parang kabisado naman yata niya ang paggalaw dito sa loob ng kaniyang palasyo kung makatayo siya sa aking harapan. “Nice meeting you, little kitty.” Inabot ni Master Walden sa akin ang palad niya at saka ngumiti. Not sure kung ngiti iyon. Parang ngisi kasi ng manyakis. Ganito kasi ako ngitian ng mga lalaking nagpapansin sa akin sa university. Lalo na iyong mga crim at marine student na parang bihira makakita ng maganda sa klase nila. Wait… Nasa mood yata siya ngayon? Hindi sumisigaw at nagwawala. Kalmado lang siya at mukhang walang nagbabadyang init ng ulo at topak sa tuktok niya. Sana nga, ayaw kong first day pa lang eh mainit na ang dugo niya sa akin. Pero bakit kaya ‘little kitty’ ang tawag niya sa akin? Inalis ko ang tingin sa mukha niya bago pa ako tuluyang mahulog sa ngiti niyang iyon. Nasa kaniya pa naman ang mga katangian na hanap ko. Mas ahead sa akin, matangkad, malaki ang katawan, malakas ang dating, and I’m sure gwapo siya kahit hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha. He is a hottie sa totoo lang at nakokonsensiya na naman ako dahil sa nangyari sa kaniya. Napatingin ako sa palad niyang malaki at mukhang magaspang na nakaumang sa akin. Atubili naman akong abutin ito at parang ayaw kong makipagkamay sa kaniya dahil baka maramdaman niya ang kaba na narito sa dibdib ko. Ang hindi niya alam, nakatayo ngayon sa harapan niya ang taong dahilan ng pagkawala ng kaniyang paningin. “Ang tagal mo namang abutin ang palad ko. Ayaw mo bang makipagkamay sa akin?” angil ni Master Walden dahilan para mapapitlag ako. Agad namang pumagitna sa amin si Sir Wallace at kinalma ang kaniyang pinsan. “Insan, kalma. Huwag mo naman takutin ang bata. Hindi pa man nagsisimula mukhang magre-resign na,” sabat ni Sir Wallace dahilan para bumaling sa kaniyang direksyon si Master Walden. Kung nakakakita lang siguro siya, malamang ay pinanlilisikan na niya kami ng tingin ni Sir Wallace. Napatagal nga yata ang pag-abot ko sa palad niya kaya heto at nainip na siya at mukhang nagsimula ng mag-init ang ulo niya. Maikli lang ang pasensya niya talaga at dapat ito ang lagi kong ilalagay sa utak ko para hindi siya magalit sa akin. Mukhang ayaw pa naman ng lalaking ‘to na pinag-aantay siya. Sabagay…siya ang boss, dapat hindi siya ang nag-a-adjust sa kaniyang mga nasasakupan. “Eh di mag-resign siya! I don't f*****g care! Hindi ka ba makaka—-” “S-sorry po, Master. Heto na po, makikipag-shake hand na po ako sa iyo. P-paseniya na po talaga, nag-alangan lang po kasi akong hawakan ka ,Master. Nakakahiya naman po kasing makipagkamay sa iyo,” natataranta na sabi ko at agad kong hinawakan ang palad ni Master Walden at pikit matang dinama ang mainit at magaspang niyang palad. Bahala na kung mahalata niyang kinakabahan ako at nanlalamig. Wala na akong choice kundi hawakan siya para wala na siyang masabi pa at mapawi na agad ang kaniyang init ng ulo. “Oh, I thought nagpapaimportante dahil kesyo bulag ako at hindi kita nakikita.” “H-hindi po, Master. Nag-aalangan lang po talaga akong makipag-shake hands.” “Whatever!” Akala ko ay bibitiwan na niya ang palad ko ngunit nagulat ako nang damhin niya ito at pisilin. “Ang lamig ng palad mo. Natatakot ka ba sa akin?” Masungit niyang tanong habang dinadama niya ang palad ko sa palad niya. “N-no—ang ibig ko pong sabihin ay hindi po, bakit naman po ako matatakot?” Pilit kong pinatatag ang boses ko para hindi niya mabakas ang kaba. Nag-thumbs up si Sir Wallace sa akin. Giving me the support that I need right now. Napangiti ako at huminga ng malalim. “Sanay ka ba talaga sa gawaing bahay? Your hand is so soft. Hindi halatang gumagawa ng gawaing bahay,” wika ni Master Walden nang patuloy niyang pisilin at damhin ang kalambutan ng palad ko. Patay! Mabubuko yata niya ako. “Tell me, kaya mo ba akong alagaan? Can you give me the care that I want? Hmnnn…” wika niya sa mababang tono. As if, he is begging me to take care of him. Kumabog ng sobra ang dibdib ko dahil dito. Parang iba ang dating ng mga tanong niya sa akin. Na para bang personal niyang tinatanong sa akin kung kaya ko ba siyang alagaan at matitiis ko bang manatili sa kaniya. “I do, Master…” sagot ko sa aking isip sabay kagat sa ibaba kong labi. “Nababaliw ka na, Jelsea! Wake up! You're not here to fall! You're here to pay your sin!” Dahil dito ay nagising ako sa pantasya ko. Ano ba naman ito? Bakit ako nagkakaganito? Masyado bang malakas ang karisma ng lalaking ‘to para pangarapin ko na mahulog ang loob ko sa kaniya? Dati, hindi naman ako ganito kahit attracted pa ako sa opposite s*x ko, bakit ngayon…kung ano-ano na ang tumatakbo sa isipan ko. “Yes, Master. Kaya ko po.” “Really?” Pinisil niya muli ang palad ko at dinama pa ang mga guhit na nasa palad ko. Nanlaki ang mga mata ko. Don't tell me, binabasa ba niya ang kapalaran ko. O, kinikilatis ba niya ang pagkatao ko sa pamamagitan ng paghawak sa palad ko. Oh baka naman— “Ay!” napapitlag ako sa gulat nang dalhin niya sa tapat ng ilong niya ang palad ko at inamo ito. Nahila ko tuloy ang palad ko ng wala sa oras at lumayo sa kaniya. Nagulat talaga ako ng sobra sa ginawa niya. Ano siya aso? Paano kung maamoy niya iyong kulangot na binilot ko kanina? “What? Arte!” angil niya at pasalampak na naupo muli sa silya. “Akala yata ni Jelsea ay minamanyak mo siya, insan.” wika ni Sir Wallace na natatawa ngunit sinenyasan niya akong maupo at humingi siya ng pasensiya sa akin kahit na hindi naman niya kailangan na gawin iyon. Muntik ko ng makalimutan na kaharap namin siya at nanonood sa aming dalawa ni Master Walden. “Palitan mo siya, Wallace. Hindi makakatagal sa akin ‘yan lalo na sa pag-uugali ko. Alam mo naman na madaling uminit ang ulo ko ngayon. Nagwawala madalas kapag naiisip ko na wala na akong pag-asa na makakitang muli,” narinig kong sabi ni Master Walden kay Sir Wallace dahilan para mag-panic ako. Magsasalita sana ako para sabihin na matitiis ko ang lahat. Subalit bago pa ako makapagsalita ay agad ng sumenyas si Sir Wallace sa akin dahilan para matigil ako sa aking sinasabi. Kahit sigawan niya ako araw-araw kahit magbasag pa siya sa harapan ko ng gamit ay matitiis kong lahat. Bigyan naman sana niya ako ng chance na ipakita ko na kaya kong magtrabaho sa kaniya. Hindi iyong ganito na nahawakan lang niya ang kamay ko ay sasabihin na niyang hindi ko magagawa ng maayos ang trabaho ko. Magagawa ko nga kaya? Alam kong hindi pa sapat ang mga tinuro ni Manang sa akin ngunit sisikapin kong kayanin lalo na at ilang beses din naman akong nag-practice bago ako nagpunta rito. Ipagpapatuloy ko rin ang panonood ko sa youtube para mas lumawak pa ang kaalaman ko. Tsaka hindi naman alagain itong lalaking ito. Makapagtanong siya sa akin ng ganoon kanina ay parang musmos ang aalagaan ko. “She can take care of you. Don't judge her by holding and touching her hand,” pagtatanggol ni Sir Wallace sa akin. “No! She can't! Hawakan mo kasi ng malaman mo ang sinasabi ko. I know by touching her hands, I know that she can't take care of me. Baka nga prinsesa iyan sa bahay nila at hindi nagtatrabaho!” Matigas na sabi ni Master Walden kaya mas lalo akong nakadama ng panic. Tama siya sa kutob niya. Mukhang tama rin si Manong Guard, mas malakas nga yata ang ibang senses ng ating katawan kapag nabulag. Gaya ng kaso ni Master Walden, kinutuban siya sa tunay kong pagkatao. Pero siyempre, hindi ako aamin. Kahit ano'ng mangyari ay paninindigan ko ang pagkatao na bubuuin ko rito. “I already read her resume and checked her background, insan. Don't worry, she can take care of you.” Talaga? Ginawa niya iyon? But I think hindi. Hindi ako naniniwala kay Sir Wallace. Kung alam nga niya eh di sana ay wala ako rito. “Tss! Nakakasiguro ka ba? Paano kung—” “No. I swear, I checked her background so you don't have to worry," putol agad ni Sir Wallace sa sasabihin ni Master Walden. “Are you sure? Mamaya bigla na lang akong barilin at saksakin ng babaeng iyan.” Natutop ko ang aking bibig. Ako mamamaril at mananaksak? Never in my wildest dream na pinangarap kong humawak ng mga ganoong bagay. Tsaka ako mamaril at mananaksak ng tao? Ni hindi ko nga kayang pumatay ng lamok. I let them sucked my blood. Pati iyong mga langgam na minsan nakikita ko sa ibabaw ng lamesa, hinahayaan ko silang kumain at kumuha ng pagkain dahil naisip ko na baka may mga pamilya rin silang binubuhay. Tapos iyong ipis na pinadidirihan nila at kung minsan ay tinitilihan pa? Hinahayaan ko lang na gumala sa banyo ko at baka naghahanap ng pwedeng makakain. Ganiyan ako ka-softhearted sa ibang nilalang ng Diyos. Kaya huwag ako paghinalaan ni Master Walden na balak ko siyang paslangin. Baka siya pa ang pumaslang sa akin kapag…hay…ayaw ko na lang isipin ang bagay na ‘to. Makakabawi na ako ngayon at sana patahimikin na ako ng konsensya ko after this. “Yeah. Ako ang bahala sa kaniya. Pero sana naman, pakiusap insan. Be good to her. Ang hirap maghanap ng mapagkakatiwalaan ngayon.” “It depends, Wallace. Kaya siguraduhin mo na hindi palpak iyang kinuha mong mag-aalaga sa akin.” “Swear hindi,” nakangiwing saad ni Sir Wallace na mukhang pati siya ay duda sa kakayahan ko. Ako nga duda, siya pa kaya. Pero sabi ko nga, I will try my best. “Alright. I trust you. Pero kapag pumalpak iyan, I swear pati ikaw ay tatanggalin ko.” Napatingin ako kay Sir Wallace nang tumawa ito ng malakas. Hindi ba siya nag-aalala na pati siya mawalan ng trabaho? “You can't do that. Remember, you need me.” “Tss! Huwag kang pakasiguro, insan. Remember, isa ka sa pinagsususpetsahan ko.” “I know…and I swear…wala akong kinalaman.” Kumunot ang noo ko sa aking narinig. Ano ba ang pinag-uusapan ng dalawang ito? Hindi ako maka-relate. Sa business ba? Or ibang bagay? "Ihatid mo na ako sa kwarto ko, Jelsea." maotoridad na utos ni Master Walden sa akin nang bumaling siya sa akin. Bumalik ang kaba sa dibdib ko dahil dito. "Y-Yes---" "Ipapahatid na muna kita kay Sergio. Kailangan ko pang makausap si Jelsea. Need ko pa siyang i-briefing ng mga gagawin niya." "Mamaya na. Siya ang gusto kong maghatid sa akin. Maya na kayo mag-usap." "Okay." Nalaglag ang mga balikat ko dahil akala ko ay pipigilan pa ni Sir Wallace ang kagustuhan ni Master Walden. Wala pala siyang magagawa kundi ang sumang-ayon na lang sa kagustuhan nito. Baka nga uminit ang ulo ng lalaki at kung ano-ano na naman ang ibato. "Ihatid mo na ang amo sa kwarto niya, Jelsea." "Yes, Sir." Agad akong lumapit nang tumayo si Master Walden. Akala ko ay hahawak siya sa braso ko kaya inumang ko ito. Kaya lang sa baywang ko siya na labis kong ikinagulat. Bulag ba ito o nagbubulag-bulagan lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD