Simula

2606 Words
*Hindi ko sinasadya* “Yahoo! Hindi ka na bata mamaya, Jelsea! You can now drink all the liquor that we bought tonight!” tili ni Analyn habang tinuturo sa akin ang mga alak na nakalapag sa ibabaw ng lamesa na nasa harapan namin. Nawala ang ngiti sa labi ko. Napahawak ako sa noo ko dahil parang sumakit ito bigla. Feeling ko ay tinamaan na ako ng kalasingan kahit wala pa akong ininom na alak. “Hindi naman na talaga ako bata, Analyn. Teenager dapat ang tamang term mo ‘di ba?” Pagtatama ko kay Analyn sabay sulyap sa dalawa pa naming kaibigan na prenteng nakaupo sa couch at may hawak na kopita ng alak. “I know. What I mean is…you are now at the right age later tonight…magagawa mo na lahat ng gustuhin mo. Magpakalasing whenever you want, mag-travel na hindi na kasama ang parents mo, at siyempre ang magkaroon na ng boyfriend, ‘di ba girls?” nakatawang saad ni Analyn sa akin at saka sinulyapan ang dalawa naming kaibigan na abala sa pagtitipa sa kanilang mga cellphone. “Yeah!” Si Letty. “That's right,” sagot naman ni Patricia. “Whatever,” sabi ko naman at saka na naupo sa kabilang couch paharap sa kanila. Wala akong plan isa man sa mga nabanggit ni Analyn. Ang gusto ko lang mangyari ay huwag na akong ituring na bata ng mga magulang ko. Kung alagaan kasi ako at mag-aalala sina Mommy at Daddy sa akin ay para pa rin akong baby. Nakakairita kasi na parang kulang na lang ay sundan nila ako kung saan man ako magpunta. Kararating ko lang rito sa club ng pinsan niyang si Azul Rehan. At ito agad talaga ang binungad niya sa akin nang makalapit ako. Alam kong ito naman talaga ang plano namin tonight. Nagulat lang talaga ako na makitang halos sampung klase ng alak ang nakahilera sa lamesa at mukhang ipapatikim yata nilang lahat ito sa akin. Talaga yatang pinaghandaan nila ang gabing ‘to. Mamayang alas-dose pa lang naman ako mag-e-eighteen. Dapat bukas pa lang talaga kami mag-c-celebrate. Pero dahil debut ko bukas at may hinanda na party sina Mommy at Daddy sa akin sa bahay namin, napaaga tuloy ang sarili naming selebrasyon ng mga lukaret kong kaibigan. Ang tikman ang lahat ng alak na binili nila ang pinaka-highlight ng selebrasyon na ‘to. Hindi naman ako maglalasing dahil ang usapan ay titikman ko lang ang mga ito. Tapos, pagkatapos nilang ubusin ang mga natira ay saka kami magsasayaw sa disco kapag dumating na ang mga pinsan ni Analyn na lalaki na madalas namin kasamang sumayaw sa gitna para hindi kami mabastos. Mabuti na lang at suki na kami rito sa VIP room na madalas na tambayan namin kapag pumaparito kami. Kaya naman naka-reserve na talaga ito kapag gabi ng Biyernes at Sabado. Kaya rin walang nalalaman sina Daddy at Mommy tungkol sa palihim kong pagpunta ko sa bar dahil lagi kaming nakatambay dito just to make sure that no one can see us. Lagot si Analyn sa Daddy niya kapag nalaman na nagwawalwal siya, mapuputulan siya ng allowance sa atm niya at baka pati credit card ay ipa-freeze rin ni Tito Anton. Maging sina Patricia at Letty ay malalagot din sa kanilang mga magulang kaya heto at nag-iingat kaming apat. Dito rin talaga kami madalas tumambay, ayaw ng pinsan ni Patricia na mabalahura kami sa labas lalo na kapag tinamaan na sila ng alak. Marami kasing parokyano ang pumupunta kapag araw ng Biyernes at Sabado. Walang pasok sa trabaho at eskwela kinabukasan kaya expected na marami talagang pupunta sa bar sa mga ganitong araw. Lalo na at dinarayo talaga ang bar na ‘to ng mga kilalang personalidad, businessman, at mga bilyonaryo dahil sa pang-world class na sine-serve na mga inumin. Isama na rin ang rason ng iba kung bakit nagpupunta sa mga ganitong lugar, siyempre ang humanap ng makaka-one-night stand. Napangiwi ako nang makita ang case ng light beers sa may ibaba ng lamesa nang masagi ito ng paa ko. Kinakabahan na napahawak ako sa dibdib ko nang maisip kong baka mapasubo ako sa mga lukaret na ‘to, baka mawala ako sa sarili at malasing ako ngayong gabi. “C’mon, Jelsea! You can start tasting this one!” Alok ni Analyn sa akin sabay dampot sa isang cocktail drinks na tingin ko ay margarita yata. Not sure, wala akong alam sa alak. Pero tingin ko tama ako. “P-pwedeng mamaya na lang, sis?” sabi ko habang nilalabas ko ang cellphone ko sa loob ng purse ko. Kailangan ko ng sapat na lakas ng loob. Tingin ko, parang hindi ko yatang lunukin ang shot na inabot ni Analyn. “No, Jel. Ang usapan ay usapan. Hindi ka pa ba nagsasawa na mamulutan? Tumagay ka rin. Sabi ko sa ‘yo kapag natikman mo ang alak, makukumpleto na ang pagkatao mo. Hindi ka na alien sa paningin naming tatlo,” wika ni Analyn na tinawanan lang nilang tatlo. “Okay…basta kayo ang bahala sa akin kapag nalasing ako,” turan ko. “Yes, of course. Pababayaan ka ba namin?” Alam kong hindi pero naniniguro lang ako dahil baka ikapahamak ko 'to kapag hindi ko nakontrol ang pag-inom. Problematic ang itsura ko na napatingin ako sa alak na tangan niya nang maisip kong baka maging wild ako kapag nalasing. Samantalang si Analyn naman ay tila mas excited pa yata siya sa akin na mainom ko ang mga alak na narito na alam kong kanina pa nila in-order sa waiter bago ako dumating dahil sa lawak ng kaniyang ngiti. Patay! Kailangan ba na tikman ko ang lahat ng ito? Pwede bang umatras? Parang hindi ko yata kaya. Amoy pa lang ay parang nasusuka na ako. Pinipigilan ko lang talaga kahit na kanina ko pa gustong takpan ang ilong ko at pigilan na maduwal. Ewan ko ba kung paano ako napunta sa circle of friends ng mga lukaret na ‘to. Puro sila walwal tapos ako naman ang taga ubos ng pulutan nila. Hahahahaha! Kumpleto na sila nang dumating ako rito. Ako na lang talaga ang mukhang hinihintay nila dahil mukhang kanina pa sila umiinom. Namumula na kasi ang mukha ng tatlo kong lukaret na kaibigan. Alam ko na hindi iyon dahil sa blush on dahil hanggang tainga nila ay namumula. Nahuli ako ng dating dahil sumabay pa ako sa pagkain ng dinner kina Daddy at Mommy para pagbigyan lang nila ako sa paglabas ko ngayong gabi. Nang makapatunaw ako ng pagkain ay saka nila ako pinahatid sa driver sa lugar na ang alam nila ay pupuntahan ko. Katakot-takot muna na habilin ang nangyari bago ako tuluyang umalis kakutsaba ang driver sa lugar na pupuntahan ko. Hihintayin na ako ni Mang Larry hanggang sa makauwi ako. Dalawang oras ang hiniling ko sa mga magulang ko kaya may oras pa ako para pakalmahin ang sarili ko kapag tinamaan ako ng alak. “Do I have to taste all of these?” Nakangiwi kong tanong habang pinipigilan ko na maduwal sa amoy ng alak. Nakaamba na sa harapan ko ang alak na gusto ni Analyn na tikman ko at hanggang ngayon ay hindi ko magawang abutin. Tumawa sina Analyn at Letty sa nakitang reaksyon ko. Hindi kasi talaga ako umiinom at ang edad ko talaga ang lagi kong rason sa kanila para makaiwas sa mga tagay na inaabot nila kapag nagpupunta kami sa bar. Pinanindigan ko ang sinabi kong ito sa kanila para makaiwas ako. Alam nila na hindi nila ako mapipilit dahil good girl ako at never sinuway ang bilin sa akin ng mga magulang ko. Pahirapan pa nga sila sa pagpapaalam sa mga magulang ko kapag inaaya nila akong lumabas. Ang excuse nila, nagpupunta lang kami sa mall. Ang hindi alam ng mga magulang ko ay sa bar kami nagpupunta at hindi sa mall or kung ano pa mang kainan na sinasabi nila Analyn at Letty sa Daddy at Mommy ko kapag pinagpapaalam nila ako. Hindi nga sana ako sisipot sa usapan namin dahil alam kong ito ang kahahantungan ng lahat dahil may usapan na nga kami. Gusto nilang mabinyagan na ako at para makasabay ako sa trip nila kapag gusto nilang mag-bar. Mukhang hindi na ako makakaiwas ngayon. Makakatikim na ako ng alak ng wala sa oras. Bahala na. Sana hindi ako malasing. Hindi ko alam kung ano ang magiging tama ng alak sa akin kaya sana hindi ako malasing sa alak na iaabot nila sa akin. Tiningnan ko muli ang mga nakalapag na cocktails at kung ano-ano pa na makukulay na inumin. Mukhang masarap sa paningin ang mga kulay nila, sana lang pati sa lasa at amoy. “Inumin mo na ‘yan, Jelsea. May mga nakahilera pa oh,” ani ni Letty nang makita niya akong nakatitig lang sa hawak kong cocktail drinks. “Tapos pumili ka na ng susunod dali!” Excited na sabi ni Patricia nang hindi ako tuminag. “Mamaya na. Huwag kayong excited,” sabi ko at inisang tungga ang hawak kong kopita ng alak. Napangiwi ako at nagkandasamid-samid. Nagtawanan naman ang mga kaibigan ko at kinantiyawan ako na ‘weak’. Inirapan ko lang sila isa-isa habang dinadama ko ang mainit na hagod ng alak sa lalamunan ko pababa sa tiyan ko. “Hindi pwedeng mamaya. Tikman mo na lahat iyan kagaya ng usapan natin,” si Letty na tumayo at inabutan naman ako ng isa pang cocktail drinks. Mukhang masarap naman tingnan itong choice niya. Makulay, may asukal sa labi ng kopita at may nakaipit pa na lemon dito na mukhang kailangan kong sipsipin to add spice sa alak na aking iinumin. “Alright,” nasabi ko na lang at hindi na nakipag-argue para tapos na ang usapan. “Woahhhh!” sigawan ng mga lukaret nang sunod-sunod na ininom ko ang mga alak na inabot nila sa akin. Wala na ako sa tamang huwisyo nang tigilan nila ako. Alam kong tinamaan na ako dahil tawa na ako nang tawa na ewan ko ba kung ano ang tinatawanan ko dahil hindi ko mapigilan na tumawa. Muntik pa nga akong mahulog sa couch sa likot ko sa pagkakaupo. Hindi ko na alam ang ginagawa ko at buti naman at hindi ako pinabayaan ng mga kaibigan ko. “Let's go outside. Let's dance at the disco," yakag ko sa mga kaibigan ko at gumiling na parang timang. Ilang beses pa akong muntik ng mapasubsob at mabuti na lang ay nakokontrol ko pa ito kahit papaano at dinadaan na lang sa pagtawa. Nang makalapit na kami sa disco ay sakto dumating na sina Mike, Gary, Dencio, at Carlo. Sila ang naging kapareha namin habang nagsasayaw ng magaslaw sa disco. "A-ako na ang mag-d-drive, Patricia. Eighteen na ako, pwede na akong magmaneho," pagpupumilit ko habang inaagaw ko ang susi sa kamay ni Patricia. Inawat naman ako nina Analyn at Letty na mukhang nagsisi na yata kung bakit nila ako pinainom. Ang kulit ko alam ko. Gusto kong awatin ang sarili ko ngunit alam kong hindi ko rin makontrol ito dahil ang lakas ng loob ko ngayon na sumubok ng mga bagay na hindi ko ginagawa noon. Parang pakiramdam ko ay may kalayaan ako na gawin ang lahat ng gusto ko ngayong gabi. "Ibigay mo na sa kaniya, Patricia. Aalalayan ko na lang siya," narinig kong ani ni Analyn sa kaibigan naming si Patricia na halatang atubili pa rin na ipagkatiwala sa akin ang kotse niya. "Are you sure? Paano kung mabangga kayo?" "Don't think like that. Ako ang bahala, okay?" "Okay. Ikaw na ang bahala sa sasakyan ko, Analyn. Susundan na lang namin kayo ng driver ni Jelsea," bumubuntong-hiningang pagsuko ni Patricia at saka tumingin sa gawi ko. Ngumiti lang ako kay Patricia. Hindi ko naman ibabangga ang kotse niya. "Alright...I assure you, sis." "Let's go then." "Yahoooo! I will drive a car," ani ko nang mahawakan ko na ang susi sa kamay ko pagkatapos itong ilapag ni Patricia sa palad ko ang susi. Agad ko namang tinungo ang sasakyan niya at binuksan ang pinto at lumulan kami ni Analyn. "Wear your seatbelt," paalala ni Analyn sa akin. Sinunod ko naman ang sinabi niya kahit na para bang hindi ko bet magsuot ng seatbelt dahil pakiramdam ko ay punong-puno ang tiyan ko ng alak. But safety first muna. Sana lang talaga ay hindi ko maibangga ang sasakyan ni Patricia kung hindi lagot ako sa mga magulang ko at lagot naman siya sa mga magulang niya. Marunong akong mag-drive. Hindi lang talaga ako pinapayagan na magmaneho dahil menor de edad pa ako. "Jel, hinay-hinay. Remember, you're drunk. Birthday mo bukas at malalagot tayong lahat kapag nabangga mo 'tong kotse ni Patricia," Analyn screamed at me nang mag-overtake ako sa isang sasakyan. "I know what I'm doing. Hindi ako lasing, may tama lang," sabi ko at saka tumawa ng mahina." "Sana lang. Ayaw ko pang mamatay kaya ayusin mo ang pagmamaneho mo. Sinasabi ko na sa iyo, mumultuhin kita at hihilain ang paa." Tumawa lang ako sa sinabi ni Analyn at nagkonsentra sa pagmamaneho nang makalayo na kami sa bar. Kasunod namin ang driver ko sakay sina Letty at Patricia na mukhang kinakabahan na sa pagewang-gewang kong pagmamaneho. Inaantok na ako at ilang beses na pumikit ang mga mata ko. Si Analyn na kausap ko lang kanina ay nakatulog na sa kalasingan. Mas lalo akong inantok nang makita ko ang posisyon niya. Nainggit ako at parang gusto ko na rin matulog. "Beep! Beep! Beep!" Busina ng sasakyan na gumising sa aking kamalayan. Pati si Analyn na nakatulog ay nagising na rin. "Oh my God! May mababangga tayo!" tili ni Analyn na labis na nagbigay ng taranta sa akin. Bago ko pa magawang ibwelta sa kabilang direksyon ang sasakyan na minamaneho ko, nagtuluy-tuloy na kami sa pagbangga sa isang sasakyan na humahagibis patungo sa lane na tinatahak namin. "Ahhhhhhhh!" sigaw namin ni Analyn na nagawa pa naming umiwas sa pagbangga sa kasalubong namin na sasakyan ngunit ang kasalubong naman naming sasakyan ay bumangga naman sa mga bakal na nakausli sa gilid ng kalsada. Napapikit ako nang makita kong tumusok sa harapan ng kotse ang maraming bakal dahilan para lumikha ito ng ingay at mapasigaw sa sakit ang driver ng naturang kotse. Alam kong pati ang driver ay maaaring matusok nito at mamatay siya kapag hindi siya nakaiwas. Base sa itsura ng sasakyan, malamang nadale rin siya. Nanginig ako sa takot at napahagulgol ako ng malakas. Tarantang niyakap naman ako ni Analyn at pilit na pinapakalma. Alam kong ako ang may kasalanan ng lahat. Inagawan ko siya ng lane kaya heto at sinapit niya ang ganitong trahedya. Paano na? Makukulong ba ako? Sana lang mabuhay ang driver. Habangbuhay na dadalhin ng kunsensiya ko ang nangyari sa kaniya kapag siya ay namatay. "Calm down, Jelsea. Please...stop crying. Inhale, exhale. Walang nakakita sa nangyari kaya pwede tayong tumakas." "H-hindi...kailangan natin siyang itakbo sa ospital." "f*****g no! Pati ako ay madadamay! Come on, let's go bago pa may dumaan na ibang sasakyan dito!" "N-no...pananagutan ko ang nangyari sa kaniya..." tangis ko na sising-sisi. "Magpapakulong ka? Are you out of your mind? Come on! Umalis na tayo bago pa tayo hulihin lahat ng pulis dito!" histerikalna sabi ni Analyn at binuhay ag sasakyan. Wala akong nagawa...sinunod ko ang gusto ni Analyn at pinatakbo paalis ang sasakyan doon. Umiiyak ako habang taimtim na nagdarasal na sana mabuhay pa siya. Sana wala ring nakakita sa nangyari dahil ayaw ko ring makulong. "Tahan na. Magtataka sina Tita kapag nakita ka nilang ganyan ang itsura mo." "N-natatakot ako..." "Don't be...okay?" Tumango na lang ako. Pero sa isip ko naman ay paulit-ulit akong humingi ng tawad sa taong nakabangga ko. "I'm so sorry...hindi ko sinasadya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD