What if ikaw ang dahilan kung bakit napahamak ang isang tao dahil sa kapusukan mo?
Kakalimutan mo na lang ba ito at iisipin na lang na hindi nangyari iyon?
Pero paano kung hindi matahimik ang konsensiya mo dahil ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang kaniyang paningin.
What would you do?
Are you just going to forget and try to move on na parang walang nangyari? Or will you help him heal just to clean your conscience?
Ang isang dahilan lang para makabawi ka sa kasalanan mo sa kaniya na hindi niya alam, magpanggap ka ngayong katulong para kahit papaano ay makabawi ka man lang sa pagkakasala mo sa kaniya.
Ngunit paano kung mali pala ang iyong naging desisyon?
Ano ang gagawin mo kung huli na para umatras?
Lalo na kung lihim ka ng umiibig sa kaniya at malaman mo ang tunay niyang pagkatao.
Paano kung dumating ang panahon na mabunyag ang sikreto mo at malaman niyang ikaw ang dahilan kung bakit siya nabulag.
Tatanggapin mo ba ang parusa niya?
Oh, lalayo ka na lang baon ang sakit at pag-ibig sa puso mo na para lang sa kaniya?
"Nagpanggap kang katulong para mapalapit sa akin? Para ano? Para patayin ako?" galit na sigaw ni Walden sa akin habang sakal niya ako sa aking leeg.
Halos hindi na ako makahinga sa pagkakasakal niya sa akin ngunit wala naman akong magawa para alisin ang kaniyang palad sa leeg ko at pigilan siya sa gusto niyang gawin sa akin.
Masakit na makita siyang ganito kasama tumingin sa akin.
Mahal na mahal ko siya at nasasaktan ako dahil sinasaktan niya ako ngayon at parang gusto ng paslangin.
Kanino kaya niya nalaman ang totoo?
Sinabi ba ni Nanay Caring?
Oh baka naman kasi ang malditang si Selya na patay na patay sa kaniya at gustong pumalit sa pwesto ko maalagaan lang ang bulag na ruthless naming amo.
Hindi kasi ako nag-ingat. Nalaman tuloy ang sikreto ko. Malamang si Selya ang nagsabi kay Master Walden ng lahat para mapatalsik ako rito!
"Tell me? Are you a spy? Narito ka ba para patayin ako at alamin ang sikreto ng grupo namin?" he asked angrily. Halos matulig na ako sa lakas ng sigaw niya. Sinikap ko rin na makahinga ng maayos ngunit mahigpit ang hawak niya sa aking leeg.
"N-No..." umiling ako habang sisinghap-singhap na ako para sa aking hininga at buhay.
Pakiramdam ko ay mawawalan na ako ng hininga any moment at mag-r-rest in peace na virgin.
Dapat masabi ko ang totoo sa kaniya. Dapat masabi ko rin na mahal na mahal ko siya at handa akong gawin ang lahat mapatawad lang niya ako sa kasalanan na nagawa ko.
Kahit hilingin nga niya ang puri ko ngayon ay kusa ko 'tong ibibigay mapatawad lang niya ako.
"Liar!" Dumagundong ang lakas ng boses niya sa apat na sulok ng bahay niya. Halos tumalsik na ang laway niya sa mukha ko ngunit hindi man lang ako nakaramdam ng pandidiri.
"Ang sabihin mo ay humahanap ka lang ng timing para patayin ako! Para alamin. ang sikreto ng mafia na kinabibilangan ko! Aminin mo na! Iyan ba ang misyon mo kung bakit ka narito sa bahay ko!" bintang niya na hindi naman iyon ang totoong dahilan kung bakit ako narito.
"N-no, Master Walden. I am not. P-please. Listen to me. Hindi iyan ang ipinunta ko rito," hirap na hirap na sabi ko habang panay ang buhos ng luha ko at singhap ko para sa aking buhay.
"Then what?" Lumuwag ang pagkakahawak niya sa leeg ko. Mukhang naawa rin ang demonyo.
"Explain to me why you are here? Bakit ka nagpapanggap na katulong when you are not? Anak ka pala ng isang alahero, pero bakit narito ka sa palasyo ko at nagpapangap na ibang tao?"
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya nang marinig ko ito sa kaniya kahit hindi naman niya ako nakikita. Para kasing pakiramdam ko ay nakikita niya ako sa paraan ng pagtingin niya sa gawi ko. Ngunit agad ko ring ibinalik nang marinig ko siyang sumigaw mismo sa harapan ko.
"Answer my damned questions to you, Jelsea!"
No choice ako. Sasabihin ko na sa kaniya ang totoo lalo na at pwede niyang iutos na patayin ang mga magulang ko kapag hindi pa ako kumanta sa kaniya.
Ang bilis naman niyang nalaman ang tunay kong pagkatao. Nakakainis talaga ang Selya na 'yon! Sana makarma siya! Kainis!
"G-Gusto ko lang bumawi, Master Walden..."
"Bumawi for what?" bumaba ang tono niya nang marinig niya ang sagot ko.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
I don't have any choices...
I need to tell him why I am here.
"I-I was...t-the..." paputol-putol na sabi ko.
"Bullshit! Huwag kang pa-suspense! Wala tayo sa nobela para umarte ka ng ganiyan!"
Wala akong nagawa kundi ang magpatuloy.
Bahala na.
Kung patayin man niya ako ngayon, at least malinis na ang kunsensiya ko. Pwede na akong mamatay kahit hindi pa ako nakakatikim ng luto ng Diyos.
"A-Ako ang dahilan kung bakit ka nabulag..." walang gatol na sabi ko habang mabilis na nag-uunahan ang mga luha sa aking mga mata.
"What the f**k?!" malakas na sigaw niya habang galit na galit na nagmumura.
Patay! Papatayin nga yata niya ako! Mas lumala ang galit niya nang malaman niya na ako ang dahilan kung bakit siya nabulag. Sino naman ang hindi? Kahit sino naman ay magagalit.
"Ikaw? Ikaw pala 'yon?" Hindi mapigil na galit na sabi niya. Gigil na gigil siya dahil kita ang pagtatagisan ng kaniyang mga bagang. "Putangina mo kung ganoon!" Pabalya niya akong binitiwan at halos mapasigaw ako nang humandusay ako sa sahig at tumama ang ulo ko sa bakal na frame ng kamang madalas ay pagpantasyahan ko na higaan kasama siya.
"Aray..." mahinang bulalas ko.
Napapikit ako sa sakit habang patuloy pa rin ako sa paghabol sa aking hininga. Napaka-harsh talaga ng lalaking 'to kahit kailan!
Napakawalang puso!
Napakamanhid!
Hindi siya tao!
Isa siyang demonyo!
"Stand up!" utos niya nang makapalapit siya sa akin at makapa ang buhok ko. Hinila niya ito kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo kahit nahihilo pa ako.
"Now, undress yourself and serve me on my bed!"
Nanlaki ang mga mata ko.
Matutupad na ang pangarap kong makasama siya sa kama niya. Pero hindi sa ganitong paraan.
"N-No...Master..."
"Yes! Iyan ang kapalit ng ginawa mo sa akin!"
"No...please...hindi ko naman sinasadya 'yon!"
"Wala kang karapatan tumanggi! Serve me on my bed or else..."