Jelsea's POV
Kinabukasan, inagahan ko ang gumising. Nag-set up ako ng alarm ng mga alas-siyete para magising ako.
Bale dalawang alarm ang ginamit ko para sure na magigising ako sa takdang oras na itinakda ko. In-set ko ang alarm clock na nasa itaas ng bedside table ko at ang isa naman ay ang alarm sa aking cellular phone na nilagay ko naman sa bandang parte ng ulunan ko.
For sure naman siguro ay maririnig ko ang tunog ng mga ito.
Nagpasya na akong matulog pagkatapos kong ma-set ang alarm. Nasa kahibangan na ako ng tulog ko nang biglang maalimpungatan ako.
Kringggggggggggg!
Pupungas-pungas na nagmulat ako ng aking mga mata.
“Ang bilis naman ng oras,” himutok ko sa sarili ko. Parang kakatulog ko lang kasi. Parang mga sampung minuto lang ang lumipas, tapos boom! Biglang alas-siyete na ng umaga bigla!
Pambihira!
Dinaya yata ako sa oras?
Pero hindi, nakita ko na maliwanag na sa labas ng bintana at nagtitilaukan na ang mga tandang sa labas tanda na umaga na.
Tinatamad tuloy akong tumayo mula sa kama ko dahil bitin na bitin pa ang tulog ko. Madaling-araw na rin kasi natapos ang party kaya heto at para akong zombie na naglalakad patungo sa gawi ng banyo habang lutang ang aking isip.
A warm shower will do, I know. I know it will help to wake up all my senses. Sana nga dahil lutang talaga ako at walang pumapasok na ideya sa utak ko. Para lang akong zombie, buhay pero patay din.
Hay! Ang gulo! Basta, 'yon na 'yon!
Tinimpla ko agad ang tubig sa shower nang maisara ko ang pinto ng banyo. Gusto ko sana malamig ang ipanligo ko para talagang sure na magigising ang buong sistema ko. Kaya lang, hindi ko kaya. Baka manginig lang ako sa lamig ng tubig at agad na matapos ang pagligo ko ng wala sa oras. Kaya go na lang ako sa warm bath para magawa ko ang ritwal ng skincare ko kahit papaano.
Nag-sign of the cross ako bago ako nagbuhos ng tubig sa katawan ko at pagkatapos ay nagsimula na akong mag-shampoo, nagsabon, at naghugas ng maigi ng pekpek ko.
Nang matapos ako ay agad-agad na lumabas ako ng banyo at pumasok sa walk in closet ko para pumili ng susuotin.
Simpleng puting t-shirt at black na trouser ang napili kong isuot. In-tuck in ko ito paloob at nang makuntento ako sa porma ko ay saka ako pumili ng sapin sa paa. Tinernuhan ko ito ng puting sneakers at itim na sling bag naman para sa final touch ng outfit ko.
I didn't put on any makeup on my face. Hindi ako sanay. Kahit powder nga at lipgloss ay hindi rin ako nag-a-apply. I tried it once but I felt uncomfortable. Pakiramdam ko kasi ay ang kapal ng mukha ko kapag naglagay ako ng pulpos. Sa lips ko naman ay feeling ko may nakalagay na mantika rito kapag nagpahid ako ng lip gloss. Kaya ang ending, lumabas ako ng kwarto ng walang kahit anong kolorote sa mukha.
Natural beauty ba. Hindi ko na kailangan ng makeup enhancement para lang gumanda. Maganda na ako, period.
“Good morning, Yaya Medring.Where's my Mom and Dad?” Tanong ko sa unang katulong na nakita ko pagbaba ko ng kwarto ko. Nagpupunas ito ng muwebles nang abalahin ko ito.
“Magandang umaga rin sa iyo, Miss Jelsea. Pumunta sila ng Pangasinan. Hindi ba sila nagsabi sa iyo kagabi na magsisimba sila sa Manaoag?” tanong ng katulong na hindi naitago ang pagtataka sa kaniyang mukha.
Nag-isip ako saglit kung may sinabi ba si Mommy. I can't remember anything. Wala akong maalala kaya umiling ako sa tanong ng katulong.
“What time po sila nagbiyahe? Bakit hindi man lang sila nagsabi.”
Wala naman akong plan na sumama. Tsaka may iba akong plano ngayong araw na ito at iyon ay hanapin kung saang ospital naroroon ang taong naaksidente dahil sa katangahan ko.
Pero iba pa rin iyong alam ko kung saan sila pupunta. Wala kasi talaga akong maalala na nagsabi si Mommy sa akin at parang nakakatampo na hindi man lang sila nagsabi sa akin. Sanay kasi ako na nagsasabi sila kung saan sila nagpupunta, malayo man ito o malapit.
Anyway, okay lang naman sa akin. May plano ako today at mas maigi na wala sila rito sa bahay. Walang dapat makaalam ng gagawin ko isa man kina Daddy at Mommy dahil lagot na kapag may nakatuklasan sila.
Nagtatalo ang loob ko sa totoo lang kung itutuloy ko ba o hindi ang plano ko. Pero mahirap na kalaban ang konsensya. Alam kong hindi ako patatahimikin nito hanggang wala akong ginagawa para kahit papaano ay gumaan ang kasalanan ko.
Masyado talaga akong na-g-guilty to the point na gusto kong bumawi buhay man o patay iyong victim.
Para man lang malinis ang konsensya ko kahit papaano.
“Maaga silang umalis. Mga alas-singko na yata iyon. Hindi ka na nila siguro ginising dahil alam nilang puyat ka pa sa party mo kagabi,” ani ng katulong.
“Ganoon na nga po siguro, Yaya.”
“Ikaw? May lakad ba?” sita ni Yaya Medring nang mapansin niya ang ayos ko.
“Pupunta lang po ako kina Analyn. May dadaanan lang po akong regalo na hindi nila nadala kagabi,” palusot ko kahit hindi naman ito ang tunay na dahilan.
Sa ospital ang sadya ko at dapat makauwi rin agad ako para hindi malaman nina Daddy at Mommy na umalis ako. Kakausapin ko na lang si Yaya Medring tungkol dito. Pati si Mang Larry ay sasabihan ko rin na huwag ng magsasabi sa mga magulang ko na lumabas ako.
Madali naman pakiusapan ang magkapatid kaya naman panatag na ang loob ko kahit papaano.
Dalawang ospital lang naman ang pagpipilian ko ngayong araw. Isa sa bandang norte at isa naman sa bandang south. Private ang isa at ang isa naman ay public lang. Kapag hindi ko siya natagpuan sa dalawang ospital na iyon, malamang sa regional siya dinala. Sa ITRMC sa San Fernando City. Or maybe that person is dead at sa morgue ko na lang siya matatagpuan.
Kinilabutan ako sa aking naisip at parang masusuka ako nang maisip ko ang itsura ng loob ng morgue. Maraming bangkay, amoy pormalin at higit sa lahat ay posibleng maraming multo sa paligid na pagala-gala at hindi alam ang kanilang pupuntahan.
I’m sure sa private hospital dadalhin ang pasyente kung buhay ito. May kaya ito base na lang sa Trailblazer na gamit nitong sasakyan nang maaksidente.
Alam kong kasama ang kotse sa magiging danyos ko kapag nalaman nila na ako ang salarin. Ilang milyon kaya ang magagastos ng mga magulang ko kapag may nakaalam na ako iyon.
Parang gusto ko na tuloy umurong sa paghahanap sa taong nabangga ko. Baka kasi paghinalaan pa ako kung sakali. Umuurong tuloy ang pwet ko dahil sa takot at kaba.
"Where are you?" Himutok ko habang nag-e-emote ako rito sa lobby ng ospital. Pagod na ako kakalakad at kakatanong sa kung kani-kaninong nurse para lang matagpuan ang pakay ko rito.
Wala naman akong napala kaya heto at nagmamaktol ako. Confidential din kasi ang record ng mga pasyente rito kaya wala akong magawa kundi magtiyaga na isa-isahin ang mga kwarto na sa tingin ko ay naroon ang pasyente.
Pero bigo ako...hindi ko talaga siya mahanap.
Masakit na ang paa ko sa kakalakad kaya nagpasya ako na tumigil muna sa paghahanap. Nagugutom na rin ako dahil hindi ako nakakain ng almusal. I forgot dahil nagmamadali akong umalis kanina ng bahay.
Last option ko na ang morgue kapag wala akong napala rito. Pero susubukan ko pa rin na hanapin siya. May second floor at third floor pa, siguro naman isa man sa mga kwartong naroon sa itaas ay naroon siya.
Sana nga, gusto ko lang talagang malamanang kalagayan niya.
Kumain muna ako sa isang cafeteria na nakita ko malapit sa ospital. Kakain muna ako para may lakas ako para maghanap sa taas ng ospital mamaya. Sana matagpuan ko na roon ang pakay ko. Kapag nalaman kong buhay siya, babalik ako at iisip ng paraan para makabawi sa kaniya. Kapag patay naman, ibibigay ko ang lahat ng laman ng atm ko bilang abuloy. Alam kong hindi sapat iyon, kulang pa dahil buhay ng isang tao ang nasayang. Paano na lang kung may pamilya ang lalaki? Maliliit na anak at asawa na walang trabaho, mas lalo akong magi-guilty nito.
"Miss, kamag-anak ka ba ni Master Walden?" natigil ako sa pagpasok sa pinto ng huling private room dito sa ikalawang palapag nang sitahin ako ng nurse na hindi ko nakita na nasa loob at may kung anong tinuturok na gamot sa dextrose ng pasyente.
"A-ahm...yes...pinsan po niya ako," magalang kong sabi at saka ngumiti ng maluwag sa nurse. Ganito rin ang pakilala ko sa mga taong nadaratnan ko sa loob ng mga kwartong unang napuntahan ko na kapag may nagbabantay. Subalit agad ko rin itong binabawi kapag nalaman ko na hindi pala siya ang hanap ko.
Sana itong panghuli, tumama na ako. Sana siya na ang hinahanap ko.
"Narito ka ba para dalawin siya, Miss?"
"Oo, sana. Kasi nabalitaan ko na naaksidente siya noong nakaraang gabi sa may bandang norte. Iyong sasakyan na tumusok sa mga nakusling bakal sa gilid ng kalsada," tuloy-tuloy na sabi ko at tumingin sa lalaking walang malay at may benda sa buong ulo.
Pakiramdam ko siya ang hinahanap ko. Bakit siya magkakaroon ng benda sa buong ulo niya kung hindi siya natusok sa mga bakal.
"Naku! Nakakaawa si Master Walden. Mawawalan siya ng paningin dahil sa aksidenteng iyon. Tapos ang masama pa, hindi matukoy kung sino ang salarin dahil walang CCTV camera at nadale rin sa aksidente ang dashboard camera niya kaya hindi matukoy kung nagsolo ba siya may nakabanggaan siya bago siya maaksidente," wika ng nurse na labis na gumimbal sa pagkatao ko.
Mahabaging langit!
It's him!
Siya nga ang hinahanap ko!
Diyos ko!
Sa wakas nahanap ko rin siya!
Kahit papaano ay gagaan na ang bigat sa dibdib ko. Pero ang guiltiness na nararamdaman ko ay dumoble. Mawawalan siya ng paningin dahil sa ginawa ko.
Gusto kong umiyak at humingi ng kapatawaran sa kaniya. Subalit mukhang masama ang lagay ng lalaki. Mukhang nasa comatose rin yata siya base sa lagay ng katawan niya at mga aparatong nakadikit sa kaniyang katawan.
"A-ah, ganoon ba? Nakakaawa naman siya."
"Under comatose rin ang pinsan mo, Miss. Mga ilang araw din siguro iyon bago siya gumising," kwento pa ng nurse dahilan para tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.
"But don't worry, he's safe naman. Wala namang kaso iyong comatose. Dahil lang iyon sa mga gamot na tinurok sa kaniya gawa ng kaniyang operasyon."
Lumuwag ang paninikip ng dibdib ko sa aking narinig.
Dapat kailangan na akong umisip ng paraan para makabawi sa nagawa kong kasalanan.
"Lapitan mo na siya. Lumabas ka na rin mamaya. Bawal kasi muna ang bisita. Pero dahil narito ka na, pinapasok na kita para makita mo siya kahit saglit lang. Pero saglit ka lang talaga dito, Miss. Babalik na rito ang mga nagbabantay niyang bodyguard kaya dapat huwag ka nilang makita. Maaari ka nilang paghinalaan na suspect kapag nakita ka nila rito. Restricted kasi ang kwartong ito at hindi ko alam kung hindi mo ito napansin o at nakita at pumasok ka ng walang paalam."
"Hindi ko napansin, Ma'am. Pasensiya na po," hingi ko ng paumanhin sa nurse. Wala akong napansin dahil sa pagiging lutang ko na rin.
"Ayos lang, Miss. Pero sana umalis ka na bago pa dumating ang mga tauhan ni Master Walden. Balik ka na lang kapag okay na ang pasyente."
"Okay..." wala akong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya. Ayaw ko rin naman na mahuli at paghinalaan.
Naisip ko, mukhang importanteng tao ang nadali ko kaya mahigpit na binabawalan siya na bisitahin. May nagbabantay pa ngang mga tao na kung bakit nagsabay-sabay naman ng alis. Mga walang utak din, pwede naman silang salitan.
Mabuti na rin iyon, nalaman ko tuloy na siya ang hinahanap ko. Master Walden ang tawag ng nurse, naku! Baka anak ito ng isang napakayamang pamilya!