Jelsea's POV
Abala ako sa pagsipat sa make up ko sa aking mukha sa harapan ng tokador nang biglang bumukas ang pinto. Akala ko ay ang make up artist na nag-ayos sa akin ang bumalik dahil may nakalimutan ito o kung ano man ang sadya niya sa pagbalik niya. Ngunit iba ang nakita kong pumasok. Si Mommy pala ito at tila nagmamadali siya na lapitan ako.
“Are you ready to go downstairs, Jelsea?” My mom asked me excitedly when she went near me. Nakatingin siya sa akin sa repleksyon ko sa salamin at masasabi ko na satisfied siya sa obra ng kinuha niyang makeup artist. Sa klase pa lang ng ngiti sa kaniyang mga labi, I know she loved my makeup. Gaya ko, nagustuhan ko rin ang makeup ko.
It's pretty.
Simple yet elegant...
“I am ready, Mommy. Bakit po? Marami na po bang bisita sa baba?” magalang kong tanong. Medyo nakadama ako ng kaba dahil hindi ako sanay humarap sa maraming tao. Kung tutuusin, si Mommy at Daddy lang ang excited na mag-debut ako. Ako, parang wala lang. Parang ordinaryong araw lang din ito para sa akin. Madadagdagan lang naman ang edad ko at magiging legal na sa lahat. What is so excited on that? Hindi ako nagmamadali na maging adult, I just want to be free. Siguro naman, hindi na ako ituturing na baby nina Daddy at Mommy. Wala na sigurong bubuntot-buntot sa akin saan man ako magtungo. Wala na rin sigurong tawag nang tawag kapag late akong umuwi from school or kung saan ko man nais magpunta.
But I doubt it, I know they will still treat me like a child. Pero siguro hindi na masyado lalo na at may karapatan na akong magdesisyon para sa sarili ko.
"Yes, marami na...halos lahat ng kamag-anak natin ay naroon na. Ikaw na lang ang kulang kaya bilisan na nating bumaba at baka mainip ang ilan lalo na iyong mga unang dumating."
"Ah...okay po," tangi kong nasabi na pilit kong itinago ang kaba sa aking reaksyon. Ang dami na pala, naku! Paano ako nito? I feel nervous...last year, ganito rin ang nadama ko nang mag-celebrate naman ako sa isang hotel sa Pangasinan.
"Kinakabahan ka ba, anak?" nag-aalalang tanong ni Mommy nang mapansin niya na natahimik ako.
Umiling ako sa sinabi ni Mommy at nagpatuloy ako sa pagsipat sa mukha ko. Tapos saka lang ako tumigil nang makita kong naiinip na si Mommy sa ginagawa ko.
"Saglit na lang po, Mommy." sabi ko dahil nire-relax ko pa ang sarili ko.
“Come on, tama na iyan. Halos mapuno na ang mga upuan sa baba, anak. Halika na sa baba, umpisahan na natin ang party para maaga tayong matapos at makauwi ng maaga ang mga bisita. Malayo pa ang uuwian ng ilan at alam nating mahirap bumiyahe kapag madaling-araw dahil bihira na ang sasakyan na nagdaraan," ani ni Mommy na naiinip na.
“Oo nga po. Lalo na iyong nag-commute lang para makadalo sa kaarawan ko,” sang-ayon ko na lang sa naging pahayag ni Mommy. May mga kamag-anak kasi kami na mas gusto pa mag-commute kaysa gumamit ng sasakyan. Ewan ko kung dahil nagtitipid sila sa gas or mas bet nila ang mag-commute dahil less pagod, less gastos pa dahil mapapamura sila sa diesel at gasolina.
“Kaya halika na nga at tayo ay bumaba na para simulan na ang party mo," ulit ni Mommy sa pag-aya niya sa akin sa baba. Hindi na talaga siya makapaghintay na makababa ako. Mas excited pa talaga siya sa akin sa party ko.
“Opo, Mommy. Tara na po." Sabi ko. Tumayo ako at inayos ang gown ko.
“Happy birthday again, my princess. I love you. Huwag ka munang mag-aasawa, pakiusap,” ani ni Mommy habang pinagmamasdan ako sa suot kong gown. Nakita ko na naluluha na siya. Hinihintay ko 'tong drama niyang ito sa totoo lang dahil hindi ako sanay na hindi siya nagdadrama sa akin.
Natawa ako ng mahina sa sinabi ni Mommy. Ako mag-aasawa agad? Paano kaya iyon eh ni wala akong boyfriend. Bawal sabi nila. Ako naman itong masunurin at sinusunod ang gusto nila. Ayaw kong magalit sila sa akin ni Daddy, kaya takot akong gumawa ng mali at laging sinusunod ang utos nila. Pero may isa akong sikreto na alam kong ikakagalit nila ng matindi. Sana lang talaga makaligtas sa kapahamakan iyong tao na nadisgrasya dahil sa akin para mawala na ang agam-agam sa aking dibdib.
Nagi-guilty ako.
Lagi akong nakatanaw sa labas at naghihintay ng mga pulis na dadampot sa akin. Pero wala, mukhang wala yatang CCTV camera sa banda roon kaya wala pang dumadampot sa akin. Maliban na lang kung patay iyong lalaki.
Kinilabutan ako sa aking naisip lalo na nang maisip kong baka tumusok lahat sa katawan niya ang mga bakal na tumusok sa kaniyang sasakyan.
Kanina pa sana ako baba sa totoo lang ngunit inibahan ng bakla ang ayos ng buhok ko. Hindi raw siya satisfied sa ayos ng buhok ko at hindi raw bagay sa akin. Kaya naman inulit niya ang ayos at heto nga, napakaganda at mas bet ko. Para akong tunay na prinsesa. I love na rhinestones that he put on my hair. Kakulay ng mga batong iyon ang nakalagay sa aking gintong korona.
“I love you more, Mommy. Thank you for always providing me what I want. Promise po, hindi pa po ako mag-aasawa. Palalaguin ko pa po ang mga negosyo natin at magtatayo ako ng mga branch nito sa bawat sulok ng bansa,” pangako ko.
“Salamat naman at pareho kayo ng mindset ng mga kuya mo, Jelsea. Ang swerte ko na maging ina ninyong tatlo,” naluluha na sabi ni Mommy. Heto na talaga siya sa mga drama niyang walang katapusan.
And speaking of my two kuya, nasa baba na kaya sila? Nakauwi kaya sila?
I'm so excited to see them. Saka mo lang sila nakikita at nakakausap ng personal kapag umuuwi sila tuwing may importante na okasyon.
Konting dramahan pa ay bumaba na rin kami ni Mommy.
Nagulat ako nang makita ang maraming tao na bumungad sa aking paningin. Parang gusto kong umatras ngunit hinawakan ako nina Mommy at Daddy sa aking baywang dahilan para umabante ako paharap.
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako habang nakatingin ako sa magarbong ayos ng paligid dito sa garden ng bahay namin kung saan ay idadaos ang kaarawan ko ngayon gabi.
Mala-fairytale ang theme ng birthday ko. Lahat ng kulay na naririto ay pink at lila. Tapos may makinarya na nagbubuga ng bubbles sa gilid. May mga paru-paro rin na lumilipad sa paligid na nagbigay ng magical aura sa paligid. Idagdag pa ang amoy ng mga rosas na nakalagay sa mga naglalakihang jars na nakaayos sa bawat gilid ay naaamoy ang aroma nito sa paligid.
The decorations are so perfect in my eyes. Nasunod ang gusto kong mangyari at bawat detalye na sinabi ko sa mag-aayos ay sinunod nilang lahat.
Maganda ang background song habang nakaupo ang mga bisita at naghihintay na magsimula ang party.
Maging ang suot na damit ng mga bisita ay sunod din sa theme ng birthday ko. May mga nakasuot ng pang-knights, prinsipe, prinsesa, duke, duchess, hari at reyna.
Pero siyempre hindi nila matatalbugan ang ayos ko ngayong gabi. Masasabi kong angat ang kagandahan ko sa lahat dahil sa husay ng make up artist ko. Sinigurado niya na mangingibabaw ang ganda ko lalo na ang suot kong pulang gown na binili pa nina Daddy at Mommy sa France. It cost hundreds of thousands, I know. Sa tela pa lang, mga bato at beads ay makikita na ang hindi basta-basta ang mga ito. Even the stiletto that I wear, alam kong libo rin ang halaga nito dahil sa brand na nabasa ko sa karton nito.
Kaya lang, hindi ako masaya. Nalulungkot ako dahil napakamalas ng araw na ‘to para sa akin. Sa mismong araw ng birthday ko pa may mangyayaring masama. May taong naaksidente dahil sa pagiging mapusok ko at nakokonsensiya ako sa totoo lang. Gusto kong pagbayaran ang nagawa ko sa kaniya. Gusto kong bumawi pero hindi sa paraan na pagbabayaran ko ito sa loob ng kulungan. Ayaw kong mapahiya ang buong angkan ko. Ayaw ko rin bigyan ng sama ng loob ang mga magulang ko lalo na at nag-iisang anak nila akong babae. Matagal nilang hinintay na dumating ako sa buhay nila at ayaw kong maging malaking disappointment ako sa kanila.
Mabuti na lang at nagawa ko itong iwaglit saglit sa aking isipan nang magsimula na ang party. Naaliw ako sa pagsasayaw at mga pasurpresa nina Mommy at Daddy. Tapos nalula ako sa mga regalo ng mga bisita ko lalo na ang galing sa mga ninong at ninang ko. Ang bobongga, may nagregalo pa ng lupa roon sa Manila, sa Greenhills yata. Ewan, hindi ko na tanda kaya naman heto at saglit kong nakalimutan ang problema na gumugulo sa aking isipan.
Tapos na ang mga pa-games at kung ano-ano pa, nagsisikain na kaming lahat. Ako lang itong walang gana at hindi ko man lang nagalaw ang pagkain sa plato ko.
Paano, biglang bumalik sa isipan ko ang tungkol sa tinakbuhan kong aksidente. Nagi-guilty talaga ako. Gusto kong makita ang pasyente. Gusto kong malaman ang kalagayan niya dahil hindi matahimik ang konsensiya ko.
Nagi-guilty ako.
I need to see the patient. Iisip ako ng paraan kung paano ako makakabawi sa kaniya.
Kailangan kong malaman kung saang ospital siya dinala.
Bahala na. Gusto ko lang malinis ang aking konsensiya. Alam ko, kapag nakita ko siya at nalaman ko ang kalagayan, gagaan ang nadarama kong guiltiness sa puso ko.
Sana nga...