Jelsea's POV “Insan, eighteen lang siya,” pahabol na wika ni Sir Wallace ng patungo na kami ni Master Walden patungo sa hagdanan. Bakas ko ang boses niya ang panunudyo kaya na-gets ko agad ang ibig niyang sabihin. “Alam ko,” sagot naman ng amo ko na ngising-ngisi. “Baywang kasi iyang hawak mo. Paalala lang at baka dumausdos pababa eh baka kung ano ang mahawakan mo.” Namula ako sa tinuran ni Sir Wallace. Gusto ko tuloy itulak si Master Walden baka mangyari iyong sinabi ng pinsan niya, kaya lang baka kung mapaano na naman siya kapag ginawa ko iyon kaya nag-atubili ako na gawin at nagtiis na lang sa hawak niya. Mamaya nabagok ang ulo niya eh dagdag na naman iyon sa kasalanan ko sa kaniya. Matitiis ko naman na hawakan niya ako ng ganito. Wala rin naman kasing kakaiba sa hawak niya. Si Sir