Jelsea's POV Tulala ako habang nilalaro ng mga paa ko ang tubig na narito sa pool. Dito ako dinala ng mga paa ko pagkatapos akong hayaan ni Dr. Justin na makaalis ng kwarto ni Master Walden. Akala naman kasi niya ay may maitutulong ako sa kaibigan niya. Gaya ng sabi ko, wala akong powers para muli siyang makakita. Kung meron lang ako, iyon ang unang-una kong gagawin para makapaghugas kamay. Nakakalungkot lang dahil nang matanggal ang benda ay hindi pa rin siya nakakakita. Bulag pa rin siya. Alam kong isa sila sa umaasa na sana muli itong makakita. Ito rin ang ipinapanalangin ko. Maibalik lang muli ang paningin niya ay mapapanatag na ang loob ko. Sana makagawa si Dr. Justin at ang doktor ni Master Walden ng paraan para muling bumalik ang paningin niya. Ako ang unang matutuwa para sa kani