Walden’s POV “Wala kaming relasyon. Caregiver ko siya. Narito siya para alagaan ako,” paglilinaw ko para tigilan na nila ako. “Nagpapaniwala kasi kayo kay Wallace. Alam naman ninyong wala akong naging karelasyon nang maaksidente ako,” dagdag ko pa habang iniisip ko iyong sinabi ni Vulcan na buntisin ko na raw si Jelsea. Napalunok tuloy ako ng sarili kong laway dahil parang natuyuan ako ng lalamunan nang maisip kong katalik ko si Jelsea sa ibabaw ng kama ko. Mahilig pa naman sa bata ang mga kaibigan ko dahil halos lahat sila ay kalahati ng edad nila ay edad ng mga napangasawa nila. Nakatikim na rin ako minsan, hindi nga lang masarap dahil maluwag na. Akala ko kasi noon na porke bata pa ay wala pang karanasan. Nagulat ako nang hindi na virgin ang disiotso anyos na naka-one-night stand ko sa