Jelsea's POV “Shet! Naiwan ko ‘yong damit sa ibabaw ng kama ko!” bulalas ko nang makita kong hindi ko nadala ang mga damit na pagbibihisan ko. Walang nakapatong sa sink at wala ring nakasabit sa mga sabitan na nasa malapit sa shower area. “Tanga!” Nasapak ko ang sarili kong noo dahil sa aking katangahan. Sa dami ng makakalimutan ko ay iyong pagpapalitan ko pa. Hindi pa naman ako sanay maglakad na may kasamang tao sa loob ng kwarto, tapos lalaki pa. Masasapok ako ni Mommy sa ulo kapag nalaman niyang naglakad lang ako na nakatuwalya at walang suot na panloob! Paano na ‘to? Ang ikli pa naman ng tuwalya ko. Halos kalahati ng hita ko lang ang kayang takpan nito. Hindi man lang umabot sa tuhod ko kaya heto at nag-aatubili akong lumabas. Akala ko nadala ko ang mga damit ko. Siguro dahil sa p