ANDREA HERNANDEZ
“Stop smirking,” Kanina ko pa napapansin ang pag ngiti niya simula nang sumakay ako sa kotse niya.
“What? I’m not doing anything,” maang-maangan na sagot nito habang pilit itinatagong muli ang nakakairitang ngiti nito.
“Itigil mo ‘yang pag ngiti-ngiti mo. Nandito lang ako because I don’t have a choice,” I kept my gaze on the road. Mas lalo lang akong naiinis kung makikita ko ang nakakairitang mukha niya.
“Wala naman akong sinasabing ibang dahilan, hindi ba? Not unless meron talaga,” And he smirked again.
“I know you. Alam ko ‘yang mga pagngiti-ngiti mong ‘yan,” malamig na sagot ko dito.
“Really? So, you haven’t forgot me huh?” nanunuyang sagot nito.
I rolled my eyes on him.
“Can you just turn the radio on?” Hindi ‘yun pakiusap kundi isang utos. I’d rather hear some music than hear his non sense talking. He just smiled and follow what I said.
“Dito'y mayroon sa puso ko
Munting puwang laan sa 'yo
Maaari na bang magpakilala
Bawat araw sinusundan
'Di ka naman tumitingin8
Ano'ng aking dapat gawin
Kailan, kailan mo ba mapapansin
ang aking lihim
Kahit ano'ng aking gawin,
'di mo pinapansin
Kailan, kailan hahaplusin ang
pusong bitin na bitin
Kahit ano'ng gawing lambing,
'di mo pa rin pansin...”
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang kanta sa radio. Unbelievable!
“Pfft!” I heard him made that fizzling sound. Sinamaan ko siya ng tingin kaya mariin niyang naipinid ang mga labi niya upang pigilan ang namumuong tawa. Ako na ang nagpatay ng radio dahil ayoko nang marinig pa ang kanta.
“Bakit mo pinatay? I like that song,” aniya na may panunuya pa din sa mukha. Mukhang nasisiyahan siya sa pang-iinis sa akin,
“Shut up, will yah?” I automatically rolled my eyes.
Sumunod naman ito at sandaling nanahimik. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe nang muli siyang magsalita.
“I’m sorry for what I’ve said on the party,” aniya na seryosong nakatingin ang mata sa daan.
Napalingon ako sa kanya. Hindi makapaniwala kung talaga bang humihingi siya ng sorry. I remembered how mad he was on that night. Mas pinili kong hindi sumagot.
“I know you don’t like working with me or hate my presence,” muling aniya.
“Pero dala ng trabaho, hindi maiiwasang magkita tayo,” Alam ko naman ‘yun. Hindi niya kasalanan na siya ang pinili ni Alfred. Ang kapatid ko mismo ang nagsabi that he likes the professionalism and promptness of Jake. Baka ako lang talaga ang may problema.
“Kaya sana, let’s at least be civil. Sabi mo nga, may pinagsamahan naman tayo, diba?” Saktong huminto ang sasakyan dahil sa stop light kaya nagawa niyang tumingin sa akin. Suddenly, I felt that familiar beat of my heart again when I met his gaze. Matagal akong napatitig sa mga matang iyon.
“Hmm?” muling tanong nito. Hindi ko maintindihan kung bakit mas bumilis ang tahip ng dibdib ko.
“F-fine,” sagot ko at agad na nag-iwas ng tingin bago pa ako madala sa magagandang mata nito. Never again!
Nanatili na kaming tahimik sa biyahe.
Nang makarating sa opisina ay hindi ko na hinintay na pagbuksan ako nito ng pinto.
“Thanks,” malamig na saad ko sa kanya at sadyang hindi ko na siya tinapunan ng tingin pa.
“I’ll see you tomorrow?” napahinto ako at napabaling ng tingin sa tanong niya. Tinitigan ko siya ng may pagtataa sa mukha. Bakit naman kami magkikita? Amfeeling nito!
“Tomorrow is Ethan’s birthday. You’re invited, right?” Then I remembered. Tumawag nga pala si Mikee sa akin nung nakaraang araw upang anyayahan ako sa kaarawan ng inanak naming si Ethan. Naalala ko na bago pa man kami maghiwalay ni Jake ay madalas naming dalawin ang bata sa bahay ni Mikee. Parehas kaming mahilig sa bata at sadyang napaka cute ni Ethan kaya tuwang tuwa kaming dinadalaw at inaalagaan siya nung baby pa siya.
“Aren’t you coming? I’m sure Mikee will be disappointed” paalala nito sa akin. Nagsabi nga si Mikee na aasahan niya ang pagdating ko sa party dahil matagal na din na hindi ko nakita ang anak niya.
“I’m sure she’ll understand. I have prior commitments tomorrow,” Gustuhin ko mang makadalo dahil gusto ko ding makita si Ethan ay mayroon akong ibang bagay na kailangang asikasuhin bukas.
“I hope you can make time for Ethan. We used to visit him before. We even took care of him everytime Mikee and Oliver----“
“I already said I have prior commitments,” Mariing sabat ko. Hindi ko na siya pinatapos sa sinasabi niya. Hindi na niya kailangang ipaalala pa ang dati kung saan lagi naming dinadalaw si Ethan at nagbo-volunteer na alagaan ito sa tuwing may kailangan lakarin at asikasuhin ang mag-asawang Mikee at Oliver.
Hindi na siya muling nagsalita pa. Naglakad na ako papasok sa building at ilang sandali ay narinig ko na ang pagpandar ng kotse nito papalayo.
*****************
JACOB ARELLANO
“Kanina ka pa pabaling baling ng tingin, may stiffed neck ka ba?” Ani Oliver habang abala kami sa pagseset-up ng tables and chairs sa malawak na garden nila. Birthday ngayon ng anak nilang si Ethan. Maaga akong nagpunta para makatulong sa pag-aasikaso.
“Hinahanap niya kasi ‘yung bebe niya eh,” sabat naman ni Mikee na nasa kabilang bahagi naman at nag-aayos ng balloons at décor. Ang lakas talaga ng radar ng babaeng ‘to!
“You invited her,right love?” Baling ni Oliver sa asawa.
“Yes, I called her the other day. She said she has prior commitments and will just visit us some other time,” Paliwanag ni Mikee habang abala sa ginagawa. “Kaya huwag ka ng umasa diyan, Jacob” dagdag pa niya.
“Tss! Pinagsasabi mo?!” I tried to hide the disappointment. “I know she’s not coming. She told me yesterday,”
“So, magkasama kayo kahapon?” singit ni Oliver na may nakakalokong ngiti.
“Oo. Dahil ‘yang magaling mong asawa, hindi ako pinayagang bitawan ang account nila kaya wala akong choice kundi makipagmeeting sa kaniya kung kailangan,” I tried to show that I’m not happy dealing with her bagaman sa sarili ko ay may bahagi ng isip at puso ko na masaya sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya kahit madalas ay iritasyon sa akin ang ipinapakita niya.
“Hay nako, Jake. Huwag ako!” masungit na sagot ni Mikee. Nakataas ng isang kilay nito sa akin. “You can’t fool me. Hindi mo nga halos maisara ‘yung bibig mo nung unang meeting natin sa kanya eh. Tulo laway ka,” Napatawa silang mag-asawa sa kalokohan niya.
“Nagulat lang ako na makita siya ulit pagkatapos ng ilang taon,” Pagtanggi ko pero muli lang nila akong pinagtawanan.
“Halata ka masyado, dude,” Ani Oliver na napapailing-iling pa sa pang-aasar sa akin.
“Pinagsasabi ninyong mag-asawa? Hindi ako apektado sa kanya,” Muling pagtanggi ko.
“Talaga? hindi ka naaapektuhan kahit madalas kayong magkikita at magkakasama?” Pamimilit pa ni Oliver. Mag-asawa nga sila. Parehas bwisit.
“Tss! Kahit ngayon pa!” Pilit na pagyayabang ko.
“Andeng?” Mikee exclaimed. Akala naman niya maloloko niya ‘ko. Galingan mo ang arte, Mikee.
“You said you won’t make it,” masayang aniya at tumatagos ang tingin sa likuran ko.
“I cancelled my appointment. Ang dami kong utang sa inaanak ko eh,” My body stiffened upon hearing that voice, her sweet voice.
Dahan dahan akong napabaling sa likod ko at parang may nagtatakbuhang mga kabayo sa dibdib ko sa lakas ng pintig nito. She’s here. She’s really here. Napakaganda ng ngiti niya nang salubungin siya ni Mikee. Nagtama ang mga mata namin at bahagya siyang ngumiti na sa akin na lalong nagpakabog ng dibdib ko.
“Tsk, tsk! Hindi pala apektado, huh?” Narinig kong sabi ni Oliver.
“You know what dude? Huwag pride ang kainin mo, masakit ‘yan sa puson. Pfft!” Tukso pa nito nang akbayan ako at tapikin ng marahan ang balikat ko. Siniko ko siya sa lakokohan niya at bahagyang siyang napadaing. “Gag*!,” tanging naitugon ko sa kanya. Muli siyang bumalik sa pag-aayos ng mga lamesa at sumunod na din ako. Ngunit bago ‘yun ay sandali kong nilingon ang dalawang babaeng papasok na sa loob ng bahay. Relax, Jake.
Author’s Note:
Super sorry for the slow update. Katulad niyo ay may iba din po akong pinagkakaabalahan. Pero sobrang Thank you! sa pagsubaybay sa mga kwento ko. I’m trying my best to update regularly tulad sa Stay the Night na daily updates talaga. Nabibusy lang po magpaka- nanay at mapaka ulirang empleyado lately kaya nababawasan ang updates. Kaya konting patience po :)
DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents either are products of the author’s imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.